Ako naman ang magsusulat…

Habang kasalukuyang ginigisa ng mga hurado ang mga Maikling Kwento, Tula at Kwentong Pambata ng mga kalahok sa Saranggola Blog Awards 2, may oras na akong magsulat.

Klap! Klap! Klap!

Kanina sa meeting, tumayo ako saglit at iniwan ang aking notebook, pagbalik ko, tinanong ako ng kameeting ko kung nais kong maging doktor. Sinuklian ko siya ng tawa.

Sadyang hindi maganda ang sulat ko maliban sa pirma ko.

Ngayon, sa pagitan ng pagsusulat at pagkukwento, mas gusto ko ng magkwento na lamang. Lahat ng dahilan ay naiisip ng kamay ko pag magsusulat na siya; naroong nangangawit ito o kaya naman ay nanginginig.

Naaalala ko pa noong Grade 1 ako at pinasulat kami sa papel ng aming pangalan. Dapat punuin namin iyon – harap at likod, bago kami payagang makauwi. Hindi ako nag kinder kaya hirap na hirap ako. Hindi ko rin makuha ang logic ng pagsusulat ng pangalan sa isang buong papel. Siguro para bata pa lang ay makilala ko na ang sarili ko. Paiyak na ko noon nang mag-abot ng tulong ang kaklase ko na siya na ang magsusulat para sa akin, napansin niya atang naluluha na ako sa activity na yun.

Grade 2 naman kami nag cursive writing, nagustuhan ko ito. Mas mabilis pala pag kabit-kabit at hindi na ako tumigil noon sa pagsusulat.

Naging aktibo ako sa klase. Ako ang unang sumisigaw ng “Finish” sa t’wing matatapos akong magsulat. 4th year High School na ata akong tumigil sa pagsigaw ng “Finish”.

Ang ballpen ko noon, laging finish din. Tuwang-tuwa ako pag nauubos ko ang tinta. Pag nauubos kasi, kinukuha iyon ng pinsan ko, pwede daw palitan iyon ng bago basta isauli lang ang basyo – Panda at Kilometriko ang ballpen ko noon.

Ilang kilometro na kaya ang narating ko sa haba ng mga letrang naisulat at pinagkabit-kabit, malayo na nga – hindi lang sa layo ng lugar kundi sa haba ng panahon na nabuhay ako. Tama nga naman sila sa sinabi nilang malayo ang mararating mo kung marunong kang magbasa at magsulat.

Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kaya’t minarapat ng Diyos na magturo ako sa elementary at pahawakin ng mga makukulit na istudyante. Nagturo rin ako ng cursive writing.ย  Dalawang taon lang iyon, umayaw na ako at sign na siguro na magresign nang masabihan ako ng Grade 2 student ko na ginagaya niya lang ang sulat ko nang minsang pagsabihan ko ito na ayusin ang pagsusulat. Minsan rin nila akong sinita kung bakit daw kami nagsusulat sa hangin. Hilig ko kasi noon na pasulatin sila ng cursive sa hangin, gaya ng natutunan ko noong elementary ako. Ewan ko ba, ang sarap ng pakiramdam kapag sabay-sabay kayong nagsusulat sa hangin.Parang mas natututo, sama-sama at nagkakaisa kayo sa pagsusulat.

Hanggang sa namalayan ko na lang na ang gawaing iyon ay nangyayari ngayon.

Ang pagsusulat sa hangin – sa virtual world, sa lumulutang at malawak na espasyo ng internet.

Dito, sama-sama tayong nagsusulat, nagkukwento at nagbabahagi ng ating mga karanasan at natututunan.

Nagkakaisa tayo – gaya ng 52 bloggers na nakiisa sa pagsulat ng maikling kwento, tula at kwentong pambata. Sa lahat ng sumali at patuloy na sumusuporta sa Saranggola Blog Awards Year 2, ngayon palang ay nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat. Ngayon, mayroon na tayong walumpong (80) bagong mga akda, lumilipad gaya ng saranggola sa kalawakan ng internet.

—-

Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga bagong manunulat! Klap! Klap! Klap!

lipadlaya. siyetehan. r. mysterio. eloiski . 2rivers. bevs. spagetisows. katrinadanieles.The_empr3ss. batang istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. metaporista. andee. dahnjacob. tuyongtintangbolpen. cuteberl. toyangxcore.ย  batangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. stilssdd. bonistation. ryanjay. mariaespie. purpledribbledlife. topexpress.

Saranggola Blog Awards 2010

Advertisements

34 comments on “Ako naman ang magsusulat…

  1. ayun yun eh ang alamat ng pagsusulat ni chicher bernard umali.

    ayeee

    base!

    noong ako ay unang tumuntong sa blogworld ko natutunan ang salitang

    BASE!!!

  2. Ok yan Igan Bernard, dahil may kasunod pa – Ang Saranggola Blog Awards 3. Kaya samantalahin n’yo muna ang magsulat nang magsulat ngayon…hehehe.

  3. Isa nga raw malaking kahibangan ang pagsusulat sa hangin. Tulad ng tingin ng ibang mga tao na hindi nakakaintindi sa pakiramdam ng pagdutdot ng keyboard at pagsasaboy nito sa buong mundo sa pamamagitan ng isang pindot. Hindi nila ma-gets ang hiwaga ng pagsusulat sa hangin. Tulad ng estudyante mong kinekwestyon ang paraan ng iyong pagtuturo. Ang pagsusulat sa hangin ay kailangan ng imahinasyon at visualisasyon.. Ang pagsusulat ng abcdefghijklmnopqrstuvwxyz sa hangin ng sabay-sabay, ay maaaring magdulot ng pagkangawit sa mga batang mga kamay. Ang hindi nila alam, ito ang kanilang magiging gabay sa paglalakbay sa kanilang buhay.

    Salamat sa pag-organisa ng isang patimpalak. Di yata biro yun! Salamat sa iyo at sa iyong mga katuwang. Mabuhay ang Saranggola Blog Awards!

  4. grabe! tumatayo ang balahibo ko sa kamay habang binabasa ang sinulat mo…. maraming salamat at mabuhay ang Saranggola Blog Awards!

    Mabuhay ka, Bern! Sana yumabong ang lahi mo!! \:D/

  5. ang astig lang ng segue. hindi ko akalaing sa sba pala mapupunta ang kwento. hihi!

    ipinagkakapuri ka ng buladaspir ser bernard dahil sa napakagandang adhikaing hikayatin ang mga e-manunulat na magsalitype ng mga kwentong may kabuluhan at katuturan.

    maraming salamas ule! kaisa mo ako sa adhikaing ito! mabuhay ang sba!

    • salamat lio. Oo, paminsan-minsan ay kailangan nating magsulat ng may katuturan dahil hindi lang tayo ang nakakabasa nito, may mga mag-aaral na naliligaw sa ating site. Dapat ay hindi sila maligaw ng pamumuhay dahil sa ating mga sinusulat.

  6. una natuwa ako kasi may wordpress ka pala. pangalawa paadd po ako sa link mo. pangatlo ganda ng post na ito at huli sa lahat salamat sa patimpalak mo. natulungan ako nitong ilabas ang mga kaganapan sa buhay ko na matagal ko nang tinago. salamat kuya blu sa iyo. excited na ako makita kayo at lahat ng mga sumali. hehehe… congrats sa saranggola blog awards 2 at ready na ako sa saranggola blog awards 3. kelan kaya un.. hihintayin ko un ha….

  7. “4th year High School na ata akong tumigil sa pagsigaw ng โ€œFinishโ€.”

    ikinagagalak kong makasama ang maliit kong saranggola sa paglipad sa napakalawak na papawirin ng blogosperyo bernard… maraming salamat sa pagkakataon.

    -Maskara.

  8. maramng salamat din sa pagbibigay ng oportunidad na makasali sa ganitong klaseng patimpalak. ๐Ÿ™‚ *klap klap klap. ๐Ÿ™‚ tagumpay dahil marami ang nahimok na sumulat ng may makabuluhang topiko. ๐Ÿ™‚ salamt ulit ginoong bernard. ๐Ÿ™‚ magandang araw sa’yo! ๐Ÿ™‚

    P.S. noong highschool ako mahilig akong mag-collect ng ballpen kasi noong elementary, madami akong nawawalang ballpen. ๐Ÿ™‚ hahah. nagayong college na lang talaga ako nakakaubos ng tinta. ๐Ÿ™‚ may masabi lang. ๐Ÿ™‚

  9. napakagandang hamon para sa kakayahan ng mga bloggers ang sumulat ng may panuntunan at direksiyon na gaya ng inilatag mo sa aming harapan.

    isang karangalan sa akin ang maging kabahagi ng Saranggola Blog Awards at ng iyong adhikain na mapalawak pa ang literaturang Pinoy.

    Mabuhay ka,sir bernard!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s