Para sa Blog na Libre Lang ang Mangarap

Bihira akong sumuporta sa mga bloggers kapag kinakailangan nila ng boto sa mga patimpalak dahil marami sa kanila ay kaibigan ko at madalas ay pare-pareho silang nominado. Umiiwas lang ako sa tampuhan. Pero sa pagkakataong hindi, kinakailangan kong manindigan at magbigay boto (na kailanman ay hindi ko ginagawa dahil hindi rin ako bumoboto sa local o national election, lakas mo sa’kin Otep) para sa isang blog / blogger na may malaking impluwensiya sa buhay ko dito sa blogworld.

Nakilala ko si Otep at ang kanyang Libre Lang ang Mangarap halos apat na taon na ang nakakaraan. Hindi pa masyadong sikat ang mga patimpalak sa mga bloggers. Nabasa ko ang kanyang blog at pausong exchange link requirement para tumaas ang hits at dumami ang mambabasa. Umakyat ang hits nya lalo na sa kanyang entry na Ako Mismo.

Inilabas ko ang Saranggola Blog Awards, isang simpleng patimpalak para sa mga kaibigan kong bloggers. Naiiba ito sa kanilang mga patimpalak subalit hindi ko akalaing sisikat ito at aabot nga sa ikatlong taon na sa kasalukuyan ay sinuportahan ng 87 bloggers. Gaya ng pangkaraniwang blogger noon, isa rin lang itong patimpalak na bukod sa layunin nitong humikayat ng mga bloggers na sumulat sa Filipino ay nais din nitong pataasin ang hits ng aking personal na blog. Hindi nga ako nagkamali sa formula ni Otep. Sa ngayon ay may sarili ng domain ang aking Saranggola Blog Awards. At patuloy ang paglipad upang tuparin din ang mga pangarap ng mga bloggers na makasulat ng makabuluhan sa blogworld at mapakinabangan lalo na ng mga kabataang naghahanap ng magagandang tula, kwento at maikling kwento dito sa blogworld.

At gaya ng kanyang blog title na Libre lang ang Mangarap, kakatuwang basahin ang isa-isa nyang pagtupad ng pangarap. Ang makukulit na karanasan at kakatwang pagtalakay sa kanyang mga ginagawa. Si Otep ay isang batang blogger na masarap subaybayan at pagmasdan kung paano sya lumalago at nagiging ganap na tao. (hehehe parang evolution lang)

Kaya nga bilang pasasalamat sa impluwensiya ni Otep ay sinusuportahan ko ang kanyang Libre Lang ang Mangarap blog para sa 2011 Philippine Blog Awards sa kategoryang bloggers’ Choice.

Tulungan natin si Otep na tuparin ang kanyang pangarap na magwagi sa Philippine Blog Awards.

Mabuhay tayong lahat na patuloy na nangangarap!

PS.

Noong Disyembre 3, araw ng Sabado ay pinarangalan si Otep ng Bloggers choice award ng Philippine Blog Awards. Natupad din ang isa sa pangarap ni Otep!

Ang aral, may mga pangarap na makakamit natin hindi lang sa ating pagsusumikap kundi sa tulong ng mga kaibigan at pamilya. Congrats Otep mula sa iyong U-Blog Family!

Advertisements

4 comments on “Para sa Blog na Libre Lang ang Mangarap

  1. Sana na nga matupad ang mga pangarap natin lahat. Madalas ang buhay nakakaloko, parang nilalaro tayong lahat. Medyo nawawalan na nga ako ng pag-asa sa iba kong pangarap pero susubukan ko ngumiti. Malay natin na may ibang mas magandang pangarap pala na matutupad.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s