Lucky Third

Importante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.

ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One World

bago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.

Dalawang bagay po ang aking hiling:
Una, nais ko po sanang ifollow niyo ang aking blog at magcomment ng kahit isang simpleng “nice post” lang sa isa sa mga blog post ko. Bukod sa isa palang ang follower ko, gusto ko po sanang maimprove ang mga blog entry na ginagawa ko at ang mga comment o puna ng isang beteranong tulad niyo ay alam kong makakatulong sa akin.
Pangalawa, kung maaari po bang magpost kayo ng isang entry na tumutukoy sa mga bagohang blogger na tulad ko. Mga tips and tricks mga ganun bang eksena. Tips tulad ng:
1. Payo sa mga bagong bloggers
2. Payo para makatagal ng 7 taon tulad niyo o higit pa.
3. At mga kung ano ano pang mga chenes para sa mga bagong bloggers.

Naghahanap kasi ako ng mga ganung post kaso wala akong makita. Yun lamang po. Sana isa ako sa mga mapipili ng niyo. Marami salamat po

Para sa kanyang unang hiling : na like ko na ito at nagcomment na rin.

Para sa pangalawa, ito ang aking  pitong payo.

Alagaan ang sarili dahil hindi ka aabot ng pitong taon kung mahina ang katawan. Echos! Basic lang naman ang dapat tandaan sa pagbablog.

1.Piliin mo kung anong klaseng blog ang gagawin o isusulat mo. Anong niche? Medyo Technical ba o Personal?  Kadalasan, nagsisimula tayo sa mga personal na blog. Huwag mong paghaluin para hindi malito ang mambabasa. Kailangan kasi ma establish mo ang blog mo para balik-balikan ka nila.

Ang payo ko dito ay tungkol sa personal blog dahil iyon ang tema ko palagi.

2. Mas masarap magsulat kung may nagbabasa, tama? Ganun din ang pakiramdam ng iba pang bloggers. Kaya nga magbasa ka rin ng blog ng iba. In short, makipagkaibigan ka, dumalaw sa blog ng iba, magcomment, makipag batian portion, magretweet, share, like at subscribe, sigurado gagawin din nila yun sa blog mo. Lagyan din ng social media buttons ang bawat entry para kung magustuhan nila ay madali sa kanila ang magshare ng blog mo. Sa ganitong paraan, hahatak ka ng readers at mga kaibigang bloggers. Pero syempre hinay-hinay sa kakapromote, hindi cool ang nagpa flood ng invitation at palaging nagrerequest ng exchange link o kaya yung magcocomment kunyari pero hindi naman sincere, masabi lang na dumaan ka sa entry nila. Talamak yan dito.

3. Ang iyong blog ay ang iyong boses. Kaya piliin mo nang mabuti ang tono ng iyong salita. Bagamat malaya tayong nakapagsusulat, saklaw ng batas ang pagbablog. Pwede kang mademanda. Kaya igalang ang karapatan ng iba. Hindi ako nagtatagal sa blog na maraming reklamo, puro angas, puro yabang, puro negatibong opinyon at wala akong natututunan. Good vibes ika nga.

4. Hindi ka pinipilit magsulat kaya wag kang magpapressure sa mga readers mo. Hindi kinakailangang  updated palagi ang blog mo. May araw talaga na wala ka sa mood magsulat. Gaya ng araw na wala ako sa mood makipagkwentuhan. Kailangan mo ng karanasan, ng subject na ikukwento kaya kailangan ka ring lumabas at makipag socialize. Wag gawing mundo ang blog, diary mo lang ‘to. Mas  creative tayo pag ganado. Tandaan ang salitang CREATIVITY. Sa Filipino : Pagkamalikhain. Ang salitang ugat nito ay LIKHA. sa madaling salita, obra mo ang ipopost mo. Pinag-isipan, bunga ng imahinasyon at mula sa iyo. Maaari kang makakuha ng inspirasyon pero gamitin iyon para may matutunan ka, iwasang mangopya. Kung may paksa na gusto mong kunin o talakayin, banggitin ito at ipaalam.

5. Kapag may mga mambabasa ka na o regular readers, isipin ang kanilang kapakanan. Sana may natututunan o nakukuha sila sayo. Hindi ka obligado dito dahil ang blog ay personal nga pero suhestyon lang naman na magset ka ng standard. Yun bang kinikilala ka na nila dahil iba ka, refreshing at orihinal. Okay, granted na wala namang masyadong matututunan sa ibablog mo, sana man lang ay iba ito.

6.Huwag puro tungkol sa sarili. Sumisikat ang artista hindi lang dahil sa kwento ng buhay nila kundi sa role na ginagampanan nila sa TV. Maraming bloggers na feeling artista, turn off yun. Turn off ang puro picture nila, kung gusto mong magsulat ng mga lugar na pinupuntahan mo, pwede namang hindi ka kasama sa litrato! Tama na yung isang picture na andun ka. Blog to, hindi photo album mo. Kung interesado yan sayo, malamang inadd ka na nya sa facebook at like ng like ng pictures mo 🙂

7. Bukod sa contents, ayusin din ang lay-out, design, color ng fonts at mag update ng theme pa minsan-minsan. Bihisan ang blog ayon sa panlasa mo 🙂

Ilan lamang ito sa mga dapat tandaan sa pagbablog:)

Pandagdag na pwedeng gawin:

Sumali sa mga grupo na mga bloggers gaya ng UBlog para matuto ka sa mga kapwa bloggers 🙂

Wish Granted !

lucky Second

Lucky First

Lucky 7

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Advertisements

2 comments on “Lucky Third

  1. maraming salamat ser! marami po akong natutunan. isang karangalan ang mapabigyan ang munti kong hiling. maraming maraming salamat po. wala akong mapag sidlan ng aking kagalakan. 🙂 yiiihh salamat po talaga!

    btw. maaari ko po ba itong i-repost sa aking blog? salamat.

  2. wow. 🙂 in fairness sa hiling, maraming matutulungan. 🙂 gustong-gusto ko yung sinabi mo number 3 kuya berns, na dapat nga naman igagalang din ang iba kahit na malaya tayo sa pagba-blog. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s