May Gusto Akong Sabihin

Naging takbuhan ko na ang pagsusulat.

Pag marami akong naiisip, may gustong sabihin o kaya may magandang nangyari,

sinusulat ko agad yun sa diary ko nung bata pa ako.

Hanggang sa ang mga sulat na iyon ay nauwi sa mga salita.

Nahilig akong magkwento.

Kahit sa klase ‘pag walang teacher, ako ang tatayo sa harap,

nung High School ako, para akong guidance counselor sa mga kaklase at kaibigan ko.

Gift ko daw ang pagsasalita.

Kaya nga siguro ako naging teacher.

Pero dahil saglit lang naman ako nagturo,

bumalik ako sa pagsusulat.

Salamat sa Blog.

Kaya sa trabaho, hindi nawawala yun,

yung pagsasalita.

Lagi akong may kwento

pero dumalang ang pagsusulat.

habang tumatagal pakiramdam ko

parang nalilimitahan ko na ang mga pwede kong isulat.

Ang mas mahirap, minsan kahit pagsasalita

o mga sasabihin mo

kailangan mo ng piliin.

Kung hilig mo ang magsulat at magsalita

hindi biro ang pigilan ang sarili

pero alam mong ito ang tama.

May panahong hihinto ka,

wala namang magsasabi sayo

pero desisyon mong ‘wag magsalita

at magsulat.

May kapangyarihan ang mga salansan ng mga titik.

Binuo ang mga salita para may mangyari.

At dapat kong matutunan na may sukdulan ang mga salita.

Hindi lahat sinasabi, hindi lahat sinusulat.

May gusto akong sabihin

pero hindi pwede.

Advertisements

4 comments on “May Gusto Akong Sabihin

  1. sadyang mahirap supilin ang mga salitang namumutawi sa bibig lalo pa at alam mong kailang pakawalan iyon ng iyong bibig… Tila baga kailangang busalan ang bibig ng tao upang ang mga salitang matalas pa sa punyal ay hindi makapanakit ng iba…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s