nakailang tulog at gising
nakailang panaginip na rin
subalit ‘di pa rin tumitila ang ulan
bihag ako ng aking kama
kung kailan kailangan ng kasama
ang tikatik ng ulan at ang kulog
ay nagpapahintulot buksan ang alaala ng nakaraan
akala ko’y hindi na magtatagpo
ang kahapon at ang ngayon
pero kahit anong lalim naibaon
sa baul ng alaalang nakaangkla
sa pinakamalalim na karagatan
ay masisisid at mapapalaya
at maghaharap ang ikaw at ang ikaw
saka mo sasabihing ikaw na ang bahala
ang nakalipas ay nakaraan na’t napagwagian
at magpapaalam sya nang nakangiti’t may kapayapaan.
Category tula
sa pagitan ng sandali
puti
ang paligid
ang kurtina
ang damdamin
walang maririnig
kundi ang bulong ng katahimikan
usok na nanghihilam
malamig na hanging sumusuot
sa ilong, labas pasok
panatag
habang pinapamanhid ang katawang
naghihintay nang kasunod
na gagawin
sa buhay.
ang pamamaalam ay lumbay
o minsa’y katumbas ng simula
at minsan naman ay patlang.
ang baso’y may laman
bukas ang ilaw
ang upua’y nakahilig
nakapihit ang mga pintuan
nakakalat ang pinagkainan
subalit walang gumagalaw.
sa pwestong ito
na mabilis na naging kahapo’y
maaabo
tatangayin ng bulalakaw
na sandaling magniningas
sa pagitan espasyong
wala naman talagang sukat.
kung wala na ang lahat
(reaksyon sa napanood na romantikong marriage proposal sa youtube video)
Kung wala na silang mga kaibigan na nakasaksi sa ating pagmamahalan
nambubuyo, nanunukso, kasama sa inuman at harutan
Kung hindi na tayo makakasama sa mga okasyon
group meetings, bonding at kung anu-anong pagtitipon.
Kung wala nang pampanood ng sine, wala ng pagkain sa labas
walang pantravel, panggimik at pang socialize.
O kung wala na ang imahinasyong musika sa isip natin
sa t’wing tayo ay magkasama.
Kung wala ang cinematography, ang magagandang lugar na pinupuntahan natin
kung wala nang masabi , wala ng tula,
walang musika at matatamis na salita
Kwadrado.
Kung wala ang mundo,
ang kulay, ang imahinasyon
kung nasa loob lang ng kahon.
Ikaw. Ako . Tayong dalawa lang
Hangin lang sa pagitan natin
Titingin ka pa rin ba sa akin?
Masasabi mo pa kayang I do?
dahil ikaw ang pinipili ko
at ako ang pagpipilian mo
hindi sila, ang okasyon, ang mundo
Ako lang para sa ‘yo.
dahil doon magsisimula ang mundo.
sa ating dalawa.
kahit wala na ang lahat, wala ang iba.
draft
isang bote para sa mga nagmahal nang may sabit
tunay na love
bawal na kilig
dahil nga taken
at hindi makapag commit.
isang bote para sa pantasya
na malapit sa katotohanan
nahahawakan, nararamdaman
pero hindi pwedeng angkinin
dahil pag-aari ng pangarap
nang kasikatan.
isang bote para sa pwedeng pag-ibig
unang subok, unang sugal
subalit inangkin sya ng pag-ibig
na hindi nya kayang angkinin
dahil sya ay kabit at kinaya nyang lumayo
ngalang
kailangan ng panahon
upang sya ay makalaya
at makaahon.
isang brandy
sa kabit-kabit na kwento ng pag-ibig.
cheers!
Maliit lang ang Mundo
Maliit lang ang mundo
sapat na ang isang buwan sa gabi
at araw sa umaga upang tanglawan ka
sa gayo’y maingat na makarating
patungo sa akin.
Maliit lang ang mundo
lakarin man ang lupa
o sisirin ang tubig
lakbayin ang himpapawid
siguradong makauuwi ka sa akin. Magpatuloy sa pagbasa
Pagtawid
Paalam sa aking kamusmusan
sa pagkakamali at kapusukan
sa paulit-ulit na tanong at paghingi ng kasagutan
sa di pagkatuto’t kamangmangan.
Paalam sa kabataa’t katigasan
sa pag-aakalang angkin ang karunungan
sa buhay na walang kasiguruhan
sa mga araw na walang katiyakan. Magpatuloy sa pagbasa
Nang Tinanong Ko ang Langit
Hindi ko masilip ang langit
sanhi ng makapal na ulap na nakatabing,
nakapinid ang mga pinto’t di halos marinig ang nanalangin
sa nagngangalit na kidlat at kulog na bumabayo sa lupa;
nakikipatimpalak sa nagpupuyos kong damdamin. Magpatuloy sa pagbasa
Hibang
Kahit saan sigurong panahon, kahit sa malayong nakaraan,
gagawa ako ng balsa at hindi matatakot
papalaot ako’t aalamin ang hangganan ng karagatan
lamunin man ako ng dagat
o mahulog sa dulo nito
titiyakin kong masasaksihan ko
mahahagkan ang anumang nakaamba’t nakasalo Magpatuloy sa pagbasa
Parisukat
Wala namang pinagbago,
lumingon ka sa paligid
parehong lugar, parehong silid,
sila-sila pa rin, mga kaopisina
may bago, may luma. Magpatuloy sa pagbasa
Lupa
(2003)
Ako ang lupa, ako ang biyaya
ako at ang lupa ay kanyang pinagpala
iisang pinagmulan at ang patutunguhan
iisa ang pusod ng ating kasaysayan. Magpatuloy sa pagbasa
chowking
Hindi ko dati pinapansin ang chowking
isang pangkaraniwang kainan na hindi para sa’kin
hanggang sa tumatak sa isip ko ang patalastas
at hindi na mawala oras-oras Magpatuloy sa pagbasa
Perlas
Matamang inaaninag ng buwan ang malalim na karagatan
sinusuyod ng malamlam na liwanag ang kanyang sinapupunan
tahimik, walang galaw, waring may ikinukubling sakit
at sa kanyang pagtangis, haharap sa kalawakang nagsusumamo ng pag-ibig.
Walang bulong na hindi makararating sa buwan, Magpatuloy sa pagbasa
Sumpa ng Pag-ibig
Namumukhaan mo ba ako?
hawakan mo itong pisngi,
sukatin mo yaring labi.
ako ito.
‘Wag mong lagpasan ng tingin, Magpatuloy sa pagbasa
Ang Ating Kulay
Bago pa tayo
pinintahan na nila ang buhay;
may kulay ng tuwa, ng ligalig
ng pakikidigma ng pag-asa.
Isinigaw ang kalayaan,
umaalingawngaw ang kanilang kasaysayan
sa mga telang minantsahan ng dugo Magpatuloy sa pagbasa
EDSA
Ang nagkrus at sanga-sangang daan
larawan ng magkakaiba-ibang paraan
sa pagkakamit ng matiwasay na kinabukasan
nang magkakasalungat sa lipunan;
ng mahirap at mayaman
ng may dunong at mangmang
ng makakaliwa’t makakanan Magpatuloy sa pagbasa
TXT
Basahin mo
Aliw
May saysay
Sa bawat karton. Magpatuloy sa pagbasa
sa isang tagong kapayapaan
sa pagtuklas ng kapayapaan
sa mabilis na paglamon ng dilim
sa bayan ng pangamba
aandap-andap ang gaserang Magpatuloy sa pagbasa
Sa isang tagong kapayapaan
sa pagtuklas ng kapayapaan
sa mabilis na paglamon ng dilim
sa bayan ng pangamba
aandap-andap ang gaserang
matapos mapatid ng hangin ang huli nitong ningas Magpatuloy sa pagbasa
engkantada
malamlam ang ‘yong mata
sa sulok, sa pasilyo
walang buhay ang nakalugay mong buhok
pinapatamlay ng maputla mong damit. Magpatuloy sa pagbasa
Pangungulila
Kung nagsusungit ang langit, nagsususon ang ulap
tila walang patid ang pagbuhos ng ulan,
huwag palulunod sa lumbay ni patatangay
sa walang katiyakang magdamag.
Pipilitin kong ipinta ang bahaghari
gagawing tulay patawid sa lungsod ng kaligayahan. Magpatuloy sa pagbasa
Awit ng Pag-ibig
Natuto na ako,
hindi dapat iasa ang pag-ibig sa kanta.
Sa simula’y dama ang himig
sabay na sinasambit ang titik
damdami’y iisa ang himig Magpatuloy sa pagbasa
Ulan sa Buwan ng Abril
Patak ng ulan mula sa butas na bubungan
ang umabala sa aking pagkakahimbing
Sa tantsa ko’y kanina pa umuulan
subalit di pa nais magpaalam.
Anak ako ng ulan, Magpatuloy sa pagbasa
Oda para kay Mang Johny
Itong larawan mo
waring aklat ng kasaysayan,
gumuhit sa alaala
malinaw sa’king balintataw.
Tila naririnig ko ang mga bomba, Magpatuloy sa pagbasa