Dear Maggie,

Una sa lahat, hindi ako nalalasing sa beer at salamat dahil hindi kayo nandiri sa balut na pulutan o sadyang abala kayo sa pagvivideoke.  Bago pa man ako dumating, nagtext na ko na lalamon ako dahil breakfast pa lang ang kinain ko, mag-uumaga na naman at hindi pa ko kumakain – buhay apartment! Isa pa, hindi naman talaga ako nagvivideoke.

Mukhang pagod kayo sa mga pinaggagawa ninyo nang araw na yun kaya hindi rin kayo masyadong nag uusap nila Ning at Bing – busy kayo sa pagpili ng kanta o talagang yun lang ang gusto nyong gawin, ang kumanta.

Hindi nyo rin masyadong pinansin ang boylet ni Bing kaya naman mayamaya ay nagpakabusy na rin siya sa pagvideoke – akalain mong may talent.

Pagod ka siguro Mags kaya may mga sinasabi kang seryoso, nasa boundary ng usapang lasing at usapang praning. Lasing ka na ng sinabi mong isa na kong brand! Ampotah! Sana man lang ay nakilala ko ang manager ko at kumita ako! At praning ka ng sinabi mong nahihirapan ka o nadedepress sa mga nangyayari. Remember the art of deadmatology?  Carry lang Mags. Walang pinagbago 6 years ago ng sinabi kong kaya kong matulala ng mahabang oras at takasan ang mga toxic sa buhay ko. Effective sya hanggang ngayon – alam kong kaya mo rin yun.

Nabasa mo na ba ang book na may dedication ni Margie? (feeling close) ako hindi pa.  Baka makatulong yun pero isa lang ang sigurado ako, mas okay na rin na maging paborito ni Luis si Taylor Swift kesa kay Lady Gaga. Masyadong creative si Lady G. Naisip ko lang, kung ipakausap mo kaya lagi si Luis kay Louie? Ang hirap kasi ng pinapa assignment mo.

Yung tungkol sa hardware, depende kasi kung ano o saan ka poposisyon. Kung Managing Director ka, kahit hindi mo alam ang detalye nun, think business lang. Pero kung laging scrap ang ideas mo, ayos lang, kumikita ka pa rin naman – so anong difference lols.

Yung tungkol naman sa Friday, subukan kong humabol,  luau party ba or Hawaiian? Habol ako – pamorningan na naman ba?

O siya, pinagbigyan lang kita thats why i blog u. Peace! hehehehe

magkaibigan

Kahit ang dagat na iyong dinaanan, nahati’t

tila nasaktan, sa iyong paglisan.

Inihatid ka ng aking kaway, huli na marahil

bagamat hindi mo nilingon,

balewala pagkat nakatanaw ka sa malayo

tila gusto mo ngang lumaya o lumimot agad.

Gayunman,  hiling ko ang iyong kaligayahan

at kaligtasan, kasabay ng hanging aking binulungan

at ginabayan ng mga ibong nauna ng kumampay upang

iyong sundan.

Paalam.

Huwag mo sanang isipin na ikaw lang ang nasaktan,

o sinadya kitang saktan

dahil pareho tayo, nabigo.

Hindi ko hinihiling na maging tayo pa,

sana lang ay magkapatawaran, kahit magkalimutan

matanggap lang natin sa isa’t-isa,

maamin

na hindi naman talaga natin sinasadya

mabuti tayo.

Magtiwala ka

na hindi laging ganito,

na maaring sa iba

totoong mas maging maligaya ka.

Kung sa malayong lugar piliin mong tumigil

at hindi na magparamdam

hindi kita hahanapin upang mabawasan man lang ang iyong sakit

kahit sinasabi ng puso ko na wala akong pagkukulang.

Yun ang mas mabuti

hangad kong mapabuti ka

ngunit sana maintindihan mo

na maaaring laro ito ng buhay.

at hindi ito titigil hanggat ipinapakita mong mahina ka

hangga’t hindi ka nagwawagi sa sakit

dahil mauulit at mauulit ito

pagkat hindi ka lang ngayon luluha.

Masakit ang umibig,

kasama yan, dahil sinusukat ang puso

hindi sa dami ng galos

kundi sa makailang ulit kang umibig

muling naniwala

sa pagmamahal

at mangyayari yun

kung pakakawalan mo ako

sa pag-aakalang ako ang may sala

at ako lang ang dahilan.

Kung masasalubong mo ako

at hindi mo pansinin

na tila hanging nagdaan

malulungkot ako, nang sobra

sapagkat hindi ka pa nakakawala,

ngayon kung nais mong makalimot

makaahon sa sakit na iyong dinaranas

titigil ako, maghihintay

isa pa, sa huling pagkakataon

magyakap tayo, yakapin mo ko

hayaan nating ang ating puso ang mag-usap

nang sa gayon ay makalaya ka

at makapagsimulang muli

dahil yun lang ang paraan.

Mas mabuting magwakas

kung paano tayo nagsimula.

Magkaibigan.

Si Karla, Ang Babaeng Walang Ego

Nung una ko siyang nakita, nasabi ko sa sarili ko ‘ah, madali ‘tong pakisamahan.’

Totoo nga.

Mabait siya.

Nanatili ang mystery niya ng mga ilang araw, at ang ilang araw ay inabot ng ilang buwan hanggang sa dulo ay bumulaga nga ang misteryo ng babae sa likod ng pinto. (Hindi ko na idedetalye kung saan at anong pinto) Magpatuloy sa pagbasa

Extraordinary Bloggers Night!

Napakabilis nang linggong iyon, namatay ang aking tiya at punong-puno ang iskedyul, kaya araw ng Biyernes ay umuwi ako sa Bulacan para dumalaw at nang makarating ako roon, tanghaling tapat (sa sobrang traffic) ay bumalik din ako sa Maynila dahil nga sa aming pinag-usapang GEB ng mga bloggers.  Alas- 7 ang usapan kaya hindi ako dapat mahuli, ako kasi ang nagprisinta ng lugar ( Tivoli Garden Residences), medyo kinakabahan ako dahil baka matraffic sila pero buti na lang at nakarating sila agad sa kabila ng traffic at malakas na pagbuhos ng ulan. Ano pa nga ba ang aasahan sa mga bloggers; sabik na sabik yang mga yan na magkita, akalain mong kahit ako ang punong abala sa lugar ay pagdating ko sa entertainment room ay naroon na sila at nagkakantahan. hahaha ayaw paawat! Magpatuloy sa pagbasa

Paramdam ka

Ooopps, dyan ka lang! Kung sakaling mapadaan ka, para sa’yo talaga ‘to. Ang tagal na nating hindi nag-uusap. Ang tagal na nating walang communications. Kahit hi o hello, kahit forwarded text o simpleng smile sa friendster – wala. Busy ba? Medyo busy rin ako. Ang totoo, nakakapagod kaya kahit ako, hindi makatext. Pero kanina,  sa meeting, walang anu-ano, naalala kita. Natulala ako, naisip ko, ang tagal na nga pala nating hindi nagkikita. Malalim ang buntunghininga ko nun, alam ko, may kulang. Magpatuloy sa pagbasa

Pik-tyur!

Ang cellphone kong ipinagtanggol noong nakaraang buwan ay tuluyan ng nawala nang mahulog sa bus. Matapos kong kausapin ang cellphone na ito noong gabi at sinabing hindi ko siya gusto dahil sa kulay at hugis niyang ataul ay tila kusang siyang lumayo. Waste thoughts kung manghihinayang pa ako, itinawag ko na lang sa globe upang ireport at ikansel agad. After 20 minutes, cut na ang line. Saka nakiliti ang isip ko nang maisip kong mag-upgrade ng phone. This time, yung may matinong camera na at hindi lang poly. Lintsak, wala naman sigurong masama na mag-upgrade. Magpatuloy sa pagbasa

Nang minsan kaming maging kalabaw

1997, unang taon sa kolehiyo at magpapasko. Agad akong nag impake ng mga damit papuntang
Cabanatuan. Ito na ata ang unang pinakamatagal na byahe ng buhay ko. Kung anu-anong kumalat na balita tungkol sa kaibigan ko. Magpapakasal na daw sa iba, nabuntis na daw, iniisip daw na magpalaglag at marami pang hindi tiyak ang kasagutan. Boyfriend din niya ang kaibigan ko at siya lang ang nawalay sa amin dahil doon na siya nanirahan. Siguro nasa 7 kaming pumunta. Magkakatropa. Magpatuloy sa pagbasa

Para kay Mags at Lisa… sa piling ng mga bayani ng KKK at mga kabayanihan natin.

Bumubuhos ang ulan. Wala akong payong. Walang bubungan ang mga overpass ni bayani. Maari ng pigain ang suot kong damit pero ayos lang, namiss ko kayo.

matagal na nga nang huli tayong magkita. Ang bilugang ulo mo mags ay balot na naman ng buhok at ang tiyan ni lisa ay bilugan na naman. Magpatuloy sa pagbasa