Kapag ako ang naging Pangulo

Kapag ako ang naging pangulo

BRANDING. Syempre dapat may branding ang Pilipinas May  identity. Pag sinabing Pilipino dapat maiisip nila na ito yung lahi ng mayayabang. Lahi na cool, masaya, confident at may simpatya sa sariling bansa. Mayabang kasi matatalino, proud sa ginagawa nila, may solusyon, hindi nahihiya sa ginagawa ng kanilang gobyerno, benchmark sa buong mundo. Yun bang lahi na makikipag upakan sa mga foreigner na mala Manny Pacquaio pag inaapi tayo!

Isang bansa na hindi nahihiya kung ano ang bansa niya.

Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

People Power

Pagkatapos ng 7 taon mula ng Edsa 2, tila ayaw ng bumalik ng tao sa Edsa. May People Power Fatigue na daw ang tao. Sawa na sa paulit-ulit na pagpapalit ng pinuno at nahihiya na sa mundo.

Ako rin, makailang ulit nang tinanong kung kailan ako sasama sa mga malilit na pagtitipon o kaya naman pilit kinukuha ang aking opinyon. Pabiro ko namang sinasabi na masama sa negosyo ang pagbabago. Status quo na lang. Magpatuloy sa pagbasa

Proud Pinoy ka ba?

Noong 2001, ako na ata ang pinakamayabang na tao sa mundo. Nobel Peace Prize Awardee ata ‘to. Gusto ko nga sanang umattend noon sa EDSA para makitanggap ng award pero siyempre, sino ba ang dapat tumanggap bilang kinatawan ng bansa kundi ang Pangulo.

Kung tutuusin mas mataas sa Nobel Peace Prize ang award, ito yung special award na binigay ng The Nobel Peace Prize Laureates Foundation (Nobel Peace Foundation). Para ito sa ating special gift sa mundo … ang Wonderful gift of the Spirit. Pagkilala ito sa Edsa 2. Magpatuloy sa pagbasa

Bakit ako sasali sa mga kilos protesta? F**k them!

Masasabi kong maaliwalas ang Pilipinas nang ako ay isilang. Tatlong taon lang ako nang mamatay si Ninoy at anim nang magkaedsa revolution. Sa gunita ko, mas naaalala ko pa ang pagdating ng Menudo at pagkamatay ni Julie Vega.

Noong kudeta sa panahon ni tita cory? Yipeee walang pasok! Pakiaalam ko sa RAM! Mas nayanig ako sa lindol noong 1990 at pagputok ng Pinatubo pero syempre naaliw ako sa Ash Sunday! First time na umulan ng abo!

Noong umalis ang base militar? Aba syempre isa ako sa nagnais na manatili ang amerikano, ‘pano na pag nagkakudeta ulit? Pero syempre ok lang sure na ililigtas naman tayo ni Shaider o di kaya ni Enteng Kabisote, sasamahan pa ni Pibo at Bioman!

Sinong nawawala… anong desiparacidos? Mas nalungkot ako nang nawala na si Pong Pagong! Pero ok lang, dumating naman ang tagalize na flying house at superbook. Magpatuloy sa pagbasa