Si Anonymous Blogger

Gaya ng marami, nakikisabay lang ako. Nakikibasa, nag a update, nakikipagkulitan and in fact mas madalas pang mag comment kesa sa magpost. Hindi naman ako hardcore blogger. Online shopper pwede pa, isama mo na ata ang forum shopper pero ang blog, hindi ako to. Hindi gaya nya na dekalibreng blogger.

Sya yung pag nag post, wow wala pang isang oras tadtad na ng comment at like. Si anonymous talaga. Hindi ko alam kung saan nya kinukuha ang ganun karaming ideya. Ang creative! Hindi nakakasawa at ang blog nya lang ang shinishare ko once nagpost sya. Nakasubscribe ako kaya updated ako sa kanya at syempre nakikibase sa pagcomment.

Nakikipagkulitan din sya sa readers kaya nga nagiging thread ang comment section. Iba rin ang pakiramdam pag nakiki interact sayo ang idol mo kahit sa comment man lang.

Oo, kahit sa comment lang dahil hindi sya kailanman umattend ng mga eyeball ng mga bloggers. Kaya nga daw sya anonymous e. Pero ako, ipinangako ko sa sarili ko na makikilala ko rin sya balang araw. Kaso kahit anong kulit ko, kahit anong pakisuyo, kahit sinabi ko na ifefeature ko sya sa blog ko, wala talaga.

Hindi lang pala ako ang may ganung request, marami na. Infact, sabi nya, may invitation sya sa TV at sa radio pero ayaw nya. Low profile lang daw sya.

Minsan iniisip ko, hindi sya tao. Ang galing kasi nya. Baka isa lang na online karakter ang anonymous blogger na ito, baka ginawa lang sya ng mga bloggers o ng pool of writers. Na marami sila at nagpapanggap lang syang isang tao.

Pero parang ang hirap paniwalaan. Pag nagsulat sya, may kwento at may consistency. May idealism. Merong kwento ng kanyang kabataan. Masarap pakinggan ang boses nya sa blogworld. Mas kapani-paniwala na isa syang totoong tao – na isa syang blogger.

Pag weekend, usually yan eyeball ng mga kasamahan kong bloggers. Nagmamadali ako kaya hindi ko nabasa kung saan ba talaga magkikita-kita. Basta alam ko dito sa isang mall sa Makati. Ichecheck ko sana sa facebook ko ang details kaso anak ng tokwa, lowbat ang phone ko. Kaya hanap ng computer rental.

Agad akong umakyat sa second floor para magrent sa internet shop. Sa computer 7 ako na assign. Walang tao sa 8 pero meron sa 6. Hindi ko maiwasang lumingon sa binabasa nung nasa 6, ang blog ni anonymous. Malaki talaga ang fanbase ni anonymous blog. Pero parang hindi sya nasisiyahan sa post. Nakakunot ang noo, sinisilip-silip ko ang post pero hindi ko pa ata nababasa iyon. Hanggang sa laking gulat ko ng iclick nya ang edit. F*ck! Sya si anonymous!

Hindi ko pinahalata na kilala ko sya. Ay, hindi ko naman talaga sya kilala, pero ibig kong sabihin, na reader ako ng blog nya. Highlight ng 2 sentences, delete. Type, nag change ng word, type. Nagpunta sa baba, naghighlight ng last paragraph, then delete. Nagtype. Naglagay ng tags, naglagay ng category at sinet ang oras ng posting.

Pagkatapos ay naglog-out sya. Dali-dali akong nagopen ng facebook at nagtype sa status message  na “si internet sensation, blogworld celebrity at intriguing anonymous blogger ay eto katabi ko at kilala ko na” ipopost ko na sana pero tiningnan ko muna sya, nasa cashier at parang may problema. Napapakamot ng ulo ang babae dahil hindi sila magkaintindihan habang natigilan ako na parang nakakita ng multo – wala akong naririnig sa sinasabi niya. Nagsasign language si idol at pagka abot ng sukli ay umalis na. Hindi ko na pinost ang status message.

Naisip ko, kaya pala o kaya siguro… mas malinaw dito ang kanyang boses. Mas naririnig. Mas naiintindihan. Lalo ko syang naging idol.

Advertisements

12 comments on “Si Anonymous Blogger

  1. Nkakatuwa naman, napadaan lang po ako ng nagreresearch tungkol sa mga anonymous bloggers.
    Maaari po bang malaman kung kathang-isip lamang si Anonymous? Parang nakakahiya naman kasi yung dahilan ko kung bakit hindi rin ako nagpapakilala. Or siguro sadyang walang katuturan kung ikukumpara sa dahilan niya.

  2. natuwa ako dun sa twist. iba ka talaga, kuya blue! salamat ule sa sba! hanggang sa susunod na matayog na paglipad! merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms! \m/

  3. wait! totoo ba to?.. hala?.. tingin ko hindi… 😀 hahaha!!! nakakabilib kase eh.. parang too good to be true… 😀 hehehe.. nice post anyway… nadaan lang.. happy new year kuya blue!! 😀 hehehe

  4. muntik na akong ma-paranoid nang hindi maisama ang url ni anonymous blogger. mabuti na lamang at fiction lang siya. kung hindi, baka hindi ako natahimik hangga’t di ko nababasa ang page nya. ang galing. napaniwala ako. astig!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s