Kapag ako ang naging Pangulo

Kapag ako ang naging pangulo

BRANDING. Syempre dapat may branding ang Pilipinas May  identity. Pag sinabing Pilipino dapat maiisip nila na ito yung lahi ng mayayabang. Lahi na cool, masaya, confident at may simpatya sa sariling bansa. Mayabang kasi matatalino, proud sa ginagawa nila, may solusyon, hindi nahihiya sa ginagawa ng kanilang gobyerno, benchmark sa buong mundo. Yun bang lahi na makikipag upakan sa mga foreigner na mala Manny Pacquaio pag inaapi tayo!

Isang bansa na hindi nahihiya kung ano ang bansa niya.

METROPOLITAN. Pag-isahin ang Metro Manila (ulit). Isang gobernador para sa metro para hindi magulo. Isang rule para sa lahat. Isang kulay ng traffic enforcer. Hindi pwedeng ang color coding ay hindi applicable sa Makati Huwag gawing Makati ang bansa! Hindi maganda sa kulay natin ang dilaw na uniporme ng MAPSA. (hindi ko sinasabing pink. Ayoko rin!) Mataas ang cost of living sa Makati. Dapat simple lang. Ang contribution lang ng makati ay pagpaparami sa  jollijeep!

At dahil may isang totoong Metro Manila, dapat palakasin ang regional group. Think Regional hindi provincial kasi magastos yun. Mala-estado. Hindi masyadong maliit, hindi masyadong malaki. Tulungan ang magkakaratig bayan.  Bawal ang maraming piyesta. Isa lang ang host ng piyesta sa bawat region. Umiikot na lang ang magiging host para tipid. Magastos at nababaon sa utang ang mga tao pag pista.

TRAFFIC ISSUES.  Bawasan ang U-turn! Hinihikayat nito na mawalan ng pokus at maging pabago-bago ng isip. Kung saan ka papunta, dun ka, no turning back, kaya FOCUS! Pag peak hours, bawal ang mga sasakayan na may isang sakay lang. Gawing school bus ang kotse. Isang hatidan lang. Isama ang yaya para may tagabantay ka pa ng bata. bantay sarado mo pa siya pag namamalengke. Sayang ang gasolina.

Walang bayad ang toll gate. NAKNANG! Bakit kailangang maging pribado ang daan?

REFORESTATION. Kasama ng pag-aaral ang pagtatanim ng puno. Hindi gagraduate ng hindi nakakapagtanim at nakapagpapabunga ng puno. In short, kung gusto mong gumaradweyt, magtanim ka ng marami.

Sampung taong total log ban. Pero syempre pwedeng mag import ng kahoy.

Bigyan ng bike lane at pedestrian lane ang lahat ng national highway. Hikayatin ang pagbibisikleta at paglalakad. Tipid sa gasoline, mabuti pa sa kalusugan.

NATIONAL LANGUAGE. Ang Ingles ay ituturo sa pagtuntong ng grade 5. Lahat ng subject ay ituturo sa kanilang dayalekto saka na rin ang  Filipino upang mabuo ang konsepto at mas madaling maunawaan ang aralin. Kung may mainam na pundasyon ang bata sa basic science, math, social studies at iba pa, saka na pag aralan ang wikang Ingles at Filipino. Para hindi nagmumukhang translation curriculum ang education system natin. Maraming bansa sa Europa at Asya na hindi magaling sa Ingles. Hindi Ingles ang magpapayamin sa atin kundi ang disiplina.

SOCIO CIVIC RESPONSIBILITY. Lahat ay kinakailangang sumailalim sa 6 months na community rehabilitation program once in 6 years (don’t worry with salary to (minimum wage). Kailangang maramdaman ng bawat isa ang katungkulan sa pangangalaga ng bansa. Pag sinabing community rehabilitatation, eto yung paglilinis ng kalye, ng ilog, pagtatanod sa gabi, reforestation,  pagsama sa DSWD at NDCC at iba pa.

AGRICULTURE. Required ang paglalaro ng Farmville. Natutunan ko na para magkaroon ka ng magandang bahay, kailangang magtanim ka.

SOCIAL JUSTICE. May asset bracket. Hanggang 100M lang ang itatakdang combined asset ng isang pamilya. Sa bawat 1 milyon na sosobra, kailangang mag adopt ng pamilya. Pipili mula sa listahan ng DSWD.

Pagtrabahuhin ang mga nakakulong. Pwede silang taga bilang ng bondpaper o walis tingting sa Procurement Warehouse ng gobyerno. Taga photocopy. Taga check ng exam. Bigyang kabuluhan ang kanilang oras. Pagtaniman sa mga nakakalbong bundok, maglinisin ng mga ilog at creek at anumang gawain na magbabalik ng kanilang pagmamahal sa bayan at kalikasan.

Pwede rin silang itrain para sa sports. Yung mga nakulong dahil sa basag ulo, itrain sa boxing. Yung mga akyat bahay gang, gawing athlete ng long jump, yung rapist, isali sa cheering!

Hihingi ako ng moratorium sa pagbabayad ng utang. Pitong taong moratorium. May sapat na dahilan ang bansa para pagbigyan. Sinalanta tayo hindi lang ng kalamidad kundi ng pagkasira ng ating diwa sa dami ng buwayang nanungkulan sa’tin.

Ang minimum wage ay batay sa edad. Kung 21 years old ka, P21,000 ang pinakamababang sahod na matatanggap mo.

Bibigyan ng bonus mula sa gobyerno ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa bansa sa t’ wing ikalimang taon. Ito ay para sa  pagtyatyaga at katapatan sa paghahanapbuhay dito sa Pilipnas. Kasama ng incentive ang 1 year tax waive.

OFW. Tatlong taon lang maaaring magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pilipino na may pamilya. Kung irerenew ang contract niya, hihilingin ng Department of Foreign Affairs na isama sa package ang pagpapapunta sa pamilya niya at paninirahan doon o di kaya ay pagpapapunta ng pamilya niya sa bansang kanyang pinagtatrabahuhan 2 beses sa isang taon. Sa gayon ay  mapanatili ang maayos na pagsasama ng pamilya.

CULTURE AND THE ARTS. Bawal ang mga foreign artists and movies sa mga panahong deklaradong Holiday. Bigyan ng puwang at exposure ang mga local artists. Sa mga ayaw manood, di wag, mag movie25.com na lang kayo.

REPRODUCTIVE HEALTH. Itaguyod ang pagpaplano ng pamilya. Okay ang contraceptives pero hindi ang abortion. Don’t ask me to explain kung ano ang pinagkaiba ng dalawa. Simple lang, kung ano ang madaling intindihin yun yun,. Wag  mo akong daanin sa logic.

POLITICS. Bawal ang individual / party election campaign. Trabaho ng COMELEC na ipaalam sa lahat kung sinu-sino ang tatakbo. Sila ang gagawa nga anunsyo para pantay-pantay ang laban. Sa gayon maiiwasan ang korupsyon. Maiiwasan ang utang na loob sa mga election donor.

Lahat ng mananalo sa election ay may 6 na buwang pag-aaral sa itatayong public administration school. Ang hindi papasa ay matatanggal sa pwesto at papalitan ng sumunod sa kanya batay sa dami ng boto.

EDUCATION. Kung gusto mong mag-aral sa pribadong paaralan, maaari kang kumuha ng subsidy sa gobyerno, babawasin sa tax mo  pag may trabaho ka na. Sa ganun, hindi ka magtatyaga sa ilang mga nabubulok na state university.

Simple lang di ba, eto muna for now, by the way, may immidiate policy ako na ilalatag, May height requirement na sa pagkapangulo. Syempre gusto natin na ang representative natin sa labas ng bansa ay tinitingala di ba?

Advertisements

12 comments on “Kapag ako ang naging Pangulo

  1. NATIONAL LANGUAGE. Ang Ingles ay ituturo sa pagtuntong ng grade 5. Lahat ng subject ay ituturo sa kanilang dayalekto saka na rin ang Filipino upang mabuo ang konsepto at mas madaling maunawaan ang aralin. Kung may mainam na pundasyon ang bata sa basic science, math, social studies at iba pa, saka na pag aralan ang wikang Ingles at Filipino. Para hindi nagmumukhang translation curriculum ang education system natin. Maraming bansa sa Europa at Asya na hindi magaling sa Ingles. Hindi Ingles ang magpapayamin sa atin kundi ang disiplina.

    GUSTO KO TO. 🙂

  2. ayos! nagustuhan ko ‘to! pwede ka ng tumakbo pero ang tumatak talaga sa utak ko eh ito, ang galing eh!

    Lahat ng mananalo sa election ay may 6 na buwang pag-aaral sa itatayong public administration school. Ang hindi papasa ay matatanggal sa pwesto at papalitan ng sumunod sa kanya batay sa dami ng boto.

    panalooooooo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s