Dear Former Student,

Siguro, hindi mo na inaasahan ang sulat na ito.

Kung naaalala mo pa, 10 years ago, sa klase natin sa Makati High School, meron kayong Student Teacher sa Values Education na hindi masyadong siniseryoso. Syempre, student teacher lang naman ‘to,  bakit kayo magsasubmit ng assignment at projects. Kaya nga sa dami ninyo, hindi lahat ay  nagpasa ng requirements.

Bago magtapos ang taon, bago kayo maging abala sa graduation at pag aaply ng mapapasukan sa college, dalawang project ang kailangan nyong tapusin. Madali lang naman di ba, ang sumulat ng 10-year plan at 101 wishes na ilalagay nyo sa isang envelop na may address ninyo.

Binasa ko ang mga sulat. Nakakatuwa ang mga gusto nyong maaccomplish in 10 years. Sana natupad ninyo at nangyari nga. Yung 101 wishes, parang ang hirap nung iba, halatang naubusan na rin kayo ng mga wishes. May gustong makarating ng buwan, gustong huwag ng pumutok ang bulkan, na wala ng digmaan at kung anu-ano pa. Ang mga wishes tungkol sa inyong mga hinanakit, pamilya at pag-aaral ang kumurot sa puso ko.

Pebrero 2001 iyon, at ngayon, Hunyo 30, 2011, Sampung taon ang nakalipas, ay ibabalik ko sya sa inyo. Inangatan ko ‘to, binabalik-balikan at sinigurong hindi sya masisira, aanayin o mababasa. Sana ay makarating ang sulat na ito at muli nyong balikan kung natupad nyo ba ang inyong mga plano at kung na grant na ba ang inyong mga wishes. Kung hindi pa natutupad ang lahat, may panahon pa naman.

Keep dreaming! Keep Wishing! Personally, naniniwala ako na ang mga plano at wishes na sinusulat ay nangyayari basta puso ang sumulat.

Balitaan nyo ko kung ano na ang kwento ng inyong buhay.  Maaari nyo akong iemail at kumustahin sa:

bernardumali@yahoo.com (FB)

Bernardumali@gmail.com

www.bernardumali.wordpress.com

www.saranggolablogawards.com

www.onlinenobela.com

o kaya ay sulatan sa :

Bernard “Blue” Umali

P.O. Box 2419 Makati Central Post Office

Makati City

Ang inyong student teacher,

Sir Blue

———-

Ang 101 wishes at 10-year plan ay project ko noon sa mga estudyante ko, nilagay nila ito sa isang envelop na may address nila sa harap.  Nagturo ako bilang isang student-teacher ng dalawang (2) buwan sa Makati Highschool Main. Sinabi ko na ibabalik ko ito sa kanila makalipas ang 10 taon upang balikan nila at tingnan kung natupad na ang kanilang mga plano at wishes. Naipadala na ang mga sulat noong July 1, 2011 sa Makati Post Office. Sana ay makarating ito sa mga address na sinulat nila. Sakaling wala na sila doon ay babalik ang sulat sa PO Box ko para maingatan at muling hanapin kung nasaan na ang mga mag-aaral na ito. Sana ay successful na sila at masaya sa kani-kanilang buhay.

Advertisements

37 comments on “Dear Former Student,

  1. very inspiring. i wish i could have my students do this also. it’d be a long shot for me, since i handle sped kids. pero who knows dba? 🙂 i’d continue wishing and dreaming for them cguro and help them have their own 10yr plan and 101 wishes too. :] galing naman! :]

    • mai, pwede mo namang ipagawa sa students mo, kahit 3 wishes lang kung hindi kaya or pwede ring idrawing ang mga bagay na gusto nila, i tago mo then send mo rin naka address sa parents nila, pwedeng 10 years, pwedeng 1 year o kaya sa graduation nila 🙂

  2. wow kuya. 🙂 as in pinadala mo sa kanila… T.T nakaka-inspire naman. baka ang iba, nawalan ng pag-asa,pagkatapos they just needed a push, ngayon, teacher na nila mismo ang magpapaalala nang mga kahilingan at pangarap nila. 🙂

    gandang araw kuya bernard. 🙂

  3. ang galing ng idea 🙂
    wondering how many of your students were able to achieve what they wrote 10years ago
    …sana andun pa ung iba sa address na nilagay nila hehe

    • salamat! ingat na ingat ka ako dyan, isipin mo para akong may treasure na sinisilip -silip sa twing uuwi ako sa min, tinitingnan ko kung okay pa ba ang sulat, kung hindi pinaglaruan ng pamangkin kong mahilig magkalkal ng gamit ko, kung hindi natuluan ng ulan, kinain ng anay o kinain ng daga lols

  4. sir blue!!
    IV-english po.. hazel belleza
    salamat sa inyong ginawa.. i havent received it yet.. naligaw nanaman c manong.. but really thanks po.. how r u sir?

    • sir blue,

      natanggap ko na po yung sulat, salamat po at bumalik yung assignment ko, pwede po bang pakibigay ulit yung mga “numbers na may description” ang naalala ko lang po yung sa #3.

      salamat salamat po!

      Jennilyn B. Juan
      IV-English

      • Jen, salamat naman at natanggap mo, hindi ko na rin maalala ibig sabihin nun, basta number yun according sa kung ano ang mga sure na matutupad lols, sabi ko ata yung number 3 unang matutupad hehehe pero pampasaya lang yan, walang basis yung sinabi ko na yun. Para lang abangan nyo at matuwa kayo hehehe

  5. ako wala pa. lumipat na kc kami. pero sir check nyo muna kung may name ako Ronnie Seguros then send ko sa inyo address ko hehe! IV-English din po ako. I wonder what I have written… hehe!

  6. sir hi po,,

    naku hindi kami lumipat pero minsan kasi naliligaw ung post man kasi nag-iba ng street names na or whatever kami.. kung hindi 9595 masilang st kalayaan ave… dapat 9595 kalayaan ave po… pero wait ko sir… nakakakatuwa talaga…

  7. ANg sweet naman! 🙂

    Sana naging student teacher din kita… Hayz! I am hoping na naaccomplish na nila ‘yung plans nila 🙂

    ANyways Kuya Blue… In-add na kita sa links ko 🙂 Hehe! Nice meeting you nga pala… Seryoso na ako muna sa blogging.

  8. alam mo di ako nakapag aral, pero pakiramdam ko maaring marami akong matutuhan sa iyo, ang lawak ng mundo mo, binabati kita, salamat sa mga ideya mo

  9. nakakatuwa.bakit hindi ko ito naisip noong student teacher pa lang ako?…gagawin ko ito ngayon…Sana matago ko nang husto ang kanilang mga sulat.:-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s