Simula ng Huling Yugto

Ano ready ka na?

Huh?

yup, bawasan mo yang gamit mo, hindi mo kailangan yan.

Bakit ang bilis? as in ngayon na?

Tapusin mo na yan, bawal ang overtime.


Hindi naman talaga kailangan ng maraming paliwanag. Meron kang hindi mahihindian. Kaya nga nagdesisyon akong tanggapin ang panibagong chapter.

Bago ka tumuloy, siguraduhin mong wala kang agam-agam. Iwan mo ang lahat ng dapat iwan. Dapat buo ang loob mo.

Kaya nilinis ko ang kwarto. Hinalungkot ang mga gamit at sinilid ang mga dapat itapon. Niligpit ang dapat iwan. Iniisa-isa ang mga pictures, scrapbook, letters, stamp collections at naisip kong masyadong mabigat ang mga ‘to.

Binuksan ko ang Friendster at nasilip ang sandamakmak na kaibigan sa Friendster.  Click away sila. Pero nung inisa-isa ko na, marami na kong hindi mamukhaan; hindi ko maalala kung saan ko sila nakilala.

At isang click ng Delete this Account. Sa isip ko, kung kailangan naming mag-usap, mahahanap nila ako for sure. Bye friendster.

Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan. Ang kailangan mo ay yung mga bagay na natutunan mo na.

Kaya ko na ‘to.  Ang pinakamahirap daw ay ang simula. Pero once na makaapak na ako, tuloy-tuloy na. Pumunta ako sa dating tambayan. Ibang-iba na ang itsura. Naupo ako at nag-isip.

Time na!

Ito na yun. Ang start ng last part.

—–

Kung minsan ay snob ako, or kung ilang beses ka ng PM ng PM sa YM, o walang tigil sa email at hindi kita nirereplyan, ibig sabihin nun hindi kita gustong kausap at hindi ako interesadong makipag-usap. Hindi ko naman sinasabi na hindi kita trip na maging kaibigan, wala lang ako sa mood. May tinawatag na space bubble. Hanggang dyan ka lang. Hindi rin ibig sabihin na nagkukwento ako dito sa blog o nag a update from time to time sa facebook ay close na tayo para tanungin mo ako ng kung anu-ano.  Ang tingin ko, pinapakilala tayo ng internet sa isa’t-isa; para malaman kung ano ang nasa isip ko, kung gaano ka diverse ang mga tao pero hindi ibig sabihin ay obligado akong maging close sa’yo. Simple lang naman di ba, let’s respect each others privacy.

—–

Ang daming karakter, may iba na makakasundo mo at meron namang iba na palalagpasin mo na lang. Iniisip ko, kilalanin ko pa ba ito o hayaan ko na lang na magdaan. Acquaintance na lang siguro, mahirap na, baka wala ng extension, magka separation anxiety pa ko.

Pagtinanong ka kung sino ka o ano ka, sabihin mo ang pangalan mo ng mabilis, yung hindi na masyadong maiintindihan, kunyari may gagawin ka pa. Para matapos agad.

—–

Pumasok ako ng nang may ibang level ng energy. Happiness!

—–

Advertisements

20 comments on “Simula ng Huling Yugto

  1. hmmm napaisip ako dun ah…..minsan nga naman may maga bagay at mga taong nakakasawa o wala ng connection sa ating buhay…tula ddin mga ginagawa natin dito sa blogosperyo….sa mga taong nakakasalamuha natin…may aalis…may darating…ang buhay ay parating nasa simula…..kahit alam mo nakarating ka na…indi naman pala yun ang end,,,magsisimula ka ulit……walang katapusan…yankasi habang tayo ay buhay pa….

  2. kung ikaw ay nag delete ng account, ako naman ay gumawa ng panibagong account, ako naman kasi ang uri ng tao na kahit basura ay tinatabi ko pa basta ba may value sa akin, pero yang ginawa mong yan, i think i would be needing a lot of courage to do that. astig ka ^__^

    • hey ure back! hehehe yeah courage talaga at time para ulit-uliting pag isipan. hanggang sa narealize ko na minsan, dahil sa easy to connect and to find our friends, the more na nagiging complacent at lax tayo, ironically, instead na mas madalas tayong in touch wih friends because of this social networking thing, mas natetake for granted natin sila. 😦

  3. uhmm di ka naman galit niyan… pero totoo hindi ibig sabihin nagkakasalubong tayong mga tao hindi ibig sabihin non close tayo… kahit na sabihin may mga koneksyon tayo…

    ako di ko dinelete fs ko kasi may mga fwends pa rin ako na loyal sa fs pero halos 300 ang dinelete ko… haha di ko sila lahat kilala 🙂

  4. No time to update fs account ever since so “abandoned” na sya sa cyberspace kung baga , at wala ring face book harharhar anong era ba ako nabuhay?!! ako n lang ata ang di nahuhumaling sa mga social networking na nabanggit. actually wala talagang time na rin :p

    pero one time dinelete ko sa ym contact list ung mga kinaasaran ko (actually kinasuklaman na rin dati ) harharhar

    kaya pag pm nila ako , report as spam ung nakalagay sa chat window nila sa ym , meaning wala sila sa contact list ko, at literally nakalagay sa ym window nila di ko sila kilala at spam lang sila; como wala nga sila sa contact list ko :p

    asar lang siguro nung mga yun harharhar

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s