Ang Kaharian (sa isip ko)

Umaga na naman, medyo malinis na ang kwarto ko.
Malinis na rin ang isip, pati na ang loob.
May nakatakda nang gagawin para sa susunod na anim na buwan.

Hindi ako nag iskedyul ng trabaho, pahinga lang nitong Sabado at Linggo.
Nagkataon naman na ang mundo ay nagdiriwang.

Royal Wedding.
Bagamat ito ay seremonyal na lamang at wala naman talagang kinalaman sa mamamayan ng mundo,
tanging inspirasyon daw ang hatid nito.
Hindi ko pa rin gets. Ikaw ba nagets mo?

Isa lang sa ilang bilyong tao ang nakatakda para mapangasawa ng prinsipe at maging hari at reyna,
sa bansang hindi rin naman nila masasabing nasasakupan, sinasabi lang nito sa isip ko na nakatakda kang mabuhay sa mata ng publiko.
Na ang ilan sa iyong kalayaan at karapatan ay masasaklawan ng madla, dahil ikaw ay itinuturing na inspirasyon o gabay ng bawat pamilya. Shitness! Hindi masarap tumira sa palasyo. Pero impernes, maganda ang gown. Simple para sa mundong nagugutom na ni kumot ay walang maibili.

Mas gusto kong isipin na ang nangyaring Royal Wedding ay isang pelikula lamang at matapos iyon ay sisigaw ang direktor ng Cut! Tapos na ang pelikula at magiging normal na ulit ang buhay ni Prince William at Kate Middleton.

Blessed Pope John Paul II
Sa kaharian ng langit ay napromote ang Santo Papa bilang taong banal. Agree ako dito!
Naging bahagi ako ng World Youth Day ’95 at noon ko natuklasan kung paano ginamit ng Santo Papa ang kanyang bokasyon at ang simbahan upang mapalapit sa tao.

Gaya ni Kate na isang commoner, Si Karol Wojtyla ay isang ordinaryong tao, isang mangagawa. Naranasan nya ang hirap ng buhay sa panahon ng digmaan at nakita niya na kaabikat ng pakikibaka ay ang pananampalataya.
Sakto namang itinuring siyang banal sa araw na ito – Mayo Uno, kung saan ipinagdiriwang din ng mundo ang araw ng mga mangagawa.

Nang pinakita sa tv kung gaano karami ang taong nagwawagayway ng kanilang bandila sa harap ng balkonahe ng Buckingham Palace at sa St. Peter’s Square, naisip kong bagamat napaka moderno na ng panahon, ang mga tao ay nagkukumpol at bumabalik sa mga lumang gusali na ito upang makasagap ng pag-asa, makapagpahinga marahil at muling mapagningas ang enerhiyang nasasaid sa uri ng kanilang pamumuhay.

At gaya nila marahil ay matatapos ang kiliti sa aking isip at babalik sa aking diwa, na ako ay narito sa aking sariling silid – sa aking kaharian.

Hindi man sinlaki ng palasyo, nasasakop naman ng isip ko ang mundo.
Hindi ang naglalakihang haligi ang hangganan ng aking palasyo, kundi lagpas pa maging sa kaharian ni Thor.

at kailangan ko ng magpahinga pagkat maging ang Hari ay nagpapahinga rin.

Advertisements

One comment on “Ang Kaharian (sa isip ko)

  1. natawa ako sa transition mo… (talagang nakonek mo si kate kay thor… )

    hahaha!! hindi ko rin nakitang maganda yung gown..

    pinag-uusapan namin ng kapatid ko.. (what if si lady gaga ung gumwa ng gown niya?…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s