Stolen Shots

Una kong natanggap ang picture na yun pagbaba sa taxi. Inabot sa’kin ng taxi driver nung nagbayad ako, merry christmas daw, regalo niya sa mga pasahero niya. Nakababa na ko ng binigay niya iyon, nung binubuksan ko na ang envelop, pinaharurot niya ang taxi at laking gulat ko nang makita ko ang nasa larawan – Picture ko habang naghihintay ng taxi.

Iniisip ko kung pano niya ako nakuhaan ng picture, kung sino siya.

Isang unregistred number ang nagtext, “bakit ka nag-iisa?” tumingin ako sa paligid, walang tao, madilim, dali-dali akong pumasok ng bahay.

Ilang araw matapos nun, dinalaw ko ang mommy, matagal na kaming hindi nagkakausap. Habang nagdadasal, lumakas ang hangin, halos tangayin ang bulaklak na dala ko, namatay din ang kandila. Isang papel naman nag tinangay ng hangin. Isang picture – picture ko na mag-isang kumakain. May nakasulat sa likod “Hindi bagay ang sopas sa pansit”

Walang tao sa tabi ko maliban sa pila ng mga taong naglalakad papasok sa gate ng memorial.

Wala akong inaksayang oras. Tumakbo ako papalayo.

Dumaan ako sa opisina noon, isang MMS naman ang nagtanggap ko, picture ko na nakatayo sa memorial, may message “Wala kang payong, mainit pa naman” nireplyan ko “Gago ka, tigilan mo ko, sino ka” Wala akong natanggap na reply.

Stress lang to sabi ko sa sarili. Pumunta ako sa bookstore, doon ako tumambay. Nagbubulatlat ng mga libro, naghahanap ng books ng magiging interesado ako hanggang sa mahawakan ko ang book na  architectural design for modern homes. Modern contemporary ang book cover, laking gulat ko ng makita ko ang first page, may sulat ng pentel pen “Para sayo”. Kinilabutan ako, kahit wala ang pangalan ko, pakiramdam ko, patungkol sa kin ang pagkakasulat. Binitawan ko agad ang libro at umalis sa bookstore.

Ang lakas ng ulan kaya nga pag-uwi ko ay naligo ako agad dahil nabasa ang likod ko sa anggi ng ulan.

May kung anong humugot ng tingin sa akin sa salamin  sa vanity counter. Picture ko. May picture na naman na nakatape sa salamin. Picture ko sa bookstore. Walang sulat sa likod.

Iyak ako ng iyak noon. Halos masiraan ako ng bait sa takot. Tinawagan ko si Boyet, sabi  ko magkita kami.

Alam kong hindi naniniwala si Boyet sa kwento ko. May nirefer siya sa’kin na makakausap ko, mahihingan ng tulong. Si Dr. Marquez. Psychiatrist daw yun. ‘Wag daw akong maoofend, pero tingin iya ay stressed ako sa pagkamatay ng mommy ko at sa dami ng deadlines sa office. Nilayasan ko siya, hindi ako praning, totoo ang mga nakikita ko, totoo ang mga natatanggap kong pictures at messages.

Trafic, malakas ang ulan, may kung anong nangyari at tumigil ang makina ng kotse ko, nagstart ako ulit, bumukas ang sound at narinig ko mula doon ” para sa iyo ang libro”

Pinatay ko ang radio. Sa pagkakataong ito, mas malakas ang iyak ko sa buhos ng ulan.

Umuwi muna ako sa bahay ng bestfriend ko. Wala sya dun, mommy niya lang, pero hinayaan niyang makitulog ako.

Binuksan ko muna ang laptop para buksan ang email, nakita ko na may email sa kin, may nakaattach na picture, picture ko sa sasakyan, umiiyak, hinahampas ang manubela, may message sa email na “i dont want to see you crying”

Si mommy ba to?iniisip ko si mommy to, pero hindi niya gagawin yun. Hindi niya ko dapat tinatakot.

Nakatulog ako.

Pumasok, parang normal lang, parang walang nangyari. Pumunta akong office. Pinigilan nila ako pero hindi nila nagawa. Nagsubmit ako ng resignation letter.

Ayoko na. Change in environment. Baka nga stress lang to.

Isang tawag mula sa headhunter ko ang nareceive ko. Walang patumpik tumpik. Tinanggap ko. Wala man sa linya ko, madali na ‘to. Alam kong kaya ko.  CPA ako, isang bored accountant na ngayon ay susubok na gumamit ng right brain at magdesign. Patapos na rin kasi ako sa diploma course ko sa interior design.

Tumigil ang panggugulo ng stalker ko. Wala ng pictures, text messages at kung anu-ano pang boses.

Makalipas ang isang taon, nagpakasal ako, architect ang napangasawa ko. Sa trabahong iyon ko nakita ang naging asawa ko.  Kinasal kami.

Nag open ako ng facebook, babaguhin ko ang status message ko from single to married.

Maya-maya isang tag ng photo ang nareceive ko.

Picture naming mag-asawa, nakatalikod, nakaharap sa altar, nakaluhod., kinakasal. May kasamang message, “finally, I’m happy may kasama ka na rin.”

Tiningnan ko ang profile ng nag tag sa akin ng photo. Walang picture, walang friends. Isa siyang facebook group page. Mr. Cupid group!

Advertisements

8 comments on “Stolen Shots

  1. wow ang astig ng kwento,

    parang totoo talaga ung pangyayari, nakakpangilabot dun sa nasa sasakyan, pero pag katapos nun naging ok ang lahat,.

    bilib talaga ako sayo kuya,
    sa lawak ng imahinasyon mo..

    good story..:)
    pwedeng pwede na sya sa pocket book o mas higit pa.:)

  2. Idol i like the story! Akala ko totoong nangyari to, natakot din ako sa takbo ng story parang ang hirap icipn na me stalker ka at kumukuha ng larawan.

    Magandang entry one of the best!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s