Hotel Lobby

Hindi katulad ng ibang hotel, iba ang lobby nito.

Mabango, maaliwalas, malaki at mamahalin ang ilaw.

Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking hotel.

Mas lalong nagmumukhang maluwang ito dahil kakaunti lang ang tao.

International Standards. Iba-ibang lahi rin ang nagchecheck-in.

May pamilya, pero madalas solo – nag-iisa.

Iba rin ang itsura ng mga tao, maaliwalas ang mukha, lahat nakangiti

at alam mong natutuwa sa ganda ng hotel.

Matapos akong kumuha ng picture sa mga ilaw

paintings, at accessories ng lobby

nagpasya na akong lumapit sa frontdesk.

Hiningi ang aking ID, “Pinoy ka?” tanong ko.

“Opo Mr. Umali. Im Lourdes, taga Manila ako.”

Tiningnan niya ang papers ko

ngumiti siya at sinabing “we upgraded your room from deluxe to suite.”

Wow! tuwang-tuwa ako.

Mababaw lang kasi ako.

Pakiramdam ko, ang pinakamasayang araw ko ay nung mula economy ay nilipat ako sa business class ng isang airline for free.

Sumunod dito ay nung nilipat din ako sa isang suite sa isang hotel sa Cebu.

Swerte ata talaga ako sa mga upgrades.

Excited na ko.

Kung makikita mo ko, para akong batang inabutan ng candy. Literal na hanggang tenga ang ngiti ko.

Wala nang sasaya pa sa libre.

at syempre walang katapusang pasasalamat sa front desk officer.

Dahil class ang hotel, card din ang gamit sa elevator.

carpeted ang lalakaran mula mula lobby, elevator at hall way.

Hinatid ako ng butler sa aking kwarto at pinaliwanag nya ang oras ng breakfast, kung saan matatagpuan ang mga amenities

ganun din ang oras ng meeting ko. Pati ang isusuot ko sa ka appointment ko binilin niya rin.

Kung may kailangan daw ako ay tawagin ko lang siya.

Personalize daw ang service ng bawat room.

1 butler is equal to 1 guest. Sosyal di ba?!

Napangiti ako. Di ko kinaya ang buhay na ito.

Mula sa teacher na naging NGO worker na napunta sa real estate.

Napaisip ako, sabi ko napakaluho naman

pero parang nabasa niya ang sinabi ko at sinabi nyang

“the best things in life are free”

nawala naman ang konsyensya ko.

“Enjoy your stay Mr. Umali”

at umalis siya.

Pagpasok ko, nanlaki ang mata ko.

meron pa bang mas wa wow sa wow?

Hindi ‘to hotel room. Para syang isang napakalaking 2 Bedroom Condo unit.

May living area, may CR, may isa pang akala ko ay guest room yun pala ay business room.

May kitchen area rin. Syempre dahil bata ang puso ko, sinilip ko ang laman ng ref.

Punong-puno ng dark chocolates at coke hihihihi

Pinasok ko ang bedroom ko -ang laki ng kama!

Tapos may walk-in closet papunta sa CR na nasa loob ng room.

Bongga, dalawa ang CR; meron sa living room at meron dito sa bedroom at may Jacuzzi pa!!

Sa vanity counter ng CR may iba’t-ibang klase ng pabango syempre ayaw kong buksan baka may bayad.

Binuksan ko rin ang closet at tanaaannnnn!!! May mga damit! may mga suit at infairness sukat sa kin!

Ako na ang prinsepe ng Pilipinas!

Narinig kong nag riring ang telepono.

“Hello?”

“Hi Sir, chinicheck ko lang po kung okay na po ba kayo?”

“Hi Lourdes, yes okay na okay ako. Ganda ng room! Question, nasan ang price nung mga food na nasa bar?”

“Everything is free sir.”

Alleluia!

Parang ang laki ng kabutihang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!

“Wow! Thank you thank you!”

Pagkatapos ng conversation ay pumunta ako sa Ref at kumuha ng Coke at chocolate.

binuksan ko ang TV at napatigil ako sa pinapalabas

parang slideshow.

pictures ko nung bata ako, video…

ako.

mga larawan na wala sa photoalbum ko.

Mga kuha ko, video ko. umiiyak, gumagapang, inaalalayan ng nanay ko

tumatakbo, nakikipaglaro sa mga kapatid

unang simba kasama ng tatay ko

unang pagpasok sa school, nung unang beses na napaaway ako, graduation…

mga byahe naming magkakabarkada

mga pasyal at byahe ko

teaching days

pag iyak ng mga bata, pakikipaghabulan

storytelling, fieldtrips,

parents day

teachers day

NGO work,

pakikipag usap sa community

sa mga katutubo

unang pag-ibig

unang pagkabigo

tawanan sa opisina

conventions

flashback…

flashback…

ang buhay ko, napapanood ko.

tawa, iyak, hagulgol, halakhak

masarap pa lang panoorin ang pelikula ng buhay mo.

Mamaya isusuot ko ang pinakamagarang suit at gagmitin ang pinakamahal na pabango.

Haharap ako sa pinakaespesyal na ka Appointment ko.

+

Advertisements

Discontented.

Ayoko kong maging emo sa entry na to dahil hindi ako na eemo instead naiinis ako.

kailangan ko ng harapin ang nakatiwangwang na isyu na sa sobrang kaabalahan ay hindi ko makumpronta.

Hindi ako natutuwa. Hindi ako masaya.

Discontented and Dissatisfied.

No to conspiracy,

Plasticity is no longer a virtue.

At sa pagkakataong ito, hindi ako tatahimik na lang.

I’m back.

I am directing all my energies to correct things.

let the energy flows.

Pari Magpakailanman

Nagising ako sa tugtog na Pamasko, oo nga naman – saan pa nga ba ipinagdiriwang ang pinakamahabang Pasko sa buong mundo kundi dito sa ating bansa.

Ang ibig sabihin ng September 1 sa atin ay ber month na, ibig sabihin magpapasko na naman. Mas ito ang naalala, pangalawa na lang ang Octoberfest at para sa akin, pangatlo ang Foundation Day Ng Philippine Normal University (PNU -Sept. 1 ). Sa atin, ang pasko ay ang pinakagrandiyoso, pinakamalaki at pinakamagarbo sa lahat ng piyesta, at dahilan ng iba’t – ibang okasyon tulad ng family reunion, reunion ng magkakaibigan, outing, iba’t-ibang christmas party, pagbisita sa mga ninong at ninang, pagbabahay-bahay, pangangaroling, pagsisimbang gabi, party sa kalsada, pagandahan ng paputok dahil nalalapit na bagong taon at lahat ng okasyon na magpapasaya. basta ito yung panahon na ang emosyon ay maemote; kung hindi masayang-masaya ay madrama. Lahat ng tao bumabait, lahat ng kaaway binabati at kung hindi handa, may ceasefire bilang paggalang sa okasyon. Magpatuloy sa pagbasa

Kung sakaling may Diyos

alam kong harapin ang kamatayan, subalit wala akong sagot kung paano ko haharapin ang maylalang sakaling matanto kong sa isang bahagi ng buhay ay naroroon siya.

na siya ang may likha ng lahat at bahagi ako ng lahat.

na kung ang mga nagawa ko o ni iniisip pa lamang ay may kaukulang paghusga, at mapatunayang nagkasala higit pa sa inaasahang dami o bigat para sa isang taong dapat tumanaw ng kadakilaan, Magpatuloy sa pagbasa

10 taon sa ilalim ng makapal na ulap

1997 nang magdesisyon akong hanapin ang sarili kong landas. Tambayan ko noon ang tabi ng riles. habang binabagtas ko ito, pilit kong binibilang kung ilang makakapal na kahoy na ang tinutuntungan ko. ito ang hinahakbangan ko upang makarating sa tambayan. nakatutuwang isiping kinakaya ng mga kahoy ang tone-toneladang treng gumuguhit padausdos sa mahabang riles. kabisado ko ang oras ng pagdaan ng tren, alam kong may aksidente kung sakaling naantala ito. namamangha rin ako sa gahigante nitong makaninang waring nangangakong magdadala sa mga pangarap ng mga nakaangkas dito. Magpatuloy sa pagbasa