Dear Maggie,

Una sa lahat, hindi ako nalalasing sa beer at salamat dahil hindi kayo nandiri sa balut na pulutan o sadyang abala kayo sa pagvivideoke.  Bago pa man ako dumating, nagtext na ko na lalamon ako dahil breakfast pa lang ang kinain ko, mag-uumaga na naman at hindi pa ko kumakain – buhay apartment! Isa pa, hindi naman talaga ako nagvivideoke.

Mukhang pagod kayo sa mga pinaggagawa ninyo nang araw na yun kaya hindi rin kayo masyadong nag uusap nila Ning at Bing – busy kayo sa pagpili ng kanta o talagang yun lang ang gusto nyong gawin, ang kumanta.

Hindi nyo rin masyadong pinansin ang boylet ni Bing kaya naman mayamaya ay nagpakabusy na rin siya sa pagvideoke – akalain mong may talent.

Pagod ka siguro Mags kaya may mga sinasabi kang seryoso, nasa boundary ng usapang lasing at usapang praning. Lasing ka na ng sinabi mong isa na kong brand! Ampotah! Sana man lang ay nakilala ko ang manager ko at kumita ako! At praning ka ng sinabi mong nahihirapan ka o nadedepress sa mga nangyayari. Remember the art of deadmatology?  Carry lang Mags. Walang pinagbago 6 years ago ng sinabi kong kaya kong matulala ng mahabang oras at takasan ang mga toxic sa buhay ko. Effective sya hanggang ngayon – alam kong kaya mo rin yun.

Nabasa mo na ba ang book na may dedication ni Margie? (feeling close) ako hindi pa.  Baka makatulong yun pero isa lang ang sigurado ako, mas okay na rin na maging paborito ni Luis si Taylor Swift kesa kay Lady Gaga. Masyadong creative si Lady G. Naisip ko lang, kung ipakausap mo kaya lagi si Luis kay Louie? Ang hirap kasi ng pinapa assignment mo.

Yung tungkol sa hardware, depende kasi kung ano o saan ka poposisyon. Kung Managing Director ka, kahit hindi mo alam ang detalye nun, think business lang. Pero kung laging scrap ang ideas mo, ayos lang, kumikita ka pa rin naman – so anong difference lols.

Yung tungkol naman sa Friday, subukan kong humabol,  luau party ba or Hawaiian? Habol ako – pamorningan na naman ba?

O siya, pinagbigyan lang kita thats why i blog u. Peace! hehehehe

Advertisements

14 comments on “Dear Maggie,

    • naku sandali, pano ko nga ilalarawan si maggie,
      sige wag na lang pisikal hahaha
      si maggie ay isang kamag-aral sa masteral dati
      pareho kaming hindi nakatapos, karma siguro dahil wala kaming ginawa noon kundi magtext at mang okray ng mga kaklase.
      si maggie ay hindi ko kailanman magiging kumare dahil wala syang planong ipabinyag ang kanyang anak (tama ba?)
      si maggie ay hurado ng saranggola blog awards
      si maggie ay isang kaibigan, kainuman
      si maggie.

  1. dear kuya blue:

    si maggie ba eh dinidiskartehan mo o talagang close lang kayo? kasi kung hindi mo dinidiskartehan, hihingi sana ako ng maggie instant mami. pati na rin maggie chicken cubes. shit, ang korni ng joke ko. T_T

    p.s. natanggap ko na ang token at ang gc. i thank you! bow! XD

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s