Subok lang

Nakita kita sa facebook mo.

Nalimutan mo atang i-private kaya eto ako, na ransack ko na naman ang mga photos mo. Sa bagay, kahit naman nakaset sa private yun, magpapanggap na naman akong ibang tao, at i-aadd kita, stalker na kung stalker pero hindi ko lang talaga mapigilan alamin kung kumusta ka na.

Huwag kang mag-alala, hindi na ko nasasaktan kahit sino pang Poncio Pilato ang isama mo dyan,  kahit yung huling pictures nyo ay nasa Bora kayo. Yung isa pa nga nasa kwarto, hindi mo kwarto yun, sabi ng mga friends mo hindi ka naman daw nagpaparenovate pa ng room kaya malamang sa kwarto niya. Yung pix naman nung ex mo, nakita ko rin yun. Minsan nag-iisip ako kung ano ang ginawa nyo sa kwartong yun. Okay lang, hindi ako nasasaktan. Sa mga pictures mo kasi,  nalalaman ko kung masaya ka, at kung kaya nilang pantayan yung saya natin noon. Siguro nga masaya ka na, nasa mukha mo naman. Pero I suggest mag-iba ka naman ng lugar na pinupuntahan. Pare-pareho kasi ang lugar  ng pictures nyo, iba-iba lang ang kasama mo. Iba-ibang ex’es.  Hindi kaya pare-pareho rin lang ang tingin mo sa kanila, feeling ko tuloy ako lang ang espesyal. Tayo lang ang may kuha habang naglalakad sa baha ng Espanya, remember, 8 years ago? O kaya tayo rin lang dalawa ang may kuha ng picture sa Mendiola, nung may rally na Anti GMA, pumagitna tayo sa mga nagrarally at mga pulis, doon ako lumuhod at humingi ng permiso na maging tayo? Napilitan ka pa ngang sagutin ako kasi magpapaulan na ng tubig ang bumbero para itaboy tayo?  Naalala mo yung isa nating pictures? Yung family picture nyo na nilagyan ko ng sungay ang father mo? Simula noon hindi na ko nakabalik sa inyo? Hindi mo ba namimiss yun?

Nakakamis ang kulitan natin noon. Ibang-iba na tayo ngayon. Dati, ang dungis natin, sapat ng makaligo isang beses sa isang araw, nag-uulam ng kwek-kwek at siomai na ngayon ay minsan na lang nating nagagawa; feeling cool pa nga na parang hindi natin ito naging staple food. Hindi na rin tayo nakikiride sa credit card ng ate mo. Ngayon pwede na tayong magtravel gamit lang ang credit card ko. Ang dami na nating pwedeng gawin ngayon, kaso  hindi na tayo. Lagi nating sinasabi noon, pag may trabaho na tayo, i-eenjoy natin ang buhay natin. Pero you know what, kahit wala tayong pera noon, everytime na na naaaalala ko yung mga araw na yun, masayang-masaya pa rin ako. Its a piece of heaven. Masaya tayo sa kung anong meron tayo noon.

Tama yung mga sinabi natin noon, na kilala natin ang mga sarili natin, alam nating magiging successful tayo. Everytime nga na tinitingnan kita, i see picture of success.

Branded ka na nga.  Tama lang yan, i enjoy mo yung mga bagay na pinaghirapan mo.

Ako rin, ang principle ko kasi, we work for comfort. Magkakasundo tayo sa galaan, sa food, sa movie marathon at sa pag-ubos ng oras sa mall.

Sa totoo lang, mas bagay sana tayo ngayon. Pero kilala kita, pag tapos na, tapos na. No turning back. No recycle. Ibang putahe naman sabi mo nga. Parang movie, parang bar, o mga beach na pinupuntahan natin. Pagnapuntahan mo na, ayaw mo ng balikan. Sabi mo kasi, mas masarap yung maraming nakikilala, mas marami kang nakukuha, mas maraming learning.

Anytime soon I’m leaving. May opportunity abroad e. Dati di ba, sabi natin, pag may isang aalis, dapat kasama yung isa, hindi kasi tayo naniniwala sa long distance relationship.

Nangyayari na lahat ng plano natin kaso nga lang, hindi na tayo.

Honestly, kung tatanungin mo ko ngayon, willing naman akong magsimula ulit, na maging tayo ulit. Medyo lalakasan ko na ang loob ko, is there a chance na kausapin mo ko, na subukan natin na iwork-out ‘to?

Okay na tayo di ba? O  mas okay na hindi tayo?

Siguro nga naaamaze pa rin ako sayo, pasensya na. Namimiss lang talaga kita.

Kung pwede ko nga lang sabihin na hindi na ako ito, hindi na ako yung dati. Bago na ko, hindi ako recycle, ibang putahe na ko,  kaso ako pa rin ang makikita mo, yung dati.

Kung hindi mo ko  mapagbibigyan, siguro nga, hanggang dun na lang. Nangangamusta lang.

Happy Valentines Day na lang. I’m sure walang masama kung batiin kita dahil minsan namin naging hearts mate tayo di ba?

Advertisements

21 comments on “Subok lang

  1. ang lungkot naman. damang dama ko ung lungkot

    try mo kaya na makipag usap sa kanya ng personal, sabihin mo ung nararamdaman mo para umalis ka man, mag abroad ka man nag try ka na ayusin ung nasirang relasyon. kung ayaw na niya talaga, tanggapin mo atleast alam niya na mahal mo pa rin siya. 🙂

  2. natatawa ako s kwek-kwek, s rally pati s baha.it’s sweet but it’s funny.malungkot xa kc natapos n pero kuntento na rin xa kc minahal xa.nakakawala xa ng stress basahin.cge magbabasa ulit ako next time.geh,gud lak!

  3. ginawa u tlga ung s rally?? wow hangswit nmn 🙂
    stalker n kung stalker… hhahha.. i guess hnd nmn pgging stalker un, gus2 u lng tlga mlaman gngwa ng mahl u kc gnun dn aq DATI! hhhee..

    hope u can totally move on 🙂

  4. ang kewl naman ng storya, naantig ako sa bawat linya ng iyong pangungusap. mahal mo pa ba sya? malamang oo, kasi willing kang umulit ulit depende na rin sa kanya kung gugustuhin nya, tama di ba? ang kyut din nung nasa rally kayo, haha.. ano kaya hitsura mo noon? hehe.salamat at nahimasukan ko ang lungga mo, pumapadpad lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s