Kwento sa Hardin

Isa akong hardinero, dito na ako tumanda, nakasanayan ko ng kausap ang mga halaman, kulisap maging ang lupa at anumang nasa paligid nito. Isa itong komunidad; pamayanan na may sariling wika, may sariling alituntunin o patakaran at ang lahat ng narito ay nabubuhay na may kanya-kanyang gawain.

Bawat isa sa kanila, may kwento.

Malawak na lupain ang taniman ko. May kanya-kanyang lugar; para sa mga punong gahigante ang katawan, bago pa man ako mamahala sa hardin ay narito na sila. Saksi sila sa pag-ikot ng panahon, nasubaybayan nila ang paghulma sa bundok, sa pag-ukit ng tubig na naging daluyan at naging batis, ang paglapad ng kalsada, pagbiyak ng lupa at paghahati-hati. Lahat ng iyon ay nasubaybayan nila.

May mga matatayog na puno, hindi sintanda subalit higit na matikas, panahon ng kanilang katatagan. May tamang layo sa bawat isa ng hindi sila mag-agawan sa sustansiya ng lupa at magkasakitan. Tiniyak kong sa kanilang paanan, may haring araw na makadudungaw ng sa gayon ay manatiling malusog ang lupa. Binabantayan ko ang kanilang paglaki at paglago, minsa’y kinakailangan silang tagpasin, ang malalaking puno na hindi naaagapan sa paglago, sa kalauna’y lumilikha ng sarili nilang kamatayan. Kung kaya’t sinisiguro kong ang kanilang mga ugat ay naaalagaan din. Sapagkat ang punong masagana, hindi nasusukat sa laki at tikas bagkus sa malalapad at malalalim na ugat.

Gayundin may lugar para sa mga halamang namumulaklak, mga gulay, at mga bagong punla. Sa harding ito, may sadyang lugar para sa pagpapataba ng lupa. Pinalulusog nito ang mga pananim.

Ang hardin ay siyang naging daigdig ko, hayaan mong isulat ko rito ang masasaya, malulungkot at mga aral na aking natutunan.

Ang Akasya

Mabuting Binhi

Naiiwang Bango

Ang Balete

Pamamaalam ng Matandang Puno

Ang Buhay sa Hardin

Pangkaraniwang Puno

Advertisements

6 comments on “Kwento sa Hardin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s