Hotel Lobby

Hindi katulad ng ibang hotel, iba ang lobby nito.

Mabango, maaliwalas, malaki at mamahalin ang ilaw.

Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking hotel.

Mas lalong nagmumukhang maluwang ito dahil kakaunti lang ang tao.

International Standards. Iba-ibang lahi rin ang nagchecheck-in.

May pamilya, pero madalas solo – nag-iisa.

Iba rin ang itsura ng mga tao, maaliwalas ang mukha, lahat nakangiti

at alam mong natutuwa sa ganda ng hotel.

Matapos akong kumuha ng picture sa mga ilaw

paintings, at accessories ng lobby

nagpasya na akong lumapit sa frontdesk.

Hiningi ang aking ID, “Pinoy ka?” tanong ko.

“Opo Mr. Umali. Im Lourdes, taga Manila ako.”

Tiningnan niya ang papers ko

ngumiti siya at sinabing “we upgraded your room from deluxe to suite.”

Wow! tuwang-tuwa ako.

Mababaw lang kasi ako.

Pakiramdam ko, ang pinakamasayang araw ko ay nung mula economy ay nilipat ako sa business class ng isang airline for free.

Sumunod dito ay nung nilipat din ako sa isang suite sa isang hotel sa Cebu.

Swerte ata talaga ako sa mga upgrades.

Excited na ko.

Kung makikita mo ko, para akong batang inabutan ng candy. Literal na hanggang tenga ang ngiti ko.

Wala nang sasaya pa sa libre.

at syempre walang katapusang pasasalamat sa front desk officer.

Dahil class ang hotel, card din ang gamit sa elevator.

carpeted ang lalakaran mula mula lobby, elevator at hall way.

Hinatid ako ng butler sa aking kwarto at pinaliwanag nya ang oras ng breakfast, kung saan matatagpuan ang mga amenities

ganun din ang oras ng meeting ko. Pati ang isusuot ko sa ka appointment ko binilin niya rin.

Kung may kailangan daw ako ay tawagin ko lang siya.

Personalize daw ang service ng bawat room.

1 butler is equal to 1 guest. Sosyal di ba?!

Napangiti ako. Di ko kinaya ang buhay na ito.

Mula sa teacher na naging NGO worker na napunta sa real estate.

Napaisip ako, sabi ko napakaluho naman

pero parang nabasa niya ang sinabi ko at sinabi nyang

“the best things in life are free”

nawala naman ang konsyensya ko.

“Enjoy your stay Mr. Umali”

at umalis siya.

Pagpasok ko, nanlaki ang mata ko.

meron pa bang mas wa wow sa wow?

Hindi ‘to hotel room. Para syang isang napakalaking 2 Bedroom Condo unit.

May living area, may CR, may isa pang akala ko ay guest room yun pala ay business room.

May kitchen area rin. Syempre dahil bata ang puso ko, sinilip ko ang laman ng ref.

Punong-puno ng dark chocolates at coke hihihihi

Pinasok ko ang bedroom ko -ang laki ng kama!

Tapos may walk-in closet papunta sa CR na nasa loob ng room.

Bongga, dalawa ang CR; meron sa living room at meron dito sa bedroom at may Jacuzzi pa!!

Sa vanity counter ng CR may iba’t-ibang klase ng pabango syempre ayaw kong buksan baka may bayad.

Binuksan ko rin ang closet at tanaaannnnn!!! May mga damit! may mga suit at infairness sukat sa kin!

Ako na ang prinsepe ng Pilipinas!

Narinig kong nag riring ang telepono.

“Hello?”

“Hi Sir, chinicheck ko lang po kung okay na po ba kayo?”

“Hi Lourdes, yes okay na okay ako. Ganda ng room! Question, nasan ang price nung mga food na nasa bar?”

“Everything is free sir.”

Alleluia!

Parang ang laki ng kabutihang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!

“Wow! Thank you thank you!”

Pagkatapos ng conversation ay pumunta ako sa Ref at kumuha ng Coke at chocolate.

binuksan ko ang TV at napatigil ako sa pinapalabas

parang slideshow.

pictures ko nung bata ako, video…

ako.

mga larawan na wala sa photoalbum ko.

Mga kuha ko, video ko. umiiyak, gumagapang, inaalalayan ng nanay ko

tumatakbo, nakikipaglaro sa mga kapatid

unang simba kasama ng tatay ko

unang pagpasok sa school, nung unang beses na napaaway ako, graduation…

mga byahe naming magkakabarkada

mga pasyal at byahe ko

teaching days

pag iyak ng mga bata, pakikipaghabulan

storytelling, fieldtrips,

parents day

teachers day

NGO work,

pakikipag usap sa community

sa mga katutubo

unang pag-ibig

unang pagkabigo

tawanan sa opisina

conventions

flashback…

flashback…

ang buhay ko, napapanood ko.

tawa, iyak, hagulgol, halakhak

masarap pa lang panoorin ang pelikula ng buhay mo.

Mamaya isusuot ko ang pinakamagarang suit at gagmitin ang pinakamahal na pabango.

Haharap ako sa pinakaespesyal na ka Appointment ko.

+

Advertisements

Ang A B C D ni Nanay at Tatay

Walo kaming magkakapatid at ni isa, walang nagpre-school.  Hindi ko na naabutan yung panahon na pwede ka ng mag grade 1 kung kaya mo ng abutin ng kanang kamay ang kaliwang tenga mo. Kasi naaalala ko, para makapasok ng grade 1, dapat ay kaya mo ng isulat ang alphabet at ang  pangalan mo.

Totoo nga, napaka importante ang pangalan, unang araw ko kasi sa grade 1, iyak ako ng iyak, hindi ko naiintindihan ang mga pinaggagagawa namin. Gusto ko ng umuwi at for the first time, gusto ko ng matulog sa tanghali. Uuwi ako at matutulog na lang kahit dati ay ayaw ko.  Sabi ng teacher namin, ang unang pauuwiin ay yung makakasulat ng buong pangalan at apelyido sa papel – back to back. Agad akong nagpasa pero sabi ni teacher, back to back daw, hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng back to back kaya pinaliwanag ni ma’am, namilog ang mata ko at halos lumubo ang sipon ko sa pagpipigil sa nagbabadyang pag agos ng luha.  Pagbalik sa upuan upang muling isulat ang pangalan ko, nanginginig ang kamay ko, nakita ng kaklase ko na hindi ko kaya, kaya sya na ang gumawa nun para sa akin. Kung hindi ako nagkakamali Melchor ata ang pangalan nun, matangkad at magtetake ng acceleration exam para maging grade 4. Sya ang unang anghel sa buhay- paaralan ko. Mula noon, naintindihan ko ang kahalagahan ng pangalan! Ang ikalawang anghel ay si Aling Maria, ang naghahatid sa akin sa paaralan. Sa huling subject at mag uuwian na, mula sa bintana ay iaabot nya sa akin ang papel na may pangalan ko – back to back, sulat iyon ng nanay ko!

Smart Kid daw ako. Kaya nga laking pagtataka ng lahat nung maging iyakin ako sa school. Hindi pala ako ready. Gayunman, looking back, hindi man ako naging handa sa elementary days ko, naging handa naman ako sa totoong buhay. Dahil iyon sa A B C D na tinuro ng magulang ko.

Magpatuloy sa pagbasa

Mitzel

Madalas kong makita si Mitzel, nakangiting mag-isa. Parang laging may kausap sa isip, tatangu-tango, nakatingin sa malayo, minsan nanlalaki ang mata at nakatingala sa alapaap na para bang namamangha. Bata pa siya noon, patpatin, maikli at manipis ang buhok, kayumanggi at laging suot ang pudpod nyang tsinelas.

Mabilis syang tumakbo, mailap na parang ibon subalit di gaya ng mga langay-langayan sa himpapawid, madalas ay sya lang mag-isa. Kahit nga kasama ang kanyang mga kamag-aral, kalaro at kahit sa gitna ng umpukan nilang magpipinsan, wari siyang nag-iisa, abala sa kanyang iniisip, sa sarili niyang munting isip. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Mundo

Ang mundo ay hindi pisikal.

Hindi ito tungkol sa mga gusali,

hindi rin sa mga pasyalan,

lalong hindi ito tungkol sa pulitika

at hindi sa mga artista.

Ang mundo ay hindi rin tungkol sa mga samahan

at hindi rin lang tungkol sa pagkakapatiran,

ang mundo ay hindi ako

o ikaw,sila o  tayo.

ang mundo ay hindi rin pala bilog

hindi lang kasiyahan at lumbay,

ang mundo ay hindi tungkol sa pagkabigo

at hindi katumbas ng pagtatagumpay.

Hindi ito ang mundo.

may kabilang daigdig na matatagpuan dito

ngayon at hindi sa kabilang buhay.

May daigdig na hindi nasa isip

kundi nasa ugnayan ng mga isip.

Itong daigdig ay para sa mga bulag

para sa mga hindi bukas ang pangitain

dahil may mas malawak na daigdig

na may ibang ginagalawan.

Walang sakit ng damdamin

walang panghihinayang

walang sana at sayang

sa  aking daigdig.

Malaya ang mundo

walang patakaran

hindi natatakot

laging may natututunan.

Ang mundo ay walang sukat

o hangganan,

hindi ito tungkol sa iisa

ito ay tungkol sa diwa.

 

Pagkat ang mundo ay bahagi at kaugnay ng mas malawak na mundo

na tanging iilan ang nakakakita at nakakaunawa.

Ang mundo ay may mga salita

sa totoong mundo ay nag uusap.

By bernardumali Posted in Ako

Paano umabot ng Trenta?

Isa na ata ito sa pinaka challenging na blog na gagawin ko, ang isa-isahin at ikwento ang aking lifeline. Syempre selective historian ako, pipiliin ko lang ang mga bagay na pwedeng ipost dito.
Challenging ang pagsusulat na ito dahil challenging din ang kabataan ko.
Narito ang 30 mahalagang natutunan ko sa buhay
1. Totoong the child is the father of the man.
Halos lahat ng ginagawa ko ngayon, natutunan ko noong bata ako. Natutunan kong maging maligalig, makulit at kengkoy sa maraming tao, pero natutunan ko ring dapat ay icing on cake lang yun, malalim ako at maraming alam, huwag ko lang ipapahalata. Ilabas lang kung kinakailangan para hindi mataas ang expectations.

2. Nature and Nurture
Na between nature or nurture, mas nature ang katigasan ng ulo ko. Pinaglihi ako sa yelo at balot. Imaginin mo kung gano katigas ang yelo na nginangata ng nanay ko at alam naman nating makunat ang bato ng balot, syempre eto rin daw ang dahilan kung bakit ako balbon. Isa pang proof na nature ang katigasan ng ulo ko – ayon sa birth certificate ko na ngayon ay kinocontest ng magulang ko, pinanganak ako na 10lbs!

3. Totoong ang buhay ay parang gulong, mamimili ka lang kung sa kariton ka, benz o gulong ng eroplano!
Buti nga at nakisama ang panahon, mabilis itong lumakad gaya ng hiling ko dati na sana ay makawala ako sa pagkabata, sa hirap ng buhay at sa mga bagay na hindi ko maintindihan dahil nga daw bata pa ako. Sa tingin ko, gulong ng eroplano ang pinili ko, ang dalas ko kasing magdaydream para takasan ang malubak at maputik na buhay.

4. Hindi totoong spare the rod and spoil the child
Kung nauso na ang bantay bata noong panahon ko, naipakulong ko na ang magulang ko.E pano naman kasi, ilang beses akong nagising sa hampas ng hose at palo dahil tanghali na ay nasa bahay pa ko. Galing kasi ako sa malaking pamilya at hindi kami lumaking senyorito at senyorita, walo kaming magkakapatid na sabay-sabay nag-aaral. Ang babaunin namin sa araw na iyon ay kailangang kitain namin. Kung merong pamilya na nakakaintindi sa isang kahig isang tuka – kami yun. Sa madaling salita, katulong kami sa trabaho ng magulang namin. Nabuhay kami sa pagpapaigib ng tubig. May poso kami, at dahil panahon noon na wala pang nawasa (MWSS o Maynilad), sa amin umiigib ang mga tao. Hindi madaling trabaho ito, kailangan kong maglakad sa riles papunta sa igiban. Nagagalit ang tatay ko noon dahil ang bagal ko daw bumangon at maglakad. Ngayon ko naiisip na kasi nga, bata ako at maliit ang mga hakbang ko, pero kung ngayon ko lalakarin iyon, siguro ay kaya ng bente minutos. Pero hindi rin ang paglalakad ang isyu ko noon kundi ang init ng araw at mga pang bubully ng mga bata sa daan.

5. The difference between signature and statement
Wala kaming signature clothing. In fact, ang damit ng kuya ko, aabot sa akin! Ang uniform ng kuya ko, papalitan ko lang ng patch. At ang underwear ng kuya ko, susulsihan lang ang garter ng nanay ko, pero dahil maarte ako, – hindi ko isusuot yun. Hindi nabaleng walang underwear – ang tawag ko dun STATEMENT!

6. the most special occasion is sometimes your worst

Naaalala ko rin na tatlong magkakasunod na taon na binati ako ng palo noong birthday ko. Malay nga naman ng tatay ko na birthday ko, ang naaalala niya lang na petsa ay petsa de peligro ng enrolment at bayarin sa meralco. June 27 kasi ako, bukod sa katapusan e napupunta ang panghanda sa enrolment! Salamat Lord, ang galing mong pumili ng araw! Itinakda mo ako sa araw na hindi magiging dahilan ng gastos sa paghanda ng magulang ko, madalas, maghanda man kami ay walang pupunta, tag-ulan na kasi!

7. God’s creation is tried and tested. Dumaan sa matinding quality control.
Matigas ang ulo ko – sobra at aminado ako doon. Pag naiinis ang mga kapatid ko at magulang ko – wagi ako. Sabi ng nanay ko, hindi bababa sa sampung beses na nahulog ako sa kama noong baby pa ko, isang beses sa bintana at 3 beses sa hagdan. Yung pang apat ay napuruhan at naospital dahil tumama ako sa batya at nahiwa ang pisngi ko – kaya nga hindi lang halata, pansinin nyo sa mga picture ko na isa lang ang anggulo ko – scarface kasi ako! May hiwa ang ibaba ng kanang mata ko! Proof lang na sadyang matigas ang ulo ko.

8. Its not always about IQ, sometimes its about EQ (ek ek quotient)
Isa pa sa challenge noon ay ang magkaroon ng mga kapatid na sobrang talino. Hala, wala silang pinag-uusapan kundi mga science terms kaya nga halos lahat sila na linya sa science. May nurse, dentist, pharmacist, tatlong veterinarian, yung isa computer engineer at ako TEACHER! Halos lahat din sila ay laging nasa honor list – ako pang horror! Sila magtatapos ng first honor o kaya second honor, ako naman pang non-academic awards! Binawi ko na lang sa kunwa’y kabaitan ko. Syempre, kung hindi ka na nga masyadong matalino tapos magulo ka pa sa klase sobrang redundant ko na –kaya binawi ko sa most behave, most industrious at best in religion!

9. M. I.S. is not about Multiple Intelligence System, its May Ibig Sabihin (kung bakit nga aanga-anga)
Tinigilan ko na ang pag-aasam ng award-award na yan, buti na lang umattend ako sa seminar ni Henry Tenederos nung highschool pa ako tungkol sa Multiple Intelligence at nalaman ko na matalino rin ako kasi mahilig ako sa pagkanta (music), mahilig akong maglakwatsa (spatial) at mahilig akong tumulala at magdaydream (intra)!

10. In theory, you need to present proof to make it a sound principle. Ang proof ko sa 7 and 8 ay ito :
4th year high school lumagapak ang grade ko. Doon ko naranasan na magkaroon ng 76! Wala kasi akong ginawa kundi magsulat ng magsulat. Hilig ko na kasi ang pagsusulat noon at wala na rin ako ng paki dahil alam ko na gagraduate ako kahit pasang awa and take note – nakalinya pa rin ako sa awardees, Best in Values Education!

11. Time is Gold, Manila City Hall time is old
Psychology dapat ang course ko na kukunin kaso wala palang clinical psychology sa Phil Normal University, magtetake sana ako ng AB Psychology kaso late ako ng 5 mins sa exam day dahil sinunod ko ang orasan ng City Hall. Kaya ayun, hindi ako pinayagan mag take ng exam – in short good bye Psychology at welcome Values Education!

12.Time is not about the number of minutes nor seconds, its about the existence given to spend life.
Ironic ang buhay. Kumuha ako ng Values Ed kasabay ng paniniwala ko na walang Diyos. Bigla akong naging Atheist at makalipas ang tatlong taon – bago gumaradweyrt ng VE ay Agnostic na ako. In fairness, nahila nila ako bahagya. Naging malaya akong mag-isip, pag-aralan ang buhay, unawain ang sarili at lasapin ang kalayaan.

13. If you reach your goal, set a higher one.
Nag excel naman ako sa course na iyon, nung nararamdaman ko na na gagraduate ako – Cum Laude, sinabi ko agad sa tatay ko at ang sabi niya, dapat lang education na nga lang ang course mo – Values Ed pa! Kabog! Pero good bye sa mga drama sa buhay dahil wala namang magagawa iyon kaya okay na rin – martsa, chin up and proud dahil PNU Grad ako.

14. Use your charm then your harm
Pagkagraduate – walang trabaho dahil bago na ang curriculum – Makabayan curriculum. Hindi na separate subject ang Values Ed noon, kaya walang opening for VE` teachers, meron Religion teacher or christian living na ayoko naman. Kaya naman walang nagawa ng diploma ko, pero ang charm ko – marami! Kaya ayos na rin dahil marami naman palang work na pwedeng pasukan.

15. May pera sa basura, pero mas malaki ang pera ng mga kontratista
Mula sa Academe at NGO work ay nagshift din ako at napunta sa corporate work. Apat na taon na ako sa real estate. Kumuha ng lisensya kaya ngayon ay licensed broker.

16. Share your blessings. Be generous to others.
Sa buhay ko ring ito, apat na beses na nadukutan at nahold up at tumigil lang sa Blue rhino na nabili ko sa Binodo.

17. The unexamined life is not worth living.
Mababaw rin lang ako, madali lang mapasaya. May kasama o wala, masaya ako. Kung maingay, makulit at bumabangka sa harap ng maraming tao, mas maingay ang loob ko pag nag-iisa. Masaya akong nag-iisa. Masaya ako sa mga naiisip, narerealize, nadidiskubre at nakikita ko.

18. we are all special and gifted, its up to us if we will unfold the package
Hindi ito sikreto sa mga nakakakilala sa akin, pero sabi nga, may kaweirduhan din ako. Ilang taon ko ring sinubukang mag interpret ng mga nakikita ko sa ibang tao. Hindi ko alam kung pagkakataon pero may kaunti akong nalalaman at kakayahan na makita ang maaaring mangyari. Weird di ba? Kahit ako nawiweirduhan kung paanong tumatama ang mga nakikita ko at naiinterpret, ayon sa ibang tao. Pero hindi ko na rin ito madalas ginagawa dahil unti-unti parang napapansin ko na habang nakikita ko at naiinterpret ang future, nawawala naman ang memory ko. Nitong nakaraang taon – nagkaroon ako ng memory loss. Kasama na ng pagkasira ng mga bagay na importante sa akin gaya ng mga memoribilia, scrap book at mga kwento, tula at nobelang naisulat ko noong araw na inanay na at tuluyang nasira nang hindi ko man lang nadocument ng maayos. Kaya ngayon paalam muna sa panghuhula. Wala rin naman akong pangarap na magkaroon ng kubol sa isang karnibal.

19. Trust your instinct
Paminsan-minsan nakakaramdam at nakakakita pero dedma na rin, sa kin na lang. Pero most of the time din, may mensahe ang mga ito na nakakatulong sa akin.

20. Learn from Madonna
Marami akong naging… naging teacher, community organizer, courseware developer, trainer, officer, broker, blogger at kulang na lang ay faith healer! Hindi ka malalaos kung marunong kang mag reinvent. Kailangang imarket ang sarili, kailangang mag evolve at kailangang hindi takot – magmahal. (ipilit ba?).

21. Parents will always be the best motivator. Mama says, Papa says (Read between the lines!)
Pag sinabi ng magulang mo na kayang kaya mo yan, kabahan ka! Dahil kung alam nilang kaya mo talaga, ang sasabihin nila ay “Ang dali-dali niyan hindi mo magawa, sayang lang ang pinapag-aral namin sayo!” Iritable ang magulang sa mga anak tatamad-tamad pero kabado sa mga anak na tatanga-tanga!
Pansin mo bang walang magaling sa pamilya kundi ang magulang? Kung hindi man nila binida ang sarili nila, asahan mong ibibida nila ang kapatid mo!

22. Your wallet tells your age
Nagkaroon ako ng id ng Super Kids Club, ng Sustagen Club, Mc Donalds, school id, at library id. Ngayon, may company ID, SSS, TIN , SM advantage, National Bookstore, Powerbooks, HMO, Swirl Card, pero I swear wala naman akong suki card, senior citizen at quiet card. Don’t tell me hindi mo alam ang quiet card? Sssshhhhhhh PLASTIK!

23. We are like trees
Minsan dinorowing ako ni Mandy, ang 5-year old niece ko. Nang ipakita nya ang drawing, nagulat ako na may tatlong linya ito sa noo!

Relax Blue, mindeset lang yan, naisip ko, ang age ng puno malalaman mo pag pinutol mo siya. May ring sa loob! Since 30 na ako, may 3 lines din sa noo!
Infairness, I’m in oneness with nature!

24. Potion of Good Relationship
Ito ang proseso sa pagpapaamo sa katrabaho
1. bumili ng kandilang pula, iukit sa katawan ng kandila ang pangalan niya, kumuha ng larawan niya, kung wala ay kahit buhok o kukong ginupit, tapos ay patakan ng kandila, dasalan ng orakulo, gawin ng 7 araw na magkakasunod, itabi sa altar, bago matulog ay dasalan, ibulong ang hiling ng mabuting pagkakaibigan; o kaya naman
2. pumasok ng maaga at tanungin kung anong balita sa SNN o kaya naman ay sa PEP.PH, simulan ang tsismisan para sa pagsasamahang kay ganda!

25. No Label Affair
Maraming klase ng relasyon. May relasyon na para sa paggimik (gimik buddy), relasyong walang katiyakan (its complicated), relasyon ng mga kaluluwa (soulmate), relasyon sa kama (f*ck buddy), relasyon na madalian (quickie?), relasyong pinapatatag ng pag-aaway ( masochist meets sadist), relasyong hindi pinag-uusapan (MU – Mutual Understanding, o May Umiiwas), relasyong parang walang relasyon (no commitment relationship, in short non-exclusive, no contract, ) at relasyong hindi niya alam (ilusyon!).
Para sa mga babae, tandaan palagi! Ang sakit ng mga single at 30 ay too much pressure. Habang nagkakaedad ay dapat nagbabago ka na ng criteria, lower your standards ika nga and of course be practical! Kung maghahanap ka pa ng gwapo, malamang nasa dance floor pa yan, o kaya naman tumatambay sa facebook, o kaya naman below sea level ang IQ. Endangered specie na ang kalalakihan lalo pa’t ang dami ng lalaking nahihilig na rin sa kapwa lalaki.
Pag single ang babaeng nasa edad trenta, career woman! Ang lalaking nasa edad trenta, nagbubuhay-binata Pag single pa rin ang babaeng umabot ng kwarenta, malalim na ang pananampalataya, kung single ang lalaki’t umabot ng kwarenta – bakla!

26. Live now. Not Tomorrow
Nakailang balik ako sa ospital nitong nakalipas na dalawang taon para sa kung anu-anong check up; check up sa tyan, check up sa utak , check up sa pagkirot ng puso, check up sa pagsakit ng mga buto, check up sa dugo, check up sa liver at sa huli ay iisa ang dahilan – STRESS. Ito nap ala ang pinakamalalang sakit ngayon – ang stress. Releated daw ito sa lifestyle disease
Konting kibot – Kapa. Ito ang panahong wala tayong katiwa-tiwala sa kakayahan ng katawan nating magsurvive! Ironic di ba, kung paanong napaka advance ng technology at napakaraming paraan para masugpo ang sakit ay siya namang pag aaalala natin at pagtangkilik sa mga supplements, organic and health products!
Ang pera ay napupunta sa supplement sa HMO at sa insurance!
Panahong gusto nating mabuhay ng matagal at nagbabakasakaling mabili ang bukas, madagdagan ng isang araw o dagdag panahon.
Ang totoo, walang assurance ang buhay. Ang hawak mo lang ay yung ngayon. Kung isusugal at gagamitin mo pa sa pag aalala para bukas, nawalan ka na ng ngayon! Nawalan ka ng isang araw ng buhay mo.

27. Remember your friends, reunite with your foes
Maikli lang ang buhay at lalong iikli ito kung marami kang kaaway! At kelan ka makikipagbati, pag mamamatay ka na? Hayop lang ang may kaaway, kung hayop ka, ako hindi. Totoong parehong may isip at puso ang tao at hayop, pero ang tao kayang bigyang kahulugan ang sinasabi ng isip at nararamdaman ng puso – hindi lang judgement kundi justice. Hindi ito tungkol sa laws kundi tungkol ito sa greater love. Ma-etchos na, tama na!

28. Ikaw ang moviestar, star ng buhay ko….
Fan ako ng TGIS! Admittedly, sinubaybayan ko sila twing sabado, bumili ako ng cassette tape ng soundtrack at napanood ko ang movies nila!
May taong tiyak na inistorbo mo, hinangaan at inistalk. Nakakahiya mang sabihin, pero nagcause ka ng abala sa iba, yun bang hindi na sila kumportable sa yo dahil ang kulit mo – ikaw naman, humahanga lang.
Gaya ng soap opera na pinapanood mo, kung paanong humahanga ang isang fan sa kanyang idol at sa h uli ay makikilala niya na ang idol niya ay naiirita at naiinis sa kanya, isusumpa mo sa sarili mo, na minsan, maoovercome mo ang araw na iyon, mareredeem mo ang sarili mo at malalagpasan mo pa siya. Kung naiintindihan mo ang sinasabi ko – stop the crap! Anong kaartehan yan! Tigilan ang panonood ng telenovela.
Identity Crisis. Kailangan mo ng matibay na self-concept. Ano ka, ano ang pagkilala mo sa sarili. Mahirap din ang high school life di ba, – ang adolescent period. building of image at pag stabilize ng social roles.
Pero matatapos din ang lahat ng iyon at pagnangyari yun, mapapakanta ka ng spread your wings and prepare to fly, for you have become a butterfly!

29. Back to Basic
Nang magpasya akong mag mobile phone, polyphonic ang binili ko, tapos pinalitan ko ng colored, naging with mp3, nagkaroon ng camera, naging tatlo ang phone, at nagpalinya sa tatlong service provider – hanggang sa bumalik sa basic phone at naging 1 na lang ang linya ko.
Ang dami kong mga naipon na memorabilia; may stamp, receipt, letters, stampita pictures at kung anu-ano pa. Tapos magsasawa ako at hindi ko rin masusustain ang maintenance ng hobby na to.
Madali kasi akong magsawa. Madali sa kin ang mahilig sa isang bagay, sagad-sagad parang walang bukas tapos magigising na lang na ayoko na.
Makailang ulit ako nahihilig at nagiging biktima sa pag a upgrade, tapos babalik ako sa basic – sa true substance and function.
Sa dami ng gusto kong itreasure, sa dami ng gusto kong ikwento, minsan dumadami ang bagahe ko. Pati email at phone inbox napupuno. Pero nagigising din ako na madalas, delete all o account deactivate.
Masarap ding maglakad ng walang bitbit.

and lastly

30. Make your brand
Changed name. Nagtaka ang college prof ko kung bakit after ng semester ay hindi niya makita ang pangalan ko sa class registration para sa grade ko. Hindi nya alam na hindi talaga Blue ang pangalan ko.
Ako lang ang nagpalit nun, first year college na ako nang nagpalit ng pangalan, nang ginamit ang palayaw na ito. Masarap ang pakiramdam na tinatawag ka sa pangalan na pinili mo.
Katulad ng sinabi ko, kailangan ng reinvention. Hindi naman change identity pero change personality. Kailangang marunong kang magmarket ng sarili.

Tatlong Dekada.
Isang dekada ng pag-aaral at pagbuo ng pagkatao, isang dekada ng pagsubok at paghahanap ng sarili at isang dekada ng paglinang ng kakayahan.

Eto yung panahon na alam ko na kung ano ang gusto ko, na may trabaho para sa akin, na hindi ako takot kung ano ang maaaring mangyari – panatag ang isip at in control.

Panahon na nakahanap ng mga kaibigan na alam mong totoo at laging andyan, pamilya na nagtitiwala at nagtyatyaga sayo, mas lalong bihira ang magkaroon ng trabaho na pinapahalagahan ka at inaalagaan, kaya laking pasasalamat ko na inabot ko ang panahong ito na andyan sila lahat.
Sa nalalabing oras o panahon na natitra sa akin, i am committing to make it more colorful, fun, full of life and worthy of living.

Moving forward. Kung ako ang tatanungin, priority ko ang pagtravel, kung kinakailangan kong magtrabaho sa airline industry (naks parang papasa) o sa cruise ship why not! Gusto kong makita ang ganda ng mundo. Gusto ko ring mag-aral ng photography, magshowbiz (charing! Sasali ako sa PBB at dahil dun, ipapaban na ng MTRCB ang programang ito) at magsulat pa ng magsulat.

Hindi ko kayang pasalamatan isa-isa ang lahat ng taong andyan palagi, kaya wish ko na lang sa maging masaya at biyayaan din ang lahat ng taong tumulong, nagmahal at nariyan sa loob ng 30 taon ng buhay ko.
Sa mga kaibigan, katrabaho, kapamilya, kaklase at kablog, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

Promote ko ulit :

Para sa nais sumali at nais magsponsor, malapit na ang saranggola blog awards : www.saranggolablogawards.com

Sa mga gustong tumambay at magbasa lang, puntahan ang aking bagong blog: online nobela sa www.onlinenobela.com

At sa mga may gustong malaman pa at magtanong sa akin, dito nyo ibato ang inyong mga katanungan www.formspring.me/bernardumali

Scrapbook

Last few pages. Konti na lang at matatapos na ring ang scrapbook na ‘to. Iniisip ko nga kung anong pwedeng ilagay.

Binalikan ko mula sa simula. Syempre napapangiti ako. Growing up photos, obsession materials, mga memorabilia mula candy wrapper, bus ticket, theater play manuscript, awards, fave album covers at marami pang iba.

Tiningnan ko ang sarili ko at natawa. Eto na ko ngayon. Eto yung hinintay ko noong bata pa ako. Kung ano ako paglaki ko. Tingin ko kasi noon, growing old is like a box of gift, laging may supresa kung ano ang nasa loob. Magpatuloy sa pagbasa

New Year’s Tweets

Malapit na ang Chinese New Year ay wala pa rin akong new years resolution or new years wish. Atleast hindi pa ko late.  Last year sabi ko:

Sa susunod na taon ay kailangang may sasakyan na rin ako, balewala ang driving lesson kung wala akong sasakyan. Wala rin pala ako mapaparkingan sa bahay kaya kailangan ko ng lumipat next year, maghahanap ako ng bahay na may parking o siguro condo unit with parking. Medyo magastos pala yun dahil may association dues at mahal ang gasolina, kailangan pala mas malaki ang kita ko sa susunod na taon. Kailangan ko ng pagkakakitaan na magbibigay sa akin ng kahit apat na ulit ng sweldo ko. Magpatuloy sa pagbasa

The Music of the Night

Sa araw na ito, agosto 8, 2009, pinadadaloy ko ang aking isip kasabay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.  Nagkataon sigurong singlungkot nito ang pakiramdam ko.

I.

Kanina sa Figaro, habang nagkukwentuhan tayo, napapako ang tingin ko sa kawalan. Hindi ako inaantok, naiisip ko lang, sa dami ng mukhang nagdaraan, masasaya at nagsasayaw, sinasaliwan ang musika  ni Flo-rida, bakit dito nga ba tayo pumwesto, bakit hindi sa Ice Vodka Bar o kaya ay sa Bed Space.  Mas pinili nating magkwentuhan, wala na ba talagang appeal sa tin ang sayawan, ang laserlights? Magpatuloy sa pagbasa

Buknoy

Si Buknoy. Mala-alikabok na lumulutang-lutang, magaan na magaan, namamasyal sa kalawakan.Hindi niya alam kung saan siya galing at kung ano ang kanyang mararating, gaya lamang siya ng bilyung-bilyong alikabok sa kalawakan. Walang nakakaalam kung  ano siya, at dahil wala siyang pagkakakilanlan, hindi alam kung paano siya titimbangin. Wala siyang bigat para ibilang. Masyado naman siyang maliit para sukatin, wala siyang halaga. Napakaordinaryo, ni hindi matawag na nilalang.

Sa kanyang paglutang-lutang, nagawi siya sa isang maliwanag, kabigha-bighaning pangitain, isang bolang may tubig at lupang napupuno ng hardin. Nanlaki ang kanyang paningin… Daigdig! Magpatuloy sa pagbasa

I Resigned.

Flow. Guiding Principle ko sa taong ito. Padaluyin ang enerhiya. Makahinga ng mabuti.

Space. Kailangan ko ng maaliwalas na paligid. Alisin ang mga luma. Gawing maluwag ang silid.

Time. Huwag na huwag magmadali. Ibalik ang tamang oras. Huwag i-advance ang relo dahil lalong nalelate.

Being. Paunlarin ang sarili. Malinis na isip. Kapakinabangan. Puno ng pagmamahal. Magpatuloy sa pagbasa

Enchanting Kingdom

Princess Nice

Pabalik kami mula Paseo de Sta Rosa to Manila, tinext ako ni Kathy para kausapin si Incy, inaantok kasi siya at baka isalpok niya ang kotse. Nagprisinta akong magmaneho kaso ayaw nila, mag-aral daw muna akong magdrive. Oo nga pala, napakahilig ko talagang magvolunteer! Kinausap ko na lang si Incy, sa mga oras na iyon, hindi ako handang mamatay, sabi ko nga, mahal ang mamatay ngayon o kung hindi man, mahal magpaayos ng mukha. Kakukuha ko lang last week ng insurance, hindi pa ata pwedeng magamit. Kung milyon ang kinikita ko tulad ni Pacquio, okay lang na magpabugbog, sa laki ng pera niya, pwedeng pwede siyang bumili ng mukha. Mamili na lang siya kung mukha ni Dela Hoya o ni Morales ang pipiliin niya pero i doubt dahil mukhang galit si Pacman sa mga gwapo. I guess ito ang motivation niya sa pakikipagbasagang ulo. Magpatuloy sa pagbasa

New Year! New Work!

Simula January 1, 2009, may bago na akong trabaho. Hindi ako magreresign, nasa dati pa rin akong kompanya, ngalang ay lilipat ako ng opisina. Mas mabigat na responsibilidad, mas matinding hamon, naks mala- fear factor!

Ibig sabihin nito ay iiwan ko ang pagtuturo, ang training department na nakasanayan ko. Sa loob ng 7 taon ay ito na ang ginagawa ko, ang pagtuturo; nagturo sa private school, naging trainer sa NGO at trainer din sa corporate. Magpatuloy sa pagbasa

Anong Nangyari Kahapon?

Noong nakaraang araw ay patuloy na bumabagabag ang unti-unting pagkawala ng mahahalagang alaala; ang mga pangalan, mukha, pangyayari at kung anu-ano pa sa aking isipan. Sumasakit ang ulo ko sa t’wing pipilitin kong isipin ang mga iyon kaya sa mga susunod na araw ay nakatakda akong pumunta sa duktor para alamin ang problemang ito. Magpatuloy sa pagbasa

Hindi ako stressed, busy lang.

Suko na ko, ayoko ng magtaxi. Masyadong magastos kaya mag-aaral na lang akong magdrive bago matapos ang taon na ito. Sa susunod na taon ay kailangang may sasakyan na rin ako, balewala ang driving lesson kung wala akong sasakyan. Wala rin pala ako mapaparkingan sa bahay kaya kailangan ko ng lumipat next year, maghahanap ako ng bahay na may parking o siguro condo unit with parking. Medyo magastos pala yun dahil may association dues at mahal ang gasolina, kailangan pala mas malaki ang kita ko sa susunod na taon. Kailangan ko ng pagkakakitaan na magbibigay sa akin ng kahit apat na ulit ng sweldo ko. Magpatuloy sa pagbasa

Third Eye

Tinatanong nila ako kung meron ba akong third eye, ang totoo, meron. Bata pa ako nung nadiskubre ko ito.

Di tulad ng ibang bata, hindi naging ordinaryo ang buhay ko. Gigising ng maaga, pag hindi bumangon ay mapipilitan sa palo. Kailangan kong magpa-igib ng tubig. Kailangan kong maglakad sa riles patungo sa patubigan. Ito ang bumuhay sa amin. Lahat kami – dumaan sa pagpapaigib ng tubig. Lahat din kami – napalo.
Pag-uwi naman, mabilis na maliligo dahil may pasok. Kung panghapon  ako ay madalas ala una y medya ang pasok. Kung pang-umaga naman ay ala sais. Kapag umaga ang pasok ko ay sa hapon ako nagpapaigib ng tubig.
Ilang taon yun. Iniisip ko kung kailan ako gagraduate sa trabahong ganun. Nasasayangan ako sa oras. Sa paglalakad sa riles patungo sa paigiban. Sayang ang oras na nakaupo ako sa bintana at nagbubukas ng gripo para sa mga sasahod. Naiinip ako sa buhay ng pagbubukas ng gripo – pagsahod ng barya. Magpatuloy sa pagbasa

Ano ang kahulugan ng Pag-ulan?

Maglalabing isang taon ako noon nang mabalitaan kong namatay ang nanay ng kaibigan ko – sakit sa puso daw. Kaya pala ilang araw na siyang nawala. Pinuntahan namin siya – malayu-layo sa kanilang tinitirhan, naroon nakatanghod sa sulok. Iba ang kanyang mukha, hindi gaya ng dati na masayahin. Alam kong nagluluksa siya, masayahin at malikot siyang kaibigan. Panay lundag, takbo at kwento, pero hindi sa mga sandaling ito. Naroon ang tito niya, nagkukwento, binibida ang kababalaghan kung pa’no siya nakarating sa sulok na iyon. Kung paanong natunton niya ang pinaghihimlayan ng kanyang kapatid, sinundan niya lang daw ang amoy ng sampagita. Pinagmamasdan ko ang kaibigan ko, waring isang matandang nag-iisip. Magpatuloy sa pagbasa

the week that was

Smart Connection

Bihira akong makipag away sa CSR dahil alam kong araw-araw ay nakakatanggap sila ng reklamo at ayoko ng dumagdag kaso hindi ako nakapagpigil ng malaman kong binabayaran ko pala ang internet connection na hindi ko naman nagagamit.

Mga 2 weeks ago ay sinubukan kong gamitin ang cellphone ko na naka 3G para makapag-internet. Sobrang bagal kasi ng PLDT DSL namin sa bahay; ang teorya 1. madalas ay sabay kaming magkapatid gumamit, 2. maraming gumagamit pag gabi 3. mahaba ang linya ko dahil nasa kwarto ako at 4. Php300++ lang naman kasi ang binabayaran namin so ano aasahan mo sa murang promo. Magpatuloy sa pagbasa

Second Anniversary

Magdadalawang taon na rin ako sa trabaho, breakthrough yun. Maraming nagsabi na hindi ako magtatagal sa corporate world dahil nga NGO worker ako dati pero ang totoo, nag-eenjoy ako sa trabaho. Sa dalawang taon na yun, ang laki ng pinagbago ko, bukod sa maturity sa work, dito ako tumanda. Nagbago ng anyo ng katawan, tumaba, in short. Hayaan nyo namang i-share ko ang compilation ng mga pictures ko mula 2006. Magpatuloy sa pagbasa

Wala, Tulog!

The Stress of Being Connected.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero habang tumatagal, ang mga bagay na pinili natin para sa ating convenience ay nagdudulot ng kapaguran at discomfort.

Gigising ka sa umaga, ang una mong titingnan ay ang cellphone mo. tama o mali? Para bang may utang na loob ka agad kung may message ka sa inbox o na miss(ed) na call at hindi ka agad nakapagreply. Sa pagkakaalam ko, ginawa ang mobile phone para madali kang macontact pero hindi ito lisyensya na pag may mobilephone ka na ay wala ka ng karapatang hindi magreply.Hindi ba’t para tayong langgam na nabuhusan ng tubig at hindi mapakali kung wala tayong load at may nagtext kahit forwarded. Weird di ba? unti-unti ay nawawalan tayo ng control at nagkakaroon ng bagong kultura – ang textback culture. Yun bang pinag-aaksayahan natin ng piso (kung hindi nakaunlimited) ang magreply ng mga katagang he he. As in piso para ipaalam na napatawa ka. Lintsak, kahit ako nabiktima dito. Kinakailangan nating itext ang lahat ng ating nararamdaman. Kaya nga nagkaroon ng smiley sa text di ba. At maging buntunghininga, tinitext na natin ngayon. nakatanggap ka na rin siguro ng text na nag nakasulat lang ay sigh. OMG! hindi siya word, hindi siya text, isa itong reaksyon o kilos na nirereply na rin natin. tsk tsk tsk. Magpatuloy sa pagbasa

My Vital Statistics

Sabi sa hula, ang 2008 daw ay magiging masagana lalo na sa akin. Yahoo! Hindi ko na kailangan ng maraming lucky charm dahil charming naman daw ako este lucky naman daw talaga ang year na’to – isa pang yahoo! Dahil year of the rat, magiging malikot ang pag-iisip at laging abala, gagalaw ang taon na ito gamit siyempre ang diskarte… gaya ng mga daga.

Mukhang may katotohanan ang year of the rat. Dalawang ebidensya. Una rito ay apat na ang dagang nakikita ko kanina sa daan at sa labas ng bahay. As in OMG, kung pwede nga lang sana silang gawing pet! At isa pang ebidensya, hilong-hilo na ako sa dami ng trabaho. Halos hindi ako makahinga. Unang buwan pa lang, ay subsob na sa desk para habulin ang mga sunod-sunod na requirements. Magpatuloy sa pagbasa

Lighthouse

Naging busy ako kaya matagal ding nabakante ang espasyo ng blog ko. Siguro, may mangilan-ngilang sumisilip at nagtataka kung bakit hindi ako nakakapag-update, ang sagot – wala lang. ‘Yun ang mas pamatay – wala lang.

Hindi sa tinatamad, nagkataon lang talaga na gustuhin ko mang magsulat, nawawalan ako ng drive, parang kulang, parang pag pinilit ko – hilaw. Marami sanang magagandang karanasan kaso kapag isusulat ko na, pagod na ako at wala na akong gana.

Pauwi kanina, bilog ang buwan. Magpatuloy sa pagbasa

My African Dream

Habang ang lahat ng mga kalaro ko noong bata pa ako ay nangangarap na magpunta sa Amerika, hindi ko alam kung anong meron sa Afrika at simula ata ng magkaisip ako ay gustong-gusto kong magpunta doon. Kaya nga  isinama ko na sa plano ko na makapagvolunteer work sa anumang bansa sa malawak na kontinente nito. Magpatuloy sa pagbasa

Last Will and Testament / Death Wish

Sa paghahalungkat ng mga gamit, di sinasadyang nakita ko ang isang activity paper noong nasa college ako. Isa itong epitaph. Nakasaad doon na mamamatay ako sa mismong kaarawan ko, taong 2015. Halos sampung taon mula ngayon. In short.. may taning na pala ang buhay ko… at dahil may sampung taon na lang ang itatagal ko, naisip kong gumawa na ng death wish / last will testament… yahoo!

1. Ayoko ng kristianong libing. Ayoko ng krus sa aking puntod. Naniniwala ako na ang krus ay tanda ng kamatayan at ako ay walang kamatayan. Magpatuloy sa pagbasa

Lost and Found

IM LOST. mga ilang araw rin akong walang identity. as in walang id. at sa kung anong kadahilanan ay tila naipit ako sa mundong nakatali sa mga alituntunin nilang kahit sila ay hindi nila maintindihan. sinubukan kong mag apply ng line ng telepono pero hinihingan ako ng 2 id kahit may affidavit of loss na ako. nag apply rin ako sa prc at ganun din – 2 id ang kailangan. sa sss din. anak ng tokwa. kung lahat sila ay hindi makaintindi na nahold up nga ako at nakuha lahat.. as in lahat…. wala akong id na maipapagawa. kinailangan ko pang gamitan ng charm at harm para payagan akong magrenew at magpagawa ng bago. Magpatuloy sa pagbasa

ulan, ulan, sa aking bunbunan

gaya ng palaka na masayang lumulundag at kumukokak sa pagpatak ng ulan, heto ako… maligalig at nais damhin ang lamig ng bawat patak sa aking balat. kokak!

isang taon na rin akong nagtatrabaho ( na naman). Bihira na makatagal ako sa trabaho, ibig sabihin, masaya ako sa ginagawa ko. Yun nga ang nakapagtataka doon, paano akong nasisiyahan sa isang trabaho na Magpatuloy sa pagbasa

hold-up for the nth time

Dahil election week, may liquor ban at dahil dito boring ang mga gimikan. pumunta akong QC (weekend hangout), nag pabody scrub, at tumuloy ako sa bahay ng isang long lost friend na naassign sa mindanao para sa kanyang Development Work – saving the children from armed conflict. Pabalik ako sana sa Payatas para sa SVO LTS, pero nauwi sa kwentuhan at bahaginan ng bago niyang natutunan sa pagtugtog gamit ang instrumento ng mga Yakan (katutubo sa Basilan). Magpatuloy sa pagbasa

hold-up for the nth time

Dahil election week, may liquor ban at dahil dito boring ang mga gimikan. pumunta akong  QC (weekend hangout), nag pabody scrub, at tumuloy ako sa bahay ng isang long lost friend na naassign sa mindanao para sa kanyang Development Work – saving the children from armed conflict. Pabalik ako sana sa Payatas para sa SVO LTS, pero nauwi sa kwentuhan at bahaginan ng bago niyang natutunan sa pagtugtog gamit ang instrumento ng mga Yakan (katutubo sa Basilan). Magpatuloy sa pagbasa

Merry Christmas!

Medyo mabigat ang buwan ng Agosto, buti na lang at tapos na Sa simula pa lang nararamdaman ko na na maraming maaaring maganap na hindi inaasahan at nagkatotoo nga. Hindi ko alam kung sadyang nasanay ako sa sinasabing nakatakdang kaginhawan pagkatapos ng unos kung kaya’t nasasabi kong maaliwalas at maraming kapana-panabik na nagaganap sa buhay ko ngayong Setyembre. O siguro nga bahagi na rin ng kagustuhan kong maging maayos naman ang buwang ito. 2 bagay ang nararamdaman kong magpapabago sa kasalukuyang takbo ng buhay ko; kung ano yun, hindi ko matiyak. Nag-iisip-isip ako nitong mga huling araw sa isang desisyong maaari kong gawin para sa darating na araw. Naghanap ako ng sign. Hindi ko ito madalas ginagawa, napipilitan akong gawin ito kung hindi ako makapagdesisyon at hindi malinaw ang nararamdaman ko; baka kasi hindi ko mailayo ang personal na saloobin. Ngayon ang huling araw na itinakda ko para makita ang sign pero kanina sa opisina naisip kong mukhang walang sign na darating. Nagdesisyon akong dumaan na sa Glorietta (araw-araw kong daan pauwi), sobrang traffic! Nakatulog ako at pagmulat ng mata ay sumambulat ang isang lalaki sa bintana na nagbebenta ng sign na hinihingi ko at para talagang iniaabot pa sa akin. Ayoko sanang tingnan dahil hindi rin naman ako handa sa desisyong ito subalit nang ibaling ko ang tingin sa kabilang bintana ay isa na namang lalaki ang may hawak nito at tila gustong ibenta sa akin. Magpatuloy sa pagbasa

50th blog

GOODNEWS. sabi ni mabel (roco), madali raw malaman kung ang isang bagay ay para sa’yo. Mararamdaman mo daw ‘yun. Yung bang kahit mahirap ay parang nagiging magaan, yun bang parang may magic! Tama siya. Magic!

BADNEWS. Kalahati na ng taon, 3 pa lang ang naaaccomplish ko sa aking new years resolution : 1. Magtanim ng puno 2. Magpalaya ng ibon o kaya isda 3. Dumalaw sa mga matatanda 4. Mag-alaga sa bahay ampunan 5. Sumulat ng kuwento o tula 6. Mag-hiking 7. Magvisit sa museum 8. Dumalaw sa dati kong school 9. Mag-offer sa church 10. Mag-initiate ng peace sa dating kasamaan ng loob 11. Mag-abang ng falling star 12. Maligo sa ulan. actually hindi naman sya resolution, para syang plans. Magpatuloy sa pagbasa

‘Tekel’ ( Tinimbang ka Ngunit Kulang)

Sulat mula sa bangko ang nagpaikot sa pwet ko, ‘bayad na ako ah, ano na naman ‘to?’ Tawag sa customer service, press 1 for blah blah subscriber press 2 for blah blah. Okay, press 1 ako at marami pang press para umabot sa kanila, sa dulo kailangang i-enter ang account number then pin number saka ko pa lang nakausap ang customer service representative. Nagpakilala na ako at di pala sapat ang pangalan ko, kailangan ng account number for verification, birthday, address, at kung anu-ano pa. Ang katapusan, sumobra daw ako ng bayad kaya hiningi naman ang account number ko isa pang bank account para daw maibalik ang sobrang singil (at hindi naman naibalik dahil kinonvert nila sa reward points e pinacancel ko na naman yung card na yun so wala rin). Magpatuloy sa pagbasa

Last Will and Testament / Death Wish

Sa paghahalungkat ng mga gamit, di sinasadyang nakita ko ang isang activity paper noong nasa college ako. Isa itong epitaph. Nakasaad doon na mamamatay ako sa mismong kaarawan ko, taong 2015. Halos sampung taon mula ngayon. In short.. may taning na pala ang buhay ko… at dahil may sampung taon na lang ang itatagal ko, naisip kong gumawa na ng death wish / last will testament… yahoo! Magpatuloy sa pagbasa