Kahawak-kamay

Wala naman talagang paliwanag kung ano ang pag-ibig.

Hindi siya kemikal na hahalo sa isip para guluhin ito at hindi rin siya isang simpleng emosyon.

Minsan gusto kong isipin na isa siyang espiritu, yun bang parang basta ka na lang sinaniban.

Mawawala ka sa sarili mo. Para kang nakadroga. Lutang at high na high. Nakangiti, biglang magiging inspired sa trabaho, walang pakialam sa iba na para bang ang mahalaga ay yung ngayon. Yung nararamdaman mo ngayon at bahala na bukas, bahala na kung ano ang iniisip ng iba dahil nga ang mahalaga ay yung nararamdaman. Alam mo kasing pambihirang mangyari iyon, na maiintindihan ka nila dahil inlove ka, na pwede mong gawin ang gusto mo kasi nasa espiritu ka ng pag-ibig. At pag nagising ka at wala na siya, natauhan ka at natuklasan mong tapos na ang lahat – back to reality ka. Syempre hindi ganun kabilis dahil iiyak ka muna, nasaktan ka kasi. Ang dulo naman nun, no regrets, kasi nagmahal ka. Again, idadahilan mo sa pag-ibig – kasi nga nagmahal ka.

Minsan tuloy ang sarap maghanap ng may minamahal. Para may excuse ka palagi,  kasi sasabihin mo, hindi pwede naghihintay siya o kaya naman, alam mo naman na may problema kami.

Ano ang punto ko?

Kahit minsan masakit, kahit nakakapagod na, at nababago na ang pagkatao mo at paniniwala; masarap pa rin magmahal dahil binibigyan nito ng dahilan ang mga kabaliwan mo at  ang pagkatao mo na itinatago. Pag nagmamahal ka kasi, mas nagiging malaya ang puso. Mas nararating mo ang hangganang idinidikta ng tao. Mas nakikita mo na marami ka palang kayang gawin gaya ng pag-iyak sa harap ng maraming tao, paghalakhak na kita ang kaluluwa sa iyong ngalangala, malango sa alak o kaya ay maglasing-lasingan, mag-ayos ng sarili at mag instant make over. Kaya nyong paghatian ang natitirang pera sa wallet mo, makipagkwentuhan hanggang umaga at pumasok ng puyat sa katetelebabad at katetext.

Ang sarap makakita ng dalawang taong magkasama at magkahawak kamay. Yun ang statement na nagsasabing hindi  lang sila magkasama kundi magka ugnay din; nagkakaintindihan sila, sinasabi nilang may koneksyon sila gaya ng kanilang mga kamay. Na hawak nila ang isa’t-isa at ipinapakilala nila sa mundo ang koneksyong iyon.

Sana minsan magkita-kita tayo kasama ang mga kahawak kamay natin. Kailan mo ba siya ipapakilala?

Advertisements

28 comments on “Kahawak-kamay

  1. asttttegggggg

    uu tama kuya berns. masarap magamahal tas ung tipong ung mahal mo sobrang naiintindhan ka hehehe

    apir…

    uu nga magkabaliktaran tayo

  2. hay… love is one of, if not the greatest mysteries of the world. akalain niyo bang sinubukan i-apply ni Einstein ang Theory of Relativity sa love… pero kahit ganun, di pa din niya maxadong na-explain.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s