New Year’s Tweets

Malapit na ang Chinese New Year ay wala pa rin akong new years resolution or new years wish. Atleast hindi pa ko late.  Last year sabi ko:

Sa susunod na taon ay kailangang may sasakyan na rin ako, balewala ang driving lesson kung wala akong sasakyan. Wala rin pala ako mapaparkingan sa bahay kaya kailangan ko ng lumipat next year, maghahanap ako ng bahay na may parking o siguro condo unit with parking. Medyo magastos pala yun dahil may association dues at mahal ang gasolina, kailangan pala mas malaki ang kita ko sa susunod na taon. Kailangan ko ng pagkakakitaan na magbibigay sa akin ng kahit apat na ulit ng sweldo ko.

Finally nakalipat na ako ng bahay. Isang tumbling lang ay nasa opisina na ako. Gigising ng 5:30AM, maggygym sa office (kailangang magpaliit ng tyan) then balik sa bahay para maligo, balik office para magbreakfast then work ng 8AM!

Tungkol naman sa pag-aaral ng driving – malapit na. 🙂

Sa dagdag kita naman : inaasikaso ko na ang aking passive income in the making.

Para sa 2010

Iwas gimik at dagdag savings ako ngayon. Kasama ng pagbabawas ng loan. Dahil wala akong out of the country last year, kahit isang beses, dapat makalabas ako ngayon.

Tatlong event ang pinaplano ko ngayon.

1. Ang 5th anniversary ng pagbablog ko. Opo limang taon na akong nagbablog.

2. Ang 30th birthday ko sa June 🙂

3. Syempre, ang muling paglipad ng Saranggola Blog Awards, year 2!

Medyo madalang ang aking pagbablog ngayon dahil sa pagbubukas ng ilan ko pang blog.  Sa mga susunod na araw ay baka masilip nyo na rin ang ilan ko pang blog na pinagkakaabalahan. Baka lang ha. hehehe

Exciting din ang election. Susubukan kong isulat ang aking naiisip tungkol sa mga kandidato. Susubukan ko lang ha.

Marami-raming kasal ang pinuntahan ko ngayon. hmmm May naniniwala pa pala sa kasal.

Thanks sa mga christmas gift para sa aking space : bread toaster,  plantsa, iron board, rice cooker, tv, ref, electric stove, bedframe and kapok. Hay! sarap ng maraming kaibigan hahaha!

Sa mga hindi pa nagbibigay, kailangan ko ng coffee / tea maker, blender, cd/dvd player, big plain mirror (4X4 feet), curtain, gray/black carpet, japanese table ( 8 – 10 inches high) and garbage bag!

Blessings to everyone!

Advertisements

11 comments on “New Year’s Tweets

  1. wow ang daming plans!!!!!!!!!!!!

    at 30 na si kuya..

    life begins at 30!!!

    JUNE KA RIN PALA ANO

    at 5th year na blogging na ayos ah!

    no wonder dami mo na frends kuya bern!!!

  2. hanep! ang ganda naman ng mga regalo mo! hahaha!

    anyways, pareho tayo, daat makakotse na ako this year.. pero hindi ko pinaplanong lumipat ng bahay.. dito muna pa rin ako sa parents ko..

    kailangan ko rin ng dagdag na kita.. and sana maging successful ang money making ko dito sa internet hehehe..

    Good luck and God bless sa atin this 2010!

    nga palam, may entertainment blog na rin ako. Baka gusto mong suportahan din at silipin:

    http://www.aroundthebuzzprimetime.blogspot.com

    super thanks!

  3. wow.. planadong planado.. woohoo.. ang astig naman, one step at a time at may goal talaga.. sana ako rin magawa ko yan bago ako mag 30.. hehehe

  4. kailangan pala na pag handaan ko ang sarangola awards 2 hehe..

    kamusta po ang saranggola na pinamigay nyo..
    at mag berdei ka na pala kuya hehe..san ang inuman hehe..

    bagong bahay, magandang bukas ng taon sayo hehe..
    pag may car ka na pasakay ha hehe..:D
    goodluck kuya..god bless..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s