Sayang

Nakapila papasok  ng langit, hindi makilala ni San Pedro ang isang babaeng umaasang makasama sa libro ng buhay.

Ineng, kanina pa kita pinagmamasdan, pero hindi kita mamukhaan. Sino ka ba?

Betty po?

Betty? Anong tunay mong pangalan

Beatrice Carmela po

Beatrice Carmela!? Hindi mo kamukha ang nasa id picture mo.

Tiningnan ni Betty ang pangalan niya sa libro ng buhay, may katabi itong larawan.

Ako po yang nakalista pero mas maganda po ang nasa larawan.

Dahil dito ay pinatawag ni San Pedro ang anghel na si Miguel.

Miguel, siya ba talaga si Beatrice Carmela?

Opo, siya po.

E bakit iba ang itsura dito sa libro ng buhay.

Yan po ang larawan na naka register sa genes niya. Pero hindi po ibig sabihin nun ay yun talaga ang magiging itsura niya. Kailangan po maenhance.

Ang daya naman. Wika ni Betty. Bakit hindi yan ang naging itsura ko? Tanong pa niya.

Yun po ang magiging itsura nyo kung nasunod mo ang plano ng Diyos sa inyo. At pinakita niya ang listahan ng kanyang magiging kapalaran.

Dapat po kasi ay magkakaroon kayo ng magandang trabaho. Malaki po ang sweldo na inooffer. Dahil po sa trabahong iyon ay makakapagpaganda kayo lagi at maeenhance ang sarili nyo. Nakasulat din dito na mananalo kayo sa isang Raffle ng kotse. Pamporma nyo sana yun. Makakasali rin po kayo sa isang game show sa TV at mananalo kayo ng grand prize na house and lot. Tapos makakapag-asawa po kayo ng mayaman at gwapo.

E anong nangyari. Bakit naiwan ako ng mahabang panahon sa trabaho ko ng hindi ako napromote? Bakit hindi ako nanalo ng kotse, nangungupahan pa rin ako at bakit hindi dumating ang gwapong mapapangasawa ko?

Tumawag po ang HR nung mapagtatrabahuhan nyo kaso wala pong sumasagot sa phone nyo. Tumawag po yung DTI representative para iverify ang pangalan ninyo para sa kotse, 3 beses po kaso hindi po kayo macontact. Ganun din, tumatawag ang ABS CBN para sa isang gameshow na sinalihan nyo through text kaso hindi nyo sinagot ang cellphone nyo at nung tinatawagan kayo ng pinsan nyo para iblind date kayo hindi rin kayo macontact.

E bakit hindi mo pinadala na lang? Tanong ni San Pedro

Oo, pinapackage mo na lang? Dugtong ni Betty

Pinadala po namin, mabait naman po si Bro, binigyan kayo ng isa pang chance kaso nung dumating yung delivery boy at pinatawag kayo ng guard, ang pinasabi nyo sa kaopisina nyo, ay pakisabing wala dito. Kasi busy ka. Sa susunod po, pakisagot ang telepono. Sayang naman ang oppotunity na dumarating sa buhay nyo.

Advertisements

9 comments on “Sayang

  1. nice story.. really inspiring.. im hooked with the message of second chance.. na sana aware lang tayo sa ngyayari at hindi nasasasayang yung opportunity na binibigay satin ni Lord.. Keep up the good work Mr. Blue… for all your blogs.. sobrang malalim yung ibang salita pero sobrang linaw nung mensahe.. More powers to you .. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s