Ang Mundo

Ang mundo ay hindi pisikal.

Hindi ito tungkol sa mga gusali,

hindi rin sa mga pasyalan,

lalong hindi ito tungkol sa pulitika

at hindi sa mga artista.

Ang mundo ay hindi rin tungkol sa mga samahan

at hindi rin lang tungkol sa pagkakapatiran,

ang mundo ay hindi ako

o ikaw,sila o  tayo.

ang mundo ay hindi rin pala bilog

hindi lang kasiyahan at lumbay,

ang mundo ay hindi tungkol sa pagkabigo

at hindi katumbas ng pagtatagumpay.

Hindi ito ang mundo.

may kabilang daigdig na matatagpuan dito

ngayon at hindi sa kabilang buhay.

May daigdig na hindi nasa isip

kundi nasa ugnayan ng mga isip.

Itong daigdig ay para sa mga bulag

para sa mga hindi bukas ang pangitain

dahil may mas malawak na daigdig

na may ibang ginagalawan.

Walang sakit ng damdamin

walang panghihinayang

walang sana at sayang

sa  aking daigdig.

Malaya ang mundo

walang patakaran

hindi natatakot

laging may natututunan.

Ang mundo ay walang sukat

o hangganan,

hindi ito tungkol sa iisa

ito ay tungkol sa diwa.

 

Pagkat ang mundo ay bahagi at kaugnay ng mas malawak na mundo

na tanging iilan ang nakakakita at nakakaunawa.

Ang mundo ay may mga salita

sa totoong mundo ay nag uusap.

Advertisements
By bernardumali Posted in Ako

8 comments on “Ang Mundo

  1. hello, sir.

    idealized world versus the real world, eh? sa philo 11 pa lang, di ko na gaanong makuha yong debate ng ought vs. is.

    mas magandang ipinta ang mundo sa isip kesa sa mundong nakikita at nararanasan, sabi… :s

  2. hahaha. natawa naman ako sa comment ni salbe,,

    musta sir? tagal kong di napasyal dito…

    ang tula mo siguro ay patungkol sa intelektuwal na mundong naiintindihan ng iilan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s