Isisi mo sa El Nino o kay Mia at August

Ngayong hatinggabi, magdadahilan ako’t iinumin ang nag-iisang lata ng malamig na san mig sa ref.

Matapos ay magbababad sa tubig, bubuksan ang shower at hahayaang gumapang ang tubig

sa balat kong sabik na makayapos at magtatyaga sa loofah na pinahiran ng peppermint shower gel.

Itataas ang thermostat at kakalimutan ang bill.

Dahil nalulungkot ako.

Hindi ko matanggap na “time is meaningless when you are in love.”

at ngayong gabi, mag-iisip na naman ako. Kung saan na ako nakarating at kung ano na ako

Kung bakit napakabilis mong nawala at napakatagal mong magpakita

kung tama ba ang naging desisyon ko o kung pinalagpas ko nga ba

o kung maniniwala na lang ako na “If you have faith in your love, let fate take its course.”

Puchang pelikula yan.

Panira ng Lunes at huwag sanang abutin ng buong Linggo

dahil kilala ko ang sarili ko, hindi ako papaawat sa pagkalunod,

depress-depressan, emo in the making, suicidal obsession

dahil hanggang ngayon umaasa akong hindi man sa Paco Park, sa ilog Pasig

kahit nga lang sa facebook, magparamdam ka muli, sabihin mo sa akin na pwede ngang maging tayo

at pinapangako ko na iiyak ako, higit pa sa iyak ni John Lloyd

mas mararamdaman mo ang kasabikan ko,

Magkakaaward din ako, pang Grandslam Best Actor.

subalit hindi man mag-abot ang ating mga kamay, habang naghihintay

titipahin na lang nitong mga daliri ang mga salita at nararamdaman ko

para makarating sa’yo na bitter man pakinggan,

hindi ka na makakahanap ng taong magmamahal sayo gaya ng sa akin

at para tapusin ang gabi,

itong unan muna ang yayakapin ko

maghihintay at umaasang maintindihan ko balang araw ang tanong na ito

“Bakit ba tayo may second chance? Maybe because this is not for us to have happy ending, but to end things right.”

Mahal pa rin kita.

*quotes from the movie Miss you like crazy

Advertisements

17 comments on “Isisi mo sa El Nino o kay Mia at August

  1. ang init ng panahon mahirap matulog kaya ayan tuloy..madaming dumarating at gumugulo sa isip.

    malalim yong quote mo..pero masgusto ko yong pinakahuling 4 words. para kanino yan? hehe

  2. hahaha natawa nman ako sa post mo. akala ko ako ang nagsasalita or ako ang pinatataamaan mo. it just so happens na naghahanap ako ng quotes from this movie, then i saw ur site. tinamaan ako sa cnabi mong isisi sa el niño or mia & august. pero ang galing mo…tama na ang pag-e-emo. (pero minsan kahit ulit-ulitin na tamang tigilan na ang pag-e-emo, hirap gawin ahahah) gudlak sa mga emotero!

  3. aray ko talagang, isisi kina mia at august.

    oo nga tama yang linya dyan sa miss u lie crazy. hindi lahat ng bagay ay maganda kagad ang ibig sabihin. basta kailangan lang ng closure para makapag-move on na.

    okay lang emo wag lang masyadong negatibo. pero maganda na ang maging emo kaysa maging bato.

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s