Hotel Lobby

Hindi katulad ng ibang hotel, iba ang lobby nito.

Mabango, maaliwalas, malaki at mamahalin ang ilaw.

Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking hotel.

Mas lalong nagmumukhang maluwang ito dahil kakaunti lang ang tao.

International Standards. Iba-ibang lahi rin ang nagchecheck-in.

May pamilya, pero madalas solo – nag-iisa.

Iba rin ang itsura ng mga tao, maaliwalas ang mukha, lahat nakangiti

at alam mong natutuwa sa ganda ng hotel.

Matapos akong kumuha ng picture sa mga ilaw

paintings, at accessories ng lobby

nagpasya na akong lumapit sa frontdesk.

Hiningi ang aking ID, “Pinoy ka?” tanong ko.

“Opo Mr. Umali. Im Lourdes, taga Manila ako.”

Tiningnan niya ang papers ko

ngumiti siya at sinabing “we upgraded your room from deluxe to suite.”

Wow! tuwang-tuwa ako.

Mababaw lang kasi ako.

Pakiramdam ko, ang pinakamasayang araw ko ay nung mula economy ay nilipat ako sa business class ng isang airline for free.

Sumunod dito ay nung nilipat din ako sa isang suite sa isang hotel sa Cebu.

Swerte ata talaga ako sa mga upgrades.

Excited na ko.

Kung makikita mo ko, para akong batang inabutan ng candy. Literal na hanggang tenga ang ngiti ko.

Wala nang sasaya pa sa libre.

at syempre walang katapusang pasasalamat sa front desk officer.

Dahil class ang hotel, card din ang gamit sa elevator.

carpeted ang lalakaran mula mula lobby, elevator at hall way.

Hinatid ako ng butler sa aking kwarto at pinaliwanag nya ang oras ng breakfast, kung saan matatagpuan ang mga amenities

ganun din ang oras ng meeting ko. Pati ang isusuot ko sa ka appointment ko binilin niya rin.

Kung may kailangan daw ako ay tawagin ko lang siya.

Personalize daw ang service ng bawat room.

1 butler is equal to 1 guest. Sosyal di ba?!

Napangiti ako. Di ko kinaya ang buhay na ito.

Mula sa teacher na naging NGO worker na napunta sa real estate.

Napaisip ako, sabi ko napakaluho naman

pero parang nabasa niya ang sinabi ko at sinabi nyang

“the best things in life are free”

nawala naman ang konsyensya ko.

“Enjoy your stay Mr. Umali”

at umalis siya.

Pagpasok ko, nanlaki ang mata ko.

meron pa bang mas wa wow sa wow?

Hindi ‘to hotel room. Para syang isang napakalaking 2 Bedroom Condo unit.

May living area, may CR, may isa pang akala ko ay guest room yun pala ay business room.

May kitchen area rin. Syempre dahil bata ang puso ko, sinilip ko ang laman ng ref.

Punong-puno ng dark chocolates at coke hihihihi

Pinasok ko ang bedroom ko -ang laki ng kama!

Tapos may walk-in closet papunta sa CR na nasa loob ng room.

Bongga, dalawa ang CR; meron sa living room at meron dito sa bedroom at may Jacuzzi pa!!

Sa vanity counter ng CR may iba’t-ibang klase ng pabango syempre ayaw kong buksan baka may bayad.

Binuksan ko rin ang closet at tanaaannnnn!!! May mga damit! may mga suit at infairness sukat sa kin!

Ako na ang prinsepe ng Pilipinas!

Narinig kong nag riring ang telepono.

“Hello?”

“Hi Sir, chinicheck ko lang po kung okay na po ba kayo?”

“Hi Lourdes, yes okay na okay ako. Ganda ng room! Question, nasan ang price nung mga food na nasa bar?”

“Everything is free sir.”

Alleluia!

Parang ang laki ng kabutihang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!

“Wow! Thank you thank you!”

Pagkatapos ng conversation ay pumunta ako sa Ref at kumuha ng Coke at chocolate.

binuksan ko ang TV at napatigil ako sa pinapalabas

parang slideshow.

pictures ko nung bata ako, video…

ako.

mga larawan na wala sa photoalbum ko.

Mga kuha ko, video ko. umiiyak, gumagapang, inaalalayan ng nanay ko

tumatakbo, nakikipaglaro sa mga kapatid

unang simba kasama ng tatay ko

unang pagpasok sa school, nung unang beses na napaaway ako, graduation…

mga byahe naming magkakabarkada

mga pasyal at byahe ko

teaching days

pag iyak ng mga bata, pakikipaghabulan

storytelling, fieldtrips,

parents day

teachers day

NGO work,

pakikipag usap sa community

sa mga katutubo

unang pag-ibig

unang pagkabigo

tawanan sa opisina

conventions

flashback…

flashback…

ang buhay ko, napapanood ko.

tawa, iyak, hagulgol, halakhak

masarap pa lang panoorin ang pelikula ng buhay mo.

Mamaya isusuot ko ang pinakamagarang suit at gagmitin ang pinakamahal na pabango.

Haharap ako sa pinakaespesyal na ka Appointment ko.

+

Advertisements

Hong Kong Trip

Syempre dahil birthday ko, maiba naman, sa ibang bansa ang bakasyon.

Umaga ang lipad ko. Yung kaibigan ko na sasama, gabi ang lipad nya.

Pag dating sa guest house sa Hong Kong, mala documentary ang eksena.

Para bang sa susunod na mga araw ay nasa pahina na ko ng dyaryo,

laman ng tv at kinakampanya ng netizen na makauwi na sa Pilipinas.

Akala ko Hotel, iba pala pag sinabing guest house.

Sa Agoda kasi galing kaya akala ko nga hotel.

Nakamura kami, yun pala mapapamura kami.

Hindi alam ng taxi driver kung saan ito, paikot-ikot kami

kaya binaba ako sa kalye, lakarin ko na lang daw.

Nakita ko ang building, maraming Indian sa baba.

Parang lumang building sa Quiapo na maraming vendor.

Nakisiksik sa elevator at bumungad sa itaas na palapag ang isang black receptionist.

Hindi naman ako nagdidiscriminate, pero dub-dub, dub-dub, dub-dub.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinakita ko ang reservation voucher ko

dinala ako sa kwarto na maliit, may isang maliit na kama at maliit na CR.

Ito ba yun?

Napaupo ako, tumanaw sa bintana, nakadungaw sa rehas na bintana

at tila may musika sa isip ko …

sinong mapalad, sino ang kaawa-awa, kami bang halos ang buhay ay inilay sa bansa

bagong bayani na ang sandata ay luha, bigyan naman ninyo kami kahit….. na konting awa!

Blagag!

humampas ang pinto.

“Always turn off the aircon whenever you leave your room.”

bilin ng amo ko este ng negro landlord ko.

{“I did not kill eynibody!”}

hindi ako nakapagsalita.

“Clear?”

Yes! Yes! Wait, where’s the other bed, you see we paid 1 room with 2 beds

There’s no more bed!

at dinuro-duro ako.

napasiksik ako sa kanto ng kwarto, nangangatog, nag dial ng telepono, walang signal ang globe (as always)

salamat sa Sun!

tawag sa Pilipinas …

Ayos lang ako dito, maayos ang tinutuluyan ko, mababait sila

sumbong sa kaibigan na hahabol pa lang sa gabi at sabi ko aalis na ko dahil hindi safe dito,

Labas ng kwarto… excuse me, ill go ahead because my friend is so big, we cannot sleep in the same bed but its okay, i will not refund, bye… (sabay balik) oh  by the way heres the key…  (balik ulit) and I already closed the aircon. Ciao!

Ampotah ang bait ko!

Ganito pala ang buhay ng TNT, naglalakad, hila-hila ang maleta sa kahabaan ng Nathan Road, Tsim Sha Tsui, palinga-linga at naghahanap ng masisilungan

at syempre natagpuan ang sariling kumakain sa McDo!

Nagningning ang mata, sa wakas, natanaw ko sa labas ang isang boutique hotel.

6K a night ang presyo at iba ang presyo pag weekend.

Sayang ang pera. Lakad ulit.

ilang tawag ang sinagot ko mula sa kaibigan nag nagtuturo pa ng maraming guest house

at  bigo ng paulit-ulit. Lintsak, hindi kami magkaintindihan dito

nakailang iskinita, paliku-liko, tawid, liko, underpass, lakad at maya-maya ay may kumaway, babae,

gitrum? gitrum?

huh?

gitrum? gitrum?

ah! yes yes guest room.

litgu!

uki, litgu!

sa wakas, nakatagpo rin ng safe na guest room.

Maggagabi na nang lumabas ako at nagpunta sa Fitness First

syempre sayang ang privilege ng fitness first passport kaya naki gym ako dito.

Maya-maya, tumawag ang kaibigan ko at sinabing naiwan sya ng eroplano.

Hong Adik!

Arrival ang nabasa pala nya at hindi departure.

Nag blink blink ang mata ko

I’m alone… I’m all alone
Yipeee!!!!

Mala dora ang adventure ko sa laki ng mapang dala ko.

Wala akong connection at hindi ko alam ang proseso ng wifi

Useless ang GPS, ang google map at kung anu-ano pang apps

kasing useless ng Globe.

Gabi, muli akong kinabahan,

Ang mga tao sa kalsada

Nakatambay sa daan,

Ang sama ng tingin

Nakita ko ang pangalan ng building,

Parehas sa una kong napuntahan, dali-dali akong naglakad

Matapos malagpasan ang dalawang gusali ay tirahan ko na.

Anak ng…. paikot ikot ako kanina sa kahahanap ng lilipatan,

Halos magkatabi lang pala ang dalawang gusali na to!

Second Day

Tanghali na ko nagising.

11AM

Kaya cable car lang at Buddha sa dulo ng Hong Kong.

Nagdeclare ng typhoon signal number 8

Kaya sa halip na cable car pabalik ay bus na lang.

In short, next morning, bawal mag Macau.

Mga 3 hours lang ang bagyo.

Yun na yun.

Tanging anim na puno na nabuwal ang binalita sa kanilang local news

With media coverage and yellow / caution line pa yun ha.

Kaya next morning, Hello Mickey!

Totoo palang maiiyak ka pag first time mo sa Disney Land.

Ang Lion King, ang It’s a small world, water parade, mickey mouse and friends

Sinakyan ko halos lahat pati carousel.

9PM daw ang fireworks. Nagtaka ako,

saka ko napansin na pasado alas siyete na ay may araw pa

kaya nang dumilim

nagliwanag ang kalangitan

ang fireworks!

Kasabay ng bawat kalabit ng flash ay pagtulo ng luha

Sinasabayan ng bawat wow ng mga bata sa paligid.

May kung ano ang gabing iyon.

Tahimik akong umuwi, naglakad sa Night Market

At namili ng keychain.

Syempre, keychain naman talaga ang pambansang pasalubong sa Pilipinas!

Ikaapat at huling araw

Nagpunta ako sa Central. Naroon nakatambay ang maraming Pinoy!

Linggo nga pala.

Araw ng pahinga.

Animo’y pista sa Hong Kong

Ang saya ng mga Pilipino.

Hindi ko na masyadong hinalungkat ang bawat kwento ng kanilang buhay

Andito ako para magbakasyon.

Nagpunta sa peak.

Naenjoy ang view

Kumain

Nagpunta ng airport.

At umuwi.

Lunes ng madaling araw, lumapag ang eroplano sa NAIA terminal 3.

Narito ang mga dapat tandaan sa pagpunta sa Hong Kong

  1. Hindi ka maliligaw dahil kabit-kabit ang tren. Malamang! Kakatakot kung hiwa-hiwalay ang tren. Ang ibig kong sabihin, superb ang transit system. Ayos ang linya ng mga train dito at may English translation palagi.
  2. Magbaon ng sunblock. Puro lakad ang gagawin mo dito. Mahal ang taxi kaya maglakad ka na lang.
  3. Ang presyo ng Mc Donald ay nasa 35 – 45 HK Dollar. Mga P200 ang halaga sa pera natin. Okay na.
  4. Always keep left dito hindi gaya sa atin na keep right.
  5. Mag backpack na lang. Subukan ang go lite kahit napa check in ang bagahe ko dahil sumobra
  6. Magdala ng adaptor. 220 ang kuryente dito pero iba ang saksakan.
  7. Mahal magpapalit sa western union. Sa pilipinas ka na bumili ng HK dollar
  8. Magdownload ng apps na HK tourism o kaya Chinese translation
  9. Tipid ang mga guest room pero magbasa rin ng feedback online.
  10. Friendly ang mga tao dito, sanay sa zoo este sa turista.
  11. Pinakamahal ang litrato kaya masanay kumuha ng picture mag-isa. Kunin lang ang mga free pic at wag ng ma enganyo bilhin ang iba pang picture. Halimbawa, ang picture na binili ko ay sing presyo ng entrance ng Disneyland!
  12. Sobrang laki ng airport kaya dumating ng maaga. Nasa airport ka na, nagte train ka pa papuntang boarding area! Ansabe ng NAIA!
  13. Mamili sa bangketa. Makipagtawaran at iwanan kapag ayaw ibigay ang presyo, hahabulin ka nyan pwamis!
  14. Pwede ang food at camera sa mga theme park! Kaya shoot lang ng shoot, wag lang lagyan ng flass pag indoor o may live performance.
  15. Magdala ng open line na telepono.  Nasabi ko na bang naperwisyo ako sa Globe?
  16. Mallit lang ang Hong Kong, pag naligaw ka, magtanong sa katabi, pihado Pilipino yun, may handang sagot sa tanong mo!

Hanggang sa muling paglalakbay!

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Bago ko patayin ang ilaw

matatanda na tayo. edukado, may pinag-aralan at kayang ipaliwanag  ang nangyayari sa mundo. kaya nating magpayo, kaya rin nating sabihin kung bakit ito ay tama o  bakit ito ay mali at kung bakit kahit ito ay tama ay hindi maaring gawin, gayundin kung bakit minsan ang mali ay may tama.

nasa hustong edad na tayo para unawin ang bawat isa at para palagpasin ang mga masasakit na sandali sa piling mo.

Madali lang sa’tin ang pumikit, magkibit-balikat at magbuntung-hininga. sabihin na, sige na, matapos lang ‘to.

Walang Anuman. ang tagal ko atang hindi nasabi ito. nanibago ako.mahirap pala syang gamitin kapag nasaktan ka ng todo. paano mo sasabihin na wala yun, okay lang yun, tapos na – kalimutan na natin yun?

pero dahil gusto natin parehas makawala at makamove forward, (nang mas madali) ipipikit natin ang mata natin at ibubulong sa puso natin na, sige na, okay lang yun.at dahil mabuti ka, ibubulong mo pa na “pagpalain ka nawa.”

ang mga bagaheng ito ay iniiwan ko para magaan kong tatahakin ang pagtanda. Magpatuloy sa pagbasa

Cebu – Bohol Birthday Trip

Kung puro trabaho ang buwan ng Mayo, naging masaya naman ang buwan ng Hunyo. Ang buwan ng Hunyo ay sadyang buwan ng pagdiriwang para sa akin.

June 5 ang aking ika 3 taon sa trabaho. Sa madaling salita, ngayon lang ako nakatagal sa trabaho. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang huling trabahong gagawin ko at sa susunod na taon, kung masusunod ang aking mga plano ay mag iiba na ako ulit ng  career. Don’t get me wrong, actually wala akong masasabing masama sa trabaho ko lalo na sa mga kaopisina ko, sabi ko nga, sa ngayon ay ito ang ideal if not the best job para sa naghahanap ng isang matino at may maayos / katanggap-tanggap na kultura. Happy people ang mga tao dito pero dahil maikli lang ang buhay, kinakailangang sulitin kaya iniisip kong iba naman 🙂 Magpatuloy sa pagbasa

Pagudpud Trip

Natapos ang bakasyon nang hindi ko man lang naenjoy ang beach dahil nga sunod-sunod ang activities / openhouse namin tuwing weekend nitong buwan ng Mayo. Corregidor lang ang napuntahan ko at matapos nun ay trabaho na.

Kaya nga nitong Huwebes ng gabi ay takbo agad kasama ng mga kaopisina  sa Pagudpod, bayan sa Ilocos Norte na sa tingin ko ay mula sa salitang pagod at pudpod; pagud ka na, pudpod pa ang sapatos mo hehehe

Naunawaan ko ang depinisyon ng Malayo. Ang pagudpud ay malayo! Sa tingin ko nga ay excited ang shuttle namin, ayaw tumigil sa pag-andar. Hangga’t may nasasayarang daan ay andar ng andar na para bang walang katapusan. Magpatuloy sa pagbasa

Singapore : the magic is there

After ng mahabang kalbaryo ng pananakit ng tyan at pabalik balik sa Asian Hospital para sa check up, isang naiibang karanasan na naman ang gusto kong ibahagi.

Kababalik ko lang mula sa Singapore para sa limang araw na trabaho. Medyo kabado dahil nga first trip abroad at the same time, business trip so may expectations. Magpatuloy sa pagbasa

Byaheng Panghimpapawid – Isang Simpleng Hiling

Nuong bata ako, ang pagsakay sa eroplano ay isang pangarap lang. Sa katunayan, isa itong hiling na matagal kong pinangarap. Lagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam pag nasa itaas. Pilit kong iniisip kung ano ang hitsura ng lupa mula sa ibabaw, kung anong mayroon sa ulap, kung umuulan rin sa itaas, kung may kasabayan akong ibon na makikilipad, kung may traffic light din at marami pang kung. Magpatuloy sa pagbasa

Habal-Habal

August last year nang una akong makasakay ng habal-habal. Kung hindi ako nagkakamali, August 10 o 11, 2004 yun. Mula sa Tagum Davao, sinundo kami ng habal-habal papunta sa Kapalong. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Davao. Sa mga baguhang tulad ko, talagang exciting ang sumakay sa habal-habal. Magpatuloy sa pagbasa