magkaibigan

Kahit ang dagat na iyong dinaanan, nahati’t

tila nasaktan, sa iyong paglisan.

Inihatid ka ng aking kaway, huli na marahil

bagamat hindi mo nilingon,

balewala pagkat nakatanaw ka sa malayo

tila gusto mo ngang lumaya o lumimot agad.

Gayunman,  hiling ko ang iyong kaligayahan

at kaligtasan, kasabay ng hanging aking binulungan

at ginabayan ng mga ibong nauna ng kumampay upang

iyong sundan.

Paalam.

Huwag mo sanang isipin na ikaw lang ang nasaktan,

o sinadya kitang saktan

dahil pareho tayo, nabigo.

Hindi ko hinihiling na maging tayo pa,

sana lang ay magkapatawaran, kahit magkalimutan

matanggap lang natin sa isa’t-isa,

maamin

na hindi naman talaga natin sinasadya

mabuti tayo.

Magtiwala ka

na hindi laging ganito,

na maaring sa iba

totoong mas maging maligaya ka.

Kung sa malayong lugar piliin mong tumigil

at hindi na magparamdam

hindi kita hahanapin upang mabawasan man lang ang iyong sakit

kahit sinasabi ng puso ko na wala akong pagkukulang.

Yun ang mas mabuti

hangad kong mapabuti ka

ngunit sana maintindihan mo

na maaaring laro ito ng buhay.

at hindi ito titigil hanggat ipinapakita mong mahina ka

hangga’t hindi ka nagwawagi sa sakit

dahil mauulit at mauulit ito

pagkat hindi ka lang ngayon luluha.

Masakit ang umibig,

kasama yan, dahil sinusukat ang puso

hindi sa dami ng galos

kundi sa makailang ulit kang umibig

muling naniwala

sa pagmamahal

at mangyayari yun

kung pakakawalan mo ako

sa pag-aakalang ako ang may sala

at ako lang ang dahilan.

Kung masasalubong mo ako

at hindi mo pansinin

na tila hanging nagdaan

malulungkot ako, nang sobra

sapagkat hindi ka pa nakakawala,

ngayon kung nais mong makalimot

makaahon sa sakit na iyong dinaranas

titigil ako, maghihintay

isa pa, sa huling pagkakataon

magyakap tayo, yakapin mo ko

hayaan nating ang ating puso ang mag-usap

nang sa gayon ay makalaya ka

at makapagsimulang muli

dahil yun lang ang paraan.

Mas mabuting magwakas

kung paano tayo nagsimula.

Magkaibigan.

Advertisements

8 comments on “magkaibigan

  1. emoness kuya bernard ha… nwei, as the cliche goes… everything happens for a reason… and saying goodbye to a special someone is not yet d end of the world… hehe

    good day kuya…

  2. waw! friends turn to be lovers? hmmm…
    kung sobrang lalim ng sakit i dont thnk na pde pang bumalik ang pagkakaibigan..
    pero sana.sana.sana. kc sayang! alm ko ang sakit ng mawalan ng dalawang pinakamamahal sa katauhan ng isang tao..

    godbless!

  3. Very true.

    Nakalulunglot. Pero kailangan talagang tanggapin at harapin ang katotohan.

    Sobrang nagustuhan ko ito. Sobrang nakarelate din kasi ako.

    -Chino

  4. alam nia un kuya.

    ayaw lng nia cgurong mag assume.

    e2 ang hirap pag hnd nag meet halfway ang 2 tao.
    my mga bagay na kala nung isa biro, dun sa isa seryoso na pla.

    communication lng cguro. i mean, better.. communication. spill it all out.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s