2011 Saranggola Blog Awards



“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 3

TEMA : Laruan

Kategorya

  1. Maikling kwento
  2. Kwentong pambata
  3. Tula
  4. Blog
  5. Larawan (photoblog)

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2011 – Oktubre 15, 2011

Awarding : Disyembre 17, 2011

Ang tema ng ating patimpalak sa taong ito ay Laruan. Paliparin ang kaisipan at humabi ng maikling kwento, kwentong pambata at tula na may kaugnayan sa Laruan. Maaaring bagay, simbolismo, katangian o kahit anong atribusyon sa laruan.

Kalahok

  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang Blogger
  4. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2011.
  5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.

Kategorya

Pagsulat ng Tula

  1. Gumawa ng isang tula na may temang LARUAN.
  2. Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.
  3. Ipost bilang isang blog entry.
  4. Ang pamagat ng tula ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng tula na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

Maikling Kwento

  1. Kahit anong paksang may kinalaman sa LARUAN o atribusyon sa laruan.
  2. Blog na magpapapakita ng pagkamalikhain at mag-iiwan ng aral sa mambabasa.
  3. hinihikayat na hindi hihigit sa 3000 salita
  4. Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

Kwentong Pambata

  1. Tatalakay sa kahalagahan ng laruan, paglalaro at mga kabutihan / pagpapahalagang ipapamalas nito.
  2. Para sa mga batang nasa edad 12 pababa
  3. hinihikayat na hindi hihigit sa 1500 salita
  4. May salitang angkop sa mga bata
  5. Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

Kategoryang Larawan (pang photoblog)

  1. Ang kategoryang ito ay magpapakita ng isang kuhang larawan ng laruan na magdadala sa imahinasyon at karanasan ng larawan.
  2. Ang kuhang laruan ay kinakailangang makalikha o pumukaw ng kwento sa isipan. Isang larawan na bubuo ng kwento sa isipan ng mga makakakita.
  3. Maaaring gumamit ng kahit anong klase ng camera.
  1. Ang pamagat ng larawan  ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

Kategoryang Blog (freestyle)

  1. Malayang kategorya.
  2. Ang kategoryang ito maaaring maglaman ng inyong personal na journal o sanaysay tungkol sa paksa. Maaari ring vlog, maaaring cartoons, sketch, o kahit anong midyum na magpapakita ng inyong kaisipan tungkol sa paksang LARUAN. Kung ang inyong paraan ng pagbablog ay wala sa mga nabanggit na kategorya, dito nyo sya isali.
  3. Kailangan ay nasa wikang Filipino ang nilalaman.
  4. Isinama ang kategoryang ito sapagkat sa loob ng dalawang taon ng SBA, may mga lumalahok sa kategoryang maikling kwento na hindi naman maikling kwento. Kadalasang nagkakaroon ng pagkalito sa paglikha ng maikling kwento at blog. Dito maaaring ilagay ang paraan ng pagbablog na wala sa mga kategoryang tula, maikling kwento, kwentong pambata at photoblog.
  1. Ang pamagat ng inyong lahok ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

Paraan ng Pagsali

  1. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino. Maging ang pamagat ng larawan (photoblog) at Kategoryang blog.
  2. Kumuha at ibalik ang application form na may kasamang larawan (id picture) sa email address na bernardumali@gmail.com
  3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
  4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
  5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
  6. Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1 – Oktubre  15, 2011.
  7. Ang lahat ng entries ay ipopost din sa www.saranggolablogawards.com sa Oktubre 17, 2011 at nakalinkback din sa inyong blogsite.
  8. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer, kalakip ang application form sa bernardumali@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Kung ito ay picture o video, kailangang I attached din at ipadala sa email na nabanggit.  Lagyan ng subject na SBA entries
  9. Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
  10. Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
  11. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo na nakalink patungo ditto. at mga sponsors – ang kanilang logo na may link din sa kanilang website.
  12. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
  13. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
  14. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
  15. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo

  1. Ang lahat ay dadaan sa masusing paghusga ng ating mga piling hurado.
  2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling.
  3. Magkakaroon din ng ispesyal o natatanging karangalan para sa magkakamit ng pinakamataas na puntos ng *Facebook like. Ito ang tatawaging Blogsikat

Karangalan

  1. Ang tatanghaling Bloggaling ay magkakamit ng
    1. recognition badge sa kanilang website / blog
    2. P5,000 cash
    3. special commemorative award
  1. Ang mapipili namang Blogsikat
    1. recognition badge sa kanilang website / blog
    2. P2,000 cash
    3. special commemorative award

Ang mga magwawagi ay ipapakilala sa Disyembre 17, 2011.

*PAUNAWA : Ang Facebook at ang like feature nito ay walang kinalaman o responsabilidad sa patimpalak na ito. Ginamit lang ang like button para bilangin ang mga nasisiyahang mambabasa.

Advertisements

3 comments on “2011 Saranggola Blog Awards

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s