Backpack

Saan ka pupunta ha? Tatakbo ka pa?

Boses iyon ng gagong tambay sa kanto na walang magawa kundi mag-amok at magyabang habang bitbit niya ako at lulutang-lutang nang mahawakan niya ang backpack ko. Pakiramdam ko noon, ako si Donatelo; ang alaga kong pagong, kung paano ko ito hinahawakan sa kanyang likod at tinuturuang tumakbo ng matulin. Sa twing hahawakan ko kasi siya sa bahay niya ay papalag ang kanyang paa na mistulang tumatakbo, subalit may kung anong hiwaga ang lupa na sakaling masayaran ni Donatelo ay nag eenjoy siya at nagpapabagal sa kanyang paglalakad.

Aray ko!

Reaksyon ko sa pagkutos niya sa ulo ko. Mayabang talaga ang adik na yun.

Saan ka pupunta, pengeng dalawang piso? Nasan ang dalawang piso?

Madalas niya akong mapagtripan at hingan ng pera pero sa pagkakataong iyon ay handa ako, bumunot ako sa bulsa at sabay wika

etong dalawang piso mo

sabay hagis sa mukha niya ng buhangin mula sa bulsa ko.

Nabitawan niya ako at syang pagkakataon ko namang tumakbo. Nilingon ko pa siya at nang makita kong hindi siya makakita at humihingi ng saklolo ay bumawi pa ako ng sigaw

Saklolo mo mukha mo, sabay pukol ng bahagi ng basag na paso na madalas ay gawing pangguhit sa patintero o piko, tumama ito sa noo niya. May kung anong lakas ng loob ang naipon sa akin at sumigaw na naman ako ng

Gago ka! Pakyu! Pakyu! Tirador ng tutong!

halos lumitaw ang litid ko kakasigaw, ipit na ipit ang boses ko na namamaos. Punung-puno ako ng emosyon noong mga oras na iyon. Para akong si David na nakapatid ng Goliath na adik. Nang napansin kong nagkakamalay-hayop na siya,  saka ako kumaripas ng takbo.

Iyon ang huli kong kita sa kanya.

Nang sumunod na araw, lumipat na kami ng bahay. Natakot ang inay dahil daw adik ang tinalo ko at gigripuhan daw kami nun kaya payo ng mga kapitbahay namin ay bago pa pumutok ang mga bituka at leeg namin sa saksak ay umalis na kami  sa pagputok ng araw.

Ganun ko nabago ang buhay ko, ng buhay ng pamilya namin. Kailanman, hinding-hindi ko iyon pagsisisihan. Kung may isang dahilan kung bakit ako nalungkot; ito ay nang makita kong napigtal ang backpack ko dahil hindi ako kinaya nang hawakan ito at iangat ng adik na tambay na yun.

Sabi ko sa sarili ko, hindi na kami kailanman titira sa ganung lugar. Gagawa ako ng paraan para makalayo, makikipagsapalaran ako kahit saan magkaroon lang ng matiwasay na buhay.

Kasa-kasama ko sa pangarap kong iyon ang aking backpack.

Nakapagtapos ako ng pag-aaral, nakailang backpack na rin; sa wari ko’y kasya ang kwento ng buhay ko sa gayung bag. Sa t’wing aalis ako, pupunta sa isang bagong lugar o may importanteng mangyayari sa akin, sinisilid ko ang mga kwento at aral ng buhay ko sa backpack.

all passengers bound to Manila, please proceed to gate number 7

Dala ko na naman ang panibagong kwento sa mga kaibigan ko pag-uwi. Kwento ng mga sakripisyo at aral na natutunan ko dito sa ibayong -dagat. Kasama ng kaunting ipon upang matapos na rin ang bahay na pinapagawa ko. Sa pagkakataong ito, nakapili ako ng magandang lugar; doon sa walang adik na tirador ng tutong!

Mahirap maging OFW, sa gitna ng kalungkutan at pagkahomesick, lumalabas na lang ako, parang si donatelo. Mabagal na naglalakad sa kalsada ng ibang bayan. Sa oras na bitbitin ko ang backpack, simula iyon ng paglalakad, pagmamasid sa paligid. Wala akong oras na sinasayang, nasa ibang bansa ako, may ibang kultura, may ibang kwento. Sinusubukan kong isilid lahat ng iyon sa aking alaala – sa backpack na bitbit ko.

Ganito ang naging buhay ko, aalis at babalik sa Pilipinas; dala ang backpack, sa zipper nito, nakakabit ang aking pangalan na nakadisenyo sa id na may tatak ng watawat ng Pilipinas.

Ito ang aking pagkakakilanlan; marami kaming ganito sa airport, male-maletang alaala at kahong kahong pangarap na binibitbit at inuuwi para sa mga mahal namin sa buhay.

——————————————————————————————————————————————————————-

Patalastas
1. May isa pa akong bagong blog : www.bernardumali.blogspot.com.
2. Maaari pa kayong sumali sa Saranggola Blog Awards. Hanggang Agosto 31 pa ang pagpapadala ng entry.
3. Ang Sonshine Radio ay magkakaroon ng patimpalak sa pagkanta, sa mga interesado. Mag Audition na!
4. Makiisa sa aking let’s paint the blogworld yellow or sa campaign ni Barrio Siete na Touch a Blogger: Tie a yellow Ribbon for Cory Aquino.
4. Sa mga naghahanap ng trabaho, ang DMCI Homes (kung saan ako nagtatrabaho) ay naghahanap ng technical, non technical position at maging mga sales agent positions. I click lang ang picture sa ibaba sa mga nais mag apply.
dmci homes
Advertisements

27 comments on “Backpack

  1. naks naman. masyadong madamdamin ang kuwento mo. although nakakaawa ka naman noon… na ginaganun ganun lang nung hinayupak na adik na yun. haiz. buhay nga naman. kailangan ata talaga madapa ka para matuto kang bumangon ulit.

    pare. bisita ka naman sa blog ko. naghahanap ako ng kaibigan…

  2. ..na tats ako kuya. hehe. ahhhhm kaka antig talaga.

    ..fave ko sa lahat ng klase ng bag ay ang backpack. 😉 baket? dahil timbang ang bigat sa magkabilang balikat. konek? wahaha.

  3. nICE NAMAN nito..

    una inaabangan ko baka lumabas si dora at yung backpack.

    Kaw nga naman..

    adik yun.

    tama na na ako lang ang adik. heheheh

    pano kaya magripuhan sa tagiliran? ehehhehe

    sana ma meet ko si donatello. papakiala ko kay leonardo.

  4. so inspiring naman…. ako din may backpack… hindi lang backpack body bag, shoulder ba, belt bag, hand bag at lahat yun may laman ng sari saring kwento. May masasaya, may malulungkot lahat yun dala ko para maging mas matatag ako. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s