Lucky Sixth

Very touching naman ang wish na ito mula kay Lei ng Forbidden Lei

hehe to na kuya BLUE nabasa ko na ung instruction haha kakaexcite naman kasi ang contest mo haha LELS.
sympre una kong wish is makatrabaho sa hospital, kasi alam mo naman na super frustrated akong magNURSE. may PASSION kasi. kasi may side comment ka kagad so wag na lang un ahiihihi :))
sumunod kong wish is LIBRO kasi mahilig din ako magbasa. mas maganda sana kung medical book kaso mas maganda kung si BOB ONG ang author ahaha
pero ang pinakawish ko nalang is PLANE (or PLAIN haha nalilito ako eh)TICKET hehe mura nalang yan kasi may promo naman na (may disclaimer) hehehe. hndi para sakin ung WISH ko. si mama kasi gusto umuwi sa province ni LOLA sa ILOILO hindi pa kasi sya nkakapunta dun, si lola bumibisita dito paminsan minsan pero si mama gusto din makapunta dun sa kanila. ayun. hndi naman kelangan ng accomo, TicKET lang talaga hahaha ^_^ solomots kuya blue

Lucky Fifth

Hindi ko talent ang hiningi ng blogger na ito kaya humingi ako ng tulong sa iba. Ito ang kanyang email

mula kay Khanto Saberola ng Kwatro Khanto

New Header po ang aking kahilingan para sa Lucky 7.

Medyo napaglumaan na ng panahon ang header na ginagamit ko. Hindi ako makagawa dahil may sira ang computer ko sa bahay.

Yun lamang po.

Happy 7 years sa inyong blog.

more power and god bless 😀

Magpatuloy sa pagbasa

Lucky Fourth

Isang blogger na taga Mindanao ang nagpadala ng kanyang wish. Mula ito kay Marvin Ric Mendoza, blogger sa likod ng Mga Tula at Kwento: Bahaghari ng Kaisipan

Sa dinami-rami ng maaaring mahiling sa mahalagang taong ito,taong tunay na sa Diyos, ang tanging mahihiling ko lamang po ay magkaroon ng aklat na kalipunan ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Siya ang makatang aking iniidolo. Bagaman ang hiling na ito ay may hatumbas na halaga, hindi ko maaaring maitatwang ito na nga ang isa sa mga inaasam kong bagay. Kung hindi pa ito, mahihiling ko rin namang magkaroon ng kahit isang album ng Air Supply pagkat nagiging lubos ang aking kasiyahan kapag naririnig ko ang kaygandang tinig at kayrikit na liriko ng kanilang mga kanta.
Ang hiling na ito ay mula sa aking puso at kung maibibigay ma’y pasasalamat at kagalakang buong-buo ang aking magiging sukli na akin namang kukunin sa kaibuturan ng aking pagkatao.
Maraming salamat.
Dahil wala akong mahanap na aklat ni Jose Corazon de Jesus, hinanap ko na lang ang album na gusto nya. Lumaki rin ata ako sa air supply at sa mga hindi nakakaalam, mahilig ako sa music. Hindi ko rin ugaling bumili ng pirated kaya dahil sa effort nya na humingi ng album ng Air Supply kahit maraming pirated nito sa Mindanao, binilhan ko sya ng double cd collection.

Lucky Third

Importante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.

ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One World

bago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.

Dalawang bagay po ang aking hiling:
Una, nais ko po sanang ifollow niyo ang aking blog at magcomment ng kahit isang simpleng “nice post” lang sa isa sa mga blog post ko. Bukod sa isa palang ang follower ko, gusto ko po sanang maimprove ang mga blog entry na ginagawa ko at ang mga comment o puna ng isang beteranong tulad niyo ay alam kong makakatulong sa akin.
Pangalawa, kung maaari po bang magpost kayo ng isang entry na tumutukoy sa mga bagohang blogger na tulad ko. Mga tips and tricks mga ganun bang eksena. Tips tulad ng:
1. Payo sa mga bagong bloggers
2. Payo para makatagal ng 7 taon tulad niyo o higit pa.
3. At mga kung ano ano pang mga chenes para sa mga bagong bloggers.