Scrapbook

Last few pages. Konti na lang at matatapos na ring ang scrapbook na ‘to. Iniisip ko nga kung anong pwedeng ilagay.

Binalikan ko mula sa simula. Syempre napapangiti ako. Growing up photos, obsession materials, mga memorabilia mula candy wrapper, bus ticket, theater play manuscript, awards, fave album covers at marami pang iba.

Tiningnan ko ang sarili ko at natawa. Eto na ko ngayon. Eto yung hinintay ko noong bata pa ako. Kung ano ako paglaki ko. Tingin ko kasi noon, growing old is like a box of gift, laging may supresa kung ano ang nasa loob.

Ako na yung bata na more than 10X na nahulog sa kama, 3X na nahulog sa hagdan at isang beses sa bintana.

Proof? Walang scrapbook na nagtreasure ng mala acrobatic training ko sa dami ng accidents except sa scar under my right eye.

Oo nga pala, matagal ko nang hindi napapansin ang scar na yun or siguro masyado akong busy para tingnan pa ang sarili sa salamin.

I know my limits, hindi naman ako visually appealing para magkaroon ako ng narcissism factor kaya hindi ako nagbababad sa salamin.

Going back to my impression about growing old, eto na yung gift. Eto na yung  laman ng box. Eto na ang resulta ng pag unfold ng genes.

Mula sa isang batang dating patpatin na walang ginawa kundi tumakbo lalo na pag inaaway ng mga kapwa bata at sumusumpa sa mundo na lawit na dila nyo ay hindi nyo ko mahahabol, eat my dust mga ungas!

…ay isang binatang natutong maglakad na straight body para mapunuan ang kakapusan sa height, may iisang anggulo sa camera at iisang ngiti dahil yun lang ang maayos tingnan, napapagastos sa mga gimikan, kainan, pasyal, movies dahil sa kasabikang hindi ko masyadong naenjoy habang lumalaki at hindi palagay sa relationship status dahil nga It’s complicated.

Pero masaya. In fact madalas ay tumatawang mag-isa. Naiinis pa nga sakaling maistorbo habang nag de daydream, nag-iisip ng mga stories, nag eextract ng mga ideas na posibleng hindi pa nadedecode ng mga tao na walang panahong magwander.

Kailangan ko itong sabihin hindi para magyabang pero para pag-isipan na rin. Para sa ilan, ang laman ng gift box (na ako nga) ay isang regalo sa kanila. In fact hinihingan nga nila ako ng souvenir sa mundo. Bakit daw hindi ako mag-iwan ng anak. Willing naman daw sila, magdonate lang ako ng punlay. Oo, birds that have the same feather FLY together! Lahat kami mga sabog mag-isip at lumilipad sa kalawakan. Adik ang mga kaibigan ko.

At mabilis na umikot ang ang isip ko kasabay ng pag-ikot ng pwet ko sa upuan. Pressure.. pressure… pressure… kanino naman? Sino naman? Kailangan ba may love o kailangan ba talaga? Paano kung topakin din ang maging anak ko?

Usapang souvenir. Ilang pages na nga lang ang natitira. Wala ng dugtungan. Kung meron akong ilang bagay pa na para sa mga natitirang pahina na ito, ano ang ilalagay ko?

Wala na akong maisip. Siguro gaya ng pelikula o mga libro, dedicated na ito sa final credit – isang mahabang listahan ng pasasalamatan.

Marami sila. Mga nakasabay ko sa buhay na ito, sa paghahanap ng mga sagot kasabay ng hindi mapigil na paglaki at pag-ikot ng mundo. No where to go talaga but grow. At habang naggogrow old, meron din sa kanila na no where to find. Silang mga nakasabay ko minsan, sa kasiyahan man o kalungkutan, kakampi o kaaway. Kahit sa facebook hindi ko na rin sila makita. Anyway, ang mahalaga naman nakasama ko sila minsan.

Mga kapatid, kamag-anak at kaibigan na nagmove –on at nagmove out.

Nauubusan ako ng salita. Nang magagandang salita para sa kanila. Sadya kasing maganda ang buhay at hindi kayang ilarawan ng salita.

Sa mundong may iisang hangin na aming nilanghap, iisang kalawakan na aming tiningala, batuhan ng panalangin at mga nagkalat ng bitwing tagahabi ng mga pangarap, sa araw at buwan na nagsasabing may dalawang matang pinaglayo ng espasyo upang kami ay mabantayan sa araw at gabi, sa tubig na bumabalot sa kalawakan ng mundo upang kami ay linisin at sa lupang aming tinuntungan at sa huli’y hantungan, ako ay handa ng magbalik at nagpapasalamat sa pagkakataong ipinakita n’yo ang daigdig.

Maaaring tangayin sa kawalan ang mga salitang tangi kong naiwan, at malilingat din ako sa alaala ng mga nakasabayan; gayunman tanggapin nyo ang kasiyahan ng aking puso.

Nakikiisa ako sa inyo at mag-iisang babalik.

Time is almost up. Kapayapaan sa lahat.

Advertisements

14 comments on “Scrapbook

  1. hmm.mukhang enjoy naman ang pag-scrpbook. bagaman hindi ako naggaganito dahil tinatamad ako hehe..enjoy naman akong makitingin sa scrap buk ng may scrap book. hehe

    nakz, featured blogger si busyok. salamat ka bernard. ayos na ayos din kase sa artweaver mo ini-link. salamat!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s