The Music of the Night

Sa araw na ito, agosto 8, 2009, pinadadaloy ko ang aking isip kasabay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.  Nagkataon sigurong singlungkot nito ang pakiramdam ko.

I.

Kanina sa Figaro, habang nagkukwentuhan tayo, napapako ang tingin ko sa kawalan. Hindi ako inaantok, naiisip ko lang, sa dami ng mukhang nagdaraan, masasaya at nagsasayaw, sinasaliwan ang musika  ni Flo-rida, bakit dito nga ba tayo pumwesto, bakit hindi sa Ice Vodka Bar o kaya ay sa Bed Space.  Mas pinili nating magkwentuhan, wala na ba talagang appeal sa tin ang sayawan, ang laserlights?

II.

Kasi nga siguro 2009 na. 29 na tayo. Halos magkakasing edad tayo pero hindi tayo magkasundo kung anong year tayo pinanganak. Alam ko year of the monkey hindi sheep. Nung tinanong tayo ni DAME kung ilan taon na ba tayo, sabi niya “naku, mag ku-quarter life crisis na kayo.” Sa tingin ko wala pa naman tayo nun. Pero ano ‘tong mga pagpitik na lungkot?

(Refrain) Dahil siguro dinatnan kong marumi ang kwarto, na tambak ng gamit at walang panahong maglinis. Na naluluma ang bahay at wala akong pampagawa. Na nagtataxi ako sa halip na nagmamaneho ng sariling sasakyan, na gigising na naman ako para pumasok sa isang diploma course na sana ay hinahabaan ko ang tulog ko pag Sabado. At isang araw na magpapahinga kinabukasan at maglalaba, mamamalantsa at matulog ng bahagya para sa isang linggong trabaho. (Repeat Refrain)

(Chorus) Dahil haharap ka sa salamin at makikita mo ang sarili mong hindi na bata. Habang tumatanda, mas lalo kang natatakot sa lumalaki mong responsibilidad at lumiliit mong oras. Kumikita ka kasabay ng paglaki ng butas ng iyong bulsa. Mas marami kang pagpipilian, mas komportable sana ang buhay subalit hindi ito basta-basta lang binibigay. At magtataka ka kung bakit agad napapagod sa kabila ng pagnguyab mo ng samu’tsaring supplement at herbal medicine. Hahawakan mo ang iyong pisngi at dadamhin kung totoo nga bang nagaganap ang sandaling ito.

III.

May life insurance ka na, may rider pang accident / medical insurance at hindi makukuntento ang ahente mo at lalapitan ka na naman para sa memorial. Mapangahas kang tatanungin kung cremation o burol at saka malalaglag ang kanyang panga pag tinanong mo siya kung makukuha mo pa rin ang memorial plan kung suicide ang cause of death. Una-unahan lang yan, kung hindi mo ko tatantanan, unahin na kaya kita? Sagot ko na palibing mo, anyway pwede namang iassign yang insurance na binebenta di ba? Nagbibiro lang po (repeat refrain, up to you when to fade, then chorus while clapping 3X and then stomping your feet 3X)

IV.

At matatahimik tayong tatlo. Alam ko ang iniisip natin. Bakit nga ba tayo ang magkakasama? Walang magsasalita. Sa loob-loob natin, matutuwa tayo dahil may pagkakataong manahimik, mag-isip. Minsan lang ang ganito; makahanap ng kasama na hindi ka mag-aalala kung sakaling hindi kayo nag-uusap dahil batid ninyong hindi isyu iyon. Kilala nyo na ang isa’t-isa, nauunawaan ninyong may tanong ang puso ng bawat isa; gaya ng…

Bridge:

Kumusta na kaya siya? Bakit kaya hindi ko siya kasama? Masaya kaya siya? Kung naging kami kaya? Parami ng parami ang tanong habang hindi nababawasan ang kaya? Tapos maiisip mo, pwede kayang isa sa mga nagdaraan dito ay nakatadhana para sa’yo? Pwede bang hilinging magbiro sana ang tadhana at madapa ang aking kapalaran, dito mismo sa harap ko? At magigising ka sa pangangarap nang patayin ang ilaw, mag-uumaga na pala. Bago umuwi, dadaan ka sa washroom  (Repeat Chorus except last sentence)

At magpapasya kang basagin ang salamin.

35 comments on “The Music of the Night

  1. ilang beses ko pinindot ang refresh button. isa, dalawa. wala pa ring nag ko comment. sabi ko sa sarili ko, kailangan ko ba mag comment ng kahit ano para mauna? hehe. ayun, may apat na nagcomment sa huling refresh ko.

    sa edad na 23, nakakaramdam ako ng lungkot. naiisip ko na ang pag-ikot ng mundo na ang pag-ikot ng panahon ..

    [hm, sarap ng apple..]

    lahat tayo ay walang kawala sa panahon. lahat tayo tatanda. lahat tayo parang isang alikabok na bigla na lang mawawala.

    [hm, isa ito sa pinakamatagal kong comment ah..]

    minsan gusto ko lang gumising na nasa ibang mundo na ako. ibang plane of existence.

    kelan kaya yun.

      • oo, ibang plane of existence. hindi ka ba nagtataka kung saan talaga tayo napapadpad kapag nasa state tayo ng sleeping and awakening? kaso part of our metaphysical aspects lang ang tanging nakakatravel papunta doon. paano kung mag exceed ang theta waves na napro produce ng utak natin at isama ang ating mga physical bodies papunta sa isang other world-slash-dimension not shared by the common reality ng mga tao dito sa peripheral ng earth.

        pag nalaman mo kung paano o kung alam mo na, sabihin mo sa akin. yay.

        ganito yun. hindi pa ako nakakapunta doon pero ang process ay ganito. isipin mo na ang earth ay ang pader ng kwarto mo.. paano tayo pupunta doon sa likod ng pader na iyon?

        lalabas pa tayo?

        paano tayo lalabas ng earth gamit ang pinakamabilis na paraan sa pinakamadaling proseso na kayang i-handle ng human body?

        paano kuya bernard? yay. basta dapat sabihan mo ako pag nalaman mo!

  2. a…

    kuya bernard..

    nagka goosebumps ako
    habang binabasa ko to..

    di ko alam kung bakit.

    may kung ano man d2 sa post na to.
    siguro

    ayaw ko lang madagdagan ang edad ko
    kasi responsibbilities.
    nako!

    nako!!

    pero naaliw ako lalagyan ko nga ng tono to
    para makanta ko
    at maibahagi sa mga bata

  3. Nagustuhan ko yung bridge. 🙂

    Nagulat ako at nakikinig ka pala ng astrud gilberto songs, one of my favorites ko kase yan at yung certain sadness na song..hmmm sarap magmuni-muni hehe..Agua de Beber is my favorite.

  4. Tapos maiisip mo, pwede kayang isa sa mga nagdaraan dito ay nakatadhana para sa’yo? >>

    i like this!masyadong pulido ang pagkakagawa mo ng kanta.kelan ang release ng cd mo?

    kuya bernard,this made me realize that i’m not getting any younger too. yeah, i have worries and doubts about my future.sino bang wala?pansin ko rin tumatanda na ko.and this reminds me, bakit nung bata pa ko, excited ako tumanda. ngayong matanda na ko, gusto ko bumalik sa pagkabata. sigh.

    and remember, growing old is cumpolsary. growing up is a choice.

  5. ..ahhhhhhm pilit kong nilalagyan ng tono. hehehe, para kong timang. bwahahah! 😉
    ..serious, ahhhhhm ayus to kuya. kakaiba. basta.
    ..apir! 😀

  6. sino kasama mo sa Figaro? daya di ako sinama.

    Nyahahahaha tama na pag mumuni-muni, tumatanda ka na pero hindi ibig sabihin nun na malapit na yung inaasahan mo..

    tagal pa nun..

    mukha ka pa rin naman bata.. burger! burger! burger! lols.

    kaso naisip ko lang.

    kung gagawin kayang literal na kanta ‘to,

    ilang minuto kaya?

    Nyahahahaaha

    parang novena

    try.

    Kanina sa Figaro, habang nagkukwentuhan tayo,… (hamen)
    napapako ang tingin ko sa kawalan. (hamen)

    Nyahahhhah di bagay.. toinks. 🙂

    e kung i-rap na lang kaya…

    Kanina sa Figaro, habang nagkukwentuhan tayo! yeah!
    napapako ang tingin ko sa kawalan. Rock & roLL! (puwede!)

    NYahahhahaha 😀 ako lang natawa.

  7. aw ayos.. sakto yung tugtog na umaandar sa mp4 ko AND I LOVE YOU SO BY PERRY COMO..

    TOINKS…

    LOOK LIFE IS BRIEF..

    AYun lang…

    oh, but love is there, that is my relief.. hehehe

    sakto lang sa mid quarter crisis na binabasa ko ngayon. hehehe

    basta..

Mag-iwan ng tugon sa joan Pindutin ito para bawiin ang tugon.