Lucky 7

7 Years na ang blog na ito. Medyo mahaba-habang taon na rin simula nang magsimula akong magblog.

Syempre, nag-iisip ako kung paano ipagdiwang ang ikapitong taon. Sa atin kasi, importante ang edad na ito at madalas ay may handaan. Kaso hindi ako maghahanda. Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ito magiging memorable.

Pag may birthday, may regalo.ย  Kaya nga naisip ko na humingi ng regalo magbigay ng regalo.

Sino ang bibigyan?

Pipili ako ng pitong bloggers na may hiling.

Kahit ano na importante sayo, magpapaligaya sayo, mahalaga sayo at kailangan mo.

Hindi sana mahal dahil hindi naman ako mayaman.

Pwedeng hindi materyal. Pwedeng hiling na hindi bagay. Hiling na gusto mong gawin o gusto mong gawin ko.

Hiling na simple. Hiling na kakaiba. Hiling na magpapabago ng isang bagay.

Basta kaya ko, at sa tingin ko ay magiging memorable ang pitong taon na ito.

Wish Granted.

Paano?

Email mo sa akin (bernardumali@gmail.com) at lagyan ng subject na Lucky 7.

Ikwento mo kung bakit iyon ang hiling mo.

Pagkatapos ay ilagay mo sa comment section na nag-email ka na at ibigay mo ang link ng blog mo sa comment section.

Simple lang naman di ba?

Ipopost ko sa mga susunod na araw ang mga Wish Granted ๐Ÿ™‚

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Advertisements

70 comments on “Lucky 7

  1. Pingback: Lucky First « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  2. Pingback: Lucky Second « HIBANG {tagni-tagning ideya}

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s