Kung ang Mahal mo ay May Mahal ng Iba

Kahit anong galing mo, makakahanap ka ng katapat.Hindi ka invisible sa mata ni kupido at hindi ka indispensable. Tatamaan ka sa isang tao na hindi ka mamahalin. Hindi yan sumpa pero siguro isa siyang learning activity bago ka sumalang sa totoong relationship.

In short, ganito yun.

Walang anu-ano ay may mapapansin kang iba sa isang tao. Kahit pangkaraniwan lang siya sa iba,  may makikita ang puso mo na pilit mong inaalam kung ano yun. At dahil sa curiosity na yan, matatrap ka at ma huhulog sa kanya. Ang tawag dun, induced falling in love. Induced kasi

1. Inaalam mo na ang social network niya. Stalker in the making. Nakita mo na lahat ng pix nya, alam mo na lahat tungkol sa kanya. Worst kung lahat ng ipost niya sa facebook nila-like mo kahit ang nakasulat e “I’m sad” hindi ka na nagbabasa, nagpapapansin ka na.

2. Nagbubuntung-hininga ka sa twing makikita siya. At iniisip mo kung saan siya pupunta. Actually hindi ka nakatingin, nakatitig ka na!

3. Emo ka lagi. Mula music hanggang sa mga topic ng conversation. Nagpapakaprofound ka, parang laging Lenten season, parang lagi kang nagmemeditate at nagsisisi ng kasalanaan sa sobang kabaitan mo.

4.Nagtatanong ka sa sarili mo kung masaya ka ba, kung anong kulang, bigla kang nakaramdam ng emptiness. Hinanap mo naman bigla ang sarili mo kahit dati pakalat kalat ka lang. OA.

5. Syempre, mahal ka ng Diyos kaya nagkaroon ka ng chance na makilala at maging kaibigan siya. Kaya nga ang opportunistic side of you ay nagising. Kwento ka bigla, seryosong mga topic, puro getting to know. Mga how to live life, bakit sila ganito, ikaw kasi ganoon etcetera etcetera. Siyempre lahat din ng kwento nya nakakarelate ka at all of a sudden, naging madali sayo ang bonding, walang adjustment para bang nakahanap ka ng bestfriend.  (lol. kahit ako ang gumawa, natawa ako dito… promise, bestfriend wtf! bitterness!)

6. Ilang Linggo pa at makikita na sa social network mo ang mga pix niya, at mega singit ka rin sa album niya.

7. Lagi mo rin siyang inaupdate kung ano ang gagawin mo, kahit nga sa pagtulog itetext mo siya ng “ o siya tulog na ko. Tnx for the text” kahit ikaw naman ang nag start mag text. Babaling ka sa kama ng nakangiti at sasabihin mo ng kaytamis na good night world!

8. Nahinog ang puso mo, gusto ng mag 1 step forward. Pero parang ikaw lang ang nakakaramdam nun.

9. at guguluhin mo ang mga barakada mo. Sasabihin mo na “help, im drowning.”  Ngayon lang kasi to nangyari. At bibitawan mo sa mga kasama mo ang magic word na “I think I’m falling in love” sabay hagulgol.

10.Kaya ang mga barkada, magmemeeting infront and at your back. Pag-uusapan ka. At mala juryng papasok sa buhay mo at magdedesisyon para sa’yo. Kunwari may desisyon, pero ang dulo, sasabihin nilang ikaw, ano sa palagay mo? Ang barkada kasi, positive term for miron.

11. At may isa kang mas pakikinggan, ito yung mas kumakampi sa puso mo na nagsasabing there’s no harm in trying, sabihin mo ang nararamdaman mo, atleast sa huli, pinagbigyan mo ang sarili mo.

12. kaya gigising ka isang umaga, itetext siya, guguluhin at sasabihin, pwede ba tayong mag-usap… and theres silence at sasabog ang mga salitang I am sorry, but I think I am falling for you

13. Boog! Kablag! Pow! Tapos tahimik lang siya. Pwedeng makipagshake hands. Ngingitian ka. Sasabihin na ayos lang yun. Friends tayo di ba. Walang maiiba. Naiintindihan kita.

14. at marerealize mo na ang ibig sabihin nun ay, thanks for the friendship. Got to go.

15. (space mo ‘to. Ano ang gagawin mo, pwede kang gumising, bumangon at ituloy ang buhay na parang wala lang, next please. O kaya naman, sana hindi ko na lang sinabi, sana nasave ko pa ang friendship namin, pwede ka ring magmukmok at sasabihin mo sa sarili mo na, “Talo ako ngayon, pero bukas im sure makikita mo ko ulit, hahanapin mo ko at sasabihin mong sayang)

Kung ako ang kaibigan mo, sasabihin ko rin sa’yo na sabihin mo ang nararamdaman mo. Hindi para sa kanya kundi para sa’yo. Paano ang friendship? 2 things; nasabi mo na ang naramdaman mo, nalaman mo pa kung kaibigan mo nga siya.

 

Happiness! 🙂

previous post : Kung Ikaw ang Iniwan

Advertisements

23 comments on “Kung ang Mahal mo ay May Mahal ng Iba

  1. dati naisip ko un, kung ako n lng sana… pero later on natanggap ko n ang katotohanan..wahaha.

    Actually, acceptance ang isang napakahalagang bagay na dapat meron tau e. Minsan need pa ng time para matanggap mo ang sitwasyon but sooner or later pg natanggap mo n, kaya mo ng tumawa sa mga susunod n araw na unti2 mo ng nauuwaan lahat.

    Thanks po sa mga ganitong entries…..

    Keep it up.

      • hinde ako nagsusulat talaga, blogblogan lang.
        actually taga basa lang talaga ako.

        FYI po bookmarked na itong wordpress mo sakin. 🙂

        Nga pala pagpapaalam ko lang na kopyahin ito at ilagay sa multi ko para lage ko ding mababasa.

        Ngayon lang ako nadalaw dito pero andami ko agad natutunan.

        Thanks poh!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s