8th blog anniversary.

Habang tumatagal, nababawasan naman ang dalas ng pagbablog ko.

Kahit marami akong gustong isulat, yung iba hindi ko maexpress.

Isa pa, dahil na nga siguro sa paikli na paikling attention span ng mga readers.

Pansin mo ba na minsan mas nahu hook ka sa mga status message at tweets?

 

Pakiramdam mo mas maraming nag cocomment sa FB status message mo o kaya sa tweet mo kesa sa blog mo.

Pero syempre babawi ako.

Ngayong ika-8 anibersaryo ng blog ko.

Ang mga susunod na ipopost ko ay tiyak na de-kalibre at babasahin ng marami.

Dahil nag imbita ako ng mga guest bloggers,

Tama!

Inanyayahan ko ang mga Saranggola Blog Awards winners mula 2009 – 2012 na maging bahagi ng aking blog.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng guest bloggers. Syempre blog ko ‘to kaya gusto ko ay ako ang nagsusulat.

Pero kung tulad naman nila ang magsusulat, why not di ba? It’s an honor.

Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga tumugon sa aking paanyaya;

silang mga piling nagsipagwagi ng unang karangalan- BlogGaling ng SBA.

Syempre para maiba naman, hindi basta-basta sila magpapadala sa’kin ng blog entry.

Ito ang hamon:

Binigyan ko sila ng mga inspirasyon.

Kung hindi nyo naitatanong,

minsan ay hindi ako nakapagsusulat ng tuloy-tuloy o mula sa imahinasyon ko.

Minsan ay gumagamit ako ng mga larawan o kaya musika kung saan hinuhugot ko ang aking obra.

At ito nga ang pinadala ko sa kanila.

Mga larawan at musika na gagamitin nila.

Ano kaya ang kalalabasan ng inspirasyong iyon?

Maaari kasing hindi madaling gamitin ang mga inspirasyon / midyum na iyon dahil wala naman talaga iyong kinalaman sa buhay nila.

Kaya mula April 24,

sunod- sunod n’yong mababasa ang mga ginawa nilang blog entry.

ABANGAN!

 

 

 

Advertisements

Lucky Sixth

Very touching naman ang wish na ito mula kay Lei ng Forbidden Lei

hehe to na kuya BLUE nabasa ko na ung instruction haha kakaexcite naman kasi ang contest mo haha LELS.
sympre una kong wish is makatrabaho sa hospital, kasi alam mo naman na super frustrated akong magNURSE. may PASSION kasi. kasi may side comment ka kagad so wag na lang un ahiihihi :))
sumunod kong wish is LIBRO kasi mahilig din ako magbasa. mas maganda sana kung medical book kaso mas maganda kung si BOB ONG ang author ahaha
pero ang pinakawish ko nalang is PLANE (or PLAIN haha nalilito ako eh)TICKET hehe mura nalang yan kasi may promo naman na (may disclaimer) hehehe. hndi para sakin ung WISH ko. si mama kasi gusto umuwi sa province ni LOLA sa ILOILO hindi pa kasi sya nkakapunta dun, si lola bumibisita dito paminsan minsan pero si mama gusto din makapunta dun sa kanila. ayun. hndi naman kelangan ng accomo, TicKET lang talaga hahaha ^_^ solomots kuya blue

Lucky Fifth

Hindi ko talent ang hiningi ng blogger na ito kaya humingi ako ng tulong sa iba. Ito ang kanyang email

mula kay Khanto Saberola ng Kwatro Khanto

New Header po ang aking kahilingan para sa Lucky 7.

Medyo napaglumaan na ng panahon ang header na ginagamit ko. Hindi ako makagawa dahil may sira ang computer ko sa bahay.

Yun lamang po.

Happy 7 years sa inyong blog.

more power and god bless 😀

Magpatuloy sa pagbasa

Lucky Third

Importante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.

ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One World

bago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.

Dalawang bagay po ang aking hiling:
Una, nais ko po sanang ifollow niyo ang aking blog at magcomment ng kahit isang simpleng “nice post” lang sa isa sa mga blog post ko. Bukod sa isa palang ang follower ko, gusto ko po sanang maimprove ang mga blog entry na ginagawa ko at ang mga comment o puna ng isang beteranong tulad niyo ay alam kong makakatulong sa akin.
Pangalawa, kung maaari po bang magpost kayo ng isang entry na tumutukoy sa mga bagohang blogger na tulad ko. Mga tips and tricks mga ganun bang eksena. Tips tulad ng:
1. Payo sa mga bagong bloggers
2. Payo para makatagal ng 7 taon tulad niyo o higit pa.
3. At mga kung ano ano pang mga chenes para sa mga bagong bloggers.

Lucky First

Medyo marami-rami at halos himatayin ako sa mga wishes na natanggap ko hehehe. Sa bagay, sabi nga nila, kung magagrant lang naman.  Y not Choknut.

Pero sabi ko nga, hindi naman ako mayaman kaya yung iba hindi ko kaya i grant.

Para sa mga ngayon lang napunta sa site ko, maaaring balikan ang pinagmulan ng Lucky Wish na ito sa nakaraang post ko (click here).

Paano nga ba pinili o pinipili ang mga wishes?

Halos lahat ng mga nagwish ay hindi para sa kanila, karamihan ay para sa mga mahal nila sa buhay o sa mga sinusuportahan nilang adhikain at organisasyon.

Magpatuloy sa pagbasa

Lucky 7

7 Years na ang blog na ito. Medyo mahaba-habang taon na rin simula nang magsimula akong magblog.

Syempre, nag-iisip ako kung paano ipagdiwang ang ikapitong taon. Sa atin kasi, importante ang edad na ito at madalas ay may handaan. Kaso hindi ako maghahanda. Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ito magiging memorable.

Pag may birthday, may regalo.  Kaya nga naisip ko na humingi ng regalo magbigay ng regalo.

Sino ang bibigyan?

Pipili ako ng pitong bloggers na may hiling.

Kahit ano na importante sayo, magpapaligaya sayo, mahalaga sayo at kailangan mo.

Hindi sana mahal dahil hindi naman ako mayaman.

Magpatuloy sa pagbasa

Para sa mga bloggers na lumalahok sa mga patimpalak sa pagsulat

Nakatanggap ako ng email galing sa isang kaibigan tungkol sa patimpalak sa pagsulat ng “inspirational stories” ng PSICOM para sa buwan ng Marso. Kilala natin ang PSICOM sa kanilang mga aklat na SOPAS at True Philippine Ghost Stories. Ang mainit na pinag-uusapan ay ang kanilang Paraan / Patakaran sa Pagsali:

15. Deadline for submission of entries through e-mail will be on the eve of March 31, 2012. All entries will become the property of PSICOM Publishing Inc. and may be used for future publications.

16. All non-winning entries that will be published in future publications will have a compensation of P 700 cash. Payment will be given after publication.

Bilang tagapamahala ng Saranggola Blog Awards (SBA); munting patimpalak para sa mga blogger sa Pagsulat ng Tula, Maikling Kwento at Kwentong Pambata; nais kong ipahayag ang aking saloobin.

1. Bagamat natutuwa ako at mayroong lugar o “venue” ang mga blogger at baguhang manunulat sa tulong ng PSICOM, hindi naman ako sang-ayon na ang lahat ng mga likha ng mga manunulat; nagwagi man o hindi ay magiging pag-aari na ng PSICOM.

2. Hindi rin nakasaad kung may royalty kung sakaling ilalathala muli ang mga aklat. Sa karanasan ng ilang kakilala ko, walang royalty na nakuha nang maisama ang kanilang akda sa ilan nilang nailimbag na mga aklat. Mayroon pa ngang isang blogger na hindi nasabihan na ang kanyang pinadalang kwento ay nailimbag na.

3. Sadyang may mga manunulat na nais lamang nila na mailathala ang kanilang mga likha at hindi humihingi ng kabayaraan. Gayunman, bilang kabahagi at sumusuporta sa samahan ng mga manunulat at manlilimbag, nakikiusap ako sa PSICOM na mas lawakan ang suporta at mas maging magalang pa sa karapatan ng mga manunulat.

4. Sa mga manunulat at mga bloggers; basahing mabuti at unawain ang mga patakaran ng mga patimpalak upang maingatan ang ating karapatan.

5. Kung ito ang patakan ng PSICOM o ng iba pang may mga patimpalak,  wala naman talaga tayong magagawa para baguhin ito, maaaring sabihin na hindi naman tayo pinipilit na sumali dahil malinaw ang patakarang ito at hindi nila itinago. Ang sa akin lang, kung patuloy na tatangkilin ang ganitong sistema ng patimpalak, hindi ito mababago at hindi natin maiaangat ang ating karapatan.

6.  Bakit natin sila hahayaang kumita gamit ang ating talino at pagkamalikhain? Maaari tayong kumita gamit ang ating blog, marami ring publishing house na pwede nating lapitan at maaari rin na tayo ang magpalimbag ng sarili nating aklat.

7. Ang Saranggola Blog Awards ay patuloy na susuporta at gagalang sa karapatang-ari ng mga bloggers at manunulat. Kasama sa pagsuporta nito ang pangangalaga sa kalayaan ng mga manunulat na ipahayag ang kanilang saloobin sakaling nayuyurakan ang kanilang karapatan.

Ang blog ay nagbigay kalayaan, nag-angat ng galing at kumilala sa mga manunulat na marami ay hindi pinansin ng ilang mga publisher/publishing company, kaya nga marapat na alagaan at panatilihin nating buhay ang ating boses sa platform na ito.

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

31 Tanong

Wala ng maraming palabok, beerday ko na naman at 31 na ko ngayong June. Dahil dito, inaanyayahan ko kayong lahat na magtanong, (akala nyo birthday celebration? assuming, hindi naman tayo lahat close) as i was saying, 31 interesting questions syempre about me na gusto nyong sagutin ko. Oy, wag umasa na sasagutin ko lahat ng tanong, yung 31 na interesting lang at hindi ikasisira ng buhay ko.

Pano?
Pwede kayong magtanong sa comment section sa baba at sasagutin ko sa takdang panahon.

Surprise!

DMCI Homes Official Blogsite

Mga kablog, kaibigan at mambabasa,

Condo o bahay?

In-house Financing or Bank Financing?

Kelan ba ako bibili ng properties?

Sino ang dapat kong kausapin?

Saan magandang kumuha ng condo?

Alamin sa Official Blogsite ng DMCI Homes.

 

 

LIRA Poetry Clinic 2011, Bukas Na ang Aplikasyon

Please pass on to people you know might be interested 🙂 Thanks!

(forwarded by Phillip Kimpo Jr)

LIRA Poetry Clinic 2011, Bukas Na ang Aplikasyon

Binubuksang muli ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang kilala at pinakamatandang aktibong kapisanan ng mga makata sa wikang Filipino ang Taunang Klinikang Pampanulaan para sa mga nais lumahok. Ang lingguhang klase tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng iilang klase hanggang Nobyembre.

Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan@liraonline.org. (Hindi tatanggapin ang mga tulang nakasulat sa Ingles at ibang wika.) Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ng LIRA sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman, 1101 Quezon City.

Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2011.

Sa ibang balita, pormal na manunumpa sa ika-5 ng Marso ang bagong halal na pamunuan ng LIRA. Si Phillip Kimpo Jr. ay nahalal sa kaniyang ikalawang termino bilang Pangulo, at sasamahan siya nina Mariane A.R.T. Abuan (Pangalawang Pangulo), Giancarlo Lauro C. Abrahan V (Kalihim), Deborah Rosalind D. Nieto (Ingat-Yaman), at Louie Jon A. Sanchez (Ugnayang Pangmadla).

Kasabay na manunumpa ang labin-isang bagong kasapi at “poet-volunteer” ng LIRA. Batay sa kanilang husay sa sining ng pagtula at sa kanilang kahandaang maglingkod para sa kalinangan ng bayan, sina Mark Arisgado, RR Cagalingan, Joseph Franco, Elmer Grampon, Vins Miranda, Conrad Nuyles, Imee Rabang, Rae Rival, Crecee Roldan, James Tana, at Shiela Virtusio ang napiling maging mga kasapi mula sa mga nagsipagtapos sa Klinikang Pampanulaan 2010.

Ipinagdiwang ng LIRA ang ika-25 taon nito sa nakaraang taon. Bilang bahagi ng anibersaryo nito, idinaos ng organisasyon ang ilang pangunahing proyekto, kabilang ang isang pambansang kumperensiya, dalawang pambansang timpalak sa tula, isang aklat, apat na chapbook, at ang Sining ng Tugma at Sukat 2010, ang libreng pagtuturo ng panitikan ng LIRA at NCCA sa siyam na bayan sa Luzon.

Itinatag ang LIRA ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma) noong 1985. Sa mga palihan ng LIRA nagmula ang mga premyadong makata tulad nina Roberto at Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, at Edgar Samar. Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA, magtungo lamang sa http://www.liraonline.org.

* * *

Call for Submissions: LIRA Filipino Poetry Clinic 2011

LIRA, the celebrated and oldest active organization of poets in Filipino is now accepting sign-ups for its yearly poetry clinic. The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM, although several more sessions will be held until November.

All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five poems in Filipino, to palihan@liraonline.org. (Poems in English and other languages will not be accepted.) An envelope containing the requirements may also be dropped off at the LIRA pigeon hole at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City.

All submissions should be in on or before April 30, 2011.

In related news, the new officers of LIRA will be formally sworn in on March 5.

Phillip Kimpo Jr. was elected to his second term as President, and he will be joined by Mariane A.R.T. Abuan (Vice President), Giancarlo Lauro C. Abrahan V (Secretary), Deborah Rosalind D. Nieto (Treasurer), and Louie Jon A. Sanchez (Public Relations Officer).

Also to be sworn in are eleven new members and “poet-volunteers” of LIRA. Based on their skill in the art of poetry and on their willingness to serve for the nation’s culture, Mark Arisgado, RR Cagalingan, Joseph Franco, Elmer Grampon, Vins Miranda, Conrad Nuyles, Imee Rabang, Rae Rival, Crecee Roldan, James Tana, and Shiela Virtusio were chosen to become members from the graduates of the Poetry Clinic 2010.

LIRA celebrated its 25th anniversary last year. As part of its silver jubilee, the group held several key projects: a national conference, two national poetry contests, a book, four chapbooks, and the “Sining ng Tugma at Sukat 2010,” a literary education outreach program of LIRA and the NCCA in nine towns across Luzon.

LIRA was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985. Its workshops have produced award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar. For more information on LIRA, please visit http://www.liraonline.org.

Ako naman ang magsusulat…

Habang kasalukuyang ginigisa ng mga hurado ang mga Maikling Kwento, Tula at Kwentong Pambata ng mga kalahok sa Saranggola Blog Awards 2, may oras na akong magsulat.

Klap! Klap! Klap!

Kanina sa meeting, tumayo ako saglit at iniwan ang aking notebook, pagbalik ko, tinanong ako ng kameeting ko kung nais kong maging doktor. Sinuklian ko siya ng tawa.

Sadyang hindi maganda ang sulat ko maliban sa pirma ko.

Ngayon, sa pagitan ng pagsusulat at pagkukwento, mas gusto ko ng magkwento na lamang. Lahat ng dahilan ay naiisip ng kamay ko pag magsusulat na siya; naroong nangangawit ito o kaya naman ay nanginginig.

Naaalala ko pa noong Grade 1 ako at pinasulat kami sa papel ng aming pangalan. Dapat punuin namin iyon – harap at likod, bago kami payagang makauwi. Hindi ako nag kinder kaya hirap na hirap ako. Hindi ko rin makuha ang logic ng pagsusulat ng pangalan sa isang buong papel. Siguro para bata pa lang ay makilala ko na ang sarili ko. Paiyak na ko noon nang mag-abot ng tulong ang kaklase ko na siya na ang magsusulat para sa akin, napansin niya atang naluluha na ako sa activity na yun.

Grade 2 naman kami nag cursive writing, nagustuhan ko ito. Mas mabilis pala pag kabit-kabit at hindi na ako tumigil noon sa pagsusulat.

Naging aktibo ako sa klase. Ako ang unang sumisigaw ng “Finish” sa t’wing matatapos akong magsulat. 4th year High School na ata akong tumigil sa pagsigaw ng “Finish”.

Ang ballpen ko noon, laging finish din. Tuwang-tuwa ako pag nauubos ko ang tinta. Pag nauubos kasi, kinukuha iyon ng pinsan ko, pwede daw palitan iyon ng bago basta isauli lang ang basyo – Panda at Kilometriko ang ballpen ko noon.

Ilang kilometro na kaya ang narating ko sa haba ng mga letrang naisulat at pinagkabit-kabit, malayo na nga – hindi lang sa layo ng lugar kundi sa haba ng panahon na nabuhay ako. Tama nga naman sila sa sinabi nilang malayo ang mararating mo kung marunong kang magbasa at magsulat.

Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kaya’t minarapat ng Diyos na magturo ako sa elementary at pahawakin ng mga makukulit na istudyante. Nagturo rin ako ng cursive writing.  Dalawang taon lang iyon, umayaw na ako at sign na siguro na magresign nang masabihan ako ng Grade 2 student ko na ginagaya niya lang ang sulat ko nang minsang pagsabihan ko ito na ayusin ang pagsusulat. Minsan rin nila akong sinita kung bakit daw kami nagsusulat sa hangin. Hilig ko kasi noon na pasulatin sila ng cursive sa hangin, gaya ng natutunan ko noong elementary ako. Ewan ko ba, ang sarap ng pakiramdam kapag sabay-sabay kayong nagsusulat sa hangin.Parang mas natututo, sama-sama at nagkakaisa kayo sa pagsusulat.

Hanggang sa namalayan ko na lang na ang gawaing iyon ay nangyayari ngayon.

Ang pagsusulat sa hangin – sa virtual world, sa lumulutang at malawak na espasyo ng internet.

Dito, sama-sama tayong nagsusulat, nagkukwento at nagbabahagi ng ating mga karanasan at natututunan.

Nagkakaisa tayo – gaya ng 52 bloggers na nakiisa sa pagsulat ng maikling kwento, tula at kwentong pambata. Sa lahat ng sumali at patuloy na sumusuporta sa Saranggola Blog Awards Year 2, ngayon palang ay nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat. Ngayon, mayroon na tayong walumpong (80) bagong mga akda, lumilipad gaya ng saranggola sa kalawakan ng internet.

—-

Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga bagong manunulat! Klap! Klap! Klap!

lipadlaya. siyetehan. r. mysterio. eloiski . 2rivers. bevs. spagetisows. katrinadanieles.The_empr3ss. batang istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. metaporista. andee. dahnjacob. tuyongtintangbolpen. cuteberl. toyangxcorebatangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. stilssdd. bonistation. ryanjay. mariaespie. purpledribbledlife. topexpress.

Saranggola Blog Awards 2010

Single ka teh?!

Sa mga nagtatanong kung ano ang bago at pinagkakaabalahan ko sa nakaraang isang buwang walang post, BAKASYON po, hehehehe

Sa ngayon, nais ko po munang ipakilala sa inyo ang isa pang pwede nyong tambayan.

Ito ay ang ONLINENOBELA

Ang mga nobelang mababasa dito ay hinati ayon sa kabanata / chapter. Sundan ang kwento dalawang beses sa isang Linggo. Ito ay personal kong ginawa at kung sakaling may pagkakatulad sa pangalan, buhay at kasaysayan ng iba, ito ay hindi sinasadya.

Unang Nobela

Single Ka Teh?!

Mula sa social service work sa government ay tinungo ni Yam ang corporate work. Taliwas sa kanyang nakasanayan at ugali – aabangan ang isang free spirited woman na mula sa pagkakakulong sa structured world ng corporate ay unti-unting lalabas upang hanapin ang sarili at inaasam ng puso hanggang sa makita ang sariling aliw na aliw sa facebook. Habang binubuo niya ang kanyang malathesis na ideyang Ang facebook ay hindi Social Networking kundi isang “reality show” na gustong salihan ng lahat, mauuwi siya sa conclusion na may kinalaman sa ” Love Formula.”

Ang nobelang ito ay para sa lahat ng umibig at hindi naiintindihan ang kahulugan ng pag-ibig, kung wala ka sa dalawa at may facebook ka, makakarelate ka rin.

Kaya daan na sa www.onlinenobela.com !

5 Years na Tayo! – Blog Anniversary

Thank You!

Ito ang kabuuan ng entry na ito. Isang MALAKING SALAMAT sa lahat ng nakibasa, naging kaibigan at nakiisa.

Inaanyayahan ko kayo ulit na maging bahagi sa munting patimpalak para sa aking ika Limang Taon sa Blog World.

Paano?

Maging HIBANG gaya ko!

Kung HIBANG ka? Ipakita ito.

Maaaring sumulat ng maikling artikulo kung paano ka naging Hibang o kung ano ang pangyayari sa buhay mo na kahibang-hibang. Maaari ring magpakita ng video, pwede rin na picture mo  na nagpapakita ng kahibangan mo.

Dapat makita dito kung ano o saan ka nahihibang? Maging malikhain.

Ipakita ang emosyon.  Pakawalan ang imahinasyon!

Pipili kami ng limang (5) magwawagi. Dahil HIBANG ka, kailangan mong ipamper ang sarili, magwagi ng mga sumusunod:

Bawat mananalo ay may

P300 worth of Gift Certificate, Tontons, whole body massage

P300 worth of Gift Certificate, Coffee Bean and Tea Leaf

P300 worth of Gift Certificate, Ayala Movie Pass

1 Panpilpipol pocketbook

P500 membership card (with P2,000 worth of Dental Services), Dito Po Ang Dentista Clinic, Makati Branch

at HIBANG Accessory!

Stay tune lang baka sakaling may madagdag pa!

by the way, hindi convertible sa cash ang mga prizes ha. Pero pwede nyong ibigay o ipasa sakaling wala kayo sa Pilipinas o hindi nyo magagamit.

1. Ipost ang inyong gawa sa inyong blog. Ibig sabihin, kailangan ay may blog ka rin na atleast 2-month-old.

2. Sa dulo ng post mo ay may phrase na Para sa 5 anniversary ng blog ni bernard umali. Dapat ay nakalink sa blog ko.

3. Matapos ipost ang inyong entry ay magcomment dito para malaman ko na ikaw ay sumali.

4. Ang deadline of submission o posting ay sa April 25, 2010

5. Magkakaroon din ng botohan mula April 26-April 30.  Ang 3 na may pinakamataas na boto ay may  special award.  I-aanounce natin ang prizes ng special award sa April 25, 2010.

6. Maaaring magpadala ng hanggang 2 entry.  Maaari ring manalo ang lahat ng entry mo pati na sa special award.

7. I-aannounce ang lahat ng nanalo sa May 1, 2010.

8. (PAHABOL) Dahil hindi naman ito Saranggola Blog Awards, sige na nga, pwede po ang English na entry! Promise, wala akong bias, kahit english yan, hindi naman ako ang judge e.)

Sali na!

syangapala,

kung natutuwa kayo sa blog ko, baka pwedeng gawan nyo rin ako ng fan photo / sign na pwede kong isama sa aking special slideshows. Yun e kung hindi ka napipilitan at marami ka pang oras 😉 i email mo na lang sa bernardumali@yahoo.com o i-tag mo na lang sa facebook ko.

at baka pwedeng i exchange link nyo rin ang 2 ko pang blog :

1. Saranggola Blog Awards

2. Fresh Milk for the Day

salamat din sa mga sumusunod

1. Dr. Melody Umali-Aniceta

Dito po ang Dentista, Rm 200 citiland 3, V.A. Rufino St. Legaspi Village Makati City

2. Beverly Siy at and Panpilpipol

3. Prof. Nonet Marte

——-

5 years of blogging experience

Bakit nga ba ako nagsusulat? – Gusto kong maging writer pero dahil bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapagpublish ng sarili nilang gawa, nakita ko ang blog na magandang venue para makapagsulat ako.

Nagsimula ako sa Friendster Blog noong April 25, 2005.  Paglalakbay ang title ng blog ko at ang una kong entry ay Unang Istasyon.

Tapos nasundan ng panibagong blog sa Blog Spirit, isang anonymous blog na hindi nagtagal at tinigil ko na rin.

Matapos ang isang taon at kalahati, October 23, 2006 nang magsulat ako at maging kapamilya ng wordpress.

Hindi ko na matandaan kung kelan ko pinagsama ang friendster at wordpress.

Dahil sa blogging, ilang studyante at teachers ang nag email sa kin at nagpapaalam na magamit ang mga sinulat ko.

Nainterview din ako sa isang radio station.

May naisulat ako na ginamit sa isang local news paper.

Hindi ko alam kung ilan ang isinubmit ng mga estudyante para sa project nila.

May mga sinulat ako na inangkin na ng iba. Minsan ay ginogoogle ko ang sinulat ko at laking gulat ko na kalat na kalat na pala ito, wala man lang credit pero okay na rin.

Minsan ay nireport din ako sa wordpress dahil nagsusulat daw ako ng Parental Guidance sa kabila ng kaalaman ko na maraming bata ang nagbabasa ng gawa ko.

May nagcomment din sa kin na hindi daw maganda ang sulat ko at napagalitan daw siya ng teacher niya dahil wala daw katuturan ang gawa ko.

Nakakatanggap din naman ako ng mga comment na nakakataba ng puso.

Sa stat report ng wordpress, nakatutuwangisipin na marami ang naggogoogle ng pangalan ko. Hindi siguro sila marunong gumamit ng bookmark!

Sa blogging, marami akong naging kaibigan. Nakagawa ako ng isang blog contest na sa tingin ko naman ay nakatulong sa pagkakaroon ng mga bagong kwento sa Filipino. Ito ay ang Saranggola Blog Awards.

Limang taon na pala.

Hindi ko alam kung ilang taon pa ang aabutin nito.

Sa ngayon, magsusulat pa rin ako.

Cebu Dancing Inmates

Proud to be Pinoy na naman ang pakiramdam!

Panoorin ang Cebu Dancing Inmates kasama ang choreographer na si Travis Payne.

— patalastas

Naka-dotcom na rin ang Saranggola Blog Awards. Abangan ang mas kapana-panabik na blog event na ito ngayong taon :

i-klik ang logo para mapuntahan ang bagong site :

Saranggola – Huling Hirit para sa 2009

Naipamigay na po ang mga saranggola na ipinangako namin kapalit ng 34 entries na isinali ng mga bloggers. Napili namin ang lugar ng Botolan, Zambales dahil madaling puntahan, may malawak na lugar para magpalipad ng saranggola at para isabay na rin ang pamamahagi ng konting relief goods dahil sa typhoon Peping noong unang Linggo ng Oktubre, magpahanggang ngayon ay nasa tent pa rin sila.

Mabilis na kwento Magpatuloy sa pagbasa

Sarung Banggi: A Benefit Concert para sa mga Gubatnons

Dahil malapit na ang pasko, mag simoy gift-giving muna tayo.

Ang aking kaibigang si Maggie na laging naghahybernate at magpaparamdam na lang pag may bago ng naiisip at nabore na sa Mafia wars ay humihingi ng suporta sa kanilang cause.

background:  Nang minsang sinama ako ni Maggie na makipagkita sa kanyang circle of friends at makipag inuman, pinakilala niya sila na mga taga gubat. Akala ko joke.  Hindi ako kumbinsido na may Gubat talaga sa Bicol hanggang sa nang i check ko sa Google Earth, naconfirm ko na totoong may Gubat Sorsogon. Magpatuloy sa pagbasa

Saranggola Winners at Pahabol na Quiz Bee!

Narito na po ang listahan ng mga nagsipagwagi para sa karangalang Blogaling!

Judges Choice / Blogaling!

  1. Ito yung mapipili ng mga hurado
  2. Hindi muna ipakikilala ang mga hurado
  3. May Palanca awardee, sikat na vlogger, artist, influential blogger,author ng aklat, Professor, at iba pa. Kasalukuyang kinokontak ang ilan sa kanila; ang iba naman ay tumugon na.
  4. Magkakaiba ng hurado sa iba’t-ibang kategorya; kami na lang ang magsusuma o magcocompute ng mga puntos na binigay ng hurado. Magpatuloy sa pagbasa

Saranggola Blogsikat Winners

Yippeee! Narito po ang listahan ng mga nanalo para sa karangalang BLOGSIKAT. Ito ang listahan na kinulit at sinuportahan ninyo!

Bloggers’ Choice / Blogsikat!

  1. ito yung magkakamit ng may pinakaraming comment
  2. hindi kasama sa bibilangin ang naulit na puna o comment at sariling comment
  3. tanging bago o unique comment lang ang bibilanganin.
  4. Ang mga puna na papasok hanggang sa ika 31 ng Agosto 11:59PM, oras sa Pilipinas lamang ang bibilangin. Magpatuloy sa pagbasa

Calling all Singers!

May paaudition po ang DZAR Sonshine Radio 1026 sa lahat ng mga elementary, highschool at college students na mang-aawit. Magdala po lamang ng inyong sipi ng awit, minus 1 or CD para sa audition. Ang audition po ay gaganapin sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) sa ika 9 ng Agosto, (Biyernes) sa ganap na ika 8:00 ng umaga hanggang  ika 5 ng hapon. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa kanilang istasyon sa telepono bilang 6382239

Radio Experience

1999 nang una akong makapasok sa isang radio station. Eto ay sa Angel Radio 1026.  Ang nag interview sa amin ay si Ms. Janette Toral, kilalang kilala ngayon sa blogworld. Ang programa niya ay Usapang Youth. Tinalakay rito ang mga programa ng aming organisasyon na Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (STEP) sa Philippine Normal Univeristy. Narito ang aming kuha. Syempre mukha pa kaming yagit sa mga kuhang yan.

26300585748370l1

Magpatuloy sa pagbasa