Para Bukas

Kung sakaling mababasa nyo ang liham na ito sa panahong malayo na ang unang dekada ng taong 2000  o sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, at kung nangangailangan kayo ng makakausap kung paanong sinasabi ng kasaysayan na kami ay  nagpabaya at hinayaan ang gayong kasalahulaan sa aming kalayaan, mga bayani at moral; nais ko sanang magpaliwanag.

Ganito kami mag-isip, ganito ang aming bayan. Ang panahon namin ang pinakamasarap na panahon sa kasaysayan ng bansa!

1.Watak-watak ang aming bansa. Hindi lang sa pagitan ng mahirap at mayaman; maging mga institusyon ay hindi nagkakaisa gaya ng simbahan, civil society, business club, pulitiko at kahit ang masa; sa pagitan ng kapuso at kapamilya.

2. Hindi kami interesadong makinig sa aming mga pinuno, batid naming karamihan sa kanila ay walang sinasabing tama.  Pacute lang at wala naman talagang paki sa amin. Nasa sistema na ang korupsyon. Tinatanggap namin ito. Walang malinis na pulitiko.

3. Pagod na rin  kami sa mga nakikita naming kilos protesta sa lansangan. Dagdag sila sa traffic, dagdag sa sakit ng ulo. Marami sa kanila ay ginagamit rin lang, kapag nakapagtapos at nagtrabaho ang mga iyon, maninilbihan din yan sa mga kapitalista; nangunguna pa sa pagsipsip at pakikipagpatayan makamit lang ang posisyon.

4. Wala sa lansangan ang pakikipaglaban, wala rin sa kongreso. Darating na lang yun, hindi  nga lang dumating sa panahon namin. Siguro sa panahon nyo. Sa ngayon, status quo muna. Mahirap ang magulo kahit nawawalan ng pasok. Anyway, marami namang holiday, sapat na iyon.

5. Gusto naming sumikat at mag artista.  Naroon ang pera. kailangan mo lang magpapansin. Salamat sa youtube!

6. Naniniwala kami sa Mafia sa pulitika. Lahat ng organisasyong nabubuo; kontra man o kaalyado ay magiging kaisa dahil may katapat silang pera.

7. Si Cory ang kahuli-hulihang mabuting pilipino. Ang kanyang libing ay mistulang libing ng aming diwa. Paalam sa bayan ko.

8. Ang pagboto ay isang negosyo. Pampalakas ng ekonomiya ng bansa. Sa mga kabataan, ito ay isang kaganapang dapat i-blog, ipaskil sa iba’t-ibang social networking para -in. Para may mapagkwentuhan. Statement nga namang mapabilang sa mga grupong may pagmamalasakit sa bayan. At makikita iyon sa pagsuot ng mga dog tag, t-shirt at pagpapa id sa kung sinu-sinong grupo na hangad ay kumita.

9. Kailangan naming makatapos ng pag-aaral dahil sa diploma at hindi sa natututunan. Alam naming marami sa aming pinag-aaralan ay walang kabuluhan. Requirement lang. Ang totoo, kung hindi ka nakatapos, maaari ka rin namang magkatrabaho, minsan mas malaki pa ang kikitain mo. Pwede kang mag call center at syempre : mag artista!

10. At syempre abala kami sa tatlong F : friendster, facebook at f*cking.

Kung hindi totoo ang mga sinabi ko; patunayan mo.

Advertisements

46 comments on “Para Bukas

  1. base ba ako dito?

    natawa ako ako sa 10 ha,

    hindi yan tototo! hindi na ako abala sa friendster doon lang sa dawalang F na sumunod. Nyahahahahahaha 😀

    lam mo parekoy, may pagka Nega. itong post na ito ha.

    marami pang botohang magaganap at naniniwala akong marami pang pagkakataong makahalal tayo na may puso at diwa para sa bayang inalayan ng dugo ng aking mga ninuno at bayani.

    mag enervon ka! wag kang aayaw!

    hehehe.

    habang ang lahat ng tao ay may kalayaan pang magpahayag at maghayag tulad ng ginagawa mo, habang may mga tao pang dumadaing -ibig sabihin noon may nararamdaman pa sila at hindi pa sila manhid kaya anupa’t balang araw lahat sila/tayo ay mamumulat sa katotohahan na kaya pa nating marating ang pagbabago.

    keep dreaming parekoy 🙂

    nandyan pa si Bro! 😀

  2. May pag-asa pang nag-aantay para sa atin, wag tayong bibitaw at aayaw..think positive!!! (100x)

    Sabihin na nating may mga tama sa mga sinabi mo mula bilang 1 hanggang 9 pero ang bilang huli na 10 ay walang katotohanan sa akin hahaha..2 hours na nga lang ako sa facebook eh kase naman si verdell ang kulit sa pet society tapos si dingdong d. naman sa yoville matatapos ko na level 35 na kaya ako?!!! enough na mayaman na ako sa mga zynga games na yan..fucking? hmmm..oo.

  3. Friendster lang ang meron ako, parang nakita ko ang sarili ko sa mga sinulat mo, ang galing galing, pero ang unang talata, buo ang bansa at hindi watak watak, madumi lang…

    Day II na ng boracay adventure ko, halika ipapasyal na ulit kita…

  4. wah approve lalo na yung last na F wahhh approve approve approve pero dito po sa aming kumpanya araw araw po election grabe pulitika hehehehehe

  5. sana lahat ng blog na napupuntahan ko ganitong may sense ang sinasabi. inaamin kong hindi ako madalas mag-comment higi’t lalo kapag walang kakwenta-kwentang post lang ang laman ng blog.

    pero sa post na ‘to, napabilib mo ko parekoi.

    sana may kasunod pa…

  6. 1.Watak-watak nga. dalawa lang ang nakapag-unite sa mga pinoy sa taong ito: boxing match ni manny at burial ni cory. kung nanalo sana tau sa miss universe, magkakaisa na naman sana tayo.

    3. Pagod na rin kami sa mga nakikita naming kilos protesta sa lansangan. Agree! kainis ang mga kilos protesta sa manila. simula noong nakipamuhay ako sa mga raliyista, di na ako umulit na magmartsa. noong tinanong ko ang leader ng rally, sino ang nagpa-fund sa inyo, sabi niya di namin alam. politiko “daw” eh.

    4. Wala sa lansangan ang pakikipaglaban, wala rin sa kongreso. true.

    5. Gusto naming sumikat at mag artista. Naroon ang pera. — ano ba talaga, mag-artista o magkapera?

    7. Si Cory ang kahuli-hulihang mabuting pilipino.— disagree! marami pa, at kabilang ka doon…

    10. At syempre abala kami sa tatlong F — disagree! dalawa lang sa akin! facebook at friendster….

  7. ang galing naman nito!!! sa future may babalikan ang mga mambabasa. at sana masama to sa libro mo. kung hindi man saiyo. pangako! isasama ko sa librong pangarap kong gawin!!

    “Si Cory ang kahuli-hulihang mabuting pilipino. Ang kanyang libing ay mistulang libing ng aming diwa. Paalam sa bayan ko.”

    yan ang pinakagusto ko sa lahat ng nabanggit…

    hayss! galing nito bernard!!

  8. Pingback: My Bloody Comeback | Ax Realm

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s