Bagong Bihis

Lahat tayo nag-uunahan, nagkakarerahan papunta sa goal natin, pero come to think of it, hindi naman ang mga pangarap natin ang iniingatan papunta sa goal kundi ang puso natin.

Tumatakbo tayo hawak ang puso natin, natatakot na baka mabunggo, mapatid o makuha ng iba. Siguro naranasan na nating tumakbo na may kabahagi sa puso pero minsan lang yun, swertehan. Yun e kung mahahanap mo ang totoong mag-iingat nito pero parang madalas, kaagaw natin sila sa goal natin. Yun bang kukuhain ang puso mo, papaamuin ka pero para ano, madistract, mawalan ng focus o masaktan. Matapos makuha ang tiwala, malaman ang kwento mo, at buo mong katauhan ay wala na, iisipin mo na lang na siguro pahinga lang ang mga oras na iginugol mo sa piling niya, pahinga lang na parang itinali ka na at ni hindi na magawang makalakad. Magpatuloy sa pagbasa

Pagtawid

Paalam sa aking kamusmusan
sa pagkakamali at kapusukan
sa paulit-ulit na tanong at paghingi ng kasagutan
sa di pagkatuto’t kamangmangan.

Paalam sa kabataa’t katigasan
sa pag-aakalang angkin ang karunungan
sa buhay na walang kasiguruhan
sa mga araw na walang katiyakan. Magpatuloy sa pagbasa

Nang Tinanong Ko ang Langit

Hindi ko masilip ang langit
sanhi ng makapal na ulap na nakatabing,
nakapinid ang mga pinto’t di halos marinig ang nanalangin
sa nagngangalit na kidlat at kulog na bumabayo sa lupa;
nakikipatimpalak sa nagpupuyos kong damdamin. Magpatuloy sa pagbasa

Enchanting Kingdom

Princess Nice

Pabalik kami mula Paseo de Sta Rosa to Manila, tinext ako ni Kathy para kausapin si Incy, inaantok kasi siya at baka isalpok niya ang kotse. Nagprisinta akong magmaneho kaso ayaw nila, mag-aral daw muna akong magdrive. Oo nga pala, napakahilig ko talagang magvolunteer! Kinausap ko na lang si Incy, sa mga oras na iyon, hindi ako handang mamatay, sabi ko nga, mahal ang mamatay ngayon o kung hindi man, mahal magpaayos ng mukha. Kakukuha ko lang last week ng insurance, hindi pa ata pwedeng magamit. Kung milyon ang kinikita ko tulad ni Pacquio, okay lang na magpabugbog, sa laki ng pera niya, pwedeng pwede siyang bumili ng mukha. Mamili na lang siya kung mukha ni Dela Hoya o ni Morales ang pipiliin niya pero i doubt dahil mukhang galit si Pacman sa mga gwapo. I guess ito ang motivation niya sa pakikipagbasagang ulo. Magpatuloy sa pagbasa

Hibang

Kahit saan sigurong panahon, kahit sa malayong nakaraan,
gagawa ako ng balsa at hindi matatakot
papalaot ako’t aalamin ang hangganan ng karagatan
lamunin man ako ng dagat
o mahulog sa dulo nito
titiyakin kong masasaksihan ko
mahahagkan ang anumang nakaamba’t nakasalo Magpatuloy sa pagbasa

Pamamaalam ng Matandang Puno

Isang matandang puno ang tahimik na nabubuhay sa pusod ng hardin. Sinasabing nabuhay ng gayon katagal ang puno sapagkat dumadaloy roon ang batis. Bagamat matagal ng nabuhay, hindi ito sintikas ng ibang puno. Ang kanyang balat ay makunat at may bahaging marupok. Ang kanyang paana’y pinamahayan na ng mga antik, maging mga anay. Mataas na ang punso’t kinatatakutan. Sa loob ng katawan nito’y mistulang kwebang kinasisilungan ng mga paniki. Bihirang sibulan ng panibagong daho’t madalas ay ang unti’unting paglagas pa nga ang matutunghayan. Malakas na patak ng ula’y nalalagas maging mga bagong sibol na dahon. Magpatuloy sa pagbasa

New Year! New Work!

Simula January 1, 2009, may bago na akong trabaho. Hindi ako magreresign, nasa dati pa rin akong kompanya, ngalang ay lilipat ako ng opisina. Mas mabigat na responsibilidad, mas matinding hamon, naks mala- fear factor!

Ibig sabihin nito ay iiwan ko ang pagtuturo, ang training department na nakasanayan ko. Sa loob ng 7 taon ay ito na ang ginagawa ko, ang pagtuturo; nagturo sa private school, naging trainer sa NGO at trainer din sa corporate. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Balete

Naulinigan ng hardinero ang ingay sa kanyang hardin. Napagtantuhan niya ang pinagmumulan ng ingay – sa bahaging iyon ng hardin sumibol ang balete. Mabilis na yumayabong ang punong ito, bawat araw – napapalaki nito ang kanyang katawan na di gaya ng ilang mga puno. Dahil rito, nagpasya ang mga halaman na ipetisyon siya, isa siyang panganib sa buhay ng maliliit na halaman. Magpatuloy sa pagbasa

Sangandaan

(Mga nagkrus na emosyon sa pagtatapos ng 2008)

Eto na naman ako, pinagkakasya ang mga nasa sa isip sa espasyo na ito.  Magtatapos na naman ang taon kaya siguro sentimental, paunang babala : siguro sa mga naghahanap ng kasiyahan at mataas ang energy, hindi ito ang blog para sa’yo. Magpatuloy sa pagbasa

Alamat ng Bitwin

malawak daw ang entablado, sinlawak ng mundo, lahat ay may ginagampanan, kanya-kanyang papel. May ilan na may malalim na karakter, may ilan na mababaw, mayroong maikli subalit makabuluhan. Ito raw ang buhay; hindi sinusukat sa haba o iksi bagkus sa ginampanan.

Hindi rin pinag-uusapan kung sinong pinalakpakan, kinikilala at kinamuhian. Naiiwan sa manonood ang paghatol. Kung kanino sila nakaugnay.

Tumingala ako sa langit, napansin kong maraming bitwin. Magpatuloy sa pagbasa

Anong Nangyari Kahapon?

Noong nakaraang araw ay patuloy na bumabagabag ang unti-unting pagkawala ng mahahalagang alaala; ang mga pangalan, mukha, pangyayari at kung anu-ano pa sa aking isipan. Sumasakit ang ulo ko sa t’wing pipilitin kong isipin ang mga iyon kaya sa mga susunod na araw ay nakatakda akong pumunta sa duktor para alamin ang problemang ito. Magpatuloy sa pagbasa

Akasya

Ngayong umaga, bitbit ko ang lagaring kahoy at hagdan upang akyatin ang malaking puno  ng akasya. Sa laki nito ay kinakailangan ng putulin ang sanga upang hindi makaabala sa paglago ng katabing puno.

Ano ang gagawin mo sa akin? Tanong ng Akasya

Kailangan ko ng tagpasin ang iyong sanga, sa gayo’y hindi nito masasanggi at mahahadlangan ang nakatakdang paglago ng katabi mong puno. Magpatuloy sa pagbasa

Hindi ako stressed, busy lang.

Suko na ko, ayoko ng magtaxi. Masyadong magastos kaya mag-aaral na lang akong magdrive bago matapos ang taon na ito. Sa susunod na taon ay kailangang may sasakyan na rin ako, balewala ang driving lesson kung wala akong sasakyan. Wala rin pala ako mapaparkingan sa bahay kaya kailangan ko ng lumipat next year, maghahanap ako ng bahay na may parking o siguro condo unit with parking. Medyo magastos pala yun dahil may association dues at mahal ang gasolina, kailangan pala mas malaki ang kita ko sa susunod na taon. Kailangan ko ng pagkakakitaan na magbibigay sa akin ng kahit apat na ulit ng sweldo ko. Magpatuloy sa pagbasa

The Rainbow Connection

Malamig na ang pagkain, mukhang hindi ka na yata darating. Ang baso ng juice, hindi ko alam kung namasa dahil sa natunaw na yelo o sadyang binalot na ng hamog. Oo nga, nanunuot na ang ginaw at pumapalag na ang katawan ko kaya’t nagpasya na akong tumayo subalit naroon ka sa likod, akmang parating. Isang oras ka pa lang nahuli, kaya kong maghintay ng matagal subalit hindi ngayon. Magpatuloy sa pagbasa

kasi teacher ka

kung lalagyan ng plot ang buhay mo, kulang ang isang libro para idetalye ang mga ginagawa mo. Isang kurso ang kinakailangan para pag-aaralan kung paano ka kikilalanin at kung paano ka uunawain. alam mo ng mahirap ang kursong yan at hindi mataas ang pagkilala sa ganyang propesyon, itinuloy mo pa rin. alam mo ring mahirap ang trabaho at paulit-ulit mong sinasabing huling taon mo na ‘to, sa huli… ikaw rin ang tumatawad at nanghihingi ng isa pang pagkakataon upang unawain ang kinalalagyan mo ngayon. nasasaktan ka ng paulit-ulit at halos ayaw ka ng pakinggan ng mga kaibigan mo dahil sa mga litanya mo, pero natututunan mo pa ring pakinggan ang nilalaman ng puso mo. may pagkakaton naman na mag-iba ng trabaho pero nakikipagmatigasan ka at sinasabing hindi lang trabaho ang hanap mo kundi kabuluhan. Magpatuloy sa pagbasa

Para kay Potpot na mahilig ng magtanong (part 2)

Walang anu-ano ay nagtanong ka, Where does my father stay? Tatlong taon ka pa lang at ganyan na ang naiisip mo. Kung ako ang tinanong mo, isa lang ang masasagot ko – Malay ko? Ni hindi ko nga nakita ang picture nun, hindi pinakita ng mommy mo. Magpatuloy sa pagbasa

Lucky Me

Lumaki ako sa Maggi. Bukod kay Kuya Bodjie at ate Sheena, si Tita Maggi ang pinaniniwalaan ko noon. Minsan may nagtangkang umagaw sa atensyon ko, naglabas sila ng mga noodles na alphabet at iba’t-ibang hugis pero dahil masyadong maalat at mahal, balik ako sa Maggi. Magpatuloy sa pagbasa

Huling Gabi ng Munting Prinsipe

Para sa rosas na aking nakilala,

Isang umaga, isang bagong umaga, binago nito ang buhay ko nang makita kita. Sa aking bakuran, sumibol ka’t nagising. Marahan, maingat ka’t tumingala, naghikab at bumati sa daigdig. Nasisilaw ka sa liwanag at giniginaw sa hamog. Binantayan kita, inalagaan at sa huli nga’y napaibig. Magpatuloy sa pagbasa

Mr. Clean

Maaliwalas ang mukha niya, magaling manamit, mukhang mabango, vain, napakagentleman, minsan lang magsalita pero aabangan mo… there something about this guy. Sabi nila, Metrosexual daw ang tawag dun, yun bang isang metro na lang homosexual na. Mainit ang mata ng mga tao sa kanya. Syempre sa opisina pa namin na ang lahat ng bago ay subject for discussion, para bang telenovela na unti-unting inaabangan na mag unfold, public entertainment ang buhay ng bawat isa. Bihira ang lalaki kaya malas mo pag sa department ka namin napunta. Hehehe, malas niya. Magpatuloy sa pagbasa

Pari Magpakailanman

Nagising ako sa tugtog na Pamasko, oo nga naman – saan pa nga ba ipinagdiriwang ang pinakamahabang Pasko sa buong mundo kundi dito sa ating bansa.

Ang ibig sabihin ng September 1 sa atin ay ber month na, ibig sabihin magpapasko na naman. Mas ito ang naalala, pangalawa na lang ang Octoberfest at para sa akin, pangatlo ang Foundation Day Ng Philippine Normal University (PNU -Sept. 1 ). Sa atin, ang pasko ay ang pinakagrandiyoso, pinakamalaki at pinakamagarbo sa lahat ng piyesta, at dahilan ng iba’t – ibang okasyon tulad ng family reunion, reunion ng magkakaibigan, outing, iba’t-ibang christmas party, pagbisita sa mga ninong at ninang, pagbabahay-bahay, pangangaroling, pagsisimbang gabi, party sa kalsada, pagandahan ng paputok dahil nalalapit na bagong taon at lahat ng okasyon na magpapasaya. basta ito yung panahon na ang emosyon ay maemote; kung hindi masayang-masaya ay madrama. Lahat ng tao bumabait, lahat ng kaaway binabati at kung hindi handa, may ceasefire bilang paggalang sa okasyon. Magpatuloy sa pagbasa

True Love

Kung babalikan ko lahat ng nagawa ko na, mga accomplishments at shortcomings – madalas nararationalize ko ang mga iyon. Laging no regrets at learning lessons ika nga. Hindi naman sa kinukumpara ko ang sarili ko sa iba; mga kamag-aral, kababata o mga nakilala, masasabi ko na naging successful naman ako sa buhay ko. Isang young urban professional. Magimik, makulit, mahilig magbyahe, palaging kasama ng mga kaibigan, nood dito, inom doon at iba pang happenings. Magpatuloy sa pagbasa

A Fairy Tale (in progress)

Ang mga Fairy Tale, pambabae lang daw.

Kaya nga sa bunso kong kapatid madalas ikinukwento ng tita ko ang mga kwento ng mga babae na nangangarap na magustuhan ng isang prinsipe. Ako naman, tahimik lang na nakikinig. Natanim na sa isip ko noon na ang bawat lalaking pinapangarap ng mga babae ay matipuno, mahusay makidigma, anak mayaman at nakatira sa kastilyo.

Alam kong simula noon, nakasama na sa listahan ng kapatid ko ang mga katangiang iyon sa pagpili ng mamahalin. Magpatuloy sa pagbasa

Nang magising ako kahapon

Iba-iba ang mga kwento natin noong nasa kolehiyo tayo. Daming alaala na minsan naiiwan o natatanim sa isip mo pero pag binalikan mo ang kwento kasama ng mga dati mong kamag-aral, malalaman mo na ikaw lang ang nakaalaala. Yun bang napakahalaga sa’yo pero sa iba pala ay walang dating.

May kanya-kanya tayong kwento hindi man pare-pareho pero madalas magkakarugtong. Magpatuloy sa pagbasa

Sulat sa Mahal ko na nasa Ibang Bansa

Huwag mong pigilan ang pagluha. Hayaan mo siyang tumulo, tingnan mong tumutulo ang luha ko nang maiwan sa alaala mo ang sakit ng desisyon natin. Gusto kong maisip mo palagi na may iniwan ka rito, nasaktan sa desisyon natin at umaasa sa matiwasay mong pagbabalik.

Kung nahohomesick ka, ibuntunghininga mo lang, pasasaan ba’t matatapos rin ang araw, iikot ang panahon at makahahanap tayo ng pagkakataon na magkitang muli. Uuwi ka di ba? Sa akin – sa piling ko? Magpatuloy sa pagbasa

Third Eye

Tinatanong nila ako kung meron ba akong third eye, ang totoo, meron. Bata pa ako nung nadiskubre ko ito.

Di tulad ng ibang bata, hindi naging ordinaryo ang buhay ko. Gigising ng maaga, pag hindi bumangon ay mapipilitan sa palo. Kailangan kong magpa-igib ng tubig. Kailangan kong maglakad sa riles patungo sa patubigan. Ito ang bumuhay sa amin. Lahat kami – dumaan sa pagpapaigib ng tubig. Lahat din kami – napalo.
Pag-uwi naman, mabilis na maliligo dahil may pasok. Kung panghapon  ako ay madalas ala una y medya ang pasok. Kung pang-umaga naman ay ala sais. Kapag umaga ang pasok ko ay sa hapon ako nagpapaigib ng tubig.
Ilang taon yun. Iniisip ko kung kailan ako gagraduate sa trabahong ganun. Nasasayangan ako sa oras. Sa paglalakad sa riles patungo sa paigiban. Sayang ang oras na nakaupo ako sa bintana at nagbubukas ng gripo para sa mga sasahod. Naiinip ako sa buhay ng pagbubukas ng gripo – pagsahod ng barya. Magpatuloy sa pagbasa

sa pagitan ng kawalang katiyakang relasyon

Hindi naman maikakaila na sa twing makikita kita, daraan ka, maaamoy ko ang pabangong nakasanayan ko mula sayo ay muling manunumbalik ang sandaling pinagsamahan natin. Noon na kasama pa kita, na malambing tayo sa isa’t-isa. Yun bang inaalala natin ang bawat isa, ang kapakanan mo. Hindi matatapos ang umaga, tanghali at gabi ng hindi kita tinitext kung nakakain ka na. Kung nakauwi ka na o magsasabay ba tayo pauwi. Kung tatambay muna tayo para magkape kung walang magandang palabas sa sinehan. Magpatuloy sa pagbasa

Celebration of Life

At last, nakakita na naman ako ng sandali para mag update, magsulat at buuin ang nasa sa isip ko. Bihira ito mangyari, madaling mag-isip at magsulat subalit mahirap maghanap ng oras. Marahil sa sobrang kaabalahan. Gusto kong magsulat ng positibo sa pagkakataong ito. Yun bang celebration ang feeling. Magaan. Magpatuloy sa pagbasa

Ms. Conceited

Una ko siyang nakilala sa pahayagan namin. Hindi siya adviser o patnugot, usap-usapan lang na siya ang tinutukoy sa blind item na tumutuligsa sa sinasabing pagpa-powertrip niya sa klase. Siya lang ang magaling, lagi niyang binibida ang mga karangalang nakuha niya noong siya ay nasa kolehiyo pa at noong simulang hawakan niya ang aming pahayagan. Ngayong hindi na siya ang adviser, pana’y pukol ng masasakit na salita at paninira, wala raw kaming alam, pinasok na raw kami ng makakaliwang grupo, sinasayang raw namin ang aming oras at talino kung meron man daw kami noon. Nagpapagamit lang daw kami. Lahat ng iyan lagi niyang nilelecture sa klase niya. Kaya nga ngayon lang ako kinabahan ng ganito nang makita kong siya ang magiging guro ko. Magpatuloy sa pagbasa

Tahan na

Doon siya lumaki, natuto at nagdalaga. Bagamat nakaranas mangibang bansa, umuwi siya sa tahanang kanyang kinalakihan. Malawak, maaliwalas, mababakas ang kasaganaan. Payak na bahay ngunit nakaririwasa sa pamumuhay. Sa tokador makikita ang mga larawan, kuha ng paglaki at ng mga magagandang alaala – tanda ng mahusay na pagpanday sa buhay. Hindi nagkulang ang kanyang magulang sa pagpapalaki, sa pagpapangaral, sa pagpapaliwanag kung paanong lumaban, makipagtunggali at mahalin ang buhay. Magpatuloy sa pagbasa

Itim na Lobo

Sa harap ng simbahan, isang batang ayta ang nakatingin sa bawat batang naglalakad kasama ng kanilang mga magulang. Nagkalat roon ang mga nagtitinda ng mga sorbetes, manyika at lobo. Upang makakuha ng atensyon ang nagtitinda ng lobo na may iba’t-ibang kulay, nagpapalipad ito ng lobo, sa gayon ay nasisiyahan ang mga bata at pinipilit ang kanilang magulang na bumili. Magpatuloy sa pagbasa

what is love?

Merong isang bahagi ng sarili na hindi mo kayang kontrolin. Hindi ito tungkol sa mga involuntary muscles natin. Tungkol ito sa sitwasyon ng buhay mo na hindi mo maipaliwanag kung bakit nagaganap.

Tinuruan tayo sa paaralan na ang tao may talino at kakayahang pumili, pinalaki tayo na para bang kasalanan ang magkamali. Para bang wala tayong lisensya na maging tanga dahil daw may utak tayo. Magpatuloy sa pagbasa

Ano ang kahulugan ng Pag-ulan?

Maglalabing isang taon ako noon nang mabalitaan kong namatay ang nanay ng kaibigan ko – sakit sa puso daw. Kaya pala ilang araw na siyang nawala. Pinuntahan namin siya – malayu-layo sa kanilang tinitirhan, naroon nakatanghod sa sulok. Iba ang kanyang mukha, hindi gaya ng dati na masayahin. Alam kong nagluluksa siya, masayahin at malikot siyang kaibigan. Panay lundag, takbo at kwento, pero hindi sa mga sandaling ito. Naroon ang tito niya, nagkukwento, binibida ang kababalaghan kung pa’no siya nakarating sa sulok na iyon. Kung paanong natunton niya ang pinaghihimlayan ng kanyang kapatid, sinundan niya lang daw ang amoy ng sampagita. Pinagmamasdan ko ang kaibigan ko, waring isang matandang nag-iisip. Magpatuloy sa pagbasa

istranghero

Gigising ako sa umaga, kakain, tatakbo at makikipag-agawan sa taxi. T’wing umaga, parang patintero, iba’t-ibang mukha, lahat sila, lahat ng nakikita at nakakasalubong ko; ano man ang ayos, suot o itsura… pare-pareho sila – mga ordinaryong tao gaya ko na ginagawa ang aming trabaho, ang mga nakasanayan na namin, ang comfort. Lululan kami sa mga silid o cubicle at doon tatakbo ang buong magdamag. Sa silid na iyon binubuno ang buhay, kumikita at natututo. Hanggang sa hindi na namamalayan ang pagtakbo ng oras at ang pagkakataon ay nauna na sa ikot ng orasang nakakabit sa corkboard – nagdidikta, nakabantay sa maghapon – ang panahon, sumuko na sa routine ng buhay ko. Magpatuloy sa pagbasa

the week that was

Smart Connection

Bihira akong makipag away sa CSR dahil alam kong araw-araw ay nakakatanggap sila ng reklamo at ayoko ng dumagdag kaso hindi ako nakapagpigil ng malaman kong binabayaran ko pala ang internet connection na hindi ko naman nagagamit.

Mga 2 weeks ago ay sinubukan kong gamitin ang cellphone ko na naka 3G para makapag-internet. Sobrang bagal kasi ng PLDT DSL namin sa bahay; ang teorya 1. madalas ay sabay kaming magkapatid gumamit, 2. maraming gumagamit pag gabi 3. mahaba ang linya ko dahil nasa kwarto ako at 4. Php300++ lang naman kasi ang binabayaran namin so ano aasahan mo sa murang promo. Magpatuloy sa pagbasa

Daydream

Nakatitig ako sa monitor, hindi, ang totoo nakatitig ako sa’yo. Sa’yong alaala, hindi ko alam pero nagmarka sya dito sa isip ko, hindi siya makawala – ang totoo, nakulong siya sa puso ko, naiwan siya noong mahigpit kitang niyakap. Hindi na nakawala, naiwan ka dito. Magpatuloy sa pagbasa

Ploning

Napadpad ako sa mall para panoorin ang pelikulang 2 linggo ko nang inaabangan. Ewan ko ba kung bakit ako masyadong naintriga sa pelikulang ito at dahil huli na ng malaman ko na exclusive for SM malls pala ito, dali-dali akong tumakbo mula Ayala Mall patungong megamall para habulin ang last full show ng first day nito.

Hindi naman ako nabigo, sa halip nalunod ako sa panonood. Magpatuloy sa pagbasa

Second Anniversary

Magdadalawang taon na rin ako sa trabaho, breakthrough yun. Maraming nagsabi na hindi ako magtatagal sa corporate world dahil nga NGO worker ako dati pero ang totoo, nag-eenjoy ako sa trabaho. Sa dalawang taon na yun, ang laki ng pinagbago ko, bukod sa maturity sa work, dito ako tumanda. Nagbago ng anyo ng katawan, tumaba, in short. Hayaan nyo namang i-share ko ang compilation ng mga pictures ko mula 2006. Magpatuloy sa pagbasa

Perlas

Matamang inaaninag ng buwan ang malalim na karagatan

sinusuyod ng malamlam na liwanag ang kanyang sinapupunan

tahimik, walang galaw, waring may ikinukubling sakit

at sa kanyang pagtangis, haharap sa kalawakang nagsusumamo ng pag-ibig.

Walang bulong na hindi makararating sa buwan, Magpatuloy sa pagbasa

Singapore : the magic is there

After ng mahabang kalbaryo ng pananakit ng tyan at pabalik balik sa Asian Hospital para sa check up, isang naiibang karanasan na naman ang gusto kong ibahagi.

Kababalik ko lang mula sa Singapore para sa limang araw na trabaho. Medyo kabado dahil nga first trip abroad at the same time, business trip so may expectations. Magpatuloy sa pagbasa

People Power

Pagkatapos ng 7 taon mula ng Edsa 2, tila ayaw ng bumalik ng tao sa Edsa. May People Power Fatigue na daw ang tao. Sawa na sa paulit-ulit na pagpapalit ng pinuno at nahihiya na sa mundo.

Ako rin, makailang ulit nang tinanong kung kailan ako sasama sa mga malilit na pagtitipon o kaya naman pilit kinukuha ang aking opinyon. Pabiro ko namang sinasabi na masama sa negosyo ang pagbabago. Status quo na lang. Magpatuloy sa pagbasa

halik

Simpleng aral ang tinuro sa akin, ang halik sa kamay, tanda raw ng paggalang. Kapag sa noo, pagkalinga naman. Kung sa pisngi, magkapalagayang-loob na kayo, sa madaling salita, itinuturing mo na siyang hindi iba. Pero ang halik sa labi, hindi daw maaaring kung kani-kanino lang. Dapat ay para sa mahal mo lang.

Habang nagbibinata, iniisip ko na makapangyarihan ang halik. Sagrado ito. Nakikilala nito ang wagas na pag-ibig. Gaya ng kwento, ang palaka ay nagiging prinsipe kung wagas ang pag-iibigan. Ito kahulugan ng halik sa labi. Magpatuloy sa pagbasa

Bangkang Papel

Sa tuwing uulan, sa halip na matulog upang namnamin ang lamig ng paligid, kasabay ng paghehele ng tigatik ng ulang tila uyaying mabilis magpahimbing, agad akong tatakbo kay itay.

Pupunit siya ng kaputol na piraso ng dyaryo, tutupiin hanggang sa magpantay ang bawat gilid. Tiklop, tupi, tiklop tupi at sa isang iglap, mayroon na akong bangkang papel. Magpatuloy sa pagbasa

Pagpapalaya

(huling bahagi)

Para sa inang naulila sa kaisa-isang anak, walang lalalim pa sa galit at hinanakit na naiwan sa kanyang puso. Lumalatay sa kanyang alaala ang mga sandaling unti-unting panghihina ng anak, pagkaubos ng luha at pagkawalan ng pag-asa.

Sa silid na iyon kung saan niya pinaghele, inaruga at tinuruan hanggang sa maging isang ganap na dalaga, nasaksihan niya ang pinakamasakit na kabanata sa kanyang buhay – ang maabutan ang isang anak na nagkitil ng buhay. Magpatuloy sa pagbasa

Tinig

(ikalawang bahagi)

Noong bata ako, iniisip ko lagi kung ano nga ba ang gusto ko. Nakakapressure. Para bang worth 1 million pesos ang sagot sa tanong ng magulang mo : Anak, ano bang gusto mo paglaki mo? Naaalala ko pa ang mga itsura nila, lahat ng bisita ni Papa nakaabang.

Gusto k… gusto ko pong maging pari.

Natahimik lahat. Magpatuloy sa pagbasa

Bulong

(unang bahagi)

Kilala kita. Sinusubaybayan ko ang kwento ng buhay mo. Magaan ang loob ko sa’yo. Sa isang tingin pa lang, alam kong down to earth ka. Hanga ako sa’yo dahil matatag ka. Kaya mong ihandle lahat. Napaka-cool mo.

May ilang kwento ng buhay natin na halos magkapareho. Sana tulad mo ‘ko, may sagot sa lahat ng problema.

Ilang beses na kong nagtangkang lapitan ka. Kaso nauunahaan ako ng kaba, baka kasi hindi tayo magkawavelength. Mukha kang matalino, natatakot akong matameme at hindi ko mahandle ang conversation. Simple lang kasi ako. Hindi sintalino mo. Magpatuloy sa pagbasa

Sa Muling Pagkikita

Siguro nung pinanganak ka, umuulan. Kasi nung ako naman ang iniluwal, tirik na tirik ang araw. Mahilig ako sa gulay at puro karne ang paborito mong ulam. Simple lang ako, maporma ka. Imposibleng magkasundo tayo.

Sa simula pa lang, ramdam ko ng ayaw mo sa’kin. May isang bakanteng upuan sa tabi ko pero mas pinili mong sa likod maupo, nilagpasan mo ako. E’ ano, hindi ka kagwapuhan. Nagkataon lang na magaling kang manamit. Magpatuloy sa pagbasa

Wala, Tulog!

The Stress of Being Connected.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero habang tumatagal, ang mga bagay na pinili natin para sa ating convenience ay nagdudulot ng kapaguran at discomfort.

Gigising ka sa umaga, ang una mong titingnan ay ang cellphone mo. tama o mali? Para bang may utang na loob ka agad kung may message ka sa inbox o na miss(ed) na call at hindi ka agad nakapagreply. Sa pagkakaalam ko, ginawa ang mobile phone para madali kang macontact pero hindi ito lisyensya na pag may mobilephone ka na ay wala ka ng karapatang hindi magreply.Hindi ba’t para tayong langgam na nabuhusan ng tubig at hindi mapakali kung wala tayong load at may nagtext kahit forwarded. Weird di ba? unti-unti ay nawawalan tayo ng control at nagkakaroon ng bagong kultura – ang textback culture. Yun bang pinag-aaksayahan natin ng piso (kung hindi nakaunlimited) ang magreply ng mga katagang he he. As in piso para ipaalam na napatawa ka. Lintsak, kahit ako nabiktima dito. Kinakailangan nating itext ang lahat ng ating nararamdaman. Kaya nga nagkaroon ng smiley sa text di ba. At maging buntunghininga, tinitext na natin ngayon. nakatanggap ka na rin siguro ng text na nag nakasulat lang ay sigh. OMG! hindi siya word, hindi siya text, isa itong reaksyon o kilos na nirereply na rin natin. tsk tsk tsk. Magpatuloy sa pagbasa

REUNION 2024

Kanina ko pa sila hinihintay. Ang sabi, ngayon daw ang class reunion e’ bakit kaya ang tagal nila? Ang sabi dito sa imbitasyon ay ngayon kami dapat magkikita-kita. Ito talagang Grade 6 – St. Michael. Ang bagal kumilos at ako pa ang pinaghintay. Sabagay, nararanasan ko naman ito araw-araw habang pinaghihintay nila ako sa 4th floor at sila naman ay nagkukumahog lunukin ang kahuli-hulihang pagkaing isusubo sa recess. Matapos mabilad sa araw ay papasok sa klase kong ang dudungis at nagkakalat ng masangsang na amoy; amoy-araw ika nga. Kulob pa man din ang kwarto kaya kahit anong lakas ng electric fan  at aircon ay paikot-ikot lang ang singaw sa klase. Sasabayan pa ng kamag-aral nilang ang hilig magpasabog ng di-magandang amoy. Ito ang tipikal na araw ko sa grade 6.     Nakakaaliw talagang alalahanin ang mga batang ito. Ang pasulyap-sulyap at nakaw na tingin nila sa isa’t-isa.  Si Lawrence na di makatingin pero pag nakatalikod saka tumititig. Si Emy naman kahit matalino ay eto, kilig na kilig pag napag-uusapan si…. Roland…Ronnel   ah Rennel! Tagal na kasi kaya di ko maalala. Si Viana nga pasimple pero sa grade 5 pala nakakaramdam ng pag-ibig. Hehehe, kung alam lang ng mga kaklase nila kung sino ang napupusuan ni Viana. Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanila baka nga naman magalit si Mannix at naku, kaibigan pa yata nya yun….Hmmmm sino nga ba yun? Di ko na rin maalala. Magpatuloy sa pagbasa

Bukal

“Tulungan ko na po kayo” bati ng binata sa isang matandang may bitbit na mga panggatong.”Wag na amang, kaya ko na ito.” Tanggi ng matanda. Mga pitumpu’t-limang taon na ang matanda. Puti na halos ang lahat ng kanyang buhok.

“Tirik na tirik ang araw, anong ginagawa mo rito?” usisa ng matanda.

“Gusto ko pong makita ang bukal, masarap daw po ang tubig sa bukal.” “Naku, sigurado ka ba? Malayo ang bukal at mapanganib sa mga batang tulad mo. Mukhang hindi ka sana’y makipagbuno sa mga mababangis na hayop?” Magpatuloy sa pagbasa

Sakripisyo

Bakit ka nalulungkot, bulaklak?
Naiisip kita dahon, kailangan mo ba talagang patirahin ang higad?
Oo, kailangan niyang mabuhay.
Paano ka, baka ikaw naman ang mamatay. Kakain ka lang niya!
Kailangan kong gawin iyon para mabuhay ka bulaklak
Bakit ako?
Dahil narito ako para tumulong na buhayin ka. Magpatuloy sa pagbasa

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Magpatuloy sa pagbasa

Lawin

Matayog ang lipad ng mga lawin. Doon sa himpapawid ay buong lakas nilang sinusuong ang mga ulap. Aakalain mong may kalabang sinusugod. Ganito ang kanilang pangkaraniwang buhay. Kahit mataas ang lipad ay tanaw na tanaw nila ang kalupaan. Ang munting kilos sa ibaba ay agad nilang napapansin. Madali silang nakahahanap ng pagkain. Subalit hindi sa lahat ng panahon ay naghahanap sila ng pagkain. Ang mga ibong ito ay tila mga bantay sa kalawakan. Ang mga kagubatang maninipis na o di kaya ay nakalbo na ay kanilang tinatamnan. Mula sa ibaba ay tumutuka sila ng mga prutas. Ang mga buto nito ay kagat-kagat nila at saka binibitawan sa tapat ng mga lupang bakante, o kaya naman sa gitna ng mga kagubatang unti-unting napapabayaan ng tao. Magpatuloy sa pagbasa

My Vital Statistics

Sabi sa hula, ang 2008 daw ay magiging masagana lalo na sa akin. Yahoo! Hindi ko na kailangan ng maraming lucky charm dahil charming naman daw ako este lucky naman daw talaga ang year na’to – isa pang yahoo! Dahil year of the rat, magiging malikot ang pag-iisip at laging abala, gagalaw ang taon na ito gamit siyempre ang diskarte… gaya ng mga daga.

Mukhang may katotohanan ang year of the rat. Dalawang ebidensya. Una rito ay apat na ang dagang nakikita ko kanina sa daan at sa labas ng bahay. As in OMG, kung pwede nga lang sana silang gawing pet! At isa pang ebidensya, hilong-hilo na ako sa dami ng trabaho. Halos hindi ako makahinga. Unang buwan pa lang, ay subsob na sa desk para habulin ang mga sunod-sunod na requirements. Magpatuloy sa pagbasa

Lighthouse

Naging busy ako kaya matagal ding nabakante ang espasyo ng blog ko. Siguro, may mangilan-ngilang sumisilip at nagtataka kung bakit hindi ako nakakapag-update, ang sagot – wala lang. ‘Yun ang mas pamatay – wala lang.

Hindi sa tinatamad, nagkataon lang talaga na gustuhin ko mang magsulat, nawawalan ako ng drive, parang kulang, parang pag pinilit ko – hilaw. Marami sanang magagandang karanasan kaso kapag isusulat ko na, pagod na ako at wala na akong gana.

Pauwi kanina, bilog ang buwan. Magpatuloy sa pagbasa

as red, as sweet and as classic as strawberry

if symptoms persist, check your toiletries.

Okay, sabihin na nating napakabait ng Diyos at isang araw, sa kalagitnaan ng inis sa trabaho ay biglang may makikilalang bagong nilalang. Marami sila pero sabi nga sa kanta ni Barbie Almalbis (closeup soundtrack) Just a SMILE

I wanna tell you everything, piece by piece
Won’t you come up closer
I want to, hear you breathe Magpatuloy sa pagbasa

Proud Pinoy ka ba?

Noong 2001, ako na ata ang pinakamayabang na tao sa mundo. Nobel Peace Prize Awardee ata ‘to. Gusto ko nga sanang umattend noon sa EDSA para makitanggap ng award pero siyempre, sino ba ang dapat tumanggap bilang kinatawan ng bansa kundi ang Pangulo.

Kung tutuusin mas mataas sa Nobel Peace Prize ang award, ito yung special award na binigay ng The Nobel Peace Prize Laureates Foundation (Nobel Peace Foundation). Para ito sa ating special gift sa mundo … ang Wonderful gift of the Spirit. Pagkilala ito sa Edsa 2. Magpatuloy sa pagbasa

Paruparong City

Kwento ng Paruparong Bukid na may marudbod na obsesyon sa lungsod

Sa isang malawak, mapuno at magubat na lupain sa tabi ng lungsod matatagpuan ang isang natatagong hardin. Dito sumisibol ang iba’t-ibang uri ng halamang namumulaklak, naging tahanan din ito ng mga higad na nangangarap maging isang paru-paro. Dito ipinanganak si Madam Butterfly. Magpatuloy sa pagbasa

Sanib

Dito ka lang sa tabi ko. Gusto kitang makasama, minsan pa, kahit ngayon lang. Maramdaman ang init ng ‘yong katawan. Hinahanap ko ang kalingang iyan. Sumandig ka, kahit bahagya, wala lang, gusto ko lang ng may kasama. Gusto kong maramdamang panatag ka sa akin, at ako sa’yo.

Iba ka, kaya ikaw ang gusto kong kasama. Alam mo yun. Magpatuloy sa pagbasa

My African Dream

Habang ang lahat ng mga kalaro ko noong bata pa ako ay nangangarap na magpunta sa Amerika, hindi ko alam kung anong meron sa Afrika at simula ata ng magkaisip ako ay gustong-gusto kong magpunta doon. Kaya nga  isinama ko na sa plano ko na makapagvolunteer work sa anumang bansa sa malawak na kontinente nito. Magpatuloy sa pagbasa

Paramdam ka

Ooopps, dyan ka lang! Kung sakaling mapadaan ka, para sa’yo talaga ‘to. Ang tagal na nating hindi nag-uusap. Ang tagal na nating walang communications. Kahit hi o hello, kahit forwarded text o simpleng smile sa friendster – wala. Busy ba? Medyo busy rin ako. Ang totoo, nakakapagod kaya kahit ako, hindi makatext. Pero kanina,  sa meeting, walang anu-ano, naalala kita. Natulala ako, naisip ko, ang tagal na nga pala nating hindi nagkikita. Malalim ang buntunghininga ko nun, alam ko, may kulang. Magpatuloy sa pagbasa

Cross My Heart

Musta ka na? Kelan nga ba tayo huling nagkita? Ay oo, tama. Hehehe. Nakakahiya. Akalain mong napagdaan ko iyon. Akalain mong nakasurvive ako sa relationship na ‘yon.

Okay na ko ngayon. Tama ka. Naghihilom rin ang sugat. Parang kelan lang iyak ako ng iyak at lahat na ata ng tao sa opisina ay nagsawa na sa mga bitterness ko. ‘Uy, salamat ha… salamat kasi nakinig ka. Kahit alam ko namang wala kang masabi at hindi mo alam kung anong ipapayo mo, nakinig ka pa rin. Pinaramdam mo na sincere ka. Okay na yun.

Labas tayo, my treat. Magpatuloy sa pagbasa

Telenovela at iba pa

Hindi ako sigurado kung saan aabot ang blog entry na’to, kung sinu-sino ang makababasa o kung may papansin man lang. Gayunman, magbabakasakali akong dito hilingin ang matagal ko nang inaabangan sa TV. Hindi ito tungkol sa kung anumang telenovela na sumikat sa Mexico, Korea o Taiwan. Magpatuloy sa pagbasa

mga kabanata sa buhay ni Sossy Inday

Kamakailan lang ay inulan ako ng text tungkol kay Inday. As in sunod-sunod at ang nakakaintriga pa dito ay galing sa iba-t-ibang tao. Na windang ako. sino nga ba si Inday at bakit biglang naging celebrity siya sa text, email at blog. Astig ang mga linya. Si Inday ba at si Kris Aquino ay iisa? O nanay ba ni Inday si Miriam Defensor Santiago?

Di ako nakatiis kaya hinanap ko siya at dito ko siya natagpuan: Magpatuloy sa pagbasa

Ang Sarap ng Buhay!

Hindi aapaw ang batis sa buhos ng rumaragasang talon sapagkat nakaabang ang sinapupunan ng dagat na magsisilang ng mga butil ng hamog; paakyat pababa, hahalik sa pisngi ng langit at kakawalang mga ulan.

Anupat ang dampi ng ulan ang paalala ng isang magandang buhay.

Pinagdurugtong nito ang lupa at kalawakan. Inaabot nito ang hangganan ng imahinasyon. Waring hinuhugasan nito ang maruming isip at nililinis ang kaluluwa ng sinumang madampian at makadama. Magpatuloy sa pagbasa

High School Life

sa burger king dyan sa glorietta, tumambay muna ako. kung nagtitipid kasi, dito na ko nakiki wi-fi. Dinner and internet in 1.

sa sulok ng 2nd level ako sumiksik, para naman hindi nakakahiya na mag open ng mail at magbasa ng blog. Habang nagpapakahi-tech ang mga tao sa kani-kanilang laptop, halos lumabo naman ang mata ko sa liit ng lcd screen ng cellphone ko. Magpatuloy sa pagbasa

Lugmok

Bakit nga ba mahirap at paano nga ba magmove-on?

Wala akong aklat na naisulat na tungkol sa pag-ibig o di kaya ay mga payo kung paanong makahahanap at makakawala dito. Hindi ko ito expertise.

Nabahala ako sa reaksyon at mga feedback ng blog entry ko tungkol sa move-on. Maraming natuwa at marami rin ang naantipatikuhan.

Isa lang ang masasabi ko : READ AT YOUR OWN RISK. Magpatuloy sa pagbasa

Last Will and Testament / Death Wish

Sa paghahalungkat ng mga gamit, di sinasadyang nakita ko ang isang activity paper noong nasa college ako. Isa itong epitaph. Nakasaad doon na mamamatay ako sa mismong kaarawan ko, taong 2015. Halos sampung taon mula ngayon. In short.. may taning na pala ang buhay ko… at dahil may sampung taon na lang ang itatagal ko, naisip kong gumawa na ng death wish / last will testament… yahoo!

1. Ayoko ng kristianong libing. Ayoko ng krus sa aking puntod. Naniniwala ako na ang krus ay tanda ng kamatayan at ako ay walang kamatayan. Magpatuloy sa pagbasa

Move on!

alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka.

masakit? kung gayon ay ‘wag mo ng ituloy ang pagbasa.

kung kaya mong tiisin, ituloy natin. Magpatuloy sa pagbasa

which star are you from?

sa relationship, parang kwento yan ng mga artista. halos lahat na ata ng klase ng relasyon ay maihahalintulad sa mga buhay-artista.

guy and pip

isang relasyong gawa-gawa lang at bunga ng malikot na imahinasyon. akalain mo bang bigyan pa kayo ng anak-anakan na manika? may mga kaopisinang parang mga fans na walang haribas sa pagpapartner at paggawa ng kwento ninyo. Magpatuloy sa pagbasa

Paglikha

nagsasalitan ang pala at pagpapalitada, dumadagundong ang kalsada sa t’wing uusad ang mga traktorang huhukay sa lupa habang ang martilyo, lagare at piko ay nagsasagutan. ito ang ritmo na naririnig ko madalas. ito ang orkestrang bumibingi sa akin.

kunwa’y abala ako at walang naririnig, nagpapanggap na tulala sa kanbas na nabubuo sa aking isipan. isisilang na ang isang bagong bayan – nagbibihis na ang kalunsuran.

hayaan na ang alikabok, anupa’t ang pulbos na ito’y mapapalitan ng mga pinturang lilikha ng masiglang mundo. Magpatuloy sa pagbasa

anong ulam?

simula ng matuto akong maglakwatsa, este pumasok mag-isa, mamasyal at sa kasalukuyan ay magtrabaho, ito na nga yata ang bati ko sa tuwing uuwi – anong ulam? sigurado akong hindi ako nag-iisa. kung nagsasalita ang kaldero o kung biglang aapoy ang kalan, siguro ay magsasalita ito ng anong akala mo sa’min katulong na tagapagluto at maghahain sa t’wing uuwi ka? Buti na lang at hindi sila nagsasalita. Ang pinagtataka ko lang, nagsasalita naman ang nanay at tatay ko, pero hindi ko narinig sa kanila ‘yun. laging may sagot o kung wala namang ulam ay magsasabing bumili ka na lang dahil naubusan o hindi nakapagsaing dahil ikaw na lang naman ang kakain, baka sumobra at mapanis lang. hindi naman nila ako sinagot na “bakit nag-abot ka ba?” o kaya “anong akala mo dito, restaurant?” Magpatuloy sa pagbasa

love letter

sa mga oras na tahimik ka, hindi na ko nagtataka. kilala na kita. alam kong may tumatakbo na namang ideya sa isip mo. mga materyales na patok sa mga mambabasa. mahusay ka talagang writer. maraming nagsasabi niyan – hindi lang ako.

d’yan mo nga ako nadale – sa mga sulat mo. yung mga love letters na sagot mo sa sulat ko noon, hanggang ngayon ay nakatago pa rin. ang sarap ulit-uliting basahin. para bang bumabalik yung pakiramdam. Magpatuloy sa pagbasa

Lost and Found

IM LOST. mga ilang araw rin akong walang identity. as in walang id. at sa kung anong kadahilanan ay tila naipit ako sa mundong nakatali sa mga alituntunin nilang kahit sila ay hindi nila maintindihan. sinubukan kong mag apply ng line ng telepono pero hinihingan ako ng 2 id kahit may affidavit of loss na ako. nag apply rin ako sa prc at ganun din – 2 id ang kailangan. sa sss din. anak ng tokwa. kung lahat sila ay hindi makaintindi na nahold up nga ako at nakuha lahat.. as in lahat…. wala akong id na maipapagawa. kinailangan ko pang gamitan ng charm at harm para payagan akong magrenew at magpagawa ng bago. Magpatuloy sa pagbasa

PBB Season 2 – Big 4 sa Big Dome

minsan lang ‘to para maiba ang putahe.

Kahit na hindi ako bumuboto… gusto kong makapasok sa Big 4 ang mga sumusunod:

1. Mickey

dahil may leadership, hindi takot macriticize. Magpatuloy sa pagbasa

Ano sa palagay mo?

desaparacidos. kung totoong sundalo ang gumagawa ng gayong uri ng krimen, anong edukasyon ang nakukuha nila upang manguna sa dahas, tanggaping matatamo ang kapayapaan at katiwasayan sa pamamagitan ng paglikha ng karahasan sa itinuturing pa lang nilang banta sa bayan – samakatuwid, ano ang pinagkaiba nila sa kanilang kalaban? Magpatuloy sa pagbasa

Kung sakaling may Diyos

alam kong harapin ang kamatayan, subalit wala akong sagot kung paano ko haharapin ang maylalang sakaling matanto kong sa isang bahagi ng buhay ay naroroon siya.

na siya ang may likha ng lahat at bahagi ako ng lahat.

na kung ang mga nagawa ko o ni iniisip pa lamang ay may kaukulang paghusga, at mapatunayang nagkasala higit pa sa inaasahang dami o bigat para sa isang taong dapat tumanaw ng kadakilaan, Magpatuloy sa pagbasa

ulan, ulan, sa aking bunbunan

gaya ng palaka na masayang lumulundag at kumukokak sa pagpatak ng ulan, heto ako… maligalig at nais damhin ang lamig ng bawat patak sa aking balat. kokak!

isang taon na rin akong nagtatrabaho ( na naman). Bihira na makatagal ako sa trabaho, ibig sabihin, masaya ako sa ginagawa ko. Yun nga ang nakapagtataka doon, paano akong nasisiyahan sa isang trabaho na Magpatuloy sa pagbasa

sapang-amarillo

dilaw ang kulay ng langit, kaya dilaw ang tubig.

natatandaan mo ‘to? kasama kita nung tinanong natin kay Nana Ponce kung bakit amarillo ang tawag sa sapang ito.

bihira daw na ang kulay ng langit ay gaya nito, madalas, kundi bughaw ay kulay rosas, pero dito sa atin – amarillo.

dito sa tabing sapa tayo unang namangha, dito rin tayo unang nagtanong. Magpatuloy sa pagbasa

Ang Ating Kulay

Bago pa tayo
pinintahan na nila ang buhay;
may kulay ng tuwa, ng ligalig
ng pakikidigma ng pag-asa.
Isinigaw ang kalayaan,
umaalingawngaw ang kanilang kasaysayan
sa mga telang minantsahan ng dugo Magpatuloy sa pagbasa

hold-up for the nth time

Dahil election week, may liquor ban at dahil dito boring ang mga gimikan. pumunta akong QC (weekend hangout), nag pabody scrub, at tumuloy ako sa bahay ng isang long lost friend na naassign sa mindanao para sa kanyang Development Work – saving the children from armed conflict. Pabalik ako sana sa Payatas para sa SVO LTS, pero nauwi sa kwentuhan at bahaginan ng bago niyang natutunan sa pagtugtog gamit ang instrumento ng mga Yakan (katutubo sa Basilan). Magpatuloy sa pagbasa

hold-up for the nth time

Dahil election week, may liquor ban at dahil dito boring ang mga gimikan. pumunta akong  QC (weekend hangout), nag pabody scrub, at tumuloy ako sa bahay ng isang long lost friend na naassign sa mindanao para sa kanyang Development Work – saving the children from armed conflict. Pabalik ako sana sa Payatas para sa SVO LTS, pero nauwi sa kwentuhan at bahaginan ng bago niyang natutunan sa pagtugtog gamit ang instrumento ng mga Yakan (katutubo sa Basilan). Magpatuloy sa pagbasa

gintonic

Bilib ka sa mga marunong maggitara kaya naman pinakialaman ko ang gitara ng kuya ko, pero hindi pala ganun kadali, bukod sa kalyo, sigurado akong may mahal ka ng iba sakaling magkatono ang bawat paghimay ko sa kwerdas. Hindi sapat ang hangarin kong alayan ka ng kanta, syempre, hahanapin mo pa rin ang boses niya.

Mahilig ka ring magluto kaya naman bumili ako libro na Kusina at iba pa, kaso naihain ko na ang adobo ng malaman kong pasta pala ang gusto mo. Magpatuloy sa pagbasa

10 taon sa ilalim ng makapal na ulap

1997 nang magdesisyon akong hanapin ang sarili kong landas. Tambayan ko noon ang tabi ng riles. habang binabagtas ko ito, pilit kong binibilang kung ilang makakapal na kahoy na ang tinutuntungan ko. ito ang hinahakbangan ko upang makarating sa tambayan. nakatutuwang isiping kinakaya ng mga kahoy ang tone-toneladang treng gumuguhit padausdos sa mahabang riles. kabisado ko ang oras ng pagdaan ng tren, alam kong may aksidente kung sakaling naantala ito. namamangha rin ako sa gahigante nitong makaninang waring nangangakong magdadala sa mga pangarap ng mga nakaangkas dito. Magpatuloy sa pagbasa

Ang pakikipagsapalaran ni Hipon

PAALALA: Hindi ito kwentong pambata

Isang umaga, kasabay ng pagbago ng ihip ng hangin ay ang biglang pagkabulabog ng mga lamang dagat.

“Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga lamang-dagat?” tanong ni hipon

“Nagbabago ang agos ng dagat, patungo na ito sa gawing kanluran?”

“Ha? Bakit ganun? Baka maligaw ang mga isda, paano na ang mga isda” Magpatuloy sa pagbasa

EDSA

Ang nagkrus at sanga-sangang daan
larawan ng magkakaiba-ibang paraan
sa pagkakamit ng matiwasay na kinabukasan
nang magkakasalungat sa lipunan;
ng mahirap at mayaman
ng may dunong at mangmang
ng makakaliwa’t makakanan Magpatuloy sa pagbasa

Para kay Potpot,


Pasyensya ka na kung mag-isa ka na namang naglalaro. Wala pang nakukuhang yaya ang mommy mo o ewan ko nga kung may plano pang kumuha ng yaya yun. Mahirap ang buhay ngayon, malilipat na naman sila ng project at medyo bababa ang sweldo nila. Pansamantala, kami muna ang titingin sa’yo. Ang tita mo medyo busy sa pag-aaral, mahirap naman talaga ang ECE. At saka, andito sya para mag-aral, hindi para mag-alaga sa’yo. Mahirap na at baka isipin ng mga pinsan ko sa Bulakan ay inaalipin namin siya dito. Kaya nga sa twing aalagaan ka nya, ‘wag ka ng masyadong makulit. Buti nga at inaalagaan ka pa nya kahit na ginigising mo twing madaling araw, inaapakan, kinakagat at pag hindi nagising ay kinukuha mo ang cellphone nya sa ilalim ng kanyang unan at saka mo inihahagis, maswerte kung hindi sya tamaan. Malas kung bumukol at paghinalaan kami ng mga magulang nya na minamaltrato sya. Hindi naman sila maniniwala na kahit 1 taon at kalahati ka pa lang ay masyado ng mabigat ang mga kamay mo. Hindi naman nananakit sa Barney di ba? Kanino mo natutunan ‘yan. Magpatuloy sa pagbasa

24

Alas diyes pa lang ng umaga ay may tawag na. Pupungay-pungay at kinuha ang number nang nagpapareturn call. Tinawagan ko naman, interview daw mamayang 2:30 ng hapon. My god, short notice, paano na ito at wala akong isusuot kaya tinanong ko agad ang consultant, Ma’am I have a very naïve question, do I need to come in a formal attire? Tumawa siya. No hindi naman, smart casual lang. Ah ok, smart casual. Aktwali, hindi ko rin alam kung ano yun. Hehehe pero syempre explain ako, kasi NGO work ang pinanggalingan ko kaya hindi uso sa akin ang formal. Ok lang daw. Sa bagay, baka bagsakan kita ng telepono, short notice na nga irerequire mo pa ako magsuot ng formal. Paghang ng phone- nagbrown out. Lechugas na araw! Nang-iinis. Tawag ako agad sa meralco at isang oras lang, may kuryente na. Buti na lang charming ako. Magpatuloy sa pagbasa

Pik-tyur!

Ang cellphone kong ipinagtanggol noong nakaraang buwan ay tuluyan ng nawala nang mahulog sa bus. Matapos kong kausapin ang cellphone na ito noong gabi at sinabing hindi ko siya gusto dahil sa kulay at hugis niyang ataul ay tila kusang siyang lumayo. Waste thoughts kung manghihinayang pa ako, itinawag ko na lang sa globe upang ireport at ikansel agad. After 20 minutes, cut na ang line. Saka nakiliti ang isip ko nang maisip kong mag-upgrade ng phone. This time, yung may matinong camera na at hindi lang poly. Lintsak, wala naman sigurong masama na mag-upgrade. Magpatuloy sa pagbasa

Lampin

(Isang silid na kwadrado, may laking apat na metrong luwang sa magkabilang panig. Ang papag ang nagsisilbing higaan, hapag-kainan, upuan at palaruan ng bata. Sa ulunan nito ay may isang lumang tukador na wala ng salamin, mayroon itong isang drawer na pigtal na ang hawakan. Ang pinto ng bahay ay nasa gawing paanan, banggerahan naman ang katapat nito.)Tagpo : Pasado ala-una ng umaga. Sa Tahanang iyon. Magpatuloy sa pagbasa

good friday in black jacket

magaan naman
talaga ang pakiramdam ko nang araw na’to. nakatanggap pa ako ng text
galing kay melis na merong liveaids monologue sa UP.  wala naman akong
lakad nang gabing yun kaya nagconfirm ako. akala ko, concert, wala
akong ideya kung ano ito. mahirap kumuha ng taxi mula qc ave papuntang
UP kaya tinext ko si melis na malelate ako. 7 pm kasi ang usapan namin.
7:15 na nang mga oras na yon. nasa circle din siya nang sabihin kong
nagjeep na lang ako kaya naman nagpahintay na lang ako sa jollibee
philcoa dahil nakataxi siya. naglowbat si melis. sa simula, may
kaunting agam-agam kung paano ako kokontakin dahil limang minuto na ay
wala pa ako. buti na lang at dumating ako bago pa siya mainip. Magpatuloy sa pagbasa

Ako at ang Little Prince, Ako ang Little Prince

The ONE Campaign!

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang pagkakataong nagkatugma-tugma ang tila dibuho ng aking kasaysayan. Sa isang aklat ng mga kaarawan, napagtanto ko na si Hellen Keller ay ipinanganak sa parehong araw ng aking kapanganakan. Natuwa ako.

Nagulat din akong malaman na ang Litle Prince (Antoine de Saint Exepury) ay may kaugnayan sa amin, sa aming buhay. (ayon sa aklat) Magpatuloy sa pagbasa

Sa isang tagong kapayapaan

sa pagtuklas ng kapayapaan

sa mabilis na paglamon ng dilim

sa bayan ng pangamba

aandap-andap ang gaserang

matapos mapatid ng hangin ang huli nitong ningas Magpatuloy sa pagbasa

Laing

BAYONG NG 2007

Walang bago sa bagong taon. Naisip kong ituloy ang nasimulan ko na sa halip na magbago na naman ng plataporma sa buhay. Hindi ako gobyerno o trapo na walang inatupag kundi magpalit ngplano

. Hindi ko man natapos o nagawa, pwede ko namang ituloy. Ang mahalaga, may nasimulan na at may tatapusin. Magpatuloy sa pagbasa

Magic

Habang pinagmamasdan ang gagambang gumawa ng bahay.

ang paglipat ng apoy mula sa posporo patungong kandila.

Sa mabilis na paglubog ng araw sa manila bay

mga tao sa divisoria; palinga-linga, hindi nauubusan ng pera.

Ang mabibili ng P1000 sa divisoria

Kanin at star margarine Magpatuloy sa pagbasa

Pangungulila

(nang muling magbalik ang damdamin)

Kung nagsusungit ang langit, nagsususon ang ulap

tila walang patid ang pagbuhos ng ulan,

huwag palulunod sa lumbay ni patatangay

sa walang katiyakang magdamag.

Pipilitin kong ipinta ang bahaghari

gagawing tulay patawid sa lungsod ng kaligayahan. Magpatuloy sa pagbasa

Ang makulay na tulay ni ninang at ni inay!

Magkaibigang matalik ang nanay ko at ang nanay ni Rodel.
Oo! totoong magkaibigan sila mula pa ng malilit pa sila.
Madalas silang makitang magkasama.
Nagkukuwentuhan, nagtitirintasan ng buhok, magkasamang nagpapalinis ng kuko, naglalagayan ng make-up sa mukha, naghahatiran ng ulam at naririnig ko pang nagngingisngisan sa t’wing pinag-uusapan ang mga tatay namin. Magpatuloy sa pagbasa

Nang minsan kaming maging kalabaw

1997, unang taon sa kolehiyo at magpapasko. Agad akong nag impake ng mga damit papuntang
Cabanatuan. Ito na ata ang unang pinakamatagal na byahe ng buhay ko. Kung anu-anong kumalat na balita tungkol sa kaibigan ko. Magpapakasal na daw sa iba, nabuntis na daw, iniisip daw na magpalaglag at marami pang hindi tiyak ang kasagutan. Boyfriend din niya ang kaibigan ko at siya lang ang nawalay sa amin dahil doon na siya nanirahan. Siguro nasa 7 kaming pumunta. Magkakatropa. Magpatuloy sa pagbasa

Kung bakit 7 PM ang fireworks sa Intramuros

Akala ko sa pelikula lang pwedeng mangyari yun. Halos sumabog ang dibdib ko at nautal-utal pa nga. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo na mahal na kita. Pero nung mga oras na yun, kinalimutan ko ang hiya, sinubukan kong sabihin sa’yo hindi lang para hingin ang sagot mo kundi pati saklolohan mo ko. Magkaibigan tayo di ba? Nasa krisis ako ngayon. Isang malaking krisis ng buhay ko ang ibigin ka. Magpatuloy sa pagbasa

Bulalakaw

Sa Davao del Norte ko nakaulayaw ang mga bulalakaw. Kinailangan kong makipamuhay sa mga Dibabawon sa maikling sandali upang mapakinggan ang kanilang mga karanasan at gayundin ay makapagbahagi. Edukasyong Pangkatutubo ang paksa namin at layon namin. Nakapagsimula na sila at sa totoo lang, mahusay ang kanilang pagkakabalangkas ng kurikulum. Magpatuloy sa pagbasa

kasi teacher ka…

kung lalagyan ng plot ang buhay mo, kulang ang isang libro para idetalye ang mga ginagawa mo. Isang kurso ang kinakailangan para pag-aaralan kung paano ka kikilalanin at kung paano ka uunawain. alam mo ng mahirap ang kursong yan at hindi mataas ang pagkilala sa ganyang propesyon, itinuloy mo pa rin. alam mo ring mahirap ang trabaho at paulit-ulit mong sinasabing huling taon mo na ‘to, sa huli… ikaw rin ang tumatawad at nanghihingi ng isa pang pagkakataon upang unawain ang kinalalagyan mo ngayon. nasasaktan ka ng paulit-ulit at halos ayaw ka ng pakinggan ng mga kaibigan mo dahil sa mga litanya mo, pero natututunan mo pa ring pakinggan ang nilalaman ng puso mo. may pagkakaton naman na mag-iba ng trabaho pero nakikipagmatigasan ka at sinasabing hindi lang trabaho ang hanap mo kundi kabuluhan. Magpatuloy sa pagbasa

school bus

namamaos na ang aircon sa kabubuga, halata na sa maingay at gasgas nitong tunog. Gayundin, ‘wag idalanging malubak at papatak ang tubig mula bunganga nito. Maswerteng nakakuha ng upuan sa tabi ng bintana ‘ngalang hindi pwedeng sumandal. Naglilimayon ang maliliit na ipis na padaan-daan at tumutulay sa bintana. Gabi na, madilim at makapal ang usok sa labas mula sa mga tambutso ng sasakyan. Walang matanaw at kung mayroon man, nahaharangan ng mga sulat Hapon o Intsik na nasa kulay pula. Matagal na ‘tong nakapaskil at nakikita sa mga bintana ng bus ngunit hanggang ngayo’y walang makapagsabi ng kahulugan. Minsang naiisip na lang na baka ang nakasulat dito ay Hudas not pay or God Bless our trip. Pwede rin sigurong basta driver sweet lover. Sa bawat gilid ng bintana ay may pindutang hindi naman gumagana. Kahit hindi nauunawaan ang nakasulat, natitiyak na ang tinutukoy rito ay pindutin kung bababa. Magpatuloy sa pagbasa

Doon Po Sa Amin

para sa kaarawan ng isang Australyanong kaibigan na si Jarrah – kasamang nakipamuhay sa piling ng mga katutubo.

Nagkaroon ng pagtitipon ang mga katutubong guro na naninirahan sa Luzon. Ang mga nagsidalo ay ang mga Ayta ng Botolan Zambales, Ibaloi at Kankana-ey ng Benguet at mga Guilayon ng Kalinga. Ang pagtitipon ay naganap sa Quezon City noong Mayo taong 2005. Layunin ng pagtitipon na makabuo ng sariling kurikulum ang mga katutubo; mga aralin na angkop sa kanilang pamumuhay at tumutugon sa kanilang pangangailangan. Magpatuloy sa pagbasa

Blue Jeans

Nandidito kami ngayon Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod nang kayod hanggang sa mapagod Maagapan ang natatanaw

motivation. sa ngayon, wala ako nito. sa dami ng theories on motivation, ni isa ay di ko madigest. unlike before. Magpatuloy sa pagbasa

Merry Christmas!

Medyo mabigat ang buwan ng Agosto, buti na lang at tapos na Sa simula pa lang nararamdaman ko na na maraming maaaring maganap na hindi inaasahan at nagkatotoo nga. Hindi ko alam kung sadyang nasanay ako sa sinasabing nakatakdang kaginhawan pagkatapos ng unos kung kaya’t nasasabi kong maaliwalas at maraming kapana-panabik na nagaganap sa buhay ko ngayong Setyembre. O siguro nga bahagi na rin ng kagustuhan kong maging maayos naman ang buwang ito. 2 bagay ang nararamdaman kong magpapabago sa kasalukuyang takbo ng buhay ko; kung ano yun, hindi ko matiyak. Nag-iisip-isip ako nitong mga huling araw sa isang desisyong maaari kong gawin para sa darating na araw. Naghanap ako ng sign. Hindi ko ito madalas ginagawa, napipilitan akong gawin ito kung hindi ako makapagdesisyon at hindi malinaw ang nararamdaman ko; baka kasi hindi ko mailayo ang personal na saloobin. Ngayon ang huling araw na itinakda ko para makita ang sign pero kanina sa opisina naisip kong mukhang walang sign na darating. Nagdesisyon akong dumaan na sa Glorietta (araw-araw kong daan pauwi), sobrang traffic! Nakatulog ako at pagmulat ng mata ay sumambulat ang isang lalaki sa bintana na nagbebenta ng sign na hinihingi ko at para talagang iniaabot pa sa akin. Ayoko sanang tingnan dahil hindi rin naman ako handa sa desisyong ito subalit nang ibaling ko ang tingin sa kabilang bintana ay isa na namang lalaki ang may hawak nito at tila gustong ibenta sa akin. Magpatuloy sa pagbasa

Mang Jose

Maligayang kaarawan. Kumusta ka na? Dalaw ka naman sa amin. Akong bahala sa accommodation. Hindi ka kasi pwedeng tumira sa dati mong bahay kung ayaw mong maistorbo sa yapak ng ‘sandaang taong panhik panaog dun araw-araw. Museo na kasi ‘yun. ‘di ka na mareach. Kahit saang lugar may kalyeng nakapangalan sa’yo. Lahat ng tao ni batang gusgusin ‘e kilala ka. Aba, kahit saan, matatagpuan ang ulo mo! Alam mo ba, dati nasa piso ka rin? Magpatuloy sa pagbasa

50th blog

GOODNEWS. sabi ni mabel (roco), madali raw malaman kung ang isang bagay ay para sa’yo. Mararamdaman mo daw ‘yun. Yung bang kahit mahirap ay parang nagiging magaan, yun bang parang may magic! Tama siya. Magic!

BADNEWS. Kalahati na ng taon, 3 pa lang ang naaaccomplish ko sa aking new years resolution : 1. Magtanim ng puno 2. Magpalaya ng ibon o kaya isda 3. Dumalaw sa mga matatanda 4. Mag-alaga sa bahay ampunan 5. Sumulat ng kuwento o tula 6. Mag-hiking 7. Magvisit sa museum 8. Dumalaw sa dati kong school 9. Mag-offer sa church 10. Mag-initiate ng peace sa dating kasamaan ng loob 11. Mag-abang ng falling star 12. Maligo sa ulan. actually hindi naman sya resolution, para syang plans. Magpatuloy sa pagbasa

Paunang Salita

Maalinsangan.
Katatapos lang ng uplate, 2:10 am nang isalang ko ang mga damit sa washing machine. Matapos kong ilagay ang ariel at downy sa container, sumibat na ako at umakyat sa kwarto ko. Minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon, yun bang malikot ang isip mo, nagkalat ang mga ideya pero hindi mo masimulang magsulat. Hindi mo alam kung saan magsisimula. Magpatuloy sa pagbasa

Dito ang Dentista

DITO ANG DENTISTA

Our newly renovated clinic is now open and is serving with two dental chairs. Please visit us at #1 Gen. Santos Avenue Daanghari Bicutan Taguig City (2nd flr of Villarica Pawnshop).

Blog_3Clinic hours:

Mondays to Saturdays

9am-6pm

For appointment please call us at 8392114.

Our dentists:

Melody Umali-Aniceta DMD – orthodontics

Charmaine Alcantara DMD

Amy Timoteo – Perez DMD

where to find us:

Slide1_1

‘Tekel’ ( Tinimbang ka Ngunit Kulang)

Sulat mula sa bangko ang nagpaikot sa pwet ko, ‘bayad na ako ah, ano na naman ‘to?’ Tawag sa customer service, press 1 for blah blah subscriber press 2 for blah blah. Okay, press 1 ako at marami pang press para umabot sa kanila, sa dulo kailangang i-enter ang account number then pin number saka ko pa lang nakausap ang customer service representative. Nagpakilala na ako at di pala sapat ang pangalan ko, kailangan ng account number for verification, birthday, address, at kung anu-ano pa. Ang katapusan, sumobra daw ako ng bayad kaya hiningi naman ang account number ko isa pang bank account para daw maibalik ang sobrang singil (at hindi naman naibalik dahil kinonvert nila sa reward points e pinacancel ko na naman yung card na yun so wala rin). Magpatuloy sa pagbasa

PNU

Bannerback Sa internet shop, sa pnu. Naghihintay. 11am usapan. 9:30 pa lang. Tambay muna sa i-shop. Graduation na naman pala bukas. 5 taon mula nang aming graduation. Medyo luntian ang lupa. Parang alpombra. Nagbibigay karangalan sa sinumang daraan.

Malaki na nga ang pinagbago ng pamantasan. May mabuti namang naidulot ang pagtaas ng tuition fee na noon pa namin isinusulong (hahahaha). Magpatuloy sa pagbasa

Last Will and Testament / Death Wish

Sa paghahalungkat ng mga gamit, di sinasadyang nakita ko ang isang activity paper noong nasa college ako. Isa itong epitaph. Nakasaad doon na mamamatay ako sa mismong kaarawan ko, taong 2015. Halos sampung taon mula ngayon. In short.. may taning na pala ang buhay ko… at dahil may sampung taon na lang ang itatagal ko, naisip kong gumawa na ng death wish / last will testament… yahoo! Magpatuloy sa pagbasa

Chinese New Year sa piling ng mga Ayta

hindi ako kumportableng kausap ang mga government officials kaya nga nung huling fieldwork ko re language curriculum workshop ay siniguro naming walang contact sa municipal hall. anyways, hindi naman para sa kanila ito. unfortunately dahil bisita pa rin ang turing sa amin (na hindi naman dapat) ay mega text ang elder namin sa mayor informing him na andun kami… kaya agad na nagparamdam ang mayor at nag imbitang magdinner sa kanila. no choice kundi mag smile at sabihing, sure, salamat… we’ll be there, blah blah blah..(shake hands dito, tapik sa likod, konting kwento grrrr ako na ata ang pinakaplastik na tao sa mga oras na ‘yon!) sayang at plano pa naman naming manood ng battle of the band sa kalapit na brgy. Magpatuloy sa pagbasa

hikbi sa bukang liwayway

isang baso ng malabnaw na kape
magpapainit sa sikmurang nangangate
hayaan na sa walong anak ang bigas na sangtakal
at sabaw ng sinaing sa bunsong nangangatal.
“Hamo anak, wag masanay sa ligalig,
hindi lahat ng panahon tayo’y tigib Magpatuloy sa pagbasa

Sunog! Sunog!

January 10, 8:40 PM, habang pinapatulog ang pamangkin, umalingawngaw ang balitang hindi gustong marinig ninuman… May Sunog sa kapitbahay!

Walang apoy na makikita sa bintana pero ang yabag nang nagkakagulong tao at hiyawan sa labas ang nagpakabog sa dibdib ko.

Report agad sa 117, buti na lang at may nakapagreport na raw agad. Magpatuloy sa pagbasa

Bakit ako sasali sa mga kilos protesta? F**k them!

Masasabi kong maaliwalas ang Pilipinas nang ako ay isilang. Tatlong taon lang ako nang mamatay si Ninoy at anim nang magkaedsa revolution. Sa gunita ko, mas naaalala ko pa ang pagdating ng Menudo at pagkamatay ni Julie Vega.

Noong kudeta sa panahon ni tita cory? Yipeee walang pasok! Pakiaalam ko sa RAM! Mas nayanig ako sa lindol noong 1990 at pagputok ng Pinatubo pero syempre naaliw ako sa Ash Sunday! First time na umulan ng abo!

Noong umalis ang base militar? Aba syempre isa ako sa nagnais na manatili ang amerikano, ‘pano na pag nagkakudeta ulit? Pero syempre ok lang sure na ililigtas naman tayo ni Shaider o di kaya ni Enteng Kabisote, sasamahan pa ni Pibo at Bioman!

Sinong nawawala… anong desiparacidos? Mas nalungkot ako nang nawala na si Pong Pagong! Pero ok lang, dumating naman ang tagalize na flying house at superbook. Magpatuloy sa pagbasa

im back. (oh my god!)

after 5 months na walang blog at pagpapakadalubhasa sa pagsusulat ng modyul… balik job hunting (na naman).  Syempre ang walang kamatayang tanong na So values education major ka pala? ay umaalingawngaw na naman sa tenga ko… na para bang big deal sa mga interviewer… naiisip ko tuloy… alin ba ang mali… ang VE o ako (at naririnig ko kayong lahat na sumisigaw na IKAW!). So narito po ang sandamakmak na questions, expectations, misconception at kung anu-ano pang tion.

_____ Magpatuloy sa pagbasa

Temporarily Unavailable

ATM, telepono, Internet site, cable channel etc.

Broken, may damage o minsan kailangan lang i upgrade

Underconstruction

2 things:

nakakalungkot, nakakainis kasi inaccessible lalu na pag urgently needed Magpatuloy sa pagbasa

Nasa Pilipinas ba ang Edsa?

alas 2 ng madaling araw.

SA EDSA

Bakit sa kabila ng maliliwanag na ilaw sa Edsa ay madilim ang buhay ng nakararami??

Paano napupuno ng billboard ang edsa kung wala namang maipambili?

Sa taas-babang daanan sa edsa, bakit tila panay pababa ang byahe ng ekonomiya? Magpatuloy sa pagbasa

Para kay Mags at Lisa… sa piling ng mga bayani ng KKK at mga kabayanihan natin.

Bumubuhos ang ulan. Wala akong payong. Walang bubungan ang mga overpass ni bayani. Maari ng pigain ang suot kong damit pero ayos lang, namiss ko kayo.

matagal na nga nang huli tayong magkita. Ang bilugang ulo mo mags ay balot na naman ng buhok at ang tiyan ni lisa ay bilugan na naman. Magpatuloy sa pagbasa

Taong Labas

October 4, 2004 – Botolan Zambales

Mag-aanim na buwan na akong pabalik-balik sa lalawigang ito subalit sa lahat ng pakikipamuhay ko, naiiba ngayon. Isinama ko ang bago kong katrabaho. Isang taon siyang magtatrabaho bilang volunteer sa Pilipinas.

Sa bahay ng kapatid ng isang gurong ayta kami nakitira. Madalas kapag gumagabi, simula ito ng huntahan; kwentuhan ng buhay ng ayta. Mga kakatawang kwento na madalas nilang ibinibida. Bagamat pinipilit nila kaming pasayahin, iba ang pakiramdam ko. May halong kaba at malakas ang kabog ng dibdib. Magpatuloy sa pagbasa

Kainan na!

Kung pagkain ang pag-uusapan, marami rito ay hindi ko malilimutan.

Masarap ang bagnet sa Laoag pero sa sobrang mahal nung naorder namin, naisip ko, sana umorder na lang ako ng chicharon kay Rhowie.

Kakaiba nga ang pinikpikan, malasa, sabaw pa lang ulam na. Pero nung hinain sa amin ang ulo ng manok na nangingitim na dahil sa makailang ulit na sinampal para sa dagdag na lasa, nawalan ata ako ng gana ng sumambulat ang namuong dugo. Magpatuloy sa pagbasa

Byaheng Panghimpapawid – Isang Simpleng Hiling

Nuong bata ako, ang pagsakay sa eroplano ay isang pangarap lang. Sa katunayan, isa itong hiling na matagal kong pinangarap. Lagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam pag nasa itaas. Pilit kong iniisip kung ano ang hitsura ng lupa mula sa ibabaw, kung anong mayroon sa ulap, kung umuulan rin sa itaas, kung may kasabayan akong ibon na makikilipad, kung may traffic light din at marami pang kung. Magpatuloy sa pagbasa

4X4

Sa mga liblib na bayan ng Benguet tulad ng Atok, Mankayan o kahit sa lalawigan ng Kalinga, hindi nawawala ang sasakyang 4X4. Sumisirko ang gulong nito sa mga malalaki at nakausling bato na aming dinaraanan. Halos halukayin ang mga putik at makipagpatintero sa mga bangin. Bagamat may daan, tanging ang gulong lamang nito ang makakayang sumuong sa masukal na pamayanan ng mga katutubo. Magpatuloy sa pagbasa

Habal-Habal

August last year nang una akong makasakay ng habal-habal. Kung hindi ako nagkakamali, August 10 o 11, 2004 yun. Mula sa Tagum Davao, sinundo kami ng habal-habal papunta sa Kapalong. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Davao. Sa mga baguhang tulad ko, talagang exciting ang sumakay sa habal-habal. Magpatuloy sa pagbasa

Unang Istasyon

Iba’t-ibang sasakyan sa iba’t-ibang panahon, patungo sa iba’t-ibang landas na tumahak ng iba’t-ibang daan; may paliko, may baku-bako, may malubak at minsan rin ay may patag, may tuloy-tuloy,  may maluwang pero meron ding makipot, may matirik at mapanganib gayunman, pinakamahirap tahakin ang daang nagkrus. Madalas sa mga byaheng ito, walang balikan, subalit maaaring huminto kapalit  ang bawat pagpihit ng oras. Pwedeng pumili ng sasakyan o minsan maaaring maglakad. Mainam na nakasapatos o kahit anong panyapak subalit may landas na mabuting tahakin nang nakapaa habang hinihimod ng talampakan ang bawat batong nakahambalang sa nilalarakaran. Mas matimyas sa damdamin ang makarating sa patutunguhang dinanas ang hirap. Sa pakikipag-isa ng balat sa lupang tinukuran, walang mas mananaig na kaligayahan. Magpatuloy sa pagbasa