Kahawak-kamay

Wala naman talagang paliwanag kung ano ang pag-ibig.

Hindi siya kemikal na hahalo sa isip para guluhin ito at hindi rin siya isang simpleng emosyon.

Minsan gusto kong isipin na isa siyang espiritu, yun bang parang basta ka na lang sinaniban.

Mawawala ka sa sarili mo. Para kang nakadroga. Lutang at high na high. Nakangiti, biglang magiging inspired sa trabaho, walang pakialam sa iba na para bang ang mahalaga ay yung ngayon. Yung nararamdaman mo ngayon at bahala na bukas, bahala na kung ano ang iniisip ng iba dahil nga ang mahalaga ay yung nararamdaman. Alam mo kasing pambihirang mangyari iyon, na maiintindihan ka nila dahil inlove ka, na pwede mong gawin ang gusto mo kasi nasa espiritu ka ng pag-ibig. At pag nagising ka at wala na siya, natauhan ka at natuklasan mong tapos na ang lahat – back to reality ka. Syempre hindi ganun kabilis dahil iiyak ka muna, nasaktan ka kasi. Ang dulo naman nun, no regrets, kasi nagmahal ka. Again, idadahilan mo sa pag-ibig – kasi nga nagmahal ka. Magpatuloy sa pagbasa

Isang malaking SALAMAT!

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala… hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.

Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.

Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

Sa lahat ng sumali : Magpatuloy sa pagbasa