Kung Makikipaghiwalay Ka…

Hindi ko sinasabing normal pero maaring dumating ang pagkakataon na ikaw ang hihiwalay sa isang relasyon. Ang totoo, kung pagbabatayan ang tingin ng mga tao, mas mabuting ikaw ang iwanan kesa sa ikaw ang mang-iwan. Minsan sa lipunan kasi natin, mas madaling maawa at makisimpatya sa mga taong hinihiwalayan. Pero sabi nga, bakit ka patatali sa isang relasyon kung hindi ka naman talaga masaya.

Kung may sapat ka ng lakas ng loob at wala kang paki sa sasabihin ng ibang tao at sa tingin mo ay nais mong maging maligaya ang iyong puso, ang masasabi ko ay Go! Go! Go!

Siguraduhin lang na nakapagvitamins ka at nagdasal sa lahat ng santo upang hindi ka tablan ng sumpa ng buong pamilya at kafacebook ng iniwan mo.

Gayundin, sundin ang simpleng gabay sa paghihiwalay ng matiwasay

1. Tama na ang linyang it’s not about you, it’s about me. Utang na loob, bumenta na iyan. Bakit ka hihiwalay kung walang problema sa mahal mo, kung totoong ikaw ang dahilan at hindi siya, pa-rehab ka dahil may tama ka!

2. Hindi maiiwasang makipaghiwalay dahil nakabuntis ka at kung may pagkakataon ay siya talaga ang gusto mo. Tigilan ang emotional blackmail. At malinis ka pa ngayon e nakabuntis ka na nga. Lekat!

3.  Hihiwalay ka dahil na fall out of love ka. Kung nagising ka isang umaga at pakiramdam mo ay nawala ang love mo, matulog ka ulit kung paano ka nahiga kahapon. Balikan mo sa pagtulog mo at baka naiwan mo lang ang lintsak na love na nawawala pala sa pagtulog. Akalain mong nawawaglit pala iyon sa panaginip, sana nga ay hindi ka na magising sa paghahanap. Huwag kang babalik hangga’t hindi mo bitbit ang tunay na dahilan.

4. Naipon na. Ang sama ng loob ay hindi alaalang dapat i-scrapbook. Huwag mong ipunin, gaya iyan ng sugat na ayaw mong maging peklat.

5. Napikot ka. Iapply ang magic trick talent sa t’wing wala kang pambayad sa bus o hinahunting ng mga pinagkaka-utangan mo. May napipikot pa ba ngayon? Hello?!

6. Hindi siya gusto ng parents mo. Bwahahahahaha! And so? Kelan pa natuwa ang magulang sa manugang? Sumpa iyan sa mundo, ngayon kung hindi ka tao, maiintindihan kita.

7.  Kung nananakit naman siya, huwag kang tanga. Go, upakan mo rin, once lang, try lang. Para masaya and fair, rent kayo ng boxing gym, gawing legal ang sapakan. Kasama sa referees decision ang break up. Wagi na sa boxing, maluwag pa sa loob nyo ang hiwalayan.

8. Kung talagang makikipaghiwalay ka, sundin ang grace period. Ayaw mo naman sigurong tawaging hitad? Kung meron kang iba at hindi mapigilan, magpakadiscrete. Huwag kang pahuhuling naglalakad sa kahabaan ng campus o sa opisina at holding hands and pasway sway dahil siguradong magsu sway lahat ng leeg nila sa paghabol ng tingin sa inyo. Pabida ka?

9. Pumili ng bagong term of endearment. Maging creative. Kung ano ang nararamdaman mo sa kanya ay siyang itawag mo. Kung nasa kilig stage palang kayo, tawagin mong sweety or sugar, kung nakafirst base ka na, honey na, kung mahal mo talaga e di love pero kung lust lang, wala ng tawag kalabit agad, sabay hila at hubad! Ngayun kung malilimutin ka, mas mabuti nga sigurong pare-pareho ng term of endearment na lang para hindi ka magkamali ng tawag sa bago mo. Madalas, ang mali-maling tawag ang dahilan ng away ng magjowa.

10. Siguraduhin din na wala kang utang sa hihiwalayan mo dahil kaso at kahihiyan ang aabutin mo. Matuto sa kaso ni Philip Salvador at Christina Decena o kung medyo bagets ka, im sure kilala mo si Nyoy Volante at Nina. Kung walang nakukulong sa utang, may nagpapakamatay sa kahihiyan.

11. Iwasan ang crowd niya. Lahat ng kilos mo ay sukat. Tanggapin mong sa sitwasyong ito, hindi lang isang tao ang hiniwalayan mo, kundi lahat ng bumuo sa kanyang pagkatao.

12. Kung hindi naging maganda ang inyong hiwalayan, kahit sabi niya ay okay lang at magkaibigan pa rin kayo, at  ikakasal ka, mabuting huwag mo na siyang imbitahan. Kung ayaw mong may umeksena at humagulgol sa kasal mo. Ang totoo, ang okasyong ito ay event ninyong dalawa na ikakasal, hindi lang para sa iyo o sa mga kaibigan mo. Maiintindihan ng tao kung bakit mo siya hindi inimbitahan kesa naman habambuhay mo siyang sinaktan. Huwag mo nang ipamukha sa kanya na iba ang pinili mong iharap sa Diyos.

13. Sana rin ay iba ang pangalan ng bago mo gaya rin ng pagpili mo ng ibang theme song ninyo. Huwag kang pang-asar.

14. Huwag kang magtetext sa ex mo ng blank messages, forwarded na may kahulugan o kaya naman ay I missed you. Dahil kung ako ang makakatanggap nun, hindi kita rereplyan, instead ikakalat ko ang number mo sa lahat ng bus, public CR ng mga mall, mrt kasama na ang public cr ng MMDA!

15. Kung magkasalubong kayo, ngitian mo siya. Kung dinedma ka, ganun talaga pero kung ikaw ang unang pinansin at inisnob mo pa, e talaga namang gago ka. Ikaw na nga ang nakipaghiwalay may gana ka pang mang-asar.

16. Kung magbiro naman ang tadhana at magkasalubong kayo kasama ng present mo, okay lang kung hindi ka niya pansinin at umiwas siya ng daan. Huwag mong sitsitan at tawagin para lang ipakilala ang jowa mo. Ngayon kung malakas ang apog nyo pareho at handa kayong makipagplastikan sa isa’t-isa, ipakilala mo ang ex mo sa present mo without telling him/her your affinity. Pero kung si ex ang nagtanong kung sino ang kasama mo, sabihin mo na rin ang relasyon nyo. Atleast hindi ikaw ang nagbukas ng topic. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit mo siya hiniwalayan. Mahirap makasama ang tanga. Kaholding hands mo na nga, nagtatanong pa.

17. Pag tinanong ka ng iba kung bakit mo siya hiniwalayan, huwag ka ng magsalita. Wala kang karapatang ipagkalandakan ang dahilan, sapat nang makawala ka sa isang relasyong sa tingin mo ay hindi magbubunga ng mabuti sa inyong dalawa. Kung mabuti ang iyong puso, hindi mo siya gagawing masama sa tingin ng iba. Kahit alam mong anak siya ni satanas. Sabihin mo na lang, I don’t want to state the obvious, it so redundant!

18. Okay lang na tanggalin mo ang pix ng ex mo sa facebook o Friendster mo, kung iyon ang makagagaan ng loob mo. Pero hindi naman okay na bigla mong ilagay ang picture ng present mo. Hindi mo utang na loob sa mga kafriendslist mo na iupdate agad sila sa buhay mo. Ikaw ang nakipaghiwalay, parang ikaw pa ang defensive. Huwag mo silang gawing audience. Ang social network account ay para makaipon ng kaibigan at hindi pagmulan ng away.

19. Kung tapos na, siguraduhing tapos na. Maliwanag sa isa’t-isa ang dahilan. Kung humihingi ng sagot sa tanong kung bakit kailangan nyong maghiwalay, ipaliwanag mo ng malinaw. Dalawa kayo sa relasyong ito, gaano man ito kaikli o kahaba, huwag kang selfish. Kailangan nyong matuto kahit minsan ay paghihiwalay ang solusyon. Kung magiging maligaya ka sa paghihiwalay ninyo, hayaan mong maging maligaya rin siya sa pagbibigay ng sagot sa tanong niya. Never leave any questions hanging kung ayaw mong makaabala ito sa future.

20. Madali naman ang makipaghiwalay, madaling sabihin na tapos na tayo, pero minsan ang mahirap harapin ay makita siyang humihingi ng chance – another chance. Mahirap timbangin kung ano ang mararamdaman mo; pagmamahal ba o awa na lang. Kung mahal mo pa rin siya at kaya mo siyang tanggapin muli, pag-isipan mo at pag-usapan ang resolution. Dapat ay matuto kayo at magkasundo. Pero kung wala na talaga, hindi masamang I-turn down ang chance na hinihingi niya. Mabuti ang bunga ng pagmamahal, kung hindi nito binibigay ang kabutihang iyon sa relasyon nyo, walang chance na dapat ibigay. Go on with your life and continue to pursue your happiness.

Sa hiwalayan nasusukat ang maturity ng isang tao. Sabi ko nga, mahirap ang sitwasyong ikaw ang makikipaghiwalay, dapat ay maging magaan ang loob mo matapos iyon. Kung mabigat pa rin, humingi ka ng tawad sa ex mo. Huwag mo ring kalimutang humingi ng pang-unawa sa mga mahal ng ex mo, gaya ng magulang niya. Magandang simulan ang bagong chapter ng buhay mo kung natapos mo ang nakarang chapter ng maayos at may tuldok.

Tandaan palagi, There’s no easy way to break somebody’s heart.

(abangan ang susunod na post… kung ikaw naman ang hiniwalayan)

Advertisements

36 comments on “Kung Makikipaghiwalay Ka…

  1. ay correct! parang ganito lang yan eh.. di bale ikaw ang naloko kaysa ikaw ang manloko… ( motto ko yan)

    theres really no easy way to break somebody’s heart…

    i really like this post 😉

    ay nakooo hihintayin ko yun pangalawang post 😦

    excited na hihi

  2. wow kuya b, mukhang may pinaghuhugutan kang karanasan para mabuo mo ang napakahabang post na to.

    ang natututuhan ko lang sa love is that, ‘LOVE is an EXCUSE for people to get LAID.’ hehe

    hindi para sakin to..pass ako dito. 😀

  3. hiatus ako ngayon.. pero hindi pwedeng hindi ako magcomment dito! actually, pinagpaliban ko lahat ng gagawin ko mabasa lang tong artic na’to! panalo kuya Bernard tong post mong ‘to!

    parang gusto ko na mabasa kaagad yung “Kung Ikaw ang Hiniwalayan.’ Aw, gusto ko marinig yung advise mo sa mga bitter at sa natuwa pa nung hiniwalayan sila! haha.

    teka, may tanong ako.. moderated naman ang comments di ba? pakidelete na lang tong part na’to kung bawal pag-usapan dito. hehe. dumating na ba ‘siya’ nung october o ngayong november pa lang?

  4. Huwag kang magtetext sa ex mo ng blank messages, forwarded na may kahulugan o kaya naman ay I missed you. Dahil kung ako ang makakatanggap nun, hindi kita rereplyan, instead ikakalat ko ang number mo sa lahat ng bus, public CR ng mga mall, mrt kasama na ang public cr ng MMDA!
    (I love this one blue)

    Un lang nauna mo napost ang move one… now ko nabasa ang pwedeng mangyari sa nangiiwan… your pointers are well noted… hahaha…… your really back na… 🙂 nice one… kaya lang ung last part ung song mo. may sumthing… hmmmm

    • yung song? adik, hindi na magiging kayo. sumpa na ang kantang yan para sayo. masaya na siya wag mo ng pangarapin. Kaya yan ang winning piece niya lagi para masanay ka na, hindi ka lang nakahalata. ouch!!! im back – your mean machine hahaha

  5. Padaan po. 🙂

    Nice post Kuya! 😉 Sapul ako dito. wahahaha. 😀

    19. Kung tapos na, siguraduhing tapos na. Maliwanag sa isa’t-isa ang dahilan. Kung humihingi ng sagot sa tanong kung bakit kailangan nyong maghiwalay, ipaliwanag mo ng malinaw. Dalawa kayo sa relasyong ito, gaano man ito kaikli o kahaba, huwag kang selfish. Kailangan nyong matuto kahit minsan ay paghihiwalay ang solusyon. Kung magiging maligaya ka sa paghihiwalay ninyo, hayaan mong maging maligaya rin siya sa pagbibigay ng sagot sa tanong niya. Never left any questions hanging kung ayaw mong makaabala ito sa future.

  6. 17. Pag tinanong ka ng iba kung bakit mo siya hiniwalayan, huwag ka ng magsalita. Wala kang karapatang ipagkalandakan ang dahilan, sapat nang makawala ka sa isang relasyong sa tingin mo ay hindi magbubunga ng mabuti sa inyong dalawa. Kung mabuti ang iyong puso, hindi mo siya gagawing masama sa tingin ng iba. Kahit alam mong anak siya ni satanas. Sabihin mo na lang, I don’t want to state the obvious, it so redundant!

    ehem ako dito

  7. Nakarelate ako sa karamihan sa mga sangkap ng post mo. Tama ang iyong mga punto sa sitwasyong gusto mo ng makipaghiwalay. At sumasang-ayon din ako sa iyong sinabi na ang pagbibigay ng second chance ay dapat ay out of love hindi dahil sa awa lang.

  8. Hihiwalay ka dahil na fall out of love ka. Kung nagising ka isang umaga at pakiramdam mo ay nawala ang love mo, matulog ka ulit kung paano ka nahiga kahapon. Balikan mo sa pagtulog mo at baka naiwan mo lang ang lintsak na love na nawawala pala sa pagtulog. Akalain mong nawawaglit pala iyon sa panaginip, sana nga ay hindi ka na magising sa paghahanap. Huwag kang babalik hangga’t hindi mo bitbit ang tunay na dahilan.

    Ayos to. hahaha.
    As usual, isa na namang PANALO POST….

  9. pwedeng pakipublish sa manila bulletin to… hahhaha..

    12. Kung hindi naging maganda ang inyong hiwalayan, kahit sabi niya ay okay lang at magkaibigan pa rin kayo, at ikakasal ka, mabuting huwag mo na siyang imbitahan. Kung ayaw mong may umeksena at humagulgol sa kasal mo. Ang totoo, ang okasyong ito ay event ninyong dalawa na ikakasal, hindi lang para sa iyo o sa mga kaibigan mo. Maiintindihan ng tao kung bakit mo siya hindi inimbitahan kesa naman habambuhay mo siyang sinaktan. Huwag mo nang ipamukha sa kanya na iba ang pinili mong iharap sa Diyos.

  10. ay nakarelate? hahaha
    teka, bakit manila bulletin? Philppine Star na lang, mas maraming babaeng nagbabasa nun, tingin ko kasi ayon sa survey ng family feud, babae ang mahilig mag trip, ex na nga iniinvite pa sa kasal. E ang lalaki kasi, pag ikakasal, hindi nag iimbita ng ex, baka kasi mapintasan – kasi nga pintasera ang mga babae, synonymous sa bitter. hahahaha
    Uy biro lang. pampasaya lang!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s