Plate Number

Sa Makati kami naghiwalay, pauwi na siya ng Cainta, at ako naman sa Las Pinas. Nilabas ko ang phone ko noon, ito yung phone na binigay nya rin sa akin. Ugali ko na kasing isave sa draft ang plate number ng taxi. Second hand phone yun. Binili daw niya sa messenger nila. Nangangailangan daw kaya nang ialok ay kinuha niya na. Gamitin ko na lang daw, nilagyan niya rin ng sun sim para mas madalas at mahaba ang aming kwentuhan.

Mahirap talagang kumuha ng taxi papuntang Cainta at gayundin, mahirap kumuha ng papuntang Las Pinas. Parehong dulo ang aming mga inuuwian. Kaya naman madalas ay hindi kami agad makakuha ng taxi.

Pumasok na ako ng opisina kinabukasan. Lunes iyon pero gaya ng ibang kumpanya, simula pa lang ng linggo, deadline na agad ang pinag-uusapan.

Nakahinga sa unang araw, nakauwi at nagbukas ng Facebook..

Is having dinner with Blue.

Iyon pa rin ang status message. Kahapon pa iyon, nung magkasama kami at nag-a-update ng facebook at twitter. Sabi niya, mawawala siya ng sandali, mag-iisip at itetext nya ko pag may desisyon na siya. Maghanda daw ako at susunduin niya ako pag nagtext na siya. Pero  Wala pa siguro siyang desisyon.

Sumunod na araw, tumawag ako sa cellphone niya pero cannot be reached. Nagtext din ako kaso wala pa ring reply.

Mag aala una ng hapon ng isang tawag ang natanggap ko. Hinahanap si Jane ng kanyang kapatid. Nawawala si Jane. Sabi ng pamilya niya, ako daw ang huli niyang kasama. Minsan kasi sa dorm siya natutulog, kaya naman inisip nilang andun siya. Nag leave ako agad at hinanap namin siya pero hindi talaga namin mahanap. Naalala ko na nasave ko ang plate number ng taxi.

Hinagilap namin kung kanino at saan nakarehistro ang taxi. Natunton itong nakatiwangwang sa isang carpark sa Taguig.

Apat na araw ang nakalipas, isang tawag ng pulis ang aming nakuha. Nakita ang kanyang katawan na nasa masukal na lugar sa isang bayan sa Cavite. Wala ang pera, wallet at celphone nito. Wala na si Jane.

Nadakip ang driver nito makalipas ang dalawang araw. Natimbog din ang dalawa pa nilang kasama. Umamin ang mga ito na sumakay ang dalawa pang lalaki sa C5 at saka tinutukan si Jane, pinagwithdraw at matapos magtangkang tumakbo ay saka pinaputukan. Nataranta sila at saka naghanap ng lugar kung saan siya pwedeng iwan.

Ganun kadali ang buhay para sa mga holdaper na yun. Kulang ang buhay nila kahit habambuhay nila itong pagdusahan sa prisinto.

Naging ugali ko na nag pagsesave ng plate number. Malaking bagay pala iyon.

Mag-aapat na buwan na, habang nasa opisina ako at nagbabasa ng isang online newspaper, napansin ko ang isang balita; isang taxi ang diumano’y nawalan ng kontrol at rumagasa sa mga bahay sa tabi ng daan. Wasak ang mga bahay at patay ang driver nito. Sa tingin nila ay inaantok ang driver. Familiar ang plate number na iyon. Naalala ko ang taxi na sinakyan ko kagabi, nakasave sa draft ang plate number at ito nga iyon. Laking kaba ko ng maisip na nakaligtas ako sa disgrasya. Naalala ko pa ngang inabutan ko ng kendi at kinuwentuhan ang driver dahil napansin kong inaantok na siya. Pero hindi ako mapakali, kinontak ko si Ben. Siya ang nakilala ko sa  LTO noong nakaraang hinahanap namin si Jane.

Tinawagan ko siya at pinaverify ko ang plate number. Confirm, ito nga iyong naaksidente kagabi. Ibababa ko na sana ang phone subalit may ilan pang nakasave sa draft, mga plate number ng taxi na nasakyan ko. Pinaverify ko rin, isa-isa, at ang lahat ng ito, pawang wala na. Naaksidente sa daan. Nabunggo ng trak, nahulog sa tulay, biglang nasunog, tumaob sa daan, napatay ang driver at may nahold-up .

Namutla ako sa nalaman ko. Nagtataka si Ben kung bakit may ganun akong record ng mga plate numbers. Sabi ko wala. Viniverify ko lang, mga plate number na nabasa ko sa dyaryo, yun lang kunyari ang paliwanag ko. Agad kong binaba ang telepono at umuwi.Malakas ang ulan, kumuha ako ng taxi. Maya-maya ay isang text ang natanggap ko, familiar ang number, sabi niya:

parating na ko, hintayin mo ko.

Nakaalis na ko, whos this?

Reply ko naman

Hindi siya agad nagreply.

Nahihilo ako sa taxi. Kinabahan ako. Mabilis ang takbo ng taxi, Malakas ang buhos ng ulan.

Kinopya ko agad ang plate number sa gilid ng pinto, sa may baba ng bintana ng taxi at sinave ko, sa kaba ko ay pinadala ko rin kay Ben. Nasave ko ang plate number! Biglang  tumunog ang cellphone ko.

1 message received.

Binuksan ko ang message.

Jane

Advertisements

38 comments on “Plate Number

  1. base!hahaha

    syet parekoy kinilabutan ako dun. syet talaga.

    at san mo naman nakuha yang idea na yan?ang galing ha!

    ako rin minsan nagsesave ng plate number ng taxi pag madaling araw ako umuuwi, mahirap na.

    asteeg.wow.hindi ko kayang gumawa ng mga istoryang ganito.

    ulit, ang galing mo. :p

  2. ako madalas nagmeme-morize ng plate number habang nakasakay sa motor…or habang nagta-travel. mabilis ako maka-memorize ng plate numbers..un agad hnahanap ko pagsakay ko ng FX or taxi. precautionary measure ko un kasi I used to work on GY shifts. Mabuti na sigurado. You’ll never know talaga when you’ll meet deadly drivers.

  3. may mga taxi na nagbibigay ng paper kung saan nakasulat don ang name ang plate no ng taxi sa paradahan pa lang lalo na kapag gabi, pero mangilan ngilan lang sila. Mag ingat yan ang kailangan.

  4. Nakakatakot naman tong post mo grrr…teka pwede ‘tong istorya sa isang horror japanese film lol…teka ano naman ang working title?? ‘plate number’ wooooh!!! tinakot ko sarili ko yay.

  5. Blue… ganda… kakatakot nga lang, kaysa manakot ka idaan mo na lang sa blog, mas maganda ang effect.. wow may talent ka talaga.. 🙂
    pero wait lang… isa pa..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s