Si Karla, Ang Babaeng Walang Ego

Nung una ko siyang nakita, nasabi ko sa sarili ko ‘ah, madali ‘tong pakisamahan.’

Totoo nga.

Mabait siya.

Nanatili ang mystery niya ng mga ilang araw, at ang ilang araw ay inabot ng ilang buwan hanggang sa dulo ay bumulaga nga ang misteryo ng babae sa likod ng pinto. (Hindi ko na idedetalye kung saan at anong pinto)

Pinag-usapan si Karla.

Hinusgahan ang kanyang kakayahan at pagkatao.

Nakilala ko siya ng husto nang matapang niyang ikinuwento ang buhay niya at kung paanong siya at ang aking mga blog entries ay nagkakatugma, kung paanong paulit-ulit niyang inaaral ang mga kwento ko nagbabakasakaling matuto siya at magising.

Hindi man kami madalas magkausap, nakita ko kung paano siya nakabangon.

Nawala na rin ang usap-usapan. Nawala na rin ang mga taong nakapaligid sa kanya.

May bago na siyang buhay.

Minsan, kinakatok siya nang nakaraan. Makakatanggap na lang ako ng tawag. Nagpapanic. ‘Kuya, kuya, tumatawag na naman siya.’

‘Anong sinabi mo?’

‘Wala, ang tanga-tanga ko naman kung papatulan ko siya di ba? Nakamove on na ko’

Ito na yata ang salitang isa lang naman ang kahulugan, pero ang tagal ng proseso. Ang haba ng kanyang dinaanan at ang daming beses niyang  ginamit. Sa bagay, sa salitang move on, isa lang naman ang sigurado, ang pag-alis subalit may maraming maaaring puntahan.

Yun ang magandang dapat tingnan. Alisan mo yan, wag kang matakot dahil marami kang pwedeng puntahan. ulitin natin ha

Iwan mo siya at magbubukas ang maraming pinto sa buhay mo. Ikaw na lang ang pipili kung saan mo gustong tumungo.

Nakamove on na nga siguro siya. Matatas na niyang naikukwento ngayon with matching paghalakhak ng malakas kung paano siya nagpakatanga noon.

Kaya nga sanay na sanay na siya. Maingat na siya sa mga tao, sa pagkukwento at mga nagpapanggap na kaibigan.

Ngayon, makikita naman sa mukha niya na masaya na siya, sa mga pinupuntahan niya at mga pinopost niya sa facebook, sa ilang mga katrabaho niya at syempre, sa pagkain.

Para kay Karla at sa mga katulad niyang naging tanga sa pag-ibig, at impernes, nakabangon kahit inabot ng 28 years, isang malaki at malakas na  CONGRATULATIONS!!!!

Advertisements

4 comments on “Si Karla, Ang Babaeng Walang Ego

  1. nyahhh.. pang 4 kna sa ndaanan q na nagpost ng video na e2 hahhah..

    gnun tlga ang pagmomove on! it wil take 48 yrs eheh..

    except s iba na after awhile meron n agd! o wel datz lyf! 🙂

  2. nice naman. perstaym ko sa bahay mo ate pero ang gleng-gleng naman dahil sa yo eh dahil sa yo ano siya. hehehe. klap-klap sa iyo ‘te, padaan! babalik ako. 28 yearsss????? di nga??

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s