Para Bukas

Kung sakaling mababasa nyo ang liham na ito sa panahong malayo na ang unang dekada ng taong 2000  o sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, at kung nangangailangan kayo ng makakausap kung paanong sinasabi ng kasaysayan na kami ay  nagpabaya at hinayaan ang gayong kasalahulaan sa aming kalayaan, mga bayani at moral; nais ko sanang magpaliwanag. Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

school bus

namamaos na ang aircon sa kabubuga, halata na sa maingay at gasgas nitong tunog. Gayundin, ‘wag idalanging malubak at papatak ang tubig mula bunganga nito. Maswerteng nakakuha ng upuan sa tabi ng bintana ‘ngalang hindi pwedeng sumandal. Naglilimayon ang maliliit na ipis na padaan-daan at tumutulay sa bintana. Gabi na, madilim at makapal ang usok sa labas mula sa mga tambutso ng sasakyan. Walang matanaw at kung mayroon man, nahaharangan ng mga sulat Hapon o Intsik na nasa kulay pula. Matagal na ‘tong nakapaskil at nakikita sa mga bintana ng bus ngunit hanggang ngayo’y walang makapagsabi ng kahulugan. Minsang naiisip na lang na baka ang nakasulat dito ay Hudas not pay or God Bless our trip. Pwede rin sigurong basta driver sweet lover. Sa bawat gilid ng bintana ay may pindutang hindi naman gumagana. Kahit hindi nauunawaan ang nakasulat, natitiyak na ang tinutukoy rito ay pindutin kung bababa. Magpatuloy sa pagbasa

Doon Po Sa Amin

para sa kaarawan ng isang Australyanong kaibigan na si Jarrah – kasamang nakipamuhay sa piling ng mga katutubo.

Nagkaroon ng pagtitipon ang mga katutubong guro na naninirahan sa Luzon. Ang mga nagsidalo ay ang mga Ayta ng Botolan Zambales, Ibaloi at Kankana-ey ng Benguet at mga Guilayon ng Kalinga. Ang pagtitipon ay naganap sa Quezon City noong Mayo taong 2005. Layunin ng pagtitipon na makabuo ng sariling kurikulum ang mga katutubo; mga aralin na angkop sa kanilang pamumuhay at tumutugon sa kanilang pangangailangan. Magpatuloy sa pagbasa

Sunog! Sunog!

January 10, 8:40 PM, habang pinapatulog ang pamangkin, umalingawngaw ang balitang hindi gustong marinig ninuman… May Sunog sa kapitbahay!

Walang apoy na makikita sa bintana pero ang yabag nang nagkakagulong tao at hiyawan sa labas ang nagpakabog sa dibdib ko.

Report agad sa 117, buti na lang at may nakapagreport na raw agad. Magpatuloy sa pagbasa

Nasa Pilipinas ba ang Edsa?

alas 2 ng madaling araw.

SA EDSA

Bakit sa kabila ng maliliwanag na ilaw sa Edsa ay madilim ang buhay ng nakararami??

Paano napupuno ng billboard ang edsa kung wala namang maipambili?

Sa taas-babang daanan sa edsa, bakit tila panay pababa ang byahe ng ekonomiya? Magpatuloy sa pagbasa