gaya ng luksong tinik, patintero at piko; may yugto sa buhay mo na mapapahinto ka sa balag ng alanganin upang bumuo ng mabilis na pasya – lulukso ba ako, tatawid agad o babalik na lang.
Labindalawang taong gulang ako ng mapaisip, isang araw bago ang aking kaarawan. Bukas hindi na ako bata. Ano ang magbabago sa akin? Iniisip ko kasi noon na pagsampa ko ng ikalabintatlo ay magbabago ako ng anyo. Tutubuan ng balbas, magkaka adams apple at lalaki ang boses. Akala ko, ganun kabilis ang mga pagbabago.
Maglalabinwalong taong gulang ako ng magpasyang maging malaya. Namulat sa mga isyung panlipunan ar naging aktibo sa mga pansibikong gawain kahit napalayo sa relihiyong kinabibilangan.
Walang patid na pagsulat sa talaarawan araw-araw. Dinodokumento ko ang lahat – panahong hindi pa sikat ang blog.
Edukasyon sa Pagpapahalaga ang tinapos ko sa kolehiyo – sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. (PNU)
ironic nga daw bakit nga ba Values Education – sa ugali kong to at bakit sa Normal e hindi ako normal.
Naging aktibo sa Student Volunteers’ Organization (SVO) at Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (STEP)
Nagtrabaho sa mga sumusunod:
Remedios AIDS Foundation : Volunteer Hotline Counselor
St. Mary of the Woods School : Grade School Filipino Teacher
Asian Council for Peoples Culture : Training and Monitoring Assistant
STI Academy : Filipino Curiculum Developer (project based)
DMCI Homes : Manager, Broker Department
Hindi ko natapos ang Masteral Study sa UP Diliman – Community Development. Sa kasalukuyan ay wala akong planong tapusin ito. Sadyang kulang sa oras at di magkasundo ang schedule. Gayunman natapos ko naman ang Diploma Course na Real Estate Management ng De La Salle – CREBA.
Buhay ko na ang pagsusulat. Ito marahil ang pinakaimportante sa lahat ng nabanggit ko.
Para sa akin, ang pagsusulat ay hindi laging komersiyo. Mas masarap yung naibabahagi rito ang mga pitak ng aking imahinasyon. Siyanga pala. Lahat ng nakasulat rito ay orihinal kong gawa. Gayunman, maaaring gamitin ninuman para sa edukasyon basta hindi pagkakakitaan.
Nais ko lang paalalahanan na ito ay bunga ng imahinasyon – hindi ito naggagarantiya na lahat ng ito ay katotohanan. Batay lang ito sa personal kong paniniwala at interpretasyon sa maraming bagay.
Ang ilan ay sinulat nang malikhain upang mas makapukaw ng atensyon. Ito ang dahilan ng ilang eksaherasyon.
Batay sa istatistika – mataas ang viewership (naks parang survey – dont worry galing ito sa wordpress at hindi sa AGB nielsen) ng mga paksang tungkol sa Pag-ibig. Bagamat hindi ito mga personal na datos – nakatutuwang isipin na may naniniwala at naaapektuhan sa mga sinulat ko. Susubukan ko ring sumulat pa nga mga kwentong pambata bagamat mahirap.
Para sa mas detalyado kong impormasyon :
maaaring basahin ang mga entry ko na naisulat ko na noon :
Mga ilang tambayan ko rin :
basahin ang iba pang blog :
magaling ka magsulat. di pa ako nkaka-komento sa mga posts mo yun eh dahil nag-iikot ikot pa din ako sa bahay mo.
link kita ha.. sana ok lng sa u.
(http://camilleeee.wordpress.com/)
ang galing mo po!!!!
weee!!!
isa kang dakilang writer!!!
tama ka nga nasa dugo mo ang pagsusulat kaya pagpatuloy mo π sige babalik-balikan kita ha π
blue : salamat. basahin ko rin blog mo π
Binisita at binasa kong blog mo… galing magsulat ah π
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit pamilyar ang pangalan mo pero di pa rin ako successful kung sa’n ko na-encounter o kung bakit pamilyar ang pangalan mo.
Anyhoo… ipagpatuloy mong pagsusulat mo Γ
blue : salamat sa muling pagbisita. ganun ata talaga pag tatlo bentesingko ang pangalan, hehehe masyadong common kaya nga pinalitan ko ng blue π Madalas ako sa mga trainings, baka nagkasama tayo minsan
magaling ka po na manunulat. napakaganda po ng mensahe ng ‘itim na lobo’ π
blue : maraming salamat, nais ko rin sanang ulitin na sinalin ko lang ito sa Filipino, si Fr. Anthony de Mello ang sumulat ng kwentong ito.
blue, Hapi Easter syo at syong pamilya π
blue : thanks. sa’yo rin!
Hoy Blue! Nakita ko ang pangalan mo sa listahan ng iblog5. Nag-rehistro ka rin pala. Alam mo ba ang ibig sabihin nu’n? Rehistrado ka na…haha…kitakits tayo du’n…
π
blue : hahaha see yah!
natutuwa ako sa mga nababasa ko ngayon.. sa maniwala ka’t sa hindi di maalis ngiti ko habang tinitipa ko ito.. π natutuwa ako para sayo at para sa amin kasi “biyaya” ka ng langit na laging available magbigay ng inspirasyon.
yun nga lang “blue” opposite ng pangalan mo ang nakikita kong character mo. heheheh
blue : atleast binago ko ang depinisyon ng blue! hehehe salamat ha nakakatuwang isiping may naaaliw sa sinusulat ko.
hi! napadaan lang din, welcome to kuntilbutil’s world, though the blog is still young in age π
blue: tatanda rin yan sabi nga no wehre to go but aging lol hehehe
ang dami mo na palang nailathala sa ibat ibang parte
ng mundo sa intarnet!!!
wow… mabasa nga isa isa…
blue: medyo gala sa mundong ito. malayang malaya!
“hanep sa ad, alam ba to ng kapatid mo? hehehe”
– YES! alam na nya. kahapon pa nya ako minumura ahhahaha
hahaha hanep sa trip.
Padaan lang muna at makapaglaan ng panahong halungkatin ang iyong mga naisulat na yaman ng iyong buhay at imahinasyon…
:). daan din ako dyan mamaya.
Sir Blue!testing lang to…… heheheh……. bagamat subalit datapwat walang anuman!!!! salamat sa pagbabahagi ng iyong kaalaman sa DMCI Homes. π
Hi Kuya Blue!
Ang ganda ng mga sinusulat mo… mahusay! Buti na lang napadpad ako dito sa blog mo! Pangtanggal talaga ng boredom!
By the way, I’m also from PNU… at naging member din ako ng SVO. Batch 2004 ako, ikaw? Para kasing familiar ka sken… d ako sure kung nag-abot tayo sa PNU. Naligaw ako dito sa blog mo through Synyrd (officemate ko).
Proud to be PNUan… : ) hahahahaha
hi! gaing president ako ng SVO 2000-2001, 2001 ako grad. malamang napapadaan ako nung time nyo. paminsan minsan ay nagbabalik tahanan.
C DH (Christian) ang Pres nung batch ko… kilala mo sya? Barkada ko si Syd (2003 CulCom Chair) sya nag-encourage sa aken mag-member. Kilala mo siguro sila.
Gandang araw! Ikinawing ko po kayo sa aking blog. Sana ok lang. π
babalikan ko to!
ang bagal lang kasi ng net!
basta nailagay na kita sa blogroll ko!
astig!
magbabackread na lang ako!
wow. mukhang ang sipag mong magsulat. ganda ng blog mo. daan ka rin sa blog ko. π
alam niyo po, 18 na ako ng naisipan ko ang magkarron ng opinyon sa mga bagay-bagay. : 18 na ako ng naisipang baka malaking pagbabago ang magaganap kinabukasa. π isip bata eh. heheh. kahit isip bata ako, nahihirapan pa rin akong gumawa ng mga kwentong pambata. π¦ anhirap. π¦
napdaan po ako dito at asahan niyo po ang muli kong pagbalik. π ok lang po bang exlinks tayo? π
magandang araw! π
Bernard!!! dito na lang ako nagkomento. sana mabasa mo at sana dagdagan mo na ang kwento sa online nobela. please please please… oo, demanding ako pero kasi ang tagal nang bitin e. π¦
kuya pnuan at bulakenyo..?same here po..sana i have more time to read ur works..=)i love writing too..Godbless and more power..babalikan ko to.=)
Bernard!!! dito na lang ako nagkomento. sana mabasa mo at sana dagdagan mo na ang kwento sa online nobela. please please please… oo, demanding ako pero kasi ang tagal nang bitin e.
+1
Hi blue… π
I am james. It was very nice reading ur blogs. I was once a student writer back in college, and reading ur masterpieces brings me back to those years.
Continue writing. You’re an inspiration. π
wow Sir! Pareho po pala tayong alumni ng PNU. nakakaproud po! Ang galing..