Kung Ikaw ang Iniwan

Noong bata pa tayo, kasabay ng pagpapahele sa atin ay ang pagkukwento ng mga fairy tales.  Salamat kay Cinderella!

Masarap makinig sa mga love stories, lumaki tayong pinakilala na makapangyarihan ang pagmamahal. Binabago nito ang buhay, tinuturuan tayong mangarap at umasang pwedeng maging ganun din ang kwento natin.

Actually masarap din magsulat ng love story.  Pero gusto kong mag-ingat, kadalasan kasi, akala natin ang kwento ay tungkol sa pagkakatagpo ng prinsipe sa prinsesa, magsasayaw sila suot ang magagarang damit na bigay ng kanilang fairy God Mother tapos magpapalakpakan ang tao, maghahalikan sila, may magic at natatapos ang lahat sa and they live happily ever after.

Nabentahan tayo ng ganitong kwento. Infact nabenta natin ang ating kabataan sa pangarap, pag-asa at pangako ng wagas na pag-ibig.

Pero may mga gaya mo na naiba ang kwento. Sumubok minsan, nabigo, sumubok ulit, nawala pa rin, at muling sumubok, halos kasal na lang ang kulang pero parang bulang naglaho rin.

Inspired lang siguro si Charles Perrault ng sinulat niya ang Cinderella. Hindi naman niya iniisip na marami ang magkakagusto nito at aabot ng milya-milya at daang taon. Hindi niya sinasadyang mabasa mo ang kwento niya.

Ang masakit ngayon, malaki ka na para ipaghele at patahanin ng mga magulang mo sakaling mabigo ka sa pag-ibig. Hindi ganun kadali ang masaktan lalo na ang iwan.

Kung tutuusin wala namang pinagbago noong bata ka pa at ngayon kung pag-ibig ang pag-uusapan. Madali ka pa ring maniwala. Inosente pa rin ang puso mo. Siguro kasi nga madali kang magmahal. Ayokong isipin na nasa boundary ka ng pagiging gullible at tanga. Isipin na lang nating  ang pag-ibig  mo kasi, – totoo.

Naniniwala ka sa love at maraming naniniwala sayo, nakikidama at nagsasabing you don’t deserve to be hurt that way.

Kaso shit happens. Hindi lang ito sa’yo nangyari. Hindi ikaw ang unang umiyak dahil iniwan, o baka nga hindi lang ikaw ang unang pinaiyak niya sa dami ng kanyang iniwan.

Alam ko marami kang tanong, pwede nating pag-usapan kung ano ang nararamdaman mo, kung nasaang estado ka ngayon at kung  bakit mo nararanasan yan.

Isa-isahin natin.

1. Kung umiyak ka o patuloy na umiiyak sa t’ wing maaalala mo ang nangyari, sige lang. iiyak mo lang. Pigain mo ang dibdib mo. Ilabas mo lahat. Humagulgol ka. Isigaw mo ang sakit, ang nararamdaman mo, okay lang na may makakita, okay lang na isipin nilang mahina ka, ang  mahalaga sa pagkakataong ito, maging totoo ka sa nararamdaman mo. Dahil sadyang masakit harapin ang katotohanang wala na kayo. Kung kinakailangang magpatugtog ka ng music para mailabas ang lahat ng nasa loob mo, feel free, mala-mtv. Para bukas, sakaling makahanap ka ng kausap, mas makakapagkwento ka. Mahirap magkwento ng humahagulgol ka pa, hindi kayo magkakaintindihan.

2. Sabi ko nga, kailangan mo ng kasama. Kailangan mo ng kaibigan – ikwento mo sa iba. Sabihin mo na kailangan mo ng tulong. Na meron kang  gustong intindihin. Na kailangan mo ng karamay. Minsan, nagkukwento ka hindi naman para intindihin, kundi para marinig mo ang sarili mo at maintindihan mo ang nangyari sa’yo.

3. Matapos sabihin sa iyo ng ex mo na wala na kayo, mabilis na magbabago ang lahat. Subukan mo siyang kausapin at mailap na siya. Parang ayaw na niyang makiharap sa’yo. Pero kailangan mo ng sagot. Dapat siyang magpaliwanag. Hingin mo ang dahilan. Makinig ka lang. Nakapagdesisyon na siya kaya hindi mo kailangang makipagbangayan. Ngayon naman, intindihan mo at pakinggan siya. Medyo mahirap ‘to, bukod sa pride, pakiramdam mo kasi victim ka. Pero dahil nga victim ka, try to calm down to be able to think clear and to hold yourself, compose yourself, kahit durog na durog ka na. Isipin mo lang, it’s not about you, its about how the two of you handled the relationship. Hindi lang ikaw ang mali, hindi lang ikaw ang accountable. Maaaring hindi naman talaga ikaw ang problema. Ang lahat ng sasabihin nyo dito, kritikal kaya be sensitive, be very careful. Sa future,  pagbinalikan nyo ang nakaraan mo, madalas mas naaalala mo ang mga katagang binitiwan niya dito kesa sa una niyang sinabing Mahal ka niya. Kaya nga kung ano ang nais nyong maalala sa paghihiwalay ninyo, kung as early as now ay gusto mong isumpa ka niya-habambuhay, sabihin mong nabore ka at hindi ka nag enjoy kailanman sa kama!

4. Pwede ka bang humingi ng chance? Hindi ito kabawasan ng pagkatao mo, ang totoo pinakita mo lang ang lalim ng iyong pagmamahal. Maging handa ka lang sa sasabihin niya. Hindi mo man siya mabawi, ang mahalaga natuto ka at nakita mong matapang ang puso mo.

5. Kung talagang wala na, madali man sabihin pero ang mahalaga, patuloy kang gumawa ng paraan para pagbigyan ang nararamdaman mo. Sa huli, wala siyang masasabi sa iyo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na napahanga mo ko.

6. Walang solian. Ang mga bagay na naibigay na, hindi na dapat bawiin. Ang anumang binahagi ninyo sa isa’t-isa noong kayo pa ay bahagi ng pagmamahalan nyo. Para iyon sa alaala. Kung gusto mong sirain, itago o sunugin ang mga gamit na naiwan sa iyo. Maari mo itong gawin or  i-share mo sa kin. Sayang naman. Pag tinext ka at sinabing isauli mo ang diamond ring, mga bracelet and  bag na binigay niya, replyan mo ng  – kiss muna o kaya bilhin mo half the price. Hindi mo naman kasalanan kung mas generous siya.

7.Pagkatapos ng relationship usually you have this urge to do something different. Gaya ng pagpapagupit, magshopping, magbakasyon or kumain ng kumain. Walang masama dyan, pero dapat mong tandaan na band-aid solution lang yan. Sadyang darating yung oras na mapapaupo ka at maaalala mo na naman siya. Minsan masakit pa rin. Hindi kasi overnight ang moving on.

8. Hindi pagtakas kundi pagtanggap. Acceptance, accept that the relationship has come to an end. At dahil may nagtapos, pwede kang magsimula ulit, sa anumang paraan mo naisin. Minsan, mas madaling magsimula kesa sundan ang mga nakasanayan mo nang gawin. Pero ingat din, may love on the rebound na tinatawag. Para mo na ring pinasa ang sakit na nararamdaman mo kung sakaling iibig ka sa maling panahon at di sinasadyang pagkakataon. In short, wag kang makati. Hindi relasyon ang sagot sa nasirang relasyon. Hindi ka pa natuto!

9. Wag mo ring kalimutan na may Author sa lahat ng ito, at baka sa pahina kung saan ka nabigo at umiyak, hindi mo napansin na may nakasulat pa; He can heal a broken heart, but He has to have all the pieces. (-author unknown, impernes, sino ba si author unknown, masyado na syang maraming sinabi?)

10. Hindi naman mahalaga kung nakailang fairy tales ka, ang mahalaga kung paano mo tatapusin ang kwento. Sa kabila ng lahat, ngumiti ka pa rin, maganda pa rin ang buhay at may sorpresa pa rin sa huling pahina ng pag-ibig mo. E ano kung bigo ka ngayon. Atleast may masteral level ka on broken relationship. Magagamit mo rin yan in time. Sigurado, may diploma ka sa langit. Award! Malay mo ipromote ka ni Author na emissary of hope, executive alalay ni St. Jude – kung merong ganun. Pero kung sa Hell ka mapunta, one word ang award mo, Loser!

Kung umabot ka sa bahaging ito, pwede ring umabot sa dulo ang sakit ng nararamdaman mo. Matatapos din ang kabanatang iyan, sa ngayon walang ­and they live happily ever after at wala ring the end

Sa kwento mo, mas magandang ilagay ang turn to the next page

ps;  kung sakaling bumalik ka rito at hindi ka pa rin nakakarecover, basahin ang MOVE ON.

related / previous topic : Kung Makikipaghiwalay Ka
Next topic : Kung May Mahal Ka na May Mahal ng Iba…

Noong bata pa tayo, kasabay ng pagpapahele sa atin ay ang pagkukwento ng mga fairy tales.  Salamat kay Cinderella!Masarap makinig sa mga love stories, lumaki tayong pinakilala na makapangyarihan ang pagmamahal. Binabago nito ang buhay, tinuturuan tayong mangarap at umasang pwedeng maging ganun din ang kwento natin.Actually masarap din magsulat ng love story.  Pero gusto kong mag-ingat, kadalasan kasi, akala natin ang kwento ay tungkol sa pagkakatagpo ng prinsipe sa prinsesa, magsasayaw sila suot ang magagarang damit na bigay ng kanilang fairy God Mother tapos magpapalakpakan ang tao, maghahalikan sila, may magic at natatapos ang lahat sa <em>and they live happily ever after.</em>

 

Nabentahan tayo ng ganitong kwento. Infact nabenta natin ang ating kabataan sa pangarap, pag-asa at pangako ng wagas na pag-ibig.<!–more–>

Pero may mga gaya mo na naiba ang kwento. Sumubok minsan, nabigo, sumubok ulit, nawala pa rin, at muling sumubok, halos kasal na lang ang kulang pero parang bulang naglaho rin.

Inspired lang siguro si Charles Perrault ng sinulat niya ang Cinderella. Hindi naman niya iniisip na marami ang magkakagusto nito at aabot ng milya-milya at daang taon. Hindi niya sinasadyang mabasa mo ang kwento niya.

Ang masakit ngayon, malaki ka na para ipaghele at patahanin ng mga magulang mo sakaling mabigo ka sa pag-ibig. Hindi ganun kadali ang masaktan lalo na ang iwan.

Kung tutuusin wala namang pinagbago noong bata ka pa at ngayon kung pag-ibig ang pag-uusapan. Madali ka pa ring maniwala. Inosente pa rin ang puso mo. Siguro kasi nga madali kang magmahal. Ayokong isipin na nasa boundary ka ng pagiging gullible at tanga. Isipin na lang nating  ang pag-ibig  mo kasi, – totoo.

Naniniwala ka sa love at maraming naniniwala sayo, nakikidama at nagsasabing you don’t deserve to be hurt that way.

Kaso shit happens. Hindi lang ito sa’yo nangyari. Hindi ikaw ang unang umiyak dahil iniwan, o baka nga hindi lang ikaw ang unang pinaiyak niya sa dami ng kanyang iniwan.

Alam ko marami kang tanong, pwede nating pag-usapan kung ano ang nararamdaman mo, kung nasaang estado ka ngayon at kung  bakit mo nararanasan yan.

Isa-isahin natin.

1. Kung umiyak ka o patuloy na umiiyak sa t’ wing maaalala mo ang nangyari, sige lang. iiyak mo lang. Pigain mo ang dibdib mo. Ilabas mo lahat. Humagulgol ka. Isigaw mo ang sakit, ang nararamdaman mo, okay lang na may makakita, okay lang na isipin nilang mahina ka, ang  mahalaga sa pagkakataong ito, maging totoo ka sa nararamdaman mo. Dahil sadyang masakit harapin ang katotohanang wala na kayo. Kung kinakailangang magpatugtog ka ng music para mailabas ang lahat ng nasa loob mo, feel free, mala-mtv. Para bukas, sakaling makahanap ka ng kausap, mas makakapagkwento ka. Mahirap magkwento ng humahagulgol ka pa, hindi kayo magkakaintindihan.

2. Sabi ko nga, kailangan mo ng kasama. Kailangan mo ng kaibigan – ikwento mo sa iba. Sabihin mo na kailangan mo ng tulong. Na meron kang  gustong intindihin. Na kailangan mo ng karamay. Minsan, nagkukwento ka hindi naman para intindihin, kundi para marinig at maintindihan mo ang nangyari sa’yo.

3. Matapos sabihin sa iyo ng ex mo na wala na kayo, mabilis na magbabago ang lahat. Subukan mo siyang kausapin at mailap na siya. Parang ayaw na niyang makiharap sa’yo. Pero kailangan mo ng sagot. Dapat siyang magpaliwanag. Hingin mo ang dahilan. Makinig ka lang. Nakapagdesisyon na siya kaya hindi mo kailangang makipagbangayan. Ngayon naman, intindihan mo at pakinggan siya. Medyo mahirap ‘to, bukod sa pride, pakiramdam mo kasi victim ka. Pero dahil nga victim ka, try to calm down to be able to think clear and to hold yourself, compose yourself, kahit durog na durog ka na. Isipin mo lang, it’s not about you, its about how the two of you handled the relationship. Hindi lang ikaw ang mali, hindi lang ikaw ang accountable. Maaaring hindi naman talaga ikaw ang problema.

4. Pwede ka bang humingi ng chance? Hindi ito kabawasan ng pagkatao mo, ang totoo pinakita mo lang ang lalim ng iyong pagmamahal. Maging handa ka lang sa sasabihin niya. Hindi mo man siya mabawi, ang mahalaga natuto ka at nakita mong matapang ang puso mo.

5. Kung talagang wala na, madali man sabihin pero ang mahalaga, patuloy kang gumawa ng paraan para pagbigyan ang nararamdaman mo. Sa huli, wala siyang masasabi sa iyo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na napahanga mo ko.

6. Walang solian. Ang mga bagay na naibigay na, hindi na dapat bawiin. Ang anumang binahagi ninyo sa isa’t-isa noong kayo pa ay bahagi ng pagmamahalan nyo. Para iyon sa alaala. Kung gusto mong sirain, itago o sunugin ang mga gamit na naiwan sa iyo. Maari mo itong gawin or  i-share mo sa kin. Sayang naman. Pag tinext ka at sinabing isauli mo ang diamond ring at mga bracelet and  bag na binigay niya, replyan mo ng  – kiss muna. Hindi mo naman kasalanan kung mas generous siya.

7.Pagkatapos ng relationship usually you have this urge to do something different. Gaya ng pagpapagupit, magshopping, magbakasyon or kumain ng kumain. Walang masama dyan, pero dapat mong tandaan na band-aid solution lang yan. Sadyang darating yung oras na mapapaupo ka at maaalala mo na naman siya. Minsan masakit pa rin. Hindi kasi overnight ang moving on.

8. Hindi pagtakas kundi pagtanggap. Acceptance that the relationship has been ended. At dahil may nagtapos, pwede kang magsimula ulit, sa anumang paraan mo naisin. Minsan, mas madaling magsimula kesa sundan ang mga nakasanayan mo nang gawin. Pero ingat din, may love on the rebound na tinatawag. Para mo na ring pinasa ang sakit na nararamdaman mo kung sakaling iibig ka sa maling panahon at di sinasadyang pagkakataon. In short, wag kang makati. Hindi relasyon ang sagot sa nasirang relasyon.

9. Wag mo rin kalimutan na may Author sa lahat ng ito, at baka sa pahina kung saan ka nabigo at umiyak, hindi mo nabasa ang sinasabi niya; He can heal a broken heart, but He has to have all the pieces. (-author unknown, impernes, sino ba si author unknown, masyado na syang maraming sinabi)

10. Hindi naman mahalaga kung nakailang fairy tales ka, ang mahalaga kung paano mo tatapusin ang kwento. Sa kabila ng lahat, ngumiti ka pa rin, maganda pa rin ang buhay at may sorpresa pa rin sa huling pahina ng pag-ibig mo.

Kung umabot ka sa bahaging ito, pwede ring umabot sa dulo ang sakit ng nararamdaman mo. Matatapos din ang kabanatang iyan, sa ngayon walang ­<em>and they live happily ever after</em> at wala ring <em> the end</em>

Sa kwento mo, mas magandang ilagay ang <em>turn to the next page</em>

ps;  kung sakaling bumalik ka rito at hindi ka pa rin nakakarecover, basahin ang <a href=”https://bernardumali.wordpress.com/2007/08/11/move-on/”><strong>MOVE ON</strong></a>.

Advertisements

29 comments on “Kung Ikaw ang Iniwan

  1. Galing naman! Subok na subok na ba?hehehehe! Dont worry if ever may mangyari sa akin na ganun i will run to you. Sana as good as this din ang advice mo. Keep it up! Cheers!

  2. After the breakup, hindi natin kailangan na i-embrace lahat ng emotion ng isang taong namatayan.. siguro part of you died. Pero ayan ka at may pulso pa.

    Ganun talaga. Kumbaga paralisado ka at comatose ang lagay mo.. pero hindi naman hihinto ang pag-inog ng mundo para sa isang tao na heartbroken.

    Oo alam ko na hindi biro na gumising isang umaga at itext ka ng partner mo at sabihin niya na ‘ayaw ko na, let us part ways. sorry.’ Marami pang pwedeng gawin at maraming tao sa mundo.. at probably may ilan dyan na handang mahalin ka kung anu ka man. Aw.

    Galing mo talaga Kuya Bernard!

  3. 3. Matapos sabihin sa iyo ng ex mo na wala na kayo, mabilis na magbabago ang lahat. Subukan mo siyang kausapin at mailap na siya. Parang ayaw na niyang makiharap sa’yo. Pero kailangan mo ng sagot. Dapat siyang magpaliwanag. Hingin mo ang dahilan. Makinig ka lang. Nakapagdesisyon na siya kaya hindi mo kailangang makipagbangayan. Ngayon naman, intindihan mo at pakinggan siya. Medyo mahirap ‘to, bukod sa pride, pakiramdam mo kasi victim ka. Pero dahil nga victim ka, try to calm down to be able to think clear and to hold yourself, compose yourself, kahit durog na durog ka na.

    ang galing….salamat sa mga ganitong entry. Madami kang natutulungan sa ganitong paraan.

    GOD BLESS

  4. Bughaw… hay… buti naman di ako masyadong nahurt dito… nauna ko kasi nabasa ung move on.. in fairness gentle nga ang pag atake mo dito… at of course ang fave part ko at….

    4. Pwede ka bang humingi ng chance? Hindi ito kabawasan ng pagkatao mo, ang totoo pinakita mo lang ang lalim ng iyong pagmamahal. Maging handa ka lang sa sasabihin niya. Hindi mo man siya mabawi, ang mahalaga natuto ka at nakita mong matapang ang puso mo.

    5. Kung talagang wala na, madali man sabihin pero ang mahalaga, patuloy kang gumawa ng paraan para pagbigyan ang nararamdaman mo. Sa huli, wala siyang masasabi sa iyo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na napahanga mo ko. —– winner…

  5. Parang Joe D’Mango lang a,, hehehe.

    Galing naman.. Isang napakahusay na post!!
    Mula sa intro hanggang sa pag-iisa isa nung mga paraan kung sakaling iwan,,,mahusay na atake… idagdag mo pa ang kanta ni Nina, kumpleto rekado kung bakit ang post na ito ay numero uno…

    Aabangan namin ang iba mo pang advice,,, Dr. Love>>>>

  6. huwaw! galing naman nito Kuya!

    Acceptance talaga ang kailangan. Minsan kasi deny to death tayo na hindi tayo nasaktan para lang hindi maramdaman yung sakit talaga! Pero deep inside emotional wreck talaga!

    Sapul ulit ang Prinsesa! hahaha. 😀

    nakow, wag sana akong ulanin ng bala ng ex ko! wahahaha. 😉

  7. Ang galeng2.. after 3 mos, nakamove on ako, ndi ko inexpect.. Pero ngaun, ni konting love sa ex ko wala na ko maalala at maramdaman.. Samantalang dati halos mamatay ako sa sobrang kalugmukan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s