Lucky Second

Hindi matanggal ang ngiti sa akin nang mabasa ko ang wish ng isang blogger na gustong magpaka anonymous. Narito ang kanyang hiling:

Dear Kuya Bernard,
Una sa lahat, happy blogsary po sa inyong blog. Isa kayo sa hinahangaan ko sa U-blog. Ang saya ko at napabilang ako ditey, I mean dito. hehe ๐Ÿ™‚
Sana ako ay nakahabol pa. May gusto sana ako hilingin, hindi naman siya ganun kahirap kaya sana makahirit ako. At kung hindi po ako mapipili, ay parang awa niyo na, wag niyo po akong ilaglag. hehehe
May crush po kasi ako sa U-blog, at iyon ay walang iba kundi si kuya Bon. hehe *kilig* Crush lang naman. Sana po ay makahingi ako ng isang picture lang nya na may autograph niya at may maikling mensahe lang para kay “Anonymous” Sige na pu?? please? hehe. Magiging masaya po ako dun.
Pambihira, ako po ay natawa sa sarili ko. Ang tanda ko na para sa ganitong bagay eh. hehe. Naging masalimuot ang aking buhay pag-ibig (Magkwento daw ba, parang “Dear Kuya Bernard” lang ang drama) Nahirapan ako makabangon dun ah. Pero ngayon masaya naman ako. Ayun, may mga crush once in a while, pero eto yung di ko syempre masabi no. Nakakahiya kaya. HInahangaan ko lang siya kasi parang mabait sya at gentleman (siguro, hindi ko pa nakilala in person eh.)
Kung hindi po eksakto yung paraan (kung mapipili ako), okay lang po.
Maraming salamat sa pakikinig kuya Bernard. Ako ay nag enjoy gawin ang sulat na ito. Hehe. Wala pong laglagan ha! ๐Ÿ™‚

Nagmamahal,

Anonymous

Dahil hindi naman ako pwedeng hindian ni Bon Talampas, napilit ko siyang mag grant ng wish. Salamat kay Bon! Si Bon ang blogger sa likod ng Taragis.com at Bonistation.com.

Effort din ang pagpapaprint nito sa Kodak! Syempre may panghuhusga ang tingin ng babaeng nagprint lalo na ang LBC guy na nung una ay ayaw tanggapin dahil bawal daw ang picture frame at baka mabasag pero nung tinawagan ko ang blogger na sobrang kinikilig, wala daw syang pakialam sa frame, kahit picture lang daw kaya nga picture lang ang pinadala ko. Concern pa nga si LBC man at nilagyan ng karton para hindi mafold ang picture sabay tanong sa akin kung kaanu-ano ko ang nasa picture. Sabi ko na lang, kaibigan ko, may isang stalker na nagwish na magkaroon ng autograph ni Bon.

Tinext ko sya nang maipadala ko ang picture:

“nasa LBC na, anytime tom nasa ______ na ๐Ÿ™‚ btw take precautionary measure, may namamatay sa sobrang kilig. lols”

at nagreply sya

“ahahahaha….. 50/50 na po… Hehehe… Thank you so much po…. Mwaaaaah!”

kinabukasan ay nagtext ulit

“dumating na kuya bernard! Hehehehe Thank you.ย ย  ๐Ÿ™‚ย  ”

simpleng hiling. simpleng saya. ๐Ÿ™‚

Wish Granted!

abangan ang ikatlong lucky wish.

ang mga lucky wishes ay nagmula sa post na ito:

Lucky 7

lucky First

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Advertisements

14 comments on “Lucky Second

  1. naks. iba talaga ang ‘arrive’ ni kabayan.hehe
    sayang di napili yong wish ko.. :-(( pero natuwa naman ako sa napili mo ka berns. isang simpleng wish pero kung mapagbibigyan ay alam nating magbibigay ng todong kaligayahan ๐Ÿ™‚

    congrats kay ms Anonymous! sana nxt time pakilala ka para masaya.hehe

  2. Simpleng hiling pero siguradong nagpasaya hindi lang sa humiling kundi sa mga bumasa na rin. Haha, parang high school lang eh. u-blogger ba sya? Tsismosa lang po, hehe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s