Extraordinary Bloggers Night!

Napakabilis nang linggong iyon, namatay ang aking tiya at punong-puno ang iskedyul, kaya araw ng Biyernes ay umuwi ako sa Bulacan para dumalaw at nang makarating ako roon, tanghaling tapat (sa sobrang traffic) ay bumalik din ako sa Maynila dahil nga sa aming pinag-usapang GEB ng mga bloggers.  Alas- 7 ang usapan kaya hindi ako dapat mahuli, ako kasi ang nagprisinta ng lugar ( Tivoli Garden Residences), medyo kinakabahan ako dahil baka matraffic sila pero buti na lang at nakarating sila agad sa kabila ng traffic at malakas na pagbuhos ng ulan. Ano pa nga ba ang aasahan sa mga bloggers; sabik na sabik yang mga yan na magkita, akalain mong kahit ako ang punong abala sa lugar ay pagdating ko sa entertainment room ay naroon na sila at nagkakantahan. hahaha ayaw paawat!

Syempre hindi ko ibubuko na kumakanta na si Winkie, Joycee at Mommy Kengkay (nasurprise ako dahil dumating siya kahit hindi nagconfirm, sabi niya wag ko daw sasabihin na nasa Pilipinas siya, yun pala ako pa ang masusurprise sa kanya!)

Medyo hilo ako ng mga oras na iyon sa sobrang tagtag sa byahe.

narito ang mga kuha ko na hilung-hilo rin

september 4, 2009 529Nakapwesto na si winkie at joycee

september 4, 2009 537ang hamster, gusto atang isayaw si mommy kengkay

september 4, 2009 540at biglang dumating ang mga MIB (Makukulit at Intrigerong mga Bloggers hehehe)

september 4, 2009 541may kung anong magic si mr. poseman at pati dito ay siya lang ang nakuhaan (peace alvin!)

september 4, 2009 544hindi pa kami lashing, malabo lang mata nyo

september 4, 2009 566aliw na aliw si yhen sa talent ni otep

kaya niyang paikutin ang ulo niya ng 30X in 1 second

september 4, 2009 555syempre nainggit si jason sa talent ni otep kaya bigla siyang naging hamster, hindi lang nakuhaan ng camera sa sobrang bilis, ang proof ay ang takot ni Rye na mababakas sa pagtayo ng kanyang buhok!

september 4, 2009 571nang muling magpakuha ng pix ang 4daboys ay nagalit ang camera

september 4, 2009 574hinigop sila nito ay initsa sa penthouse

september 4, 2009 590agad kinuwento ni alvin ang pangyayaring iyon kay Tsi na nasa Batangas

september 4, 2009 600habang nangyayari iyon ay pinag-uusapan naman sila sa baba!

september 4, 2009 601hindi naman magkandatuto si eli at mar sa talent ng mga babaeng kayang magsalita ng 250 words in 1 second.

september 4, 2009 605sa awitin ni bon jovi lalong yumanig ang paligid, tanging si Lei lang ang hindi natitinag!

september 4, 2009 612hindi pumayag si joycee kaya dali-dali itong naghanap ng kanta para i challenge ang ngumangawang si hamster,

actually, naghanap lang ito ng makakain!

september 4, 2009 624

at nagutom ang mommy at ang pating

september 4, 2009 637kaya naman to the rescue si rye at namigay ng tsokolate!

september 4, 2009 656nang makakain na ang lahat ay nahimasmasan na rin sila.

Ang totoo, bago ang camera kaya pinag-aaralan ko pa hehehe. Ang mga picture na maaayos ay naipost na nila. puntahan nyo na lang ang mga links ng ating mga ka-blog!

winkie. joycee. yhen. kengkay. lovely. jason. alvin. ax taympers. rye. otep. eli. lei at 2 special bloggers na ayaw pakilala.

Hanggang sa susunod na pagkikita!

Advertisements

50 comments on “Extraordinary Bloggers Night!

  1. waw wala ako sa pics”

    hahahaha”si mb nandyan sbi nila sa blog nya. tignan mo.
    sabi nila si mb at si wolf daw ay iisa.
    kainis mukhang
    naisahan taung lahat ng lokong butiking yun ah..

  2. waaah! nakakatuwa yung mga photos! panalo! awts. awts. huwaw, sobrang na overdose ako sa blurred!

    ang sarap, parang nasa mataas na lugar lang at misty ang paligid.

    panalo. the best post (pose) ito sa lahat ng UEB artic!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s