Para sa Blog na Libre Lang ang Mangarap

Bihira akong sumuporta sa mga bloggers kapag kinakailangan nila ng boto sa mga patimpalak dahil marami sa kanila ay kaibigan ko at madalas ay pare-pareho silang nominado. Umiiwas lang ako sa tampuhan. Pero sa pagkakataong hindi, kinakailangan kong manindigan at magbigay boto (na kailanman ay hindi ko ginagawa dahil hindi rin ako bumoboto sa local o national election, lakas mo sa’kin Otep) para sa isang blog / blogger na may malaking impluwensiya sa buhay ko dito sa blogworld.

Nakilala ko si Otep at ang kanyang Libre Lang ang Mangarap halos apat na taon na ang nakakaraan. Hindi pa masyadong sikat ang mga patimpalak sa mga bloggers. Nabasa ko ang kanyang blog at pausong exchange link requirement para tumaas ang hits at dumami ang mambabasa. Umakyat ang hits nya lalo na sa kanyang entry na Ako Mismo. Magpatuloy sa pagbasa