kung wala na ang lahat

(reaksyon sa napanood na romantikong marriage proposal sa youtube video)

Kung wala na silang mga kaibigan na nakasaksi sa ating pagmamahalan

nambubuyo, nanunukso, kasama sa inuman at harutan

Kung hindi na tayo makakasama sa mga okasyon

group meetings, bonding  at kung anu-anong pagtitipon.

Kung wala nang pampanood ng sine, wala ng pagkain sa labas

walang pantravel, panggimik at pang socialize.

O kung wala na ang imahinasyong musika sa isip natin

sa t’wing tayo ay magkasama.

Kung wala ang cinematography, ang magagandang lugar na pinupuntahan natin

kung wala nang masabi , wala ng tula,

walang musika at matatamis na salita

Kwadrado.

Kung wala ang mundo,

ang kulay, ang imahinasyon

kung nasa loob lang ng kahon.

Ikaw. Ako . Tayong dalawa lang

Hangin lang sa pagitan natin

Titingin ka pa rin ba sa akin?

Masasabi mo pa kayang I do?

dahil ikaw ang pinipili ko

at ako ang pagpipilian mo

hindi sila, ang okasyon, ang mundo

Ako lang para sa ‘yo.

dahil doon magsisimula ang mundo.

sa ating dalawa.

kahit wala na ang lahat, wala ang iba.

Advertisements

One comment on “kung wala na ang lahat

  1. dahil ang sinseridad na nakalakip sa pangako ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa opinyon ng iba,sa kilig na hatid sa marami, o sa kahit na ano pang bagay o sinumang tao na maaaring makisawsaw sa pagpapahalaga ng dalawang tao sa isa’t-isa.dahil ang pag-ibig ay pawang sa pagitan ng dalawang puso at hindi kasama ang sundot, kurot, o panunukso ng mga matang mapanuri at mga mapagmataas na kilay. Napakahusay, kaibigan! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s