2012 Saranggola Blog Awards

“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 4

TEMA : Lakbay

Kategorya

1. Maikling kwento

2. Kwentong pambata

3. Tula

4. Blog / Sanaysay (freestyle)

5. Larawan (photoblog)

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2012 – Oktubre 15, 2012

Awarding : Disyembre 15, 2012 (tentative)

Kalahok

Filipino citizen, 18 years old pataas

nasa loob o labas ng Pilipinas

matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)

Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2012.

Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.

Ang entry ay kailangang ilagay sa isang blog platform gaya ng wordpress at blogspot. Kung nasa facebook note ang entry, mangyaring ilipat ito sa nasabing platform. Ang pagsama sa Facebook Note sa listahan sa itaas ay para lamang sa mga nagtatanong kung pwede silang matawag na blogger kung facebook note ang gamit nila. Ang layunin natin ay mahikayat ang mga blogger na magsulat nang nasa wikang Filipino sa online platform kaya tinuturing nating ang facebook note ay isang basehan sa pagiging blogger subalit nais nating ipalipat ito sa ibang platform upang mas mabasa ng nakararami. Madalas kasi ay naka pribado ang “setting” ng mga gumagamit ng facebook kaya nahihirapan kami at ang hurado na basahin at siguruhing sumunod sa patakan ang kanilang entry

Kategorya

upang matulungan kayo sa pagsulat: puntahan ang www.saranggolablogawards.com at i-klik ang  2012 Gabay sa Pagsulat ng Iyong Lahok

Pagsulat ng Tula

Gumawa ng isang tula na may temang Lakbay.

Maaaring ito ay tumalakay sa kalikasan, kultura, tanawin o kagalingan ng Pilipino.

Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.

Ipost bilang isang blog entry.

Ang pamagat ng tula ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng tula na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa http://www.saranggolablogawards.com.

Maikling Kwento

Kahit anong paksang may kinalaman sa Paglalakbay

Maaaring pag-ibig na nabuo sa pamamasyal, trahedya, tagumpay o kahit sining na natuklasan

Gumamit ng plot at tiyaking sangkap ang bawat elemento ng maikling kwento.

HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.

Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa http://www.saranggolablogawards.com.

Kwentong Pambata

Kwentong tumatalakay sa kahalagahan ng pamamasyal. Kwentong Pambata na may elemento ng pamamasyal.

Para sa mga batang nasa edad 12 pababa

HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Limampung (50) sobrang salita.

May salitang angkop sa mga bata.

Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa http://www.saranggolablogawards.com.

Kategoryang Larawan (pang photoblog) – Postcard

1. Larawang makikita sa iyong paglalakbay; arko, jeep sign, tanda, tablet, monumento, pasalubong, katutubong kasuotan o kahit anong sumisimbolo ng iyong bayan.

2. Larawan na nagpapakita ng pagka Pilipino. Nagpapamalas ng Katangian ng Pilipinas. Humihikayat na maipagmalaki ang iyong pagkabansa. Nagpapakita ng kultura. Nagpapamalas ng galing ng mga Pilipino

3. Maaaring kuha sa loob o sa labas ng bansa.

4. Isulat sa larawan ang mga salitang ipinamamalas ng larawan; kataga o mga salitang magpapatingkad sa larawan.

5. Ilagay sa larawan ang iyong pangalan o alyas at taon kung kailan kinuha ang larawan. Gayundin, ipadala ang larawan sa saranggolablogawards@gmail.com. Ibigay din ang detalye kung saan kuha ang larawan.

6. Maaaring gumamit ng kahit anong klase ng camera.

7. Ang pamagat ng larawan ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa http://www.saranggolablogawards.com.

Kategoryang Blog / Sanaysay (freestyle)

1. Sanaysay tungkol sa iyong kinalakihang lugar

2. Ipagmalaki ang iyong kinalakihan, ipakilala ang iyong lalawigan, kalye o barangay na bumuo sa iyong pagkatao.

3. Kinakailangang totoong lugar at totoong karanasan ang iyong isusulat.

4. Kailangan ay nasa wikang Filipino ang nilalaman. Ito ay malayang blog. Maaaring maging malikhain sa pagtalakay at pagsasalaysay ng akda. Kung lalahukan nang may video – kailangang ipadala ang ginamit na clip / video at isulat sa word at ipadala rin ang dayalogo (transcript). Ang video ay hindi lalagpas ng 7 minuto.

5. HINDI hihigit sa 2000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat isandaang (100) sobrang salita.

6. Ang pamagat ng inyong lahok ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 4 at nakalink sa http://www.saranggolablogawards.com.

Isulat sa ganitong paraan ang pamagat

Ako si (pangalan), laking (lugar na kinalakihan)

Paraan ng Pagsali

Ang lahat ng entry ay nasa Filipino. Maging ang pamagat ng larawan (photoblog) at Kategoryang blog.

Kumpletohin ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa kabilang pahina 2012 SBA appilcation form

Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda. (BAWAL ang PLAGIARISM!)

Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya

Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.

Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1 – Oktubre 15, 2012.

Ang lahat ng entries ay ipopost din sa http://www.saranggolablogawards.com sa Oktubre 20, 2012 at nakalink din sa inyong blogsite.

Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer sa saranggolablogawards@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Kung hindi makapagbigay ng link ng picture sa application form ay maaaring ipadala ang 1X1 id pic kasama ng entry.

Lagyan ng subject na SBA entries

Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.

Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.

Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo at ang mga logo ng sponsor na nakalink patungo dito.

Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.

Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.

Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap Sa Oktubre 20, 2012. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.

Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.

Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo

Ang lahat ay dadaan sa masusing paghusga ng ating mga piling hurado.

Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling.

Magkakaroon din ng ispesyal o natatanging karangalan para sa magkakamit ng pinakamataas na puntos ng *Facebook like. Ito ang tatawaging Blogsikat. Magsisimula ang botohan sa pamamagitan ng paglike sa Oktubre 22 Hanggang Disyembre 10

Karangalan

Ang tatanghaling Bloggaling ay magkakamit ng

recognition badge sa kanilang website / blog

P5,000 cash

special commemorative award

Ang ikalawa at ikatlong pwesto ay tatanggap ng

Sertipiko ng karangalan

Recognition badge sa kanilang website / blogsite

2. Ang mapipili namang Blogsikat

recognition badge sa kanilang website / blog

P2,000 cash

special commemorative award

Ang mga magwawagi ay ipapakilala sa Disyembre 15, 2012. (tentative)

*PAUNAWA : Ang Facebook at ang like feature nito ay walang kinalaman o responsabilidad sa patimpalak na ito. Ginamit lang ang like button para bilangin ang mga nasisiyahang mambabasa.

Advertisements

One comment on “2012 Saranggola Blog Awards

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s