salamat 2011!

Salamat sa bagong feature ng Facebook – ang  Timeline. Madali kong nabalikan at nareview ang taong 2011.

Medyo maraming pahabol na hindi magandang nangyayari ngayon na ibinabalita, kaya nga nagpapasalamat ako at naging mabait sa’kin ang 2011.

Itong taon na ata ang pinakamaraming byahe na nangyari sa buhay ko.

1. Tatlong beses akong nag Boracay ngayong taon. At kung may panahon pa sana, babalik ako at mag bi beer party sa lahat ng bar ng boracay.

2. Tatlong beses din na nag Cebu.  Mas naappreciate ko sya nung 3rd visit ko nitong October. Mas naikot ko ang mga gimikan.

3. Syempre, hindi ko rin malilimutan ang Mt. Pinatubo Trail naming mga bloggers.

4. Nag Bohol din pala ako ngayong taon.

5. Mas magulo, mas maingay at mas makulit ang Iloilo – Guimaras trip namin nitong November kasama ang mga UBloggers.

6. Dalawang akyat sa Baguio. Aakyat pa sana ako at doon mag babagong taon pero tinamad na.

7. Busog at sobrang enjoy sa Sorsogon. First time kong makarating sa Bicol. Salamat sa Sarungbanggi! Promise sasama ako ulit sa Agosto.

8. at marami pang mga byaheng Luzon na work related gaya ng Summer Party sa Batangas, Semi-Annual Brokers Party sa Laguna, Project Presentations sa Bulacan, Laguna, Pampanga at Pangasinan.

Kung Last year (2010) ay natapos ko ang Diploma Course ng Real Estate Management ng CREBA – La Salle, wala ata akong masyadong seminar na nakuha this year. 2 lang ang inaral at natapos ko:

1. Ang 30 sessions na inenroll ko sa Fitness First, (lumiit ang tyan ko, promise!) at

2. ang driving lesson na 5 hours and tsaaaaanaaaan!!! May Drivers License na ko! Salamat sa SMART Driving dahil pinayagan nila akong tapusin ang session ng 2 araw. Busy-ness!

Itong taon din ang pinaka kaunting blogpost na ginawa ko, pero ayos lang dahil

1. Itong taon ang may pinakamapusong blog posts na sinulat ko. Ooopps, mamaya mo na balikan ang mga posts ko sa Hibang Blog ko

2. Ngayong taon ang may pinakamaraming bloggers kita-kita ang napuntahan ko. Pumapangalawa ata ako kay Bino at Mhel sa Mr. / Ms Eyeball of the year! Syempre nagpakita ako nung umuwi si Kristoff ng  Topexpress, nung umuwi si Bon ng Taragis.com / Bonistation at Leah ng  Iam Super Leah. At marami pang mga maliliit na kita-kita dyan sa MOA, Megamall, Madison, Greenbelt at kung saan-saan pang tambayan ng mga bloggers.

3. All time High din ang Saranggola Blog Awards ko. Sobrang dami ng sumali! 167 Entries at 80+ bloggers!

4. Ito rin ang pinakamagastos na Saranggola Blog Awards.  Pero ayos lang dahil masaya naman at mas marami ang dumalo ngayon.

5. Payapa at masaya ang UBlog. Ramdam ang pamilya dito kaya maraming bloggers ang nakikilahok at sumusuporta sa isa’t-isa. Ika nga, ito ang tahanan ng makukulit at mga bloggers na nagwawagi sa kung saan-saang patimpalak. (O siguro dahil andito ang mga bloggers na contest freak/addict lels)

Present din ako sa mga binyagan isama mo na ang mga dalaw sa patay!

Ang dami ring nadiscover na masasarap na restaurant!

Ang dami ko ring nameet na mga  long lost friends!  Lalo na ang mga klasmeyt ko nung elementary!

May mga concerts, movies, book launch at kung anu-ano pang launch na napuntahan ko ngayon. Isama mo pa ang Party Pilipinas courtesy of MC Richard ng  Mangyan Blogger. ASAP naman sa susunod ha. Mas kilala ko kasi ang mga celebrities ng Kapamilya hehehe

Naging successful din ang career (naks parang may career!)

1. Nakaquota ang department. Syempre na reach ng Department namin ang 3.6B sales! Maganda-gandang contribution sa 17B na sales ng aming company.

2. Nakuha namin ang lahat ng award sa Christmas Party! Best in Costume! Best in Presentation at ang Grand Raffle na 40″ Samsung LED TV ay seller namin ang nakakuha!

3. at syempre ehem ehem, na promote ako bilang Sales Director ng Broker Department. Ganda pakinggan di ba? Ang totoo, Manager yun, Direktor ang tawag sa Sales. Salamat syempre sa Boss ko – FCO!  Mas pangarap ko atang maging direktor sa Indie Film hehehe

First time ko ring gumawa ng lyrics (at magrecording, practice lang hehehe). Salamat kay Ms. Tess Salientes  Bloom ng Quintessence. Naging parte ako ng bagong corporate jingle namin. Nagcollaborate kami sa lyrics 🙂

at ngayong taon din pala, may natupad akong pangako, ang maibalik ang mga sulat ng mga naging istudyante ko sampung taon na ang nakakaraan. Sulat iyon para sa sarili nila; 10-year plan at 101 wishes na sinabi kong ibabalik ko sa kanila makalipas ang sampung taon. Nasa 200+ letters iyon. Bagamat may mga bumalik na sulat, karamihan naman ay nakabalik sa kanila. May mga kwento at balita silang binahagi sa’kin matapos matanggap ang sulat. Nakakatuwang isipin na marami sa kanila ay naging matagumpay at natupad ang mga simple nilang pangarap.

Ilan lamang yan sa mga magagandang nangyari ngayon taon.

Next year, 2012 –  marami nang nakapilang mangyayari. Mga life-changing event na pinag-isipan at pinagplanuhan. Sabi nga, ang buhay ay hindi humihinto. Ang mundo ay umiikot at kasama tayong gumagalaw. Naisip ko, bata pa rin ako, at kahit nagkakaedad, walang dapat ikatakot. Kasama nito ang pagkatuto, ang karunungan.

Importante ang Risk. Dapat na nakikipagsapalaran dahil ang totoo, wala namang kasiguruhan sa buhay.

uy syempre nakakuha na ulit ako ng passport kaya sana sa 2012, mas marami, mas masaya  at mas malayong bloggers eyeball!

Sa lahat nang nakasama, naging kaibigan, mga taong andyan palagi – salamat sa pagbibigay ng taong puno ng saya, aral at tagumpay!

Advertisements

12 comments on “salamat 2011!

  1. Kuya burn. Sobrang proud ako sayo. Siguro totoo nga yung sabi mo na kapag nagiging mapag bigay ka, mas madaming blessing ang dumadating. 🙂

    Ngayon, ikaw na ang idolo ko sa pagpapayaman. 🙂 godbless kuya. Sobrang na enjoy ko ‘tong entry na ‘to.

    Happy new year na din 🙂

  2. It was nice meeting you this 2011 Bernard… If I would be obliged to say my first impression of you, it would be that you are a very good conversationalist…

    Congratulations on your achievements for this year… Hopefully, magkitakita uli tayo sa Davao… 🙂

  3. Andaming nangyari na parang konti hehehe… Congrats sa career, ikaw na may CAR hehehe paulit ulit ako. Okay lang gumastos, bumabalik naman 🙂 Heehee

    Sasali pa rin ako ng sasali sa SBA kahit lagi akong matatalo ng matatalo hehehe looking forward ako sa book, yeah! Tsaka goodluck sa Africa mo yeah.

  4. muka ngang siksik-liglig at umaapaw ang dating ng blessings sa’yo, kuya blue. malaking tulong talaga ang sba para maisulong ang kalidad ng pagba-blog sa dakong ito ng intarnetz. kung meron man akong totoong sinusuportahang pakonteshit, nangunguna na siguro ang sba. penge nga ‘kong “i support sba” badge at nang maipaskil na sa crib.

    mabuhay ang sba! mabuhay ka, kuya blue! hanggang sa muling paglipad! XD

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s