Guest Blogger 3 – Carlo Vidamo

Tapos na ang eleksyon at siguradong pababa na ang atensyon sa Vice Ganda – Jessica Soho issue kaya balik blogging na.
Ang ikatlong Guest blogger para sa ika 8 anibersayo ng aking blog ay nagwagi ng unang karangalan para sa kategoryang Photoblog noong 2011 Saranggola Blog Awards. Pinamalas nya sa blog na ito ang kanyang angking galing hindi lang sa pagkuha ng larawan kundi maging sa paghabi ng mga salita (wikang Ingles) at pagkalkal sa ating imahinasyon.
Ang Guest Blogger na ito ay walang iba kundi si Carlo Vidamo na may blog na Where The Almighty Dwells
Si Carlo Vidamo ay ipinanganak noong 1989. Siya ay kumuha ng kursong B Fine Arts in Painting sa UP Diliman. Siya ay nagpipinta, kumukuha ng larawan, nagsusulat, at umaawit(tuwing naliligo sa banyo). Siya ay isang alagad ng sining kahit na ito ay self-proclaimed lamang. Kasalukuyang manunulat sa ilang lathalain sa iba’t-ibang panig ng mundo bilang isang anonymous writer (pwede na ring struggling writer). Nagpaplano rin siyang lumahok sa LIRA sa takdang panahon, at nais na magtanghal ng isang eksibisyon ng kanyang mga naipinta sa susunod na taon. Mahilig siyang magluto at labis kung uminom ng alak at madali rin siyang yayain(alam na!). At bukod sa pagiging gwapo at lubhang talentado, siya ay mataba at may bali-balikong daliri at dalawang kalawing paa at barubal ang kanyang pananalita. Siya ay isang dalubhasa sa pagiging isang batugan AKA pagpapalaki ng betlog.
Nais ko lang ipaalala na ang blog na ito ay nasa wikang Ingles at Rated PG.
Medyo mahirap ang pagsubok na dinaanan ng guest blogger natin dahil isang kilalang artista ang ipinagamit kong inspirasyon sa kanya – si Piolo Pascual 🙂
 
Challenging di ba? hehehe
Mula sa larawang iyan nabuo ang blog na ito na sadyang walang pamagat.
In that instantaneous, blissful moment, we were one. Our bodies grooved to the music of the night that was subtle, euphoric, and ethereal. As our bare vessels swayed ebbed to and fro, our lips parried like ice-hot daggers in duel: fueled and riposting with such enormous power graced with lush and lust. So I slithered downhill and gently pushed my rod into your hilt. Warmth embraced my manhood — making it more erect than ever.
I thrusted my hips swiftly while you let out those suppressed yet audible moans — making me more famished for human flesh. I swayed and gyrated as your body twitched with both delight and pain, every single flesh throbbing in each fastidious movement I executed. You buried your nails in my arched back as my tongue wandered inside your lips.
The sound of our skins clasping grew louder, the echoes of pleasure melted completely in that eerie air, and we were breathing hard: muttering prayers and cursing all the angels and saints with the ecstatic pronouncement of the staccato of vowels.
                     Ooze.
                 Squirt.
                           Drip.
                  We fade
                        into
                    nothingness.
And we just lay there, curled naked on the seashore, enjoying the soft kisses of the fine sand in the spaces between our toes as I track the reflection of the night sky and its constellations in your pupils. The sand is cold and so is your sweaty skin which is, by the way, my favorite piece of fabric ever woven. It just flows gently onto mine like a premature but excellently crafted velvet that is neither too smooth nor too textured.
And I just lay there, listening to the beautiful music that is the howling of the wind and the splattering of the waves and the quite muffled voice you exhibit when you speak. I do not understand everything you say, for I was too busy deciphering the beauty of the moment of that spectacular fornication, of the night, and of your lashes that fan semantically every time you close your eyes to pause.
You just lay there, talking. Your eyes glued to the freckled abyss. Ignoring the sycophantical guffaws I execute every time you look at me for a retort. You said that the sky is beautiful, and I said in my head that you are the most beautiful. No, look at those stars that sit together in a line as though triplets, you say. Ah, that’s the Orion’s Belt, I tell you. And you harked about how those stars seem like puny troublesome dots that meant nothing.
I felt sorry for the stars because I understand them deep down — their sorrows, their secrets, and the stories they all keep. I looked at the Orion’s Belt and realized how disconcerting they really are — and the stars next to it, and suddenly, I was overwhelmed by their laments that scatter and glitter quietly in the long streak of darkness. It reminds me of everything; of all the tittles of those “I…”s that you weren’t brave enough to bark clearly, let alone finish.
We just lay there, silently: you were mute, carefully choosing the words in your head; I was instantly deaf, because it is that long, unbreakable silence that gave birth to the pile of unfinished sentences that pierces me through and through. And just like every night of broken china, the sky was starting to emit blue that becomes paler and paler, vanishing the army of stars. The sun started to shine, and the words never — not even in a million light years away — left you.

Sayaw sa Tag-Ulan

Guest Blogger 1. Fr. Rhett Sarabia

 

Para sa ikawalong taon ng blog na ito, ang Hibang ay nag anyaya ng mga piling bloggers na magsusulat at tatanggap ng hamon ng pagbablog.

Partikular na pinili natin ang mga nagsipagwagi ng Unang karangalang BlogGaling ng Saranggola Blog Awards mula 2009 – 2012.

Ang mga Guest Bloggers natin ay tumanggap ng mga hamon sa pagsusulat kung saan may larawan o musika na gagamitin at paghuhugutan ng damdamin at imahinasyon.

Malaya silang magbablog ng kung anumang pumasok sa kanilang isipan matapos makita ang mga ipinadala sa kanila.

Ang unang  guest blogger natin ay si Fr.  Rhet Sarabia. Nagwagi sya noong 2009 sa kategoryang Tula.

ang ibinigay natin sa kanya ay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.

narito ang awitin:

Ang awiting ito ay madalas kong kuhaan ng inspirasyon. Sa mga hindi nakakaalam, madalas ay nakikinig ako sa musika, tumitingin sa larawan o nanonood ng paborito kong clippings ng pelikula para humugot ng damdamin.

Ang awiting ito ay ginamit ko rin sa blog post ko na The Music of the Night na sinulat ko noong 2009.

Kung paanong humagod ang kantang ito sa damdamin at imahinasyon ni Fr. Rhett ay tunghayan natin sa kanyang blog na ito:

—-

 

SAYAW SA TAG-ULAN

 

Mabelyn S. De Dios. Ito ang nakasulat sa application form na hawak-hawak ko. Imposible ito.  Pero habang isa-isa kong binabasa ang mga information, tugmang –tugma ito sa isang kakilala ko matagal nang panahon ang nakakalipas. Hmmm…ang lalim ng aking buntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang info sheet na hawak ko. Imposible talaga. Thirty years….thirty long years.

 

Ferdie! Hoy! Ferdie, halika ka silong ka sa payong ko. Madilim na kalangitan. Unti-unting pumapatak ang ulan. Eh, di nakisilong, kaw ba naman ang tawagin ng crush mo.Magiging choosy pa ba ako? Kilig much talaga. Kabog, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hiyang-hiya nga ako, pakiwari ko dinig na dinig nya ang kalabog ng puso ko. Hmm, ganun pala sya kabango sa malapitan. Winner to! Para akong nanalo sa sweepstakes. Lakad, minsan bumibilis, minsan mahina. Ewan ko ba, wish ko sana mahaba pa ang daan pauwi.

 

Ano ba yan, pre…takna ka ng tokneneng! Ito ang bulalas ni Angelo. Bestfriend ko since elementary. Wala ka man lang nasabi..e yun na yun oh!..kayo…kayong dalawa lang sa iisang payong, wala ka man lang nasabi? Eh, sa naunahan ako ng kaba eh. Bestfriend naman, opportunity na yun oh, pinalagpas mo pa. Next time, hayaan mo maghahanda na ako.

 

Next time ba kamo? Wala. Kasi simula na ng summer. Ewan ko ba, buong summer naman na nagningning ang haring araw. Walang ulan, walang sukob-sukob sa payong. Uso ang tuli pag summer, kaya hayun nagkayayaan kaming magpipinsan. Dalawang linggo rin akong natigil sa bahay. Isang araw napadaan si crush ko, Hoy Ferdie, maliligo kami sa ilog, sama ka? Eh, kasi..Anong kasi, halika ka na! Di pwede! Sayang ….hays, sayang talaga! Gabi-gabi di makatulog ng maigi, noong una akala ko dahil sa maalinsangan na panahon, pero ang totoo sa kakaisip kay Maybelyn. Insan,…ano yan? Tanong ni Bert. Yaaks! Tagyawat sa ilong! Ows…umiibig na sya. Sabay halakhak na nang-aalaska! Na conscious tuloy ako. Dumaan pa ang isang araw, waah…pulang-pula na sya at ang laki. Ferdie! Ferdie! Boses ni Maybelyn. Pupunta kami sa ilog, sama ka? Sumagot akong patago. Hindi pwede! Ano , hindi na naman pwede? At bakit nagtatago ka, ha? Basta hindi pwede ngayon.

 

Mabilis na lumipas ang summer. Umpisa na naman ng tag-ulan. Sa iskul namin kanina pa ako nagmamasid, pawang may hinihintay. Ah, baka absent lang nawari ko. Second, third day…natapos ang linggo walang Maybelyn. Pre,….pre…sambit ni Angelo. Kasi sina Maybelyn lumipat na pala sa Maynila. Parang sasabog ang puso ko sa aking narinig. Di ko alam kung sasabog nga talaga. Pero sa sa pakiwari ko hindi ako makahinga. Patakbo kung tinungo ang kanilang bahay. Kasabay naman noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Lakad, takbo, lakad ulit…sa gitna ng ulan. Di ko antala ang lakas ng ulan. Ni hindi ko napansin ang pag-agos ng aking luha.Wala na akong susukubang payong. Wala na si Maybelyn. Unang ranas ng hapdi dahil sa ngalan ng walang kamuwang-muwang na pag-ibig. Natanong ko lang noon kung bakit may mga bagay na kailangang magtapos na hindi man lamang lubusang nakaniig at samsamin ang tamis nito. Para bagang sayaw na kung saan unti-unti mo nang nasasabayan at  siya naman natatapos ang saliw ng tugtog nito. Ulan! Bakit kung kalian ka pumapatak, sabay namang pumapatak ang luha ng dalamhati.Minsan nasabi ko sa aking sarili sana di ka na lang papatak muli.

 

Twenty five years old na ako ngayon. Binata pa rin  Correction Single for life. Congratulations, Pare! Ito nga pala misis ko si Anabel, at ang anak naming si Mardel. Say hello to your tito. Ikaw kailan ka naman mag-aasawa? Sabay tawa! Itong besfriend kong si Angelo alaskador pa rin. Ngayon pa! Hindi na noh, sagot ko naman sa kanya. Di ba si Sir Marco, yun…para naman hindi tumanda. Engr.  Mariliza de Guzman, oo ako nga si Isay Santos, De Guzman na ngayon. Salamat po Mang Andres at nakarating kayo. Si Mang Andres dating dyanitor namin sa highschool. Napagod ako sa maghapong iyon. Ang daming bisitang dumating. Mag-aalas otso na ng gabi ng huling umalis ang mga bisitang kamag-anak. Pagkasara ko ng pintuan ay siya namang buhos ng malakas na ulan. Isang kabanata na naman ang muling nabuksan sa landasin ng aking buhay. Kasabay ng pagpatak ng ulan, nasambit ko sa aking sarili, this time around di na luha ng pighati, datapwat merong sense of fulfillment at contentment. Hindi naman pala na sa bawat pagpatak ng ulan kalungkutan ang dala. Kailangan lang sigurong marunong kang makisayaw sa bawat saliw ng  musika nitong dala sa iyong buhay.

 

Good morning, Sir! I’m Maybelyn S. De Dios. Ferdie? Ferdie delos Santos? Yes, I am Father Ferdie delos Santos. Matagal kaming nag-usap. Pero minsan wala akong nauunawaan sa kanyang sinasabi. . Pilit kung ninanamnam ang halimuyak na hatid ng muling pagtatagpo. Lumilipad ang aking diwa at kaisipan. Ang unang pagsukob sa ulan. Ang bilis ng kabog na aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Ang tagyawat sa ilong. Ang alaala ng kahapon, yun ang muling nabuksan at nilakbay ng aking diwa. Ang tagal kitang hinintay at hinanap. Sa mahabang panahon na ginugol ko sa Maynila, nagbakasakali akong isang araw ay makita kitang muli. Bawat tag-ulan. Bawat may magkasintahang magkasukob sa iisang payong, dasal ko parati sa Diyos na sana tayo ang magkasukob.

 

Father Ferdie?…Ok lang kayo? Hmmm, yes. Pagod lang siguro ako. Miss De Dios, pakiproceed na lang sa HR Department. And by the way, congratulations, magsisimula ka na this school year at our Cebu branch as per your request. Pakikamusta na lang ako sa family mo, at saka …ano nga pala name ng son mo? Ferdie…yun ang name nya…pinangalan  ko yun sa isang taong minsan kung minahal. Hindi ko na naramdaman ang pagpinid ng pintuan ng aking opisina. Malayo ang aking tingin, para bang may hinahanap ako sa nakaraan ng aking buhay.Pilit may binabalikan Saan ba ako nagkulang? Hinanap kita. Parang eksena lang sa pelikula. Pag andon ako sa eksena wala ka, pag nandon ka naman ako naman ang wala. O  sadyang ang tadhana ang syang nagbadya ng ating kapalaran. Bumuhos na naman ang ulan. Malakas na malakas ito. Kasabay nito ang pag-agos ng aking luha. Bakit tuwing umuulan, pinupukaw nito ang mga alaala ng nakaraan? Di ba sya pwedeng umulan na lang na walang sinasagasaang dahilan.

 

2013. Malayo na ako sa Pilipinas. Bagong assignment, bagong buhay, bagong panimula. Kahit dito sa malayong lugar umuulan pa rin, kasabay ang pagpukaw nito sa mga  alaala ng aking nakaraan. Ngayon ko lang napagtanto: My first love was meant to be my only and last love. Hays! Kilig much?  Nope, this time around, thankful, kasi minsan dumating ang pag-ibig , este ang sinaunang pag-ibig ng buhay ko.. Habang sinusulat ko ito humihigop ako ng mainit na kape sa saliw ng awitin ni Aiza Seguera..entaytol, Anong nangyari sa ating dalawa? Umuulan na naman. Sana naman walang basagan ng trip. Sige na,  bumalik ka na lang bukas Mister Ulan. Please!

 

 

 

Bluguy.

 

April 8, 2013

 

Rome, Italy

 

 

Sino si Fr. Rhett?

 

Si Bluguy o Rhett Ruiz Sarabia ay ipinanganak noong Marso 23, 1964 sa bayan ng Kalibo, Aklan Nagtapos sa samu’t-saring kurso: BSC major in Accounting sa Adamson University, Manila; Philosophy units sa San Carlos Seminary, Makati; BS in Sacred Theology sa Don Bosco Center of Studies ( Bene Probatus),Manila; BS Education (Magna cum Laude) sa Salesian Pontifical University, Rome, Italy; at Licentiate in Education major in Methodological Pedagogy .II (Magna cum Laude) sa Salesian Pontifical University, Rome, Italy.
Nakapagtrabaho sa Metro Bank sa Makati ng mahigit isang taon bago naisipang tahakin ang bokasyon sa buhay relihiyoso. Pumasok sa seminaryo pagkatapos ng EDSA rebolusyon. Inordenahan sa pagkapari noong 1996. Naging formator sa seminaryo, educator (St. Alexis Center of Studies at Laguna Northwestern College) at Vicar Provincial ng St. Peregrine Philippine Vicariate ng Order of Servants of Mary. Kasalukuyang naglilingkod dito sa General curia OSM, Rome, Italy bilang isang General Councilor ng aming Orden. Mahilig magsulat at makisalamuha sa mga OFW dito sa Italya.

 

Puntahan ang kanyang blog na bluguy

http://blurosebluguy.wordpress.com/

 

Maraming Salamat Fr. Rhett Sarabia – katukayo, dahil parehong blue ang nickname natin – sa  pagpapaunlak sa aking imbitasyon.

Ang Sabi ng Puso

Hindi ako naniniwalang may isang itinadhana para sa atin.

Bullshit  yun. Sa t’wing makakakita ako ng foreigner

naiisip ko, ano yun, majority ng itinadhana magkakalahi?

‘Pag Pinoy ka malamang ang katadhana mo ay Pinoy din?

Sinadya ni tadhana para hindi ka mahirapang maghanap?

Hindi ba nya naisip noon na magkakaroon ng Facebook,

ng chat o kaya ng promo fare? Nakakalokah!

Nagugustuhan mo ang isang tao dahil sa comfort.

Kaya ko ‘tong paamuin, gusto ko ‘to, swak kami,

nagkakaintindihan kami. Good vibes kami. Okay kami.

Hindi kumplikado, hindi magastos, masaya ang puso ko,

panatag ako sa kanya – komportable ako sa kanya.

Noong medyo bata pa ako, hindi ko iniisip ang pag-ibig.

Wala akong pakiaalam.

Abala ako sa paaralan, sa organisasyon,

sa mga gawaing panlipunan.

Magpatuloy sa pagbasa

Last Summer

Gumising tayo ng maaga, sinimulan natin sa isang mainit na kape matapos ay binaybay ang tabi ng dagat nang makalanghap ng sariwang hangin.

Sabi mo, gusto mong bumati dahil maganda ang araw

At para ngang naririnig kong binabati mo ang lahat, nakangiti, maliwanag ang mukha lalo na ang iyong mata. Alam kong masaya ka.

At sila rin ay bumabati sa’yo, para bang  nakikipagkulitan ka. May sarili kang mundo sa mga oras na iyon, ngumingiti, kumakagat sa labi sakaling napapansin mong may tumitingin sayo at nagtataka kung bakit ka ngumingiting mag-isa.

Medyo nakakabisado ko na ang galaw mo, mga mannerism.

Siguro nakikiliti ka sa malambot na buhangin o di kaya sa dampi ng malamig na tubig na parang nakikipaglaro sayo ng habulan. Ganun din, dinuduyan ang  buhok mo ng malambing na hangin at ang araw, waring nakikipag-usap sayo, nagsasabi kung gaano kaganda ang umagang naghihintay.

Madalas, ito lang ang oras kung saan tayo nagkakasarilinan. Sa mga susunod na oras, magigising na ang barkada natin, simula na ng tawanan, lakaran, beach and other water activities at inuman in between.

Tuwing bakasyon, tuwing summer, sa Boracay tayo tumatambay.

Hindi rin natin pinalalagpas ang summer ng hindi tayo gumagawa ng castle. Every year may picture tayo ng nito. Except 2 years ago, kung kelan namatay ang mother mo sa breast cancer. Architect ang mom ko kaya naisip kong malulungkot ka lang kung gagawa tayo ng  castle kaya sinabi ko sa barkada na wag na tayong gumawa nito.

Tahimik ka buong araw. Actualy sa buong bakasyon ata natin dito, hindi ka nagsasalita. At ako rin, nakikiramdam. Hindi ko alam kung anong iniisip mo o nararamdaman mo. Parang mas gusto mong magreflect, mag-isip at i-enjoy ang sarili.

Parang may pinaghahandaan ka o may hindi sinasabi.

Tinapos mo ang araw sa paraw sailing. Sabi mo gusto mong makita ang sunset. Sabi mo pa, gusto mong magpaalam ng personal sa araw.

Gusto mong magpaalam, siguro nga dahil huling araw natin dito, magkakanya-kanya na naman tayo. Si Siam, babalik na sa America, si Mon sa Cebu, at si Racquel sa Hongkong. Yung iba, sa Manila nga pero bihira naman natin makita dahil nga may kanya-kanya ng pamilya.

Huling gabi sa Boracay. Huling Summer, dahil nang gabing iyon, tinanggap mo ang singsing na binigay ko at sinabi mong pinag-isipan mong mabuti ang matagal ko nang inaalok sayo.

Ito ang huling araw na magkaibigan tayo at last summer na single tayo.

magkaibigan

Kahit ang dagat na iyong dinaanan, nahati’t

tila nasaktan, sa iyong paglisan.

Inihatid ka ng aking kaway, huli na marahil

bagamat hindi mo nilingon,

balewala pagkat nakatanaw ka sa malayo

tila gusto mo ngang lumaya o lumimot agad.

Gayunman,  hiling ko ang iyong kaligayahan

at kaligtasan, kasabay ng hanging aking binulungan

at ginabayan ng mga ibong nauna ng kumampay upang

iyong sundan.

Paalam.

Huwag mo sanang isipin na ikaw lang ang nasaktan,

o sinadya kitang saktan

dahil pareho tayo, nabigo.

Hindi ko hinihiling na maging tayo pa,

sana lang ay magkapatawaran, kahit magkalimutan

matanggap lang natin sa isa’t-isa,

maamin

na hindi naman talaga natin sinasadya

mabuti tayo.

Magtiwala ka

na hindi laging ganito,

na maaring sa iba

totoong mas maging maligaya ka.

Kung sa malayong lugar piliin mong tumigil

at hindi na magparamdam

hindi kita hahanapin upang mabawasan man lang ang iyong sakit

kahit sinasabi ng puso ko na wala akong pagkukulang.

Yun ang mas mabuti

hangad kong mapabuti ka

ngunit sana maintindihan mo

na maaaring laro ito ng buhay.

at hindi ito titigil hanggat ipinapakita mong mahina ka

hangga’t hindi ka nagwawagi sa sakit

dahil mauulit at mauulit ito

pagkat hindi ka lang ngayon luluha.

Masakit ang umibig,

kasama yan, dahil sinusukat ang puso

hindi sa dami ng galos

kundi sa makailang ulit kang umibig

muling naniwala

sa pagmamahal

at mangyayari yun

kung pakakawalan mo ako

sa pag-aakalang ako ang may sala

at ako lang ang dahilan.

Kung masasalubong mo ako

at hindi mo pansinin

na tila hanging nagdaan

malulungkot ako, nang sobra

sapagkat hindi ka pa nakakawala,

ngayon kung nais mong makalimot

makaahon sa sakit na iyong dinaranas

titigil ako, maghihintay

isa pa, sa huling pagkakataon

magyakap tayo, yakapin mo ko

hayaan nating ang ating puso ang mag-usap

nang sa gayon ay makalaya ka

at makapagsimulang muli

dahil yun lang ang paraan.

Mas mabuting magwakas

kung paano tayo nagsimula.

Magkaibigan.

scratch ideas

Pabalik-balik ka na naman sa ospital, check up dito check up doon. May nararamdaman ka pero alam mo ang magiging resulta, wala naman. Bata ka pa papansin na yang puso mo, kumikirot, hindi pwedeng mabigla, hindi pwedeng laging puyat dahil mahihirapan kang huminga, bibilis ang tibok, ibabudget mo ang labas pasok na hangin dahil pag napasobra, parang mapipigtal ang ugat. Pati paghikab o paghatsing. Pero hindi nila maipaliwanag kung ano yun.  Basta may sakit ka, kung anuman yun, walang eksaktong sagot.

Ang sweet nila. Buti pa sila.

Kung hindi ka nagseryoso sa buhay mo, ano ka ngayon? Nakita mo naman yung mga kaklase mo sa facebook, mga dating kalaro. Akalain mong may mga anak na. Nag-aaral na nga yung iba. Iniisip ko tuloy, noong panahong hirap na hirap ako sa statistics, paggawa na ng bata ang pinaghihirapan nila? Nasan ka nun? Siguro nga naenjoy ko naman ang buhay, pero come to think of it, may life investment na sila.

Iniisa-isa mo ang ang class picture na tina tag nila sa yo at inaalam mo kung saan sila nag wowork, Pagtanda mo, iisa-isahin mo ang facebook friends mo, pero di gaya ngayon, siguro iisa-isahin mo rin at sasabihin mong eto patay na, ito patay na rin, ito kamamatay lang, ito naman, nasa ospital. Elimination round na.

Sasalpok ka na naman sa pader na tila walang lalagusan. Hanggang dito na lang ba ako? The usual, kapag wala akong maisagot, kukuha ako ng coin at ihahagis, hinahayaan ko ang hangin, ang langit o sinumang ispiritu na magdecide kung saan ako, kapag tihaya, dito ako, kapag taob eto naman. Kinabahan ako paghagis ng barya, ano kaya, tihaya o taob, hanggang sa bumuhos ang napakaraming barya mula sa langit. Marami pa palang option. Akala ko dalawa lang.

syet, ang sweet talaga nila.

Payo ng buhay na natutunan sa tabi-tabi…

Life is not about sex.  (sige na nga, it is about lovemaking)

Huwag kang makikipag-away kung hindi ka legal.

Huwag ka ring mag-assume kung hindi ka assumptionista (specialy kung USTe ka)

Piliin mo yung madiskarte kahit hindi mayaman, kasi siguradong mabubuhay ka. Wag ka nga lang maselan, at wag mong itatanong kung paano at saan sya dumiskarte!

mean machine…

Bakit ayaw mo siya?   mahirap kasi siya.

Bakit ka niya inaaway? dahil hindi niya ko nakuha

Bakit ba may issue sya syo?  dahil nagagawa ko ang gusto ko at wala siyang means gawin ang gusto niya. kasi nga isa siyang mahirap na promdi!

O, bakit tahimik ka? Ano ang nasa sa isip mo ngayon?

Maghiwalay ang dalawang yan, OA sa ka-sweetan.

Ano ng key idea ng lahat ng ito?

Iniisip ko lang kung bakit may isang bagay na hindi ko kayang gawin. Bakit hindi ko kayang  magcommit?

tumatanda na ang puso, puti na ang buhok niya, kulubot at hingal na sa pagtibok. Sana lang kaya ka pa niyang maaninag sakaling dumating ka.

just got a message. back to square one. f*ck!

Stolen Shots

Una kong natanggap ang picture na yun pagbaba sa taxi. Inabot sa’kin ng taxi driver nung nagbayad ako, merry christmas daw, regalo niya sa mga pasahero niya. Nakababa na ko ng binigay niya iyon, nung binubuksan ko na ang envelop, pinaharurot niya ang taxi at laking gulat ko nang makita ko ang nasa larawan – Picture ko habang naghihintay ng taxi.

Iniisip ko kung pano niya ako nakuhaan ng picture, kung sino siya.

Isang unregistred number ang nagtext, “bakit ka nag-iisa?” tumingin ako sa paligid, walang tao, madilim, dali-dali akong pumasok ng bahay. Magpatuloy sa pagbasa

Isisi mo sa El Nino o kay Mia at August

Ngayong hatinggabi, magdadahilan ako’t iinumin ang nag-iisang lata ng malamig na san mig sa ref.

Matapos ay magbababad sa tubig, bubuksan ang shower at hahayaang gumapang ang tubig

sa balat kong sabik na makayapos at magtatyaga sa loofah na pinahiran ng peppermint shower gel.

Itataas ang thermostat at kakalimutan ang bill. Magpatuloy sa pagbasa

Subok lang

Nakita kita sa facebook mo.

Nalimutan mo atang i-private kaya eto ako, na ransack ko na naman ang mga photos mo. Sa bagay, kahit naman nakaset sa private yun, magpapanggap na naman akong ibang tao, at i-aadd kita, stalker na kung stalker pero hindi ko lang talaga mapigilan alamin kung kumusta ka na. Magpatuloy sa pagbasa

Its never too late

Good Morning!

Im sure ito na lang ang kulang. Baka nga eto na lang ang hinihintay mo, or ako. Hindi ko alam kung naghihintayan na lang ba tayo kung sino ang mauuna or you just want to show a little courtesy na ako na lang ang umalis kesa ako ang iwan mo.

To formalize everything, Honey,  I just left. Magpatuloy sa pagbasa

Kung ang Mahal mo ay May Mahal ng Iba

Kahit anong galing mo, makakahanap ka ng katapat.Hindi ka invisible sa mata ni kupido at hindi ka indispensable. Tatamaan ka sa isang tao na hindi ka mamahalin. Hindi yan sumpa pero siguro isa siyang learning activity bago ka sumalang sa totoong relationship. Magpatuloy sa pagbasa

Kung Ikaw ang Iniwan

Noong bata pa tayo, kasabay ng pagpapahele sa atin ay ang pagkukwento ng mga fairy tales.  Salamat kay Cinderella!

Masarap makinig sa mga love stories, lumaki tayong pinakilala na makapangyarihan ang pagmamahal. Binabago nito ang buhay, tinuturuan tayong mangarap at umasang pwedeng maging ganun din ang kwento natin.

Actually masarap din magsulat ng love story.  Pero gusto kong mag-ingat, kadalasan kasi, akala natin ang kwento ay tungkol sa pagkakatagpo ng prinsipe sa prinsesa, magsasayaw sila suot ang magagarang damit na bigay ng kanilang fairy God Mother tapos magpapalakpakan ang tao, maghahalikan sila, may magic at natatapos ang lahat sa and they live happily ever after.

Nabentahan tayo ng ganitong kwento. Infact nabenta natin ang ating kabataan sa pangarap, pag-asa at pangako ng wagas na pag-ibig. Magpatuloy sa pagbasa

Kung Makikipaghiwalay Ka…

Hindi ko sinasabing normal pero maaring dumating ang pagkakataon na ikaw ang hihiwalay sa isang relasyon. Ang totoo, kung pagbabatayan ang tingin ng mga tao, mas mabuting ikaw ang iwanan kesa sa ikaw ang mang-iwan. Minsan sa lipunan kasi natin, mas madaling maawa at makisimpatya sa mga taong hinihiwalayan. Pero sabi nga, bakit ka patatali sa isang relasyon kung hindi ka naman talaga masaya. Magpatuloy sa pagbasa

Kahawak-kamay

Wala naman talagang paliwanag kung ano ang pag-ibig.

Hindi siya kemikal na hahalo sa isip para guluhin ito at hindi rin siya isang simpleng emosyon.

Minsan gusto kong isipin na isa siyang espiritu, yun bang parang basta ka na lang sinaniban.

Mawawala ka sa sarili mo. Para kang nakadroga. Lutang at high na high. Nakangiti, biglang magiging inspired sa trabaho, walang pakialam sa iba na para bang ang mahalaga ay yung ngayon. Yung nararamdaman mo ngayon at bahala na bukas, bahala na kung ano ang iniisip ng iba dahil nga ang mahalaga ay yung nararamdaman. Alam mo kasing pambihirang mangyari iyon, na maiintindihan ka nila dahil inlove ka, na pwede mong gawin ang gusto mo kasi nasa espiritu ka ng pag-ibig. At pag nagising ka at wala na siya, natauhan ka at natuklasan mong tapos na ang lahat – back to reality ka. Syempre hindi ganun kabilis dahil iiyak ka muna, nasaktan ka kasi. Ang dulo naman nun, no regrets, kasi nagmahal ka. Again, idadahilan mo sa pag-ibig – kasi nga nagmahal ka. Magpatuloy sa pagbasa

Winding Road

(sa mga naghihintay kung ano na ang nangyari kay Ning, narito ang kasunod na bahagi)

Uy! Hello, hello, hello, im back!

Oh My God, what a surprise, ano ba? Anong nangyari sayo?

Hindi naman halatang namiss mo ko ng sobra

Yan ang namiss ko sa’yo! Yang mga linyang yan. So anong nangyari? After ng pageant hindi ka na nagparamdam

Hahaha at talagang pageant pa rin ang nasa isip mo. Ang dami ng nangyari no,

So ano na nga?

Okay sige para matapos na to, ganito yun, nagbackout ako 2 hours before the pageant.

Bakit nga? Sinabi na lang ng host na one of the contestants was sent to the hospital

alibi na lang syempre. Pero ang totoo, masyado silang magaganda. Alam mo yung pakiramdam na para kang nasa gitna ng prusisyon ng mga santo? Lahat sila kutis porselana, ang tatangkad, ang lalaking bulas, as in inenjoy ko naman ang mga activities pero ayokong maging ordinary kapag nasa stage na. Magpatuloy sa pagbasa

Nawawala si Faye

Isang email ang natanggap ko, ang subject : nawawala si Faye. Ang weird dahil ang sulat ay galing mismo sa kanya.

Hi Blue,

Thank you sa musical box. Alam ko na ang sagot. Nawawala si Faye! Sabi mo wala akong karapatang mawalan ng boyfriend. Youre really good at that – magbigay ng pressure. Bothered ako at wala pa kong tulog. E sa wala nga, anung magagawa ko. Yes, I’m beautiful, ooops kulang ng adverb, very beautiful! wag kang kokontra dahil inamin mo rin yan, I have a good job, actually sa sobrang desperado ko kahit walang trabaho sige na kuya papatulan ko na dahil may trabaho naman ako – kaso nga walang match sa kin! Ano va? Magpatuloy sa pagbasa

Alternate Route : Women Crossing

Balita ko magche-check in ka na bukas

Yup, 3 weeks ang preparation sa pageant. Ang daming nakaline-up na activity

Oo nga, saglit na lang at star ka na!

Loko

Serious. I’m sure mag-iiba ang buhay mo after nyan. Magpatuloy sa pagbasa

Shape Tomorrow, Register and Vote

Okay bakit sa palagay mo Pilipinas ang pangalan ng bansa natin?

Dahil mas marami ang babae kesa sa lalaki

Huh?

E di ba kung mas maraming Pilipino, dapat Pilipinos ang pangalan? Kaya Pilipinas, dahil mas marami ang Pilipina

Ah ok, so plural pala ito. Why not? So kung magiging Presidente ka ng Pilipinas, anong pagbabago ang gagawin mo? Magpatuloy sa pagbasa

Do Not Disturb : Self Distructing

Ano naman ang naisip mo at sasali ka sa pageant na yun

For a change

For a change?

Yup. Sabi ko naman sa’yo di ba, magmemake over ako.

Oo  nga, magmemake over ka, pero anong kinalaman nun sa pagsali mo sa pageant na yun Magpatuloy sa pagbasa

Warning! Accident Prone Area

anong una mong ginagawa paggising?

tumitingin sa cellphone.

hindi sa relos?

actually, yung cellphone ko, yun na rin ang alarm.

Ang weird no, parang we can’t live without it na.

Galing kasi e, lahat nasa cellphone mo na. Magpatuloy sa pagbasa

Loading Zone

So, you’re here

Hi, kala ko hindi mo na ko papansinin

Pwede ba yun?

You look great, see? You look great even without me

Hahahaha so talagang kailangang simulan sa past?

Of course, theres no better way to start than to where we ended

Really? And you’re assuming that everything has ended? Magpatuloy sa pagbasa

Soon To Rise

Kelan ka pa dumating?

Anong kelan ka pa dumating? ikaw ang kelan pa dumating, nagkita-kita na kami, hindi ka macontact

Nasa Pilipinas ako, ikaw, anong nagtulak sa’yo at nagbakasyon ka dito sa’tin. Hows US?

Ayun, itim na ang presidente, e dito ba?

Ayun hindi na lumaki ang presidente

Sobra ka naman, love your own

Utot mo. Hindi na rin. Magpatuloy sa pagbasa

No U Turn

San ka galing?
Kila Melis, she said you never visited her since our fight, kailangan ba talagang madamay ang mga friends natin?

Wala naman akong business sa kanya

Naks, business, corporate pa rin ah. Pwede mo naman siyang dalawin, for old time’s  sake.

Iba na e. I don’t have anything against her naman,

Yun naman pala

Pero hindi niya ko gusto. Magpatuloy sa pagbasa

No Overspeeding

(sa mga naghahanap ng karugtong ng Don’t Drink and Drive, narito ang kasunod. Patnubay ng Magulang ay Kailangan)

Hey how are you? Hows your date?

Date?

Yep, your valentines date?

Hmmm didn’t I tell you that I am suffering from selective amnesia?

You mean?

I choose what to forget. Magpatuloy sa pagbasa

Dead End, Take Detour,

Sabihin mo nga sa’kin, maysakit ka ba?

Huh?

Mamamatay ka na ba?

Okay ka lang

Kaibigan mo ko, c’mmon, you can trust me.

Anong ibig mong sabihin?

You’re dying, right?

Actually sa mga sinasabi mo, you’re killing me,

Sa’tin-sa’tin lang

Mukha ba kong mamatay? Seryoso ka ba? Magpatuloy sa pagbasa

Don’t Drink and Drive

(may temang hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

Uy, aattend ka sa lovapalooza?

Hindi ah, hindi kami dun pupunta, bakit mo naman nasabi

Pulang-pula ka kasi.

Ah maganda ba?

Hmmm infairness ang baduy.

Anong baduy? Mahal ‘to

Yun nga ang masakit pala dun, mahal na baduy pa.

Walang mahal na baduy!

E anong tawag mo dyan sa suot mo? Magpatuloy sa pagbasa

On-Going Construction

Hey what’s up? Its your birthday, i mean, it’s your day.

Hmmm, weird ‘to pero meron akong gustong sabihin sa’yo.

Hindi mo man ako sagutin o kausapin, i’m sure nakikinig ka. Dun ka magaling, i know that.

Kanina, may lumapit sa kin, kung gusto ko daw umorder ng kahit ano, something to give on your day,

nginitian ko lang.

Para kanino, wala akong maisip bigyan. Para saan nga ba ang chocolate, flowers, teddy bears, cards or cakes. Hindi nun kayang tumbasan ang value mo.

Niresearch ko kanina, sabi around 70 times ka daw nag papump in a minute, thats 4200 beats in an hour, 100, 800 in a day, 36,792,000 in a year. Grabe! Ganun ka mag function. Sipag mo! Magpatuloy sa pagbasa

Bawal tumawid, nakamamatay!

Tahimik ka? …Hello, parang wala akong kausap

Huh? May sinasabi ka?

Ay hindi mo narinig sayang, nagdeclaim ako… uy nagpapatawa ako. Bakit ba napakaseryoso mo?

Ganun pala yun.

Huh?

Be careful what you wish for. Tama. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam.

Anong nangyari? Alam mo hindi ako sanay e, anong problema?

Hindi ko rin alam. Basta nangyari.

Ang alin? Oh my God, are you crying?

Okay ako. Okay lang ako.

Ah okay. Yeah, you’re okay. Magpatuloy sa pagbasa

Slippery When Wet

(babala: patnubay ng magulang ay kailangan. Hindi angkop sa mga bata.)

Naniniwala ka ba na every 7 seconds sex ang iniisip ng lalaki?

Uy hindi ah

Oo, at out of  100, 54% ng lalaki ganun

Saan mo naman nakuha yan?

Nabasa ko, at sabi pa 98% ng lalaki nagmamasturbate sa CR

Grabe, ganun ka kainteresado sa sexual habits ng mga lalaki?

Dati kasi akong lalaki

Naniniwala ako

Sira, nabasa ko lang.

E anong ginagawa nung 1% na naliligo? Magpatuloy sa pagbasa

Watch Out! Falling Debris

(Hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

O ang aga mo, mamaya pa tayo ah. 8PM daw.

Yup, i know, kaya nga inagahan ko. hindi na ko makakasama mamaya.

weird, anong bago at bakit ka biglang napadaan?

sabihin mo nga sa’kin, ikaw ba naniniwala na may one true love?

Okay ka lang?

seryoso ako, sagutin mo tanong ko.

anong problema mo? darating ka dito, uninvited, ni hindi ka man lang kumatok at saka mo ko tatanungin, wait wait wait, namumula ang mata mo, mukha kang disturbed, adik ka no? lulong ka sa shabu ano? Magpatuloy sa pagbasa

No Left Turn

(Para sa love month – simulan natin ang pagtalakay sa iba’t-ibang kwento ng pag-ibig, karanasan at  aral.. Ang inyong mababasa ay may paksang hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan).

Maiba ako, gaano ka ba kaloyal sa boyfriend mo?

Hmmm

OMG! Hindi ka makasagot. As in?

Anong as in?

As in nasubukan mo ng maging unfaithful? Kumaliwa?

Ewan ko sa’yo.

Come on, kwento mo na, kanino? Magpatuloy sa pagbasa

Ganun Talaga

sabi, upang magkaroon ng ebolusyon, kailangang may mawala.(last line from my previous post)

hindi ko naisip na may katotohanan pala ito. Nyak!

Its my day! Weird. Pumasok ako ng tirik na tirik ang araw, hinintay lang akong makapasok at bumuhos na ang ulan :

mula sa Ulan sa Buwan ng Abril

Mayroon ding mahina subalit matagal

nakakainip na parang walang katapusan.

Tila pinong buhangin, sumasaboy sa bubungan.

Isang mahabang pagbuhos ng ulan na kahit anong oras akong lumabas-pasok ay hindi siya tumitila. Wala akong nagawa kundi suungin ang mahinang mga patak; alanganin para maligo o kahit magkasinat. Pero isa ang tiyak, sapat upang malasahan ko ang luha ng daigdig, ang lungkot, ang paghahanap sa kahulugan. Magpatuloy sa pagbasa

Bagong Bihis

Lahat tayo nag-uunahan, nagkakarerahan papunta sa goal natin, pero come to think of it, hindi naman ang mga pangarap natin ang iniingatan papunta sa goal kundi ang puso natin.

Tumatakbo tayo hawak ang puso natin, natatakot na baka mabunggo, mapatid o makuha ng iba. Siguro naranasan na nating tumakbo na may kabahagi sa puso pero minsan lang yun, swertehan. Yun e kung mahahanap mo ang totoong mag-iingat nito pero parang madalas, kaagaw natin sila sa goal natin. Yun bang kukuhain ang puso mo, papaamuin ka pero para ano, madistract, mawalan ng focus o masaktan. Matapos makuha ang tiwala, malaman ang kwento mo, at buo mong katauhan ay wala na, iisipin mo na lang na siguro pahinga lang ang mga oras na iginugol mo sa piling niya, pahinga lang na parang itinali ka na at ni hindi na magawang makalakad. Magpatuloy sa pagbasa

The Rainbow Connection

Malamig na ang pagkain, mukhang hindi ka na yata darating. Ang baso ng juice, hindi ko alam kung namasa dahil sa natunaw na yelo o sadyang binalot na ng hamog. Oo nga, nanunuot na ang ginaw at pumapalag na ang katawan ko kaya’t nagpasya na akong tumayo subalit naroon ka sa likod, akmang parating. Isang oras ka pa lang nahuli, kaya kong maghintay ng matagal subalit hindi ngayon. Magpatuloy sa pagbasa

Huling Gabi ng Munting Prinsipe

Para sa rosas na aking nakilala,

Isang umaga, isang bagong umaga, binago nito ang buhay ko nang makita kita. Sa aking bakuran, sumibol ka’t nagising. Marahan, maingat ka’t tumingala, naghikab at bumati sa daigdig. Nasisilaw ka sa liwanag at giniginaw sa hamog. Binantayan kita, inalagaan at sa huli nga’y napaibig. Magpatuloy sa pagbasa

True Love

Kung babalikan ko lahat ng nagawa ko na, mga accomplishments at shortcomings – madalas nararationalize ko ang mga iyon. Laging no regrets at learning lessons ika nga. Hindi naman sa kinukumpara ko ang sarili ko sa iba; mga kamag-aral, kababata o mga nakilala, masasabi ko na naging successful naman ako sa buhay ko. Isang young urban professional. Magimik, makulit, mahilig magbyahe, palaging kasama ng mga kaibigan, nood dito, inom doon at iba pang happenings. Magpatuloy sa pagbasa

A Fairy Tale (in progress)

Ang mga Fairy Tale, pambabae lang daw.

Kaya nga sa bunso kong kapatid madalas ikinukwento ng tita ko ang mga kwento ng mga babae na nangangarap na magustuhan ng isang prinsipe. Ako naman, tahimik lang na nakikinig. Natanim na sa isip ko noon na ang bawat lalaking pinapangarap ng mga babae ay matipuno, mahusay makidigma, anak mayaman at nakatira sa kastilyo.

Alam kong simula noon, nakasama na sa listahan ng kapatid ko ang mga katangiang iyon sa pagpili ng mamahalin. Magpatuloy sa pagbasa

sa pagitan ng kawalang katiyakang relasyon

Hindi naman maikakaila na sa twing makikita kita, daraan ka, maaamoy ko ang pabangong nakasanayan ko mula sayo ay muling manunumbalik ang sandaling pinagsamahan natin. Noon na kasama pa kita, na malambing tayo sa isa’t-isa. Yun bang inaalala natin ang bawat isa, ang kapakanan mo. Hindi matatapos ang umaga, tanghali at gabi ng hindi kita tinitext kung nakakain ka na. Kung nakauwi ka na o magsasabay ba tayo pauwi. Kung tatambay muna tayo para magkape kung walang magandang palabas sa sinehan. Magpatuloy sa pagbasa

Tahan na

Doon siya lumaki, natuto at nagdalaga. Bagamat nakaranas mangibang bansa, umuwi siya sa tahanang kanyang kinalakihan. Malawak, maaliwalas, mababakas ang kasaganaan. Payak na bahay ngunit nakaririwasa sa pamumuhay. Sa tokador makikita ang mga larawan, kuha ng paglaki at ng mga magagandang alaala – tanda ng mahusay na pagpanday sa buhay. Hindi nagkulang ang kanyang magulang sa pagpapalaki, sa pagpapangaral, sa pagpapaliwanag kung paanong lumaban, makipagtunggali at mahalin ang buhay. Magpatuloy sa pagbasa

what is love?

Merong isang bahagi ng sarili na hindi mo kayang kontrolin. Hindi ito tungkol sa mga involuntary muscles natin. Tungkol ito sa sitwasyon ng buhay mo na hindi mo maipaliwanag kung bakit nagaganap.

Tinuruan tayo sa paaralan na ang tao may talino at kakayahang pumili, pinalaki tayo na para bang kasalanan ang magkamali. Para bang wala tayong lisensya na maging tanga dahil daw may utak tayo. Magpatuloy sa pagbasa

istranghero

Gigising ako sa umaga, kakain, tatakbo at makikipag-agawan sa taxi. T’wing umaga, parang patintero, iba’t-ibang mukha, lahat sila, lahat ng nakikita at nakakasalubong ko; ano man ang ayos, suot o itsura… pare-pareho sila – mga ordinaryong tao gaya ko na ginagawa ang aming trabaho, ang mga nakasanayan na namin, ang comfort. Lululan kami sa mga silid o cubicle at doon tatakbo ang buong magdamag. Sa silid na iyon binubuno ang buhay, kumikita at natututo. Hanggang sa hindi na namamalayan ang pagtakbo ng oras at ang pagkakataon ay nauna na sa ikot ng orasang nakakabit sa corkboard – nagdidikta, nakabantay sa maghapon – ang panahon, sumuko na sa routine ng buhay ko. Magpatuloy sa pagbasa

Daydream

Nakatitig ako sa monitor, hindi, ang totoo nakatitig ako sa’yo. Sa’yong alaala, hindi ko alam pero nagmarka sya dito sa isip ko, hindi siya makawala – ang totoo, nakulong siya sa puso ko, naiwan siya noong mahigpit kitang niyakap. Hindi na nakawala, naiwan ka dito. Magpatuloy sa pagbasa

Pagpapalaya

(huling bahagi)

Para sa inang naulila sa kaisa-isang anak, walang lalalim pa sa galit at hinanakit na naiwan sa kanyang puso. Lumalatay sa kanyang alaala ang mga sandaling unti-unting panghihina ng anak, pagkaubos ng luha at pagkawalan ng pag-asa.

Sa silid na iyon kung saan niya pinaghele, inaruga at tinuruan hanggang sa maging isang ganap na dalaga, nasaksihan niya ang pinakamasakit na kabanata sa kanyang buhay – ang maabutan ang isang anak na nagkitil ng buhay. Magpatuloy sa pagbasa

Tinig

(ikalawang bahagi)

Noong bata ako, iniisip ko lagi kung ano nga ba ang gusto ko. Nakakapressure. Para bang worth 1 million pesos ang sagot sa tanong ng magulang mo : Anak, ano bang gusto mo paglaki mo? Naaalala ko pa ang mga itsura nila, lahat ng bisita ni Papa nakaabang.

Gusto k… gusto ko pong maging pari.

Natahimik lahat. Magpatuloy sa pagbasa

Bulong

(unang bahagi)

Kilala kita. Sinusubaybayan ko ang kwento ng buhay mo. Magaan ang loob ko sa’yo. Sa isang tingin pa lang, alam kong down to earth ka. Hanga ako sa’yo dahil matatag ka. Kaya mong ihandle lahat. Napaka-cool mo.

May ilang kwento ng buhay natin na halos magkapareho. Sana tulad mo ‘ko, may sagot sa lahat ng problema.

Ilang beses na kong nagtangkang lapitan ka. Kaso nauunahaan ako ng kaba, baka kasi hindi tayo magkawavelength. Mukha kang matalino, natatakot akong matameme at hindi ko mahandle ang conversation. Simple lang kasi ako. Hindi sintalino mo. Magpatuloy sa pagbasa

Sa Muling Pagkikita

Siguro nung pinanganak ka, umuulan. Kasi nung ako naman ang iniluwal, tirik na tirik ang araw. Mahilig ako sa gulay at puro karne ang paborito mong ulam. Simple lang ako, maporma ka. Imposibleng magkasundo tayo.

Sa simula pa lang, ramdam ko ng ayaw mo sa’kin. May isang bakanteng upuan sa tabi ko pero mas pinili mong sa likod maupo, nilagpasan mo ako. E’ ano, hindi ka kagwapuhan. Nagkataon lang na magaling kang manamit. Magpatuloy sa pagbasa

as red, as sweet and as classic as strawberry

if symptoms persist, check your toiletries.

Okay, sabihin na nating napakabait ng Diyos at isang araw, sa kalagitnaan ng inis sa trabaho ay biglang may makikilalang bagong nilalang. Marami sila pero sabi nga sa kanta ni Barbie Almalbis (closeup soundtrack) Just a SMILE

I wanna tell you everything, piece by piece
Won’t you come up closer
I want to, hear you breathe Magpatuloy sa pagbasa

Sanib

Dito ka lang sa tabi ko. Gusto kitang makasama, minsan pa, kahit ngayon lang. Maramdaman ang init ng ‘yong katawan. Hinahanap ko ang kalingang iyan. Sumandig ka, kahit bahagya, wala lang, gusto ko lang ng may kasama. Gusto kong maramdamang panatag ka sa akin, at ako sa’yo.

Iba ka, kaya ikaw ang gusto kong kasama. Alam mo yun. Magpatuloy sa pagbasa

Cross My Heart

Musta ka na? Kelan nga ba tayo huling nagkita? Ay oo, tama. Hehehe. Nakakahiya. Akalain mong napagdaan ko iyon. Akalain mong nakasurvive ako sa relationship na ‘yon.

Okay na ko ngayon. Tama ka. Naghihilom rin ang sugat. Parang kelan lang iyak ako ng iyak at lahat na ata ng tao sa opisina ay nagsawa na sa mga bitterness ko. ‘Uy, salamat ha… salamat kasi nakinig ka. Kahit alam ko namang wala kang masabi at hindi mo alam kung anong ipapayo mo, nakinig ka pa rin. Pinaramdam mo na sincere ka. Okay na yun.

Labas tayo, my treat. Magpatuloy sa pagbasa

Lugmok

Bakit nga ba mahirap at paano nga ba magmove-on?

Wala akong aklat na naisulat na tungkol sa pag-ibig o di kaya ay mga payo kung paanong makahahanap at makakawala dito. Hindi ko ito expertise.

Nabahala ako sa reaksyon at mga feedback ng blog entry ko tungkol sa move-on. Maraming natuwa at marami rin ang naantipatikuhan.

Isa lang ang masasabi ko : READ AT YOUR OWN RISK. Magpatuloy sa pagbasa

Move on!

alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka.

masakit? kung gayon ay ‘wag mo ng ituloy ang pagbasa.

kung kaya mong tiisin, ituloy natin. Magpatuloy sa pagbasa

love letter

sa mga oras na tahimik ka, hindi na ko nagtataka. kilala na kita. alam kong may tumatakbo na namang ideya sa isip mo. mga materyales na patok sa mga mambabasa. mahusay ka talagang writer. maraming nagsasabi niyan – hindi lang ako.

d’yan mo nga ako nadale – sa mga sulat mo. yung mga love letters na sagot mo sa sulat ko noon, hanggang ngayon ay nakatago pa rin. ang sarap ulit-uliting basahin. para bang bumabalik yung pakiramdam. Magpatuloy sa pagbasa

sapang-amarillo

dilaw ang kulay ng langit, kaya dilaw ang tubig.

natatandaan mo ‘to? kasama kita nung tinanong natin kay Nana Ponce kung bakit amarillo ang tawag sa sapang ito.

bihira daw na ang kulay ng langit ay gaya nito, madalas, kundi bughaw ay kulay rosas, pero dito sa atin – amarillo.

dito sa tabing sapa tayo unang namangha, dito rin tayo unang nagtanong. Magpatuloy sa pagbasa

gintonic

Bilib ka sa mga marunong maggitara kaya naman pinakialaman ko ang gitara ng kuya ko, pero hindi pala ganun kadali, bukod sa kalyo, sigurado akong may mahal ka ng iba sakaling magkatono ang bawat paghimay ko sa kwerdas. Hindi sapat ang hangarin kong alayan ka ng kanta, syempre, hahanapin mo pa rin ang boses niya.

Mahilig ka ring magluto kaya naman bumili ako libro na Kusina at iba pa, kaso naihain ko na ang adobo ng malaman kong pasta pala ang gusto mo. Magpatuloy sa pagbasa

Kung bakit 7 PM ang fireworks sa Intramuros

Akala ko sa pelikula lang pwedeng mangyari yun. Halos sumabog ang dibdib ko at nautal-utal pa nga. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo na mahal na kita. Pero nung mga oras na yun, kinalimutan ko ang hiya, sinubukan kong sabihin sa’yo hindi lang para hingin ang sagot mo kundi pati saklolohan mo ko. Magkaibigan tayo di ba? Nasa krisis ako ngayon. Isang malaking krisis ng buhay ko ang ibigin ka. Magpatuloy sa pagbasa