Naipamigay na po ang mga saranggola na ipinangako namin kapalit ng 34 entries na isinali ng mga bloggers. Napili namin ang lugar ng Botolan, Zambales dahil madaling puntahan, may malawak na lugar para magpalipad ng saranggola at para isabay na rin ang pamamahagi ng konting relief goods dahil sa typhoon Peping noong unang Linggo ng Oktubre, magpahanggang ngayon ay nasa tent pa rin sila.
Mabilis na kwento
via SCTEX para mabilis. Ang dating 5 oras na byahe ay tatlong oras at kalahati na lang.
May nasusunog na mga dayami sa tabi ng daan. Buti na lang at maagap sila. Matatandaan na nagkaroon ng aksident noong Disyembre nang nag zero visibility ang daan dahil sa usok!
Syempre bukod sa joyride music, the best ang sight seeing!
Hindi rin laging maganda, dahil sa typhoon Peping, may ilang views na nakakalungkot
Pagdating sa Agora, ang palengke ng Botolan, ay nagpack na kami ng mga goods
Inabot na kami ng gabi papunta sa community. Dalawang lugar ang pinuntahan namin, ang tent city at ang Loob bunga. Madalas ay sa loob bunga ako nagpupunta sa ‘twing dadalaw kami rito, pero dahil nga sa bagyong Peping, maraming mga kabahayan ang inagos ng tubig, buhangin at bato na kasamang rumagasa mula sa naipong lahar ng Pinatubo. Sa ngayon ay marami pang pamilya ang nasa tent city.
Matapos makapagpahinga, kinabukasan ay hindi rin kami nagpaawat, kahit kami ay nagpalipad ng saranggola! Binalikan din namin ang tent city para dalhin ang mga saranggola na inassemble muna namin dahil hindi pala lahat ay madaling buuin!
Para sa mas madaling kwento; narito ang compilation ng pictures. Maraming salamat muli sa lahat ng sumuporta. Hanggang sa susunod na paglipad ng Saranggola Blog Awards 2010!
wow based!! ito na yun!! ang resulta ng ating pinagsamahan naks!!!
oo at para mas matatag ang samahan, next time dapat sasama ang mga bloggers sa pamimigay ng saranggola at makikisaranggola na rin! masarap pala magpalipad ng saranggola!
naalala ko ang mga nakalipas,,
sabay sabay tayong gumagawa ng mga obra natin para sa saranggola contest..
ang layunin nitong ilabas ang mga natatago nating galing, kasabay ng pagpapaligaya sa mga bata na ating matutulungan.
hindi tayo nabigo. 😀
tagumpay!!!
yes at sana mas maraming sumali para mas maraming saranggola ang maipamimigay natin!
Congrats sa isang matagumpay na proyekto 😉
salamat kuya sandi! congrats sating lahat!
ganda ng place. ilang beses narin akong nadaan sa sctex.
matagal na akong di nagpalipad ng saranggola. hehe.kelan ko kaya uli matry?
sama ka sa susunod para maranasan mong magpalipad ng saranggola!
wow! iboboto kita sa next CNN hero hihi.
tanong: kelan po magsisimula ang SARANGOLA CONTEST for 2010? ^^
adik ka bon hehehe Agosto 1 – 31 ang pagpapadala ng mga entry, matagal tagal pa!
grabeh.. bigla ako naluha dito.. pwede ka talaga sa CNN hero! woohoo..
uy kuya bern update mo ako if magsisimula na ulit yung contest ha? apir! lets drink to that!
TSERS!!
wow! ganda ng mga saranggola! namiss ko ang mga ganyang bonding with my cousins sa davao.
Huwaw, buti na lang marami rami yung sumali at ako rin, ayos na ayos at nakasali dahil may isang bata, in behalf of me, (haha) na nabigyan ng saranggola.
Makasali nga ulit next time. Aw.
Wow!
Nice… Namiss ko ang pagsasaranggola…
Bata pa ako ng huling humawak ako niyan…
Naks!
nice place!
cool people!
it’s my first time here cheers! visit my blog 🙂